LOGINKinabukasan ay masarap ang gising ni Sebastian. Pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na biglang nawala sa kanyang dibdib.“Good morning, honey...” nakangiting bati niya kay Evelyn nang mapansing gising na rin ito.Agad siyang tinaasan ng kilay ng asawa. “Nanaginip ka pa ba? Matulog ka ulit.”Napatawa siya sa naging sagot nito. “Gising na ako. I just said good morning. Wala ka bang sagot?”Pero hindi pa rin siya pinansin ni Evelyn. Sa halip ay kahina-hinala pa ang tinging ibinigay nito sa kanya. Marahil ay nawe-weirdohan ito sa kanyang inaasal. Hindi naman kasi siya dating ganito. Kapag nagigising siya sa umaga, hindi siya iyong tipong babati agad ng good morning sa kanyang asawa. Kadalasan ay diretso agad siya sa pag-uutos na tulungan siyang makasakay sa wheelchair.Pero hindi na niya pinansin ang pagsusungit ni Evelyn. Tumayo siya mula sa kama at dumiretso sa banyo para maghilamos. Paglabas niya ay nahuli pa niyang nakanganga si Evelyn habang nakatitig sa kanya.“Bakit ka tumayo?”
“Jolie!…”“Kahit maging kabit mo lang ako... okay lang sa akin. Ang importante sa akin, may tatay ang anak ko.”Nanigas ang mukha ni Tyler. “That’s insane, Jolie!”Napapitlag siya sa lakas ng boses nito. Agad siyang binitiwan ni Tyler sa pagkakayakap at hinawakan sa magkabilang balikat. Halata sa mukha nito ang galit at hindi makapaniwala sa narinig.“Bakit ka nag-iisip nang ganyan? Bakit kita gagawing kabit?”“Tyler…”“Wala akong ibang pakakasalan kundi ikaw!” mariing sabi nito. “So stop thinking nonsense!”Napangiti siya, pero namamasa pa rin ang kanyang mga mata. Hindi kasi gano’n kasimple iyon. Hindi niya kontrolado ang mangyayari bukas. Hindi rin nila alam kung hanggang saan kayang ipaglaban ni Tyler ang relasyon nila kapag mismong pamilya na nito ang humadlang.“Kinausap ko na sina Lolo Gregore at Lola Beth…” mahina niyang sabi.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Tyler. “Tungkol saan?”“Napag-usapan na namin.” Huminga siya nang malalim bago muling tumingin dito. “Kung ano’t ano
JOLIE’S POV:Mangiyak-ngiyak siya sa sinabi ni Lolo Sebastian. Ang totoo, alam niya ang tungkol sa alyansa sa pagitan nina Tyler at Catriona. Matagal na niyang alam iyon, nagmaang-maangan lang siya dahil ayaw niyang masira ang masasayang araw ng lahat kung bigla siyang mag-iinarte o gagawa ng eksena dahil doon.Isa pa, hindi naman siya pinababayaan ni Tyler, nangako itong aayusin ang lahat. Kaya pinili niyang magtiwala. Tiwala siya sa nobyo niya, alam niyang mahal siya nito, kahit minsan ay hindi niya pa rin maiwasang magduda at matakot. Alam niya kung gaano kahalaga ang alyansa sa Scotland. Para na iyong isang batas na mahirap suwayin, lalo na kung ang nakataya ay pangalan, kapangyarihan, at interes ng dalawang pamilya.Pero ngayon, matapos siyang kausapin ni Lolo Sebastian, hindi niya napigilan ang sariling maiyak. Sinabi kasi nitong sasama siya bukas at gusto pa nitong magpaganda siya para sa party. Hindi niya alam kung bakit, pero parang may kung anong mainit na damdaming yumakap
Maya-maya ay tumunog ang cellphone sa kanyang bulsa. Napatingin siya sa screen… Attorney Smith.Agad na bumalik ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Tumahimik naman si Jolie nang mapansing may tatawag sa kanya.“Kukuha lang po ako ulit ng gatas, Lolo,” sabi nito bago tumayo.Tumango lang siya saka sinagot ang tawag. “Hello?”“Hello, Sebastian. I already have the information you asked for.”Bahagyang inayos niya ang kanyang pagkakaupo. “That was fast.”“I sent everything to your email. You can check it yourself.”“All right. Thanks.”“Call me if you need anything else.”“I will.” Ibinaba niya ang tawag. Unti-unting nawala ang saya sa kanyang mukha. Muli niyang naalala ang tungkol sa mga Mackenzie at ang party bukas.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung paano kakausapin si Craig tungkol sa desisyong umatras sa matagal na nilang pinag-usapang marriage alliance. Hindi iyon magiging madaling usapan, lalo na ngayong mukhang seryoso na ang mga Mackenzie sa bagay na iyon.“Lol
Ang totoo, wala naman talagang malubhang problema sa kanyang mga binti. Malakas pa siya, tamad lang talaga siyang maglakad.“S-Sige,” alanganing sagot niya.Agad namang ngumiti si Jolie na para bang may malaking tagumpay itong nakamit. Tinulungan siya nitong tumayo mula sa wheelchair. Napangiwi siya habang inaayos ang kanyang tindig, bahagya iyong kumirot dahil nanibago sa pagtayo. Dahan-dahan silang bumaba ng hagdan. Mahigpit ang pagkakahawak ni Jolie sa kanyang braso, tila takot itong baka madulas siya.Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Nakakatawa… siya pa talaga ang inaalala nito samantalang buntis din ito at mas kailangan nitong mag-ingat.“Dahan-dahan lang, Lolo,” paalala nito.“I know how to use the stairs.” masungit niyang sagot.Napanguso si Jolie. “Eh, di wow!”Napalingon siya dito, pero mabilis nitong ibinalik ang inosenteng ekspresyon sa mukha. Wala siyang sinabi. Pero sa kaibuturan niya ay gusto niyang matawa.“Bakit nga pala hindi ka sumama sa amin kani
SEBASTIAN’S POV:May pait sa ngiti ni Sebastian habang pinagmamasdan ang pinakamamahal niyang apo na lumalabas ng silid. Oo, galit siya, may bahagi pa rin sa kanyang isip na nagsasabing kailangang magpakasal ni Tyler sa isang Mackenzie.Hindi lang iyon simpleng kasunduan sa pagitan ng dalawang pamilya. Maraming nakataya roon… ang pangalan nila, ang katayuan ng mga Blacksmith sa Scotland, at ang kapangyarihang ilang henerasyon nilang pinaghirapang buuin.Pero kung hindi iyon ang gusto ng kanyang apo... Kung hindi iyon ang magpapasaya kay Tyler... Marahil ay panahon na para lunukin niya ang kanyang pride at ibigay sa apo ang kalayaang matagal na nitong hinihingi.Hindi basta-basta ang desisyong iyon. Malaki ang maaaring mawala sa kanila kapag tinalikuran niya ang kasunduan. Maaaring maapektuhan ang katayuan ng kanilang pamilya sa Scotland. Maaaring masira ang ilang dekada nang relasyon sa mga Mackenzie... pero ano ba talaga ang mas mahalaga sa kanya? Kapangyarihan? Pangalan? O pamilya?.
ARIA’S POV:Maggagabi na pero wala pa rin si Clarkson. Nag-aalala na siya, hindi niya alam kung saan hahanapin ang nobyo. Muli siyang lumabas ng kwarto at pinuntahan ang mga magulang. Nasa sala ang mga ito at nag-uusap kasama ang mga ninong at ninang niya.“Mom, Dad, hindi pa rin ba dumadating si C
“Lola?”“Apo… andito ka na ba sa Pilipinas?”“Opo, Lola. Bakit ka po napatawag? Gabi na, hindi ka pa ba natutulog?” nagtatakang tanong niya“Ah hindi kasi kami makatulog ng lolo mo. Para kasing may kaluskos kaming naririnig sa labas. Wala pa naman ang Tito Toto mo dito.”“Kasama ko po si Tito ngayo
VICKY'S POV:"Hindi… hindi maaari ’to… hindi pwedeng mawalan ako ng lisensya sa pagiging doctor. Ano na lang ang sasabihin ng mga kakilala at pamilya ko?"Paroo’t parito siya sa kanyang bahay habang nag-iisip. Hindi muna siya pinapasok ng director ng ospital habang iniimbestigahan pa ang kaso nila
Sa eroplano ay hindi siya mapakali. Parang gusto niyang sabihin sa piloto na bilisan ang pagpapalipad sa eroplano. Uwing-uwi na siya sa kanyang fiancé. Hindi niya alam kung mae-excite o matatakot sa aabutan niya.May stopover pa siya sa Istanbul, lalong nagpapahaba ng biyahe niya. Wala na kasi iban







