Mag-log inHindi naman nagtagal ay dumating na rin si Tyler. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Raquel. Parang isang iglap lang ay nawala ang malamig at mapanlait nitong anyo at napalitan ng napakabait at propesyonal na ngiti.Kung hindi pa niya nakita kung paano ito umasta kanina, malamang ay mapapaniwala rin siyang mabait talaga ang babae."Are you done, guys?""Yes, Tyler. We're done." Si Raquel agad ang sumagot."Madali naman kausap si Miss Jolie. Ang gusto niya ay simple lang daw at ayaw niya ng masyadong maraming arte sa birthday party niya."Ngumiti si Tyler. "Yeah. Ganyan nga palagi ang sinasabi niya."Napatingin si Jolie kay Raquel. Wala naman silang napag-usapan. Sa katunayan, puro pang-iinsulto lang ang ginawa nito sa kanya mula nang umalis si Tyler. Pero ngayon ay para bang matagal silang nagkaroon ng maayos na pag-uusap."Pero ayoko ng simple lang, Raquel," sabi ni Tyler. "I want the best for her. Dapat bongga ang party niya. Iyon din ang gusto nina Lola para sa kanya.""Per
***Kinaumagahan ay umuwi na rin sila sa Manila. Gusto pa sana ni Jolie na manatili pa sila nang ilang araw sa resort, ngunit tumawag si Raquel, ang manager ng Miller Hotel. May ilang detalye raw itong kailangang isangguni sa kanya tungkol sa nalalapit niyang birthday celebration.“Don't worry, love. Pwede naman tayong bumalik dito anytime you want.” Malumanay na sambit ni Tyler nang mapansin ang lungkot sa kanyang mukha.“This place is already ours, remember?”Napangiti siya. Sabagay, tama naman ito.Pagdating nila sa Manila ay dumiretso agad sila sa Miller Hotel. Pagdating pa lang nila sa lobby ay sinalubong na sila ng isa sa mga guwardiya.“Good afternoon, Mr. Tyler. Miss Jolie.”Ngumiti sila at magalang na tumango bilang tugon.“Nasa opisina po si Ma'am Raquel. Hinihintay po niya ang pagdating ninyo.”“Thanks, Kuya,” sagot ni Tyler.Agad silang nagtungo sa opisina ng manager. Pagdating doon ay kumatok muna sila bago pumasok. Ang sekretarya ni Raquel ang nagbukas ng pinto.Ngunit b
Nang matapos ang kanilang usapan ay pinatay na ni Jolie ang tawag at ibinalik ang cellphone sa kanyang bag. Napansin niyang tahimik na nakatingin sa kanya si Tyler. May kakaiba itong ngiti sa labi. Iyong tipong ngiti na alam na alam na niya ang ibig sabihin.“Would you like to stay here for a night, love?” Mahina at malambing ang boses nito.Agad siyang napatitig rito. Ayan na naman, kabisado na niya ang tonong iyon. Sa tuwing ginagamit ni Tyler ang ganoong boses, siguradong may binabalak ito. At kadalasan, wala iyong kinalaman sa negosyo.Bahagya siyang napailing habang pilit na pinipigilan ang pag-init ng kanyang mga pisngi.“Tyler...”Napangiti lamang ito. “Ano?”“Alam ko ang tingin na 'yan.”“Anong tingin?”“'Yong tingin na parang may masama kang balak.”Napatawa si Tyler. “Masama agad?”“Huwag mo akong lokohin!”Mas lalo lang itong natawa. Sa totoo lang, wala naman siyang nakikitang masamang dahilan para tumanggi. Malapit nang lumubog ang araw at nagsisimula nang dumilim ang kala
Hindi pa man sila nakakapag-park ay may isang lalaking naghihintay na agad sa kanilang pagdating.Pagkababa pa lamang nito mula sa hagdan ng main building ay hindi na napigilan ni Jolie ang mapanganga. Matangkad ito, maputi, at napakaguwapo. Para itong modelong lumabas sa isang magazine cover.Napalingon siya kay Tyler. “Artista ba siya? Ang gwapo niya naman.” bulong niya. Hindi sumagot si Tyler. Sa halip ay bahagya itong sumimangot.“Hey, bro!” Masiglang bati ng lalaki nang makalapit sila.“Bro, kumusta?” bati rin ni Tyler.Pagkatapos ay bumaling ang lalaki kay Jolie. “You must be Miss Jolie? I'm a fan. Mas maganda ka pala talaga sa personal.” Ngumit ito na parang nagpapa-cute.Biglang uminit ang kanyang mga pisngi. “Ikaw din... ang gwapo mo.”Pagkasabi niya noon ay agad siyang napangiwi. Naku! Bakit niya sinabi iyon nang malakas?Dahan-dahan siyang lumingon kay Tyler at halos mapalunok nang makitang seryoso ang mukha nito. Samantalang natawa naman ang lalaki.“Hahaha! Palabiro ka p
JOLIE'S POV:“Love?”Napansin ni Jolie si Tyler na nakaupo sa sofa sa sala. Nakaharap ito sa umaandar na telebisyon ngunit halatang wala roon ang atensyon nito. Abala ito sa pagtitig sa cellphone habang mabilis na gumagalaw ang mga daliri sa pagta-type.Mukhang may ka-chat ito at tila napakahalaga ng kanilang pinag-uusapan dahil ni hindi man lang nito narinig ang unang pagtawag niya.“Love!”Muli niya itong tinawag, ngunit sa pagkakataong ito ay mas nilakasan na niya ang kanyang boses. Agad namang napatingala si Tyler sa kanyang direksyon.“Sorry, love. You were saying?”Napangiti siya at nagkrus ng mga braso. “Kanina pa kita tinatawag pero mukhang busy ka diyan sa kausap mo. Sino ba 'yan?”Bahagyang nagulat si Tyler bago mabilis na pinatay ang screen ng cellphone at inilapag iyon sa gilid ng sofa.“Wala... work-related lang.” tipid nitong sagot.Pagkatapos ay hinila siya nito upang maupo sa tabi nito at agad siyang inakbayan. Hindi man siya lubusang kumbinsido sa sagot nito, pinili n
Napailing si Queenie."Guys... kamusta kayo? Paano kayo nakauwi kagabi?""Hindi kami umuwi," sagot ni Diana. "Andito kami sa condo ni Meagan. Hinatid kami ng driver n'yo.""Hindi kami puwedeng umuwi nang ganoon ang itsura namin," sabat ni Heather. "Sigurado akong sermon ang aabutin namin sa mga magulang namin.""Bakit hindi na lang kayo dito sa bahay nagpalipas ng gabi?" tanong niya."Hindi kami puwede d'yan," sagot ni Meagan. "Sabi ng yaya mo pauwi na raw ang daddy mo kaya agad kaming umalis."Bahagyang nakonsensya si Queenie. Sa sobrang pagkakaabala niya sa lalaking nakasama niya kagabi, hindi man lang niya naasikaso nang maayos ang kanyang mga kaibigan.At nang maalala niya ang lalaking iyon, muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung paano niya itatanong iyon nang hindi nagmumukhang desperada... ngunit kailangan niyang malaman."Ahm... guys...""Ano 'yon, Queenie?" tanong ni Diana.Nag-alangan siya bago tuluyang nagsalita. "Nakita n'yo ba ang kasama kong lalaki
Pagdating niya ng headquarters ay andoon na si Bert na naghihintay sa kanya.“Kamusta, Bert?”“Boss, galit na galit si Mateo sa’yo. Pinatay mo daw si Dylan.” aagd na balita nito. Tumigas ang panga niya saka pinuntahan si Mateo sa kulungan nito.Padating pa lang siya ay nakita agad siya nito. “Hayop
Nararamdaman niya ang bigat ng dibdib habang nakatitig sa pinto ng kwarto kung saan si Finn sumulpot kanina. Hindi niya alam kung paano niya kakayanin ang mga susunod na araw, kung papaano niya haharapin ang isang Finn na puno ng inis, tampo, at kung minsan ay tila sinasadya siyang saktan sa salita
FINN'S POV:Dumating ang araw na pinakahihintay nila ni Bert. Kasalukuyan sila ngayon sa fishing port at nagmamatyag sa maaaring ilegal na transaction ng mga Cruz.Ayon sa lead ni Bert ay ngayon ang araw na ‘yon. May mga tao na silang nagkapalibot sa lugar. Sa totoo lang ay hindi sila sigurado kung
FINN'S POV:“Dylan, lumabas ka diyan! Alam namin na andyan ka!” sigaw niya habang dali-daling pumasok sa bahay. Wala siyang pakialam kung may kasama man itong tauhan doon. Ayaw niyang maghintay pa at magsayang ng oras. Bawat segundo sa kanya ay mahalaga. Baka kung ano na ang ginagawa nito sa nobya







