LOGINOne reckless night. One stranger. One mistake she never saw coming. After losing her mother, Althea “Thea” Santillan decided to live life on her own terms, parties, alcohol, and absolutely no regrets. Until one drunken night, she kissed a handsome stranger at a club and ended up spending the night with him. Akala niya, hanggang doon na lang iyon. She was wrong. Because the stranger she met that night is the last man she should ever fall for. Rafael Salcedo. The man she calls Ninong Rafa.
View MoreHalos hindi ko maramdaman ang sarili kong mga paa habang nagmamadali akong ibulsa ang cellphone ko. Ang bawat salitang ibinulong ni Rafa sa aking tainga ay tila uling na nag-iwan ng nakapapasong marka sa aking balat.“Because I am going to tear apart whoever sent this to you... even if it costs me everything I have built.”“Rafa! Good, andito ka pa,” masiglang bati ni Daddy habang maayos na ibinubulsa ang kaniyang salamin sa mata pagkababa sa huling baitang. Kasunod niya si Mara na may bitbit na ilang dokumento. Agad na dumapo ang tingin ni Mara sa akin, at nang mapansin niya ang pamumutla ko at ang paninigas ng tindig ni Rafa, bahagyang kumunot ang kaniyang noo ngunit pinili niyang manatiling tahimik.“Terence,” bati pabalik ni Rafa.Sa isang kisap-mata, parang walang nangyari. Nakatayo na siya nang tuwid ilang metro ang layo sa akin, nakasuksok ang isang kamay sa bulsa ng kaniyang slacks habang ang kabilang kamay ay payapang nakalapat sa kaniyang tagiliran. Walang bakas ng luhod sa
Nanatiling nakapako ang katahimikan sa malawak na living room ng mansyon, ngunit taliwas sa tahimik na paligid, pakiramdam ko ay may nagbabagsakang mga bubog sa loob ng dibdib ko.“Sure. If Thea wants me to.”Ang pitong salitang binitiwan ni Rafa ay tila mga mabibigat na martilyo na paulit-ulit na pumupukpok sa aking pandinig. Nakaupo siya sa single-seater leather couch sa tapat namin, nakakrus ang mga binti at ang isang braso ay nakapatong sa armrest. Sa panlabas na anyo, siya pa rin ang kagalang-galang, pormal, at kontroladong si Rafael Salcedo—ang matagumpay na negosyanteng galing abroad, ang matalik na kaibigan ng aking ama, ang ninong na pinagkakatiwalaan ng buong pamilya. Walang sinumang makakakita sa kaniya ngayon ang mag-aakalang kagabi lamang, ang parehong lalaking ito ay nakaluhod sa malamig na sahig ng kaniyang condo, nanginginig ang mga kamay habang pilit akong kinukulong sa kaniyang mga bisig at nagmamakaawang pakinggan ko ang kaniyang paliwanag.Naramdaman ko ang marahan
Tatlong sunod-sunod na katok ang gumising sa akin kinabukasan. Agad akong napakunot-noo habang nakabaon pa rin ang mukha ko sa unan, pilit na iniiwasan ang liwanag na sumisilip sa pagitan ng mga kurtina. Mabigat ang talukap ng mga mata ko, masakit ang ulo ko, at pakiramdam ko ay para akong ilang gabing hindi nakatulog nang maayos. Hindi ko man lang nagawang i-lock ang pinto kagabi, kaya wala na akong lakas para bumangon at tingnan kung sino ang nasa labas.“Come in,” paos kong sagot, halos hindi gumagalaw sa pagkakahiga.Narinig ko ang mahinang pagbukas ng pinto kasunod ng mga yabag na pamilyar sa akin. Ilang sandali pa ay may nagsalita sa tabi ng kama ko, at nang maramdaman kong bahagyang lumubog ang kutson, saka ko lamang dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Si Mara ang bumungad sa akin, nakaupo sa gilid ng kama habang may hawak na tray na puno ng pagkain. Maaliwalas ang mukha niya, pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata niyang hindi niya tuluyang maitatago.“Good morning, Thea.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa parking area ng building nang hindi tuluyang bumigay sa pag-iyak. Ang alam ko lang, nang makaupo ako sa driver's seat, nanginginig pa rin ang mga kamay ko at parang may nakadagan sa dibdib ko na hindi ko maalis kahit ilang ulit akong huminga nang malalim. Ilang minuto akong nakatitig sa manibela bago ko tuluyang pinaandar ang makina, pilit na pinapakalma ang sarili kahit ang gusto ko lang ay bumalik sa condo ni Rafa at bawiin ang lahat ng sinabi ko.Pero hindi ko ginawa.Dahil kung babalik ako ngayon, ano ang sasabihin ko sa kanya? Na hindi ko kayang mabuhay nang wala siya? Na hindi ko talaga gustong tapusin ang lahat, pero hindi ko rin kayang manatili sa tabi niya habang hindi ko alam kung ako ba talaga ang minamahal niya? Paano ko ipapaliwanag na ang paglayo ko ay hindi dahil nawala ang pagmamahal ko, kundi dahil natatakot akong baka iyon lang ang natitira sa akin—isang pagmamahal na hindi pala para sa akin mula pa sa simula?Umandar ang ko






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews