LOGINSorry guys.. na busy lang at masama ang pakiramdam ko kaya paisa-isa ang update ko. bawi po ako. pasencya na po =)
***Dahan-dahang pinatay ni Catriona ang kanyang telepono at isinilid ito sa bulsa nang matapos silang mag-usap ni Lewis.Nasa loob na siya ng unit ni Arthur. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto, tuwid ang katawan at abnormal ang bawat paghinga, hindi malaman ang susunod na gagawin.Naroon si Arthur, nakasandal sa mahabang sofa at tila haring naghihintay sa kanyang biktima. Sa ibabaw ng glass table sa harap nito ay may kalahating bote ng whiskey at dalawang baso. Walang kahit anong saplot ang lalaki. Walang kabakas-bakas na hiya habang nakatitig sa kanya, at sa bawat segundo ay unti-unti nitong nilalaro ang sarili sa harap niya.Sumakit ang tiyan ni Catriona. Nandidiri siyang tumingin dito, ngunit nakapako ang paningin ng lalaki sa kanya."Ano pa ang hinihintay mo, Catriona? Lumapit ka na rito," utos ni Arthur sa baritonong boses na puno ng pagmamalaki.Nanginginig ang kanyang mga binti habang pilit na humahakbang. Bawat hakbang niya ay parang paglugmok sa impyerno, at malinaw s
LEWIS POV:Nanatili lamang si Lewis na nakatitig sa pintong kinaroroonan ni Catriona ilang sandali matapos itong lumabas.Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may kung anong bigat sa dibdib niya.Kaninang mga nakaraang araw pa niya napapansin ang pagbabago kay Catriona. Tahimik ito. Madalas ay malalim ang iniisip at parang laging may kung anong gumugulo sa isipan nito. Kapag tinatanong niya kung may problema ba, palagi nitong sinasabing wala.Pero bilang taong matagal nang nakakakilala rito, alam niyang may itinatago si Catriona. Hindi lang niya alam kung ano iyon, kaya nang magpaalam itong mag-sleep over sa kaibigan nito, hindi na siya tumutol. Marahil, naisip niya, kailangan lang ni Catriona ng ibang kasama. Baka sakaling maging masaya ito kahit kaunti at makalimot sa kung ano mang bumabagabag dito.Pero sa halip na bumalik sa kanyang kwarto, lumapit siya sa Lewis sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang entrance ng apartment building. Makikita niya ang mga taong pumapasok at luma
“Mukhang nakalimutan mo ang usapan natin, Catriona?”Mahina ang boses ni Arthur, ngunit sapat ang lamig at pagbabanta sa bawat salitang binitiwan nito upang muling manginig ang buong katawan niya.“Hindi ko nakalimutan…”Pinilit niyang gawing matatag ang kanyang boses kahit nanginginig ang kanyang mga labi.“Hinihintay ko lang si Lewis na pumasok sa kuwarto niya. Saka ako lalabas dito.”“Siguraduhin mo lang...” Tumahimik sandali si Arthur bago muling magsalita. “Dahil alam mong mainipin ako. At alam mo rin kung ano ang ginagawa ko kapag naiinip ako.”Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. Nanigas siya.“Huwag!” Mabilis na lumabas ang salita sa kanyang bibig. “Ako na. Pupunta ako diyan.”Isang mahinang tawa ang narinig niya mula sa kabilang linya. “Sige.” May kakaibang kasiyahan sa tono nito. “Hihintayin kita.”Saglit itong tumigil bago muling nagsalita. “And don't forget to wear your new nightgown. I want the red one.”Nanlaki ang kanyang mga mata. Bigla niyang naalala ang nig
Muli niyang binuksan ang drawer at kinuha ang card key. Mahigpit niya itong hinawakan.“Anong gagawin ko?”Wala siyang sagot sa sarili. Ilang sandali siyang nanatiling nakatitig sa card key bago biglang tumunog ang notification ng kanyang cellphone.Napatingin siya rito, isang unknown number. Nanlamig ang kanyang mga daliri nang mabasa ang mensahe.I'm waiting.Iyon lang... maikli pero sapat na iyon para muling bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi pa man siya nakakasagot ay pumasok ang isa pang mensahe.You have until tonight.Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. Hindi niya alam kung paano siya nito nahanap. Hindi niya alam kung paano nito nalaman kung nasaan siya. Pero isang bagay ang malinaw... hindi nagbibiro si Arthur. At sa pagkakataong ito, wala na siyang puwedeng takasan.Mula sa labas ng silid ay narinig niya ang boses ni Lewis.“Catriona?”Agad niyang pinatay ang screen ng cellphone.“Yes?”“Dinner is ready.”Saglit siyang napatingin sa drawer kung saan nakatago
Paglabas nila ng mall, halos wala nang imik si Catriona.Tahimik siyang sumakay sa kotse at naupo sa passenger seat habang si Lewis naman ang umupo sa driver's seat. Wala na siyang lakas para magsalita. Gusto lamang niyang makauwi at makalayo sa lugar na iyon.Sa buong biyahe, nakatuon lang ang kanyang tingin sa bintana. Mabilis na lumilipas ang mga gusali, ilaw ng mga tindahan, at mga sasakyang kasabay nila sa kalsada, ngunit tila wala siyang nakikita sa mga iyon. Para sa kanya, isa lang iyong malabong tanawin habang paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina... Si Arthur, ang mga sinabi nito at ang card key na ibinigay nito sa kanya.Dahan-dahan niyang ipinasok ang kamay sa bulsa ng kanyang damit at hinawakan iyon. Naroon pa rin. Mahigpit niya iyong kinapitan, hindi niya alam kung bakit niya iyon tinanggap. Mas lalo niyang hindi alam kung bakit hindi niya agad itinapon.Pero hindi siya binigyan ni Arthur ng option. Kapag hindi niya sinunod ang gusto nito, sigurad
Nanigas siya. Ayaw niyang gumawa ng eksena, lalo na at maaaring bumalik si Lewis anumang oras. Kapag nakita siya nitong kasama si Arthur, siguradong magtatanong ito. At higit sa lahat, ayaw niyang malaman ni Lewis ang tungkol sa kanilang lihim. Ayaw niyang malaman nito ang ginawa niya noon.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa kamay ni Arthur na nakahawak pa rin sa kanyang braso.“Bitawan mo ako,” muli niyang bulong.Sa halip na sumunod, ngumisi lang si Arthur.“Kung ayaw mo…” Sandali itong tumigil, tila sinasadyang pagmasdan ang takot na unti-unting lumilitaw sa kanyang mukha. “Edi ako na lang ang pupunta sa apartment ninyo mamaya.”Biglang nanlamig ang buong katawan niya. “H-huwag.”“Bakit?” Nakangisi itong tumingin sa kanya. “Takot ka bang makita ako ng pinsan mo?”Hindi siya sumagot. Wala siyang maibigay na sagot dahil alam niyang tama si Arthur. Takot siyang makita ito ni Lewis. Takot siyang matuklasan nito ang lahat.“Kung ganoon,” patuloy ni Arthur, “sumunod ka na lang sa s
“Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
JOLISA'S POV:Sa kanyang pagkagulat ay na-enjoy niya ang company ni Tristan. Masaya siya dahil binisita siya nito doon. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi kung anu-ano lang. Minsan, nasasama rin sa usapan nila ang mga artista—kung sinong naghiwalay at kung sinong bagong magjowa.Sumali rin
Kinabukasan ay nagising siya sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mga mata. Maaga na pala. Mag-isa lang siya. Wala naman siyang inaasahang katabi, siguradong hindi siya tatabihan ni Tyler. Napag-usapan na nila iyon. Ang masakit pa, lumabas pa ito ng kwarto kagabi. Ok naman sana iyon… nainsulto lan







