"Sige... pagkatapos ng serbisyo mo sa akin ay ililipat na kita sa office, dalawa kayo ni Alex ang magiging executive secretary ko... sya sa K.E. Builders at ikaw naman sa Miller Steel Corp.."T-talaga po Boss?" Lumaki ang mata nito ng marinig ang sinabi nya...tila hindi ito makapaniwala."Gusto mo ng trabaho di ba?.. Ayan na, tinatanggap na kita!... Ang tanong kaya mo bang magtrabaho sa office?" "Oo naman Boss! Napag-aaralan naman ang lahat ng yan! Yung ibang nursing graduate nga sa sa call center din nagta-trabaho! Pareahas lang din sa akin yan! Wala na sa kurso ngayon yan, ang importante ngayon ay diskarte sa buhay... kung saan ka magkaka-pera ay doon ka!" nakangising wika nito. "Ok it's settled then..." wika nya. napabilib sya ni Calvin sa diskarte nito sa buhay. "Salamat talaga Boss!" Tumayo pa ito at akmang yayakap sa kanya pero umiwas cya at tinaasan ito ng kilay. "Hahaha!... may trabaho na ulit ako!" tuwang-tuwang wika nito. "This calls for a celebration! Inum pa tayo Bos
Sa dami ng ininum nya kagabi ay himalang wala cyang hang-over. Mabuti naman kung ganun! sambit nya sa sarili. Pumunta cya sa kusina para magtimpla ng sarili nyang kape."Calvin, ikaw na ang bahala kay Sir mo... aalis na ako." Narinig nyang bilin nito kay Calvin dahil andoon lang naman cya."Opo Sir Gilbert. May therapy po kami ngayon tapos diritso na po kami ng opisina nya. Ako na din po kasi ang Executive Secretary nya simula ngayon!" Nakangising balita nito sa Papa nya. Napatigil ito sa paglabas ng pinto. "Bakit ka kukunin na secretary kung nurse ka?" Nagtatakang tanong din nito kay Calvin. Biglang namuti si Calvin... ang akala nito ay makakalusot ito sa Papa nya. "Ah eh Sir... kaya ko naman po yun eh! Hindi naman po mahirap yun, saka ayaw mo po yun may nagbabantay kay Sir Ken?" Sandaling natigilan si Gilbert saka nag-isip. "Sige tanggap ka na... doblehin ko sweldo mo basta sabihin mo sa akin ang lahat na kabulastugan na ginagawa ng anak ko."Biglang lumaki ang mga ngiti sa labi
Pagdating nila sa Miller building ay dumiretso na agad cya sa opisina nya. May nakalaan cyang opisina doon na para talaga sa kanya. "Good morning Sir.... nasa opisina mo na po si Mam Melisa, kanina ka pa po nya hinihintay..." Natatarantang wika ng secretarya ng Papa nyang si Ebeth. Tumango lang cya.... naiinis na din cya, ayaw nyang minamadali cya. Bakit kasi hindi man lang ito nag-set ng apppointment? Agad-agad nalang itong pumunta sa opisina nya? "So unproffesional! Bakit wala pa ang boss mo dito? I've been waiting here for almost thirty minutes!!! Hindi ba nya alam na importante din ang oras ko!" Naabutan nya ang galit na babae sa loob ng opisina nya na malamang ay si Melisa Adams. Sakto naman tumayo na ito sa kina-uupuan at akmang na sanang aalis nang pumasok cya ng opisina. Nakasunod lang si Calvin sa likod nya. Tinago nya ang pagka-inis at pinalitan iyon ng ngiti... kahit pa naiinis cya dito ay itatago nya dahil malaking kliyente nila ito. "Good morning Miss Adams... sorry I'
"Oh, hi Ms Jonie! I've been dying to meet you! Finally nakilala na kita. I've heard so much about you." tila kinikilig na wika ni Melisa... nagka girl-crush pa ata ito kay Jonie. "Hi Miss Adams.. It's nice to meet you too. Thank you for choosing our company para sa resort nyo." Wika ni Jonie na hindi nakatingin sa kanya. Ang atensyon nito ay kay Melisa lang. "Mabuti nalang at gwapo itong si Ken.. kung hindi ay baka nagback-out nako! hihihi..." Nakita nyang biglang natahimik si Jonie pero sandali lang iyon. Hindi man lang ba ito naapketuhan sa kanila ni Melisa? Hindi man lang ba ito nakaramdam ng kahit konting selos sa kanila? Sabagay ano naman ang ini-expect nya eh kasama naman nito ang nobyo nitong ni William! Asa ka Ken? saway nya sa sarili."By the way, this is my business partner in US, Willliam Davis. He is the CEO of Davis' Logistics." Pakilala ni Jonnie kay William. Napasimangot sya.. bakit hindi nalang nito diritsahin na nobyo nya ang lalaki!"It's nice to meet you too Mr
"I'm okay.. next week pa ulit ng next visit ko. Sasabihn ko nalang kay doc..." pagsisinungaling nya. Hindi cya tumitingin sa mata nito habang nagsasalita, ayaw nyang mahulog muli ang loob dito. Habang maaga pa ay tuturuan na nya ang sariling layuan si Jonie. "Kaya mo bang maglakad?" Muling tanong ni Melisa."I think no... kayo nalang muna ang mag-lunch... babalik nalang ako sa opisina ko." Pagdadahilan nya. Nasasaktan cyang makita na magkasama si Jonie at William na sweet sa isa't isa... hindi nya matagalan iyon, baka may masabi o magawa pa cyang pagsisihan nya sa bandang huli. Hindi pa handa ang puso nya, sya nalang muna ang lalayo. Napaka-insensitve kasi ni Jonie... hindi man lang ito nakakaramdam na nagseselos sya. "Sorry Melisa... babawi ako sa'yo soon. Can I invite you for dinner instead?" Sambit nya... ayaw nya kasing sumama ang loob nito... hindi pa ito nakapirma ng kontrata sa kanila. Nasira kasi ang plano nya dahil sa pagsama nina Jonie at William sa lunch sana nila ni Mel
Tumayo siya isang dipa ang pagitan sa kinatatayuan nito...napaatras itoo. akala siguro nto ay hahalikan nya. "Cut the crap Jonie! What is it that you want? Pilit kong lumalayo sa'yo pero ikaw naman itong lapit ng lapit? Can you be more sensitive of my feelings? Bakit ka pa lapit ng lapit sa akin? Hiniwalayan mo na ako di ba? Wala ka nang pakialam sa akin? Di ba ang sabi mo ay magbusiness partners nalang tayo? Kaya wala kang pakialam at hindi mo na problema kung kumain man ako o hindi!... hindi na yun kasama sa trabaho natin!" mahabang lintaya nya. Mahinahon lang iyon pero may diin para maintidihan nito ng mabuti. "Sasaktan lang natin ang isa't isa kung lagi tayong magkasama." Wika nya saka tinapunan ng tingin ang pulsuhan nito. Nalalala nya kung paano cya nagiging bayolente sa tuwing nagseselos kapag may kasamang iba si Jonie. Ayaw na nyang mangyari ulit iyon. Nagiging ibang tao cya kapag nagagalit, nasasaktan nya ito kaya sya nalang ang lalayo.... at sana yun na din ang gawin ni J
***************GREGORE POV:Iisang sasakayan lang ang gamit nila ni Gilbert papuntang Pampanga. Hindi na muna sumama si Beth sa kanya papunta doon dahil madami pa cyang aasikasuhin at hindi nila pwedeng dalhin si Gray dahil makikita ni Gilbert ang bata. Baka magtanogn ito kung kaninong anak iyon... hindi pa naman maipag-kaila na kamukhang-kamukha ni Ken ang bata. Gustong-gusto na nyang sabihin sa kaibigan ang tungkol sa bata.... gusto nyang ma-share din dito ang saya na dulot ng apo nilang si Gray. Apo din nito si Gray pero wala itong alam.... gusto nya din sana maramdaman nito kung gaano kasaya ang magkaroon ng apo. Pero hahayaan nyang si Jonie ang magsabi nun kay Ken at Gilbert... wala cyang karapatang pangunahan ang anak nya. Habang tumatagal ay nagugustuhan na nya si Ken... magaling ito sa negosyo. Bilib sya sa pamamalakad nito sa kompanya, nakikita nya ang sarili dito noong kabataan nya... very ambitioius ang self-driven.Kung pwede nga lang na sabihin na nya kay Jonie na bal
****************JONIE POV:Dumiretso cya ng opisina nya pagkagaling nya sa opisina ni Ken. Ang sakit ng mga pinagsasabi nito sa kanya... pakiramdam nya ay napakasama nyang baabe! Hindi ba nito nakita ang effort nya to go out of her way para lang masakama ito?Ang mali nya lang naman ay hindi nya agad napakilala ito sa Papa nya bilang boyfriend.... yun dapat ang plano nya. Pahamak kasi itong si William! Ok na sila ni Ken kung hindi lang ito dumating eh. Ngayon ang problema nya naman ay ang pagdating ni Melisa na parang nagkagusto ata kaagad si Ken dito.Aaminin nya maganda naman talaga si Melisa... yung ang mga tipo ni Ken na babae. Alam na alam nya ang tipo nito sa tagal ng pagsasama nila bilang sekretary nito. Matangkad, maputi at sexy! Lihim cyang nag seselos kay Melisa... hindi nya akalain na malilipat agad sa iba ang atensyo ni Ken. Porket may kapasidad na ito mambabae ulit dahil nakaka-lakad na! Noong hindi pa ito nakakalakad ay sa kanya lang naman ang atensyon nito!Hmmp! Nai
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis