MasukPagkasakay sa elevator, napansin ni Catriona na nag-iisa lang siya roon. Halos hindi na niya mabitbit nang maayos ang lahat ng kanyang pinamili. Puno ang magkabilang kamay niya ng mga paper bag at plastic, habang may ilan pang nakasabit sa kanyang braso.Pagkabukas ng pinto ng elevator, agad siyang naglakad patungo sa kanyang apartment. Mabigat ang bawat hakbang niya dahil sa dami ng kanyang dala. Nangangalay na ang kanyang mga braso at ramdam na ramdam na niya ang pagod.Ang dami kasi niyang pinamili. Ayaw niyang may makalimutan kahit isang bagay. Dahil ayaw niyang pabalik-balik sa labas, sinigurado niyang nabili na niya ang lahat ng kakailanganin niya. Kahit ang ilang bagay na hindi naman niya agad kailangan ay isinama na rin niya.Pagdating sa tapat ng kanyang apartment, maingat niyang ibinaba ang ilan sa mga bag sa sahig upang makuha ang card key mula sa kanyang bag.Mabilis niyang ipinasok ang card key sa lock. Bumukas ang pinto, isa-isa niyang ipinasok sa loob ang kanyang mga pi
Paroo’t parito si Catriona sa loob ng kanyang apartment, paulit-ulit na sumusulyap sa bintana at sa pintuan na para bang anumang oras ay may maaaring sumulpot sa labas. Ilang beses na rin siyang napabuntong-hininga, pero kahit anong gawin niya ay hindi niya maalis ang kaba sa kanyang dibdib.Simula nang tawagan siya ni Arthur, hindi na siya mapakali. Sa tuwing maririnig niya ang tunog ng kanyang cellphone ay agad siyang kinakabahan. Minsan ay hindi na lang niya sinasagot ang mga tawag mula sa hindi pamilyar na numero. Natatakot siyang baka si Arthur iyon o kaya naman ay isa sa mga taong maaaring may koneksyon dito.Ilang araw na rin siyang halos hindi lumalabas ng apartment. Hindi dahil wala siyang gustong puntahan, kundi dahil sa pakiramdam niya ay may sumusunod sa kanya.Noong una, sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na imahinasyon lang niya iyon. Baka dahil sa takot at sobrang pag-iisip kaya pakiramdam niya ay may matang laging nakamasid sa kanya. Pero habang tumatagal, lalo la
“Tell me, anak...” tanong ni Blair kay Jolie matapos ang ilang sandali. “Ano pa ang dapat naming gawin sa kasal ninyo? How about the expenses? May kailangan ka pa ba?”Agad namang umiling si Tyler.“Don’t worry about it, Uncle Blair. It’s already taken care of. Okay na po ang lahat. Naghihintay na lang kami ng mismong araw ng kasal.”“Sigurado ka?” muling tanong ni Blair. “Baka may nakalimutan pa kayo. Sabihin mo lang sa akin. I can take care of it.”“Okay na talaga, Dad,” nakangiting sagot ni Jolie. “alam mo naman si Tyler, gusto niya maayos na ang lahat."“Pero nakakahiya naman sa inyo, Tyler,” singit ni Blair, ngayon ay nakatingin naman sa lalaki. “Hindi ako papayag na wala akong ambag sa kasal ng unica hija ko.”“Uncle Blair...”“No arguments.” mabilis na putol ni Blair, sabay ngiti. “Ako na ang bahala sa honeymoon ninyo. I’ll book a cruise for you both.”Napakurap si Tyler bago napatingin kay Jolie. “Cruise?” ulit nito, tila hindi makapaniwala. “Hihihi… sure, Uncle. Hindi namin t
“Kuya, bakit parang ang lalim ng iniisip mo?” tanong ni Jolie nang mapansin nitong tahimik siya.Agad siyang napailing at ngumiti. “Wala. Iniisip ko lang kung gaano karami ang dala kong pasalubong para sa’yo.”“Talaga?” Agad na kumislap ang mga mata ni Jolie. “Baka puro para sa sarili mo lang ang binili mo?”“Grabe ka naman sa akin! natatawang sagot ni Lewis. “Ikaw nga ang unang hinanapan ko.”“Sure ka?”“Very sure.”“Then I want to see it!”Napailing si Lewis habang natatawa. “Mamaya. Nasa loob pa ng sasakyan.”“Hindi puwedeng mamaya. Ngayon na!”“Jolie,” singit ni Tyler, natatawa rin. “Kakakita mo pa lang sa kuya mo, pasalubong agad ang iniisip mo?”“Eh ano naman?” depensa ni Jolie. “Matagal ko siyang hindi nakita. May karapatan akong humingi ng pasalubong. I'm his only sister!”"Kelan ka pa naging spoiled Jolisa?" Natatawang sabi ni Tyler. Tinawag pa siya nito sa totoong pangalan niya.Napahalakhak si Lewis nang makita ang pagsimangot ng kapatid. “Okay, okay. Mamaya ko na ibibigay.
Hindi naman nagtagal ay tuluyan na silang nakarating sa estate ng mga Blacksmith.Pagkapasok pa lang ng kanilang sasakyan sa malawak na bakuran ay agad nang napansin ni Lewis ang kakaibang sigla sa buong bahay. Maraming tao ang naroon, may mga nag-uusap sa veranda, may ilang abala sa garden, at may mga kasambahay na pabalik-balik sa paligid.Napangiti siya nang bahagya. Mas buhay ang bahay na ito kumpara sa bahay nila. Sa kanila kasi, halos mabibilang lang sa daliri ang mga taong madalas niyang nakakasama. Tahimik, maluwag, at minsan ay halos walang marinig sa laki ng bahay nila.Hindi niya maiwasang isipin si Jolie. Paano nga naman magiging malungkot ang kapatid niya rito? Sa dami ng taong nakapaligid dito, imposibleng maramdaman nitong nag-iisa.Habang dahan-dahang umaandar ang kanilang sasakyan papunta sa harapan ng bahay, napansin niyang nasa garden si Jolie kasama si Tyler at ang ilan pang miyembro ng pamilya. Nakaupo ang mga ito sa paligid ng isang mahabang mesa habang nagpapaha
Napatawa si Lewis. “Dad, ilang araw pa lang ako sa Paris. Miss mo na agad ako?”Humalakhak ang kanyang ama bago siya tuluyang binitawan. “Of course! Ikaw lang naman ang only son ko.”“Dad…” Napailing si Lewis habang natatawa. “You treat me like a boy!”“Eh ano naman?” nakangiting sagot nito. “You’re my boy forever.”Napailing na lang siya. “Cheesy.”“Hayaan mo na ako. Matanda na ako. Karapatan kong maging cheesy.”Lalong natawa si Lewis. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nila nitong mga nakaraang panahon, nakakagaan sa loob na makauwi siya at muling makasama ang kanyang ama. Sa simpleng usapan at mga biro nito, ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya.Pinaandar na ng kanyang daddy ang sasakyan at unti-unti silang lumabas ng airport. Habang nasa byahe, napatingin siya sa kanyang ama.“How’s Jolie, Dad?” tanong niya. “Umuwi ba siya sa atin?”Hindi agad sumagot ang kanyang ama. Sa halip, nanatili itong nakatingin sa daan. Ngunit napansin niya ang bahagyang pagbabago sa mukha nito. Naw
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
Pagdating nila sa police station, agad niyang tinungo ang records section. Si Bert naman ay dumiretso sa intel room para i-check kung may nakalap nang bagong impormasyon tungkol sa black Montero.“Boss, eto,” tawag ni Bert matapos ang ilang minuto, hawak ang folder na makapal na puno ng mga dokumen
Habang binabaybay niya ang kalsada, ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Sumasakit na ang ulo niya at medyo lumalabo ang paningin, pero pinipilit niyang mag-focus sa daan. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay sa gitna ng kalsada, lalo na ngayon na hawak niya ang ebidensyang magpa
“Lola?”“Apo… andito ka na ba sa Pilipinas?”“Opo, Lola. Bakit ka po napatawag? Gabi na, hindi ka pa ba natutulog?” nagtatakang tanong niya“Ah hindi kasi kami makatulog ng lolo mo. Para kasing may kaluskos kaming naririnig sa labas. Wala pa naman ang Tito Toto mo dito.”“Kasama ko po si Tito ngayo







