LOGINLumipas pa ang ilang minuto hanggang sa tuluyan siyang napaatras.“Maiwan ko na muna siya sa inyo,” sabi niya, pilit pinananatiling kalmado ang boses. Tumango lang ang nurse.Ngunit bago siya tuluyang lumabas ng kwarto, muli siyang sumulyap kay Jolisa. At sa pagkakataong iyon… hindi na inggit ang nangingibabaw sa kanyang mga mata. Kundi isang malamig na determinasyon.Kung hindi kita kayang patayin ngayon… hahanap ako ng paraan... gigil na sambit niya sa isip. Paglabas niya ng kwarto ay sakto namang pagdating ni Tyler. Tila nagmamadali itong makabalik kaagad, dala nito ang pagkain.Agad siyang napangiti, ang perpektong maskara ay bumalik sa kanyang mukha.“How is she?” tanong ni Tyler, puno ng pag-aalala.Lumapit siya at marahang hinawakan sa braso si Tyler. “Stable naman,” sagot niya. “The nurse is taking care of her.”Napabuntong-hininga si Tyler, tila nabawasan ang bigat sa dibdib.At doon, sa sandaling iyon lalo pang tumindi ang galit niya.Ganyan ka mag-alala sa kanya… Pero sa a
PRETZEL POV:Sinundan ni Pretzel ang tingin sa likod ni Tyler habang papalabas ng kwarto. Mabuti na lang at nakumbinsi niya itong lumabas at siya muna ang bahala kay Pretzel.Pagkasara ng pinto, agad naglaho ang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan siyang napalingon kay Jolisa. Sila na lang dalawa ang naroon.Tahimik ang buong kwarto. Tanging ang mahinang tunog ng monitor ang maririnig. Bawat beep ay tila nagpapaalala na buhay pa ang babaeng nasa harap niya.Lumapit siya nang marahan. Huminto siya sa tabi ng kama at tinitigan si Jolisa. Ang inosenteng mukha nito, ang maputlang labi, ang walang kalaban-labang katawan.“Ewan kung bakit, ano ang nakita ni Tyler sa’yo. Oo, maganda ka, pero I’m sure mas marami pang magagandang babae siyang nakilala kaysa sa’yo,” bulong niya, halos hindi marinig.Pero habang tumatagal, napagtanto niya kung bakit nagustuhan ito ni Tyler... Jolly ang dalaga, magaan kasama, at higit sa lahat maalaga. Nakita niya kung paano nito alagaan si Tyler.Paano niya nakita?
Napansin niyang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Pretzel. Nahuli niya iyon ngunit hindi siya nagpahalata.“Umalis ka na, Pretzel. Your dad needs you.”Tumango lamang ito at tahimik siyang tinalikuran. Naramdaman man niya ang awa para sa mayor, pero mas nangingibabaw pa rin ang pag-aalala niya kay Jolisa.Habang naghihintay, kinuha niya ang kanyang telepono. “Hello,” sagot niya nang tanggapin ang tawag. Siya mismo ang tumawag sa kaibigan niyang pulis na si Kurt."Wazzup bro?" sagot ni Kurt sa kabilang linya“Bro, pwede bang paki-imbestigahan ang bahay ko? Baka may pumasok na tao kanina.”“Huh? Why, bro?” nagtatakang sagot ni Kurt.“I need your help bro, naaksidente ang nobya ko habang wala ako sa bahay. Nandito kami ngayon sa ospital, at unconscious pa siya. Akala ko nung una aksidente lang at nabagok ang ulo niya… pero sabi ng doctor, may mga galos siya sa kamay. Posibleng may pumasok sa bahay at sinaktan siya. Paki-check na rin ang CCTV.”“Copy, bro. Pupunta ako ngayon sa bahay niy
Dumagundong ang katahimikan sa pagitan nila matapos ang malamig na sagot ni Tyler.Hindi na muling nagsalita si Pretzel. Pakiramdam niya, anumang salitang bibitawan niya ngayon ay lalo lamang maglalantad ng mga lihim na pilit niyang tinatago. Kaya pinili niyang manahimik, ngunit sa kaibuturan niya, gusto niyang magwala.Samantala, si Tyler ay hindi na muling tumingin sa kanya. Ibinalik nito ang pansin sa pintuan ng emergency room, ngunit hindi na tulad kanina ang ekspresyon nito. Kung dati ay purong kaba lamang, ngayon ay may halong pagdududa at paghihinala. Tumalim ang kanyang mga mata, kumunot ang noo, at bahagyang humigpit ang kanyang panga.May mali... At ramdam na ramdam niya iyon, parang malamig na hangin na dahan-dahang gumagapang sa kanyang batok.Kailangan niyang kumilos. Habang hindi pa nagigising si Jolisa, may dapat siyang gawin. Hindi siya pwedeng mabisto… hindi sa ngayon.*****TYLER'S POV:Lumipas ang ilang minuto na tila katumbas ng isang oras. Mabigat ang bawat segund
"Naabutan ko siyang walang malay sa bahay kanina. Dali-dali ko siyang dinala dito." paliwanag niya“How is she?” namumulatlang sabi ni Pretzel. Marahil ay nag-aalala din ito kay Jolisa.“Sabi ng doctor, she is safe now pero malubha ang pagkakabagok niya at mukhang may struggle na nangyari. Baka pinasok siya sa bahay kanina habang wala ako.”“Oh God… sino naman kaya ang gumawa sa kanya?”“I don’t know…”“Ikaw… saan ka ba galing? Pagdating ko sa kwarto ni Mayor kanina wala ka doon. Tumawag ako pero hindi mo rin sinasagot ang telepono.”“Huh? Ah eh… lumabas lang ako para mag-breakfast at kape. Ayaw ko ng mga pagkain dito sa ospital.”“Ganun ba.”“Tara, doon muna tayo sa kwarto ni Dad habang naghihintay na ilabas si Jolisa sa emergency.” aya ni Pretzel sa kanya“No, dito lang ako. Hindi ko siya iiwan dito.”“Kung ganun, dito na lang din ako. Sasamahan kita.”Hindi siya sumagot. Umupo siya sa waiting area. Tumabi naman si Pretzel sa kanya.Ngunit hindi niya alam, may ibang iniisip si Pretz
Pagdating sa kaniyang bahay ay may kakaiba siyang nararamdaman na hindi niya maintindihan. Mabilis siyang tumakbo sa main door saka kumatok.“Jolisa… love? Open the door…” nagmamadaling sabi niya pero walang sumasagot mula sa loob. Nilapit niya ang tenga sa pinto pero wala rin siyang narinig na kaluskos o ingay.Hindi na siya nakatiis. Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pinto. Sobrang tahimik ng loob ng bahay. Walang bakas ni Jolisa.“Love? Jolisa? Are you here?” Imposible namang lumabas si Jolisa. Wala pa itong alam doon sa Baguio at wala ring kilala.Paglagpas niya sa bandang kusina ay may nakita siyang babaeng nakahiga sa sahig. Bigla siyang kinabahan.“Jolisa!” mabilis niya itong pinuntahan. Walang malay si Jolisa at may dugo ang ulo nito. Marahil ay tumama sa kung saan. Basa pa ang dugo, ibig sabihin kakaaksidente lang nito o kung ano man ang nangyari dito.“What happened, love?”Kinakausap niya ito kahit wala itong malay.Mabilis niyang binuhat si Jolisa. Dada
LILLY'S POV:Hinimas niya ang malaking tiyan habang nakatingin sa bintana. Nasa kanyang apartment siya sa London. Doon niya naisipang pumunta taliwas sa una niyang plano na sa America.Ang America ay pangalawang tahanan na nila ng kanilang pamilya. Malalaman at malalaman ng mga ito na nagdadalang-t
DYLAN'S POV:Napapangisi siya habang nakatingin kay Lilly na wala pa ding malay sa tabi niya. Malapit na sila sa kanyang bahay sa Pampanga. Doon niya dadalhin si Lilly. Walang nakakaalam doon at siniguradong hindi sila matutunton ni Finn dahil malayo na iyon sa Manila.Matunton man sila ay baka hul
Hinawakan nito ang kanyang baba. "Iwan muna kita dito. I have other things to attend to. Magpapadala ako dito ng extra security para magbantay. Babalik lang ako mamaya pag-uuwi ka na. Call me kapag may kailangan ka ha..." wika nito saka lumapit ang ulo sa mukha niya at hinalikan siya sa labi. N
"Lilly, kung ayaw mong matulad sa akin ay huwag mong pakasalan itong anak kong matigas ang ulo!" baling ng mommy ni Finn sa kanya."Mom! bakit naman ganun? Ang tagal kong hinintay si Lilly tapos i-didiscourage mo lang?" inis na sabi ni Finn sa ina saka sya binalingan. "Love, huwag kang maniwala kay







