Share

CHAPTER 1484

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-05-14 20:15:55

Pagpasok nila sa red carpet area ay nakita niya agad sina Queenie, Diane, Heather, at Megan. Pawang mga nakaayos din ang apat at halatang pinaghandaan ang gabing iyon.

Agad ngumiti si Queenie sa kanila nang mapansing nakatutok ang mga camera. Kumaway pa ito na para bang close sila, pero alam niyang kaplastikan lang ang lahat.

Muling tumingin ang mga ito sa camera at nakangiting nagpapakuha ng litrato. Walang pinalampas na camera ang apat, todo ngiti ang mga ito.

“Jolie!”

Napalingon siya sa gili
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (17)
goodnovel comment avatar
Leovelyn Dolores Taborda
infairness mas gusto si Tyler kaysa kay Daniel.. ms a. thanks sa update
goodnovel comment avatar
Jenevie Lumbres
salamat nmn at bumalik n po c tyler....kk eexite n ang susunod n chapter sana bukas maaga po ulit ang update Ms A..
goodnovel comment avatar
Sigrid Oliveria
salamat miss a at binalik mo na si tyler
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1484

    Pagpasok nila sa red carpet area ay nakita niya agad sina Queenie, Diane, Heather, at Megan. Pawang mga nakaayos din ang apat at halatang pinaghandaan ang gabing iyon.Agad ngumiti si Queenie sa kanila nang mapansing nakatutok ang mga camera. Kumaway pa ito na para bang close sila, pero alam niyang kaplastikan lang ang lahat.Muling tumingin ang mga ito sa camera at nakangiting nagpapakuha ng litrato. Walang pinalampas na camera ang apat, todo ngiti ang mga ito.“Jolie!”Napalingon siya sa gilid nang marinig ang boses ni Dolor. Agad siyang napangiti nang makita ang kaibigan na todo kaway sa kanya.“Ang ganda mo, girl! Hihihi… talbog ang mga mean girls.” Natatawang bulong nito sabay nguso kina Queenie na todo-pacute sa harap ng media.Napatawa siya nang mahina. “Hayaan mo na sila, Dolor.”Habang naglalakad ay pasimple niyang nilibot ang tingin sa paligid. Naroon din ang mga pamilya ng apat na babae. Nakita niya ang mga ama ng mga ito na malamig siyang tinititigan. Lalo na ang ama ni Qu

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1483

    JOLISA’S POV:PREMIERE NIGHT. Kasalukuyan silang nasa parking area ng pinakamalaking mall sa lungsod kung saan gaganapin ang premiere night ng kanilang pelikula.Mula pa lang sa loob ng sasakyan ay tanaw na niya ang nagkikislapang ilaw ng venue at ang dagsa ng fans na halos punuin ang buong entrance.May mga humihiyaw, may hawak na banners, at paulit-ulit na sumisigaw ng pangalan nila ni Daniel. Kahit sarado ang bintana ng sasakyan ay rinig na rinig pa rin niya ang ingay sa labas.Pero imbes na kabahan ay abala siya ngayon sa pagtitig sa cellphone niya.“Bakit parang sobrang busy mo diyan?” natatawang tanong ni Daniel habang nakasandal sa upuan at pinapanood siya. “Sino bang inaabangan mo sa cellphone mo?”Hindi man lang siya tumingin dito. “Si lola at lolo,” sagot niya habang mabilis na nagta-type. “Nag-promise kasi ako sa kanila na katabi namin sila sa upuan. Eh hindi ko alam kung nasaan na sila.”Napataas ang kilay ni Daniel bago ito napailing. “Sandali… hindi ba dapat tayong dalaw

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1482

    TYLER'S POV:Nakahiga siya sa kama habang walang tigil na nagso-scroll sa cellphone. Halos si Jolisa ang laman ng buong algorithm niya. Mga edited video clips, fan compilations, interviews, at mga sweet moments nito kasama si Daniel. Kahit saan siya tumingin, mukha ni Jolisa ang bumubungad sa kanya. At sa totoo lang… proud siya rito.Sa loob lamang ng halos isang taon sa showbiz, sobrang laki na agad ng narating ni Jolisa. Dati, simpleng probinsyanang mahiyain lang ito. Ngayon, isa na itong sikat na artista na hinahangaan ng marami.Pero kasabay ng pagmamalaking iyon ay ang kirot na pilit niyang nilulunok araw-araw.Halos isang taon na rin silang walang communication. Ibinigay niya ang gusto ni Jolisa... ang humingi ito ng oras at espasyo para sa sarili nito. Kahit mahirap, kahit pakiramdam niya ay unti-unti siyang nawawala sa buhay ng dalaga, tiniis niya.Ngunit habang tumatagal, mas lalo siyang kinakain ng selos, lalo na tuwing nakikita niya ang mga video nina Jolisa at Daniel.May

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1481

    Sino iyon? Bakit sinusubukan nitong pumasok sa unit niya?Mahigpit niyang napisil ang flower vase habang pilit pinipigilan ang sariling mapasigaw. Halos manginig ang mga kamay niya sa kaba habang nakatitig sa lalaking nasa labas ng pinto.Makalipas ang ilang segundo, tila napansin nitong hindi nito mabubuksan ang unit kaya bigla itong tumigil. Pagkatapos ay mabilis na itong naglakad palayo.Doon lamang siya muling nakahinga, ngunit panandalian lang ang ginhawang iyon. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng pinto habang nanlalamig ang buong katawan. Pakiramdam niya ay nanghihina ang mga tuhod niya.Sino ang lalaking iyon, at bakit pakiramdam niya… matagal na siyang binabantayan nito?Naalala niya tuloy ang ilang beses na pakiramdam niyang may matang nakatingin sa kanya tuwing umuuwi siya galing trabaho. Akala niya noon ay dala lang iyon ng sobrang pagod at stress.Pero paano kung hindi? Paano kung totoong may sumusunod sa kanya?Bigla siyang napayakap sa sarili. Safe pa ba siya sa condo

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1480

    Pagkauwi sa condo, halos matumba na siya sa sobrang pagod. Mabigat ang bawat hakbang habang tinatahak ang sala bago tuluyang bumagsak sa malambot na sofa. Napapikit siya sandali at marahang isinandal ang ulo sa sandalan.Sobrang tahimik ng buong unit. Ganito na palagi ang routine niya araw-araw... uwi, pahinga sandali, ligo, saka tulog. Paulit-ulit. Parang isa na lamang siyang robot.Okay lang sana kung trabaho lang ang dahilan ng pagod niya. Kahit nakakapagod ang taping at sunod-sunod na schedules, fulfilling naman iyon para sa kanya.Pero ang kailangang pakisamahan araw-araw sina Queenie at ang grupo nito? Iyon ang totoong nakakaubos ng lakas niya.Hindi niya maintindihan kung bakit tila hindi siya kayang tantanan ng mga ito. Kapag may eksena siyang pinupuri ng direktor, siguradong may masasabi si Queenie pagkatapos. Mga pasimpleng lait. Mga tinging puno ng inggit at pangmamaliit.Mahina siyang napabuntong-hininga bago dinampot ang remote control at binuksan ang TV. Agad na kumalat

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND    CHAPTER 1479

    Matapos ang nakapapagod na take na iyon, muling nagtawag si Direk ng break. Bakas ang frustration sa mukha ng direktor at tila sasabog na ang ulo nito dahil sa paulit-ulit na pag-ulit ng eksena. Alam ng lahat na ang dahilan ay ang panggugulo nina Queenie at ng barkada nito.Dahil oras na rin ng hapunan, nagpasya si Direk na ituloy na lamang ang shooting pagkatapos kumain."Jolie, mauna ka na sa tent, ha? Mag-si-CR lang ako sandali. Doon na lang tayo magkita," paalam ni Dolor sa kanya."Sige," maikling sagot niya bago nagsimulang maglakad patungo sa kanilang tent. Medyo may kalayuan pa ito mula sa mismong set.Habang naglalakad sa madilim-dilim na bahagi ng lokasyon, muli siyang nakaramdam ng kaba. Parang may nakamasid at sumusunod sa kanya. Hindi nga siya nagkamali, nang lumingon nakita niya ang apat na babaeng kanina pa siya pinahihirapan.“Ang galing mo ring umarte, ’no?” boses iyon ni Queenie, puno ng sarkasmo. “Acting innocent habang pinagmumukha mo akong tanga sa harap ni Direk.

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1217

    CLARKSON'S POV:Pakiramdam niya ay ilang araw din ang paghihintay niya habang ginagamot si Aria sa emergency. Bakit tila napakabagal ng oras ngayon?Mariin siyang napapikit, kahit andito na si Aria ay hindi pa rin siya mapakali. Sobrang hina nito kanina, hindi niya alam kung ano ang ginawa ng mga k

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1172

    Nagising siya mula sa malalim niyang tulog na may kiliti siyang nararamdaman mula sa pagitan ng kanyang mga hita.Nanaginip ba siya?… napatingin siya sa labas ng bintana at madilim na sa labas. Tanging liwanag na lang ng poste ang nakikita niya.Gabi na ba? Ganoon ba kahaba ang tulog niya?Napaungo

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1219

    “L-lovely, ano ang nangyari sa’yo?” tanong ni Ben saka pinuntahan ang dalaga. “Who is she, Ben?” sabi naman ni Joe na hindi pa rin bumibitaw sa kasinungalingan. “Huwag ka nang tumanggi, Mr. Fernandez. Alam kong kilala mo ako dahil ikaw mismo ang nagsabi sa akin na pinakidnap mo ako dahil ayaw mong

    last updateLast Updated : 2026-04-03
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1198

    Hindi niya mapigilang ngumiti habang nakasakay sa elevator papunta sa kanyang opisina. Hanggang ngayon ay tila kinikiliti pa rin ang petchay niya sa pang-aakit ni Clarkson sa kanya. She can’t wait na matulog sa suit nito mamaya.Pagpasok niya ng opisina ay hindi pa rin napalis ang ngiti sa kanyang

    last updateLast Updated : 2026-04-03
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status