LOGINNaroon pa rin ang matamis na ngiti sa labi niya habang pinagmamasdan ang malawak na hardin ng mansyon, pero agad na naputol ang kaniyang pagde-daydream nang marinig niya ang malamig na tinig ni Catriona."Jolie..."Napalingon siya rito. Nakatayo si Catriona ilang hakbang ang layo sa kaniya, nakahalukipkip habang matalim ang titig."I know na hindi ito ang nakalakihan mong buhay," mahinahon nitong saad. "I just want to say na mahal ang lahat ng makikita mo rito. Sana huwag kang masyadong mag-excite at baka may masira ka."Bigla siyang natahimik. Bagama't nakangiti si Catriona, may kung anong pait at pang-iinsulto sa paraan ng pagsasalita nito. Pilit na lang siyang ngumiti."Pasensya ka na, Catriona."Tumango lang ito bago mas lalong humigpit ang pagkakahalukipkip."Do you mind if I ask, Jolie?"Bahagya siyang tumango. "A-ano iyon, Catriona?"Ilang segundong pinakatitigan siya nito bago nagsalita."Itatanong ko lang kung ano ang nagustuhan ni Tyler sa'yo."Hindi agad siya nakasagot. Kan
Makalipas ang ilang minuto, tuluyan nang pumasok ang kanilang sasakyan sa napakalawak na estate ng mga Mackenzie.Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang napakalaking mansiyon na nakatayo sa gitna ng malawak na lupain. Kumikinang ang mga ilaw nito sa gitna ng gabi, habang napapalibutan ng malalawak na hardin at matatayog na puno.Halos mapasinghap siya sa sobrang pagkamangha. Kasingganda at kasinglawak din ito ng palasyo ng mga Sebastian.Normal lang ba talaga ang mga ganitong bahay dito sa Scotland? Napailing siya habang lihim na natatawa sa sarili.Jusko... ang hirap sigurong linisin ng ganitong kalaking bahay!... sambit niya sa isip habang pinagmamasdan ang bawat detalye ng mansiyon.Huminto ang sasakyan sa harap ng engrandeng entrada. Agad na bumaba ang mga tauhan upang pagbuksan sila ng pinto. Dahan-dahan siyang bumaba at muling namangha sa kaniyang paligid. "Welcome to our home, iha," malambing na sabi ng kaniyang ama habang nakangiti. "From now on, dito ka na na
JOLIE'S POV:Pauwi na sila sa estate ng mga Mackenzie. Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang mahabang kalsada ng Edinburgh.Kasalukuyan siyang nakaupo sa likurang bahagi ng kotse, katabi si Lewis. Sa harapan naman ay naroon si Blair kasama ang driver. Samantalang sina Craig at Catriona ay nasa isa pang sasakyang nakasunod sa kanila.Napasulyap siya kay Lewis. May benda pa ito sa noo at nakasuot ng sling ang kanang braso, tanda ng mga sugat at pagod na pinagdaanan nito."Okay ka lang ba talaga, Kuya?" nag-aalalang tanong niya. "Bakit hindi ka muna bumalik sa ospital para makapagpahinga ka nang maayos?"Napatingin si Lewis sa kanya at marahang ngumiti. "I'm okay, bunso. Wala nang mas mahalaga sa akin ngayon kaysa sa katotohanang nahanap na rin kita sa wakas "Hindi napigilan niya ang mapangiti. Sa kabila ng mga sugat nito, kitang-kita sa mga mata ni Lewis ang saya at ginhawang matagal nitong hinintay.Habang nasa biyahe sila, isa-isang ikinuwento ni Lewis ang lahat ng n
Matapos ang masayang tawanan at kuwentuhan sa loob ng palasyo, unti-unti nang napagdesisyunan ng mga Mackenzie na oras na upang umuwi. Bagama't puno pa rin ng kasiyahan ang paligid, hindi maikakaila ang lungkot na unti-unting bumabalot sa puso ni Jolie dahil sa nalalapit niyang pag-alis.Sa kanilang silid, tahimik siyang tinulungan ni Tyler sa pag-iimpake ng mga gamit niya. Isa-isang tiniklop ng binata ang mga damit habang siya naman ay nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang bawat kilos nito."Konti lang ang dadalhin mo," sabi ni Tyler habang inilalagay ang ilang damit sa maleta. "Hindi ka naman magtatagal doon."Napangiti siya, pero bakas sa mga mata niya ang pangungulila. Ramdam niyang mabigat pa rin sa loob ni Tyler ang paghihiwalay nila, kahit ilang araw lang naman iyon.Sa totoo lang, ganoon din ang nararamdaman niya. Pero mas nangingibabaw pa rin ang pananabik niyang makilala nang lubusan ang pamilyang matagal niyang ipinagdasal na matagpuan."Love, baka naman hindi na ak
Mahigpit na yakap ang ibinigay ni Lewis kay Jolie habang patuloy itong umiiyak sa kanyang balikat. Sa unang pagkakataon, naramdaman siya ang init ng isang pamilyang matagal na niyang inasam. Lumapit din si Blair at yumakap sa kanya.Tahimik na pinagmamasdan ng lahat ang tagpong iyon. Maging si Craig, na kanina lang ay nag-aapoy ang galit, ay napapunas na rin ng mga matang namumuo ang luha.Humakbang si Lola Beth at marahang hinaplos ang buhok ni Jolie. "Alam kong masaya ka ngayon, apo, pero huwag mong kalilimutan na kahit ano pa ang mangyari, mananatili kaming pamilya mo."Pagkarinig noon ay si Lola Beth naman ang niyakap niya. "Hindi ko po kayo makakalimutan, Lola. Kayo po ang nag-aruga sa akin noong mga panahong wala akong ibang malapitan."Napangiti si Gregore habang marahang tumatango. "Hindi mahalaga kung sino ang kadugo mo, Jolie. Ang mahalaga, lahat kami ay nagmamahal sa'yo."Biglang lumapit si Lolo Sebastian at marahang ipinatong ang kamay sa balikat niya. "At simula ngayon, h
"You could've asked for our help, Frazer!" mariing sabi ni Craig habang pigil ang galit at pagkadismaya sa mukha. "Hindi iyong gagawa ka pa ng kasalanan para lang makuha ang gusto mo." Unti-unting yumuko si Frazer. Halos hindi niya magawang tingnan ang ama sa sobrang hiya. "Sorry, Dad... Sobrang hiya na ako sa inyong lahat. Wala na akong ibang ginawa kundi ang pahiyain kayo." basag ang boses niyang sambit Napahagulhol siya at napahawak sa sariling buhok. "Ano'ng gagawin ko, Dad? Ayoko pang mamatay. Natatakot ako." Huminga nang malalim si Craig bago nagsalita. Kahit galit siya, ama pa rin siya ni Frazer. "Hindi ka pababayaan ng pamilya mo, pero hindi rin puwedeng hindi mo pagbayaran ang ginawa mo kay Lewis. Attempted murder ang kasalanang ginawa mo. Hindi iyon simpleng pagkakamali na puwedeng kalimutan na lang." Dahan-dahang tumango si Frazer habang patuloy na lumuluha. "Papayag ako, Dad. Handa akong makulong. Handa akong pagbayaran ang lahat." Napatingin siya kay Catriona na umi
“Lola?”“Apo… andito ka na ba sa Pilipinas?”“Opo, Lola. Bakit ka po napatawag? Gabi na, hindi ka pa ba natutulog?” nagtatakang tanong niya“Ah hindi kasi kami makatulog ng lolo mo. Para kasing may kaluskos kaming naririnig sa labas. Wala pa naman ang Tito Toto mo dito.”“Kasama ko po si Tito ngayo
Kinabukasan ay maaga siyang naligo at nag-prepare. Pupunta siya sa ospital para umpisahan ang pagpapagamot kay Doc JM. Naalala niya ang bangayan nila ni Vicky kagabi. Kung hindi man siya nito samahan kay JM ay okay lang.Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng cottage. Sa kanyang pagkagulat ay
Kung alam ko lang… kung alam ko lang na ganito ang mangyayari… sambit nya sa sarili at napahawak sa dibdib. Para bang may mabigat na nakadagan doon."Iha, uminom ka muna ng tubig". sabi ng mommy niya habang tinatapik siya sa balikat.Umiling lang siya. "Okay lang po ako, Mom… si Clarkson po… siya a
“Hi Aria! It’s good to see you again!” nakangiting bati ni Doc Vicky sa kanya. Mukhang sincere naman si Vicky na masaya itong makita siya... pero siya?...Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. May mga tao naman doon maliban kay Clarkson at Vicky pero sa dalawa lang natuon ang atensyon niya...







