MY SUGAR DADDY'S DIRTY LITTLE SECRET

MY SUGAR DADDY'S DIRTY LITTLE SECRET

last updateDernière mise à jour : 2026-07-24
Par:  Sweet Chillie Mis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
Notes insuffisantes
3Chapitres
6Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Paano kung isang araw kusang dumating ang oportunidad na hatid ay maginhawang solusyon sa lahat ng iyong problema ngunit ang kapalit naman ay ang iyong dangal? Tatanggapin mo ba? Mapagmahal, maalaga at matatag na anak at kapatid si Reese Adelai Montello, likas ring inuuna muna ang iba, bago ang sarili. Siya ang sumalo sa mabigat na obligasyon nang maiwan sa kanya ang bunsong kapatid na may malubhang karamdaman matapos maghiwalay ang kanilang mga magulang. Nagsisikap kasabay ng pag-aaral sa kabila ng suportang patuloy na natatanggap mula sa mga magulang hanggang dumating sa puntong hindi na nasasapat... Kaya napilitan siyang tanggapin ang maruming trabahong inalok ng kaibigan sa kawalan na ng pagpipilian dala ng kanyang pangangailangan. Pumasok siya bilang isang ekslusibo at pribadong babae ng misteryosong mayamang binata na si Lucien Heroux, ang lalaking magbibigay sa kanya ng lahat ngunit magpaparanas din ng mga hindi makakalimutang karanasang magsisilbing isang bangungot. Kaginhawahan kapalit ng laya, desisyong gusto nang pagsisihan ngunit wala nang labasan. Hanggang saan kaya kakayanin ni Reese ang sakripisyo para sa kapatid kung kapalit naman ay pagtitiis at pagdurusa sa kamay ng lalaking kay lupit naman pala? At wala nang balak na siya'y pakawalan pa?

Voir plus

Chapitre 1

CHAPTER ONE

Reese Adelai Montello

"Gusto mo ng raket? Malaki kikitain mo rito pero iyon nga lang kung kaya ng sikmura mo?" may alok na tanong ni Siona nang saktong kalalapag ko lang ng pagkain ng kapatid ko sa lamesa na kalalabas lang din ng ospital.

Napatingin ito sa akin buhat ng nagtatanong na tingin kaya ngumiti ako sabay ginulo ang buhok.

"Kumain ka na, Nicolai magpalakas ka." Sabay sumenyas ako sa kaibigan kong sumunod sa akin nang mauna akong lumabas ng bahay.

Hinarap ko siya at humalukipkip nang kami na lang dalawa. "Iwasan mo bumanggit ng mga ganoon salita na maririnig ng kapatid ko."

Humilig siya sa dingding ng labas ng bahay namin at may kinuha muna sa likod ng bulsa ng maiksing short at naglabas ng kaha ng sigarilyo na may kasama nang lighter at nag-sindi sa harap ko.

Tahimik ko lang siyang pinanuod hanggang umisang hithit muna at saka lang sumagot.

"Alam mo Reese... naaawa kasi ako sa inyo ng kapatid mo, mabuti napagkakasya mo ang natatanggap niyo sa pareho niyong magulang na may iba na ring pamilya?"

Hindi ako nagsalita at muli siyang humithit, nagbuga ng usok saka humalukipkip. Hindi kami nagpapanlayo ng edad ni Siona at iisa rin kami ng pinapasukang unibersidad, ang kaibihan lang din namin, mas madiskarte siya kaysa sa akin.

Siya ang nagbibigay madalas ng trabaho kapag kailangan ko ng extrang kita kapag kinukulang kami ng nakababatang kapatid ko na may sakit na anemia at sa puso.

Hiwalay na ang mga magulang namin, may kanya-kanya na silang ibang pamilya mabuti nga sinusuportahan pa rin nila kami kahit na papaano, iyon nga lang madalas kinakapos, nag-aaral pa ako ng kolehiyo, third year college na rin ako sa kursong business management kaya ayaw ko matigil.

At ang kapatid ko, high school na sana, ang kaso patigil-tigil dahil mahina ang katawan madalas pa isugod sa hospital kapag hindi natututukan.

Kaya kasabay ng pag-aaral, sinasamahan ko ng trabaho at nagtatanong-tanong sa mga kakilala kung may bakanteng tumatanggap ng student part timers.

Kaya malaki ang utang ko rito kay Siona dahil siya ang madalas tumitimbre kapag meron pwedeng pagkakakitaan pero iyung kaya ko lang, kapag may kasama nang iba sa linya ko, hindi ko na pinapasok.

"Alam ko kailangan mo ng malakihang kita ngayon, lalo panay-panay ang sumpong ng kapatid mo at dumadami ang gamot, at ikaw nasa kalagitnaan na tayo ng gastusan sa University."

"Ako walang problema dahil alam mo naman rakitera ako kahit pagsubo na walang hugas pinapalagan ko magkapera lang." Saka siya muling humithit ng sigarilyo.

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Maganda, maputi at makinis si Siona at marami rin siyang nagiging lalaki pero ni kahit isa wala siyang siniseryoso dahil ang interes niya ay kumita mula sa mga ito at idagdag pa na liberated siyang babae, walang preno at higit kalog pa.

"Hindi ko naman sinasabi na gayahin mo ako, hindi ko rin naman sinasabi na tama rin itong ginagawa ko... pero sa buhay na meron tayo kapag hindi ka didiskarte, wala ka magiging magandang buhay, ang malala pa wala kayong kakainin."

"Kaya nga ako nagtatrabaho at pinagsasabay ko pati pag-aaral—"

"Ang tanong ko, sapat pa ba?"

Natigilan ako at hindi makasagot.

Inubos niya ang natitirang baga ng sigarilyo at itinapon sa lupa at inapakan saka niya ako hinarap ulit at nakahalukipkip at seryoso niya akong tiningnan.

"May alok ako... malaki-laki rin ang pursyento ko rito kapag nakapag-dala ako ng babaeng v*rgin," tapatan niyang sinabi na ikinalaki ng mata ko.

"A-Ano?!" bulalas ko at halos lumuwa.

Ngumisi siya. "Kilala mo naman ako, hindi ako malihim na tao, at tanungin mo nga lang ako agad din akong aamin. Meron kasi lalaking naka-corporate attire ang lumapit sa akin noong nakaraang araw."

May nilabas siya ulit sa likod ng bulsa at ipinakita sa akin ang itim na calling card.

"Alam niyang marami akong koneksyon sa mga lalaking pwede gatasan kaya nakilala niya ako, nag-aya mag-kape, sinamahan ng konting 3 hours sa isang mamahaling hotel at doon kami na nag-usap," paglalahad niyang ikinaawang ng bibig ko.

"May inalok siya sa akin kaya ibinigay niya ang calling card niya at tawagan ko raw siya kapag may babaeng interesado na pasukin ang trabahong ito." Iniabot niya rin sa akin ang calling card.

Hindi ko agad tinanggap, tiningnan ko lang.

"May nangyari na inyo nung lalaki tapos ayos lang sa iyo na sa amin din?" tanong ko buhat ng gulat kong mukha.

"Gaga! Hindi ka sa kanya mismo magtatrabaho, may boss siya na nagpapahanap ng v*rgin, iyon ang bubutingting ng puk*lya mo kapag ka pumayag!" gigil niyang paliwanag pero lalong nagpawindang sa akin na may ganitong nagaalok ng trabaho.

"Kung v*rgin lang ako, ako na sana, kaso maraming espada na ang sumaksak dito kaya ayaw niya sa busangsang na kaya ikaw... ang naalala ko."

Nasapo ko ang noo ko, kahit kaibigan ko ito hindi pa rin ako masanay-sanay sa bibig at mariin akong napapikit na umiling.

"Pass ako diyan, Siona. Ayoko!" mariin kong tanggi at tumalikod pero abot-abot ang init ng mukha ko.

"Ay ang arte ng v*rgin?" tuya niya sabay tumawang hinawakan ako sa balikat at iniharap ako ulit sa kanya.

Inis ko siyang tiningnan. "Hindi ko kaya—"

"Kahit 100k isang gabi mo?" Ngumisi siya.

Na-estatwa ako at natigilan... 1-100k?

Mapanukso niya akong tiningnan at ginamitan ng hokus focus nang maglakad siya paikot sa akin, hinawakan pa ang dulo ng buhok ko at pinaikot-ikot sa hintuturong daliri niya.

"Chance mo na makapera ng malaki, Reese hindi mo kailangang magpaiba-iba ng lalaki, isang tao lang sa isang kontrata."

Napalunok ako. "Anong kontrata?"

"Ang sabi ni Sir. Zeek, papasok ka sa isang kasunduan sa pagitan mo at ng boss niya at magiging ekslusibo ka lang sa kanya na siya lang ang pwede magmay-ari sa iyo," sagot niya na may paliwanag kaya lalo ata na hindi ko kaya iyon.

Kinilabutan ako nang ilapit niya pa talaga ang bibig niya sa akin para bumulong nang kami lang ang makarinig.

"Tutuwad ka lang at ibubuka mo iyang mga hita mo sa kanya limpak-limpak na pera mo solve na rin lahat ng problema mo, kung sa isang linggo ay limang araw ka papagamit, may 500k ka na. Saan ka pa?" Sabay ngiti, lumayo na rin siya sa akin at bumalik sa harapan ko.

Napatulala ako pero nang agad ding makabawi umiling ako. "Baka naman nagkakalat lang ng sakit iyan?"

Humagalpak siya ng tawa bigla. "Sira! Walang sakit iyon! Iyan din muna ang sinigurado ko kay Mr. Zeek baka mamaya magkasakit ang kakagat dito sa trabahong ito, hindi naman daw! May monthly medical kayong pareho, at bago ka isabak kailangan may medical ka ring maipapakita kapag nasa location ka na."

"At si Sir. Zeek na bahala sa lahat ng gastos sagot din ng boss niya. Kung... tatanggapin mo ang trabahong ito?" Nginisihan pa ako ulit na asa namang papalagan ko?

"Bakit ba v*rgin gusto niya?" usisa ko muna.

"Aba, sinong lalaking may ayaw? Siyempre masikip ba! Bilyonaryo itong pinaguusapan natin babayad talaga iyan ng so-solve sa pantasya at pangangailangan niya."

"At v*rgin ang trip ano gagawin?" Natawa pa ang loka-lokang ito na ako pa ang target na i-market ngayon.

"Sayang talaga ito kapag sa iba pa napunta, Reese at kaya nga masinsinan talaga kitang kinakausap dahil ikaw ang taong kilala ko na qualified dito at malaki pa pangangailangan mo."

Natahimik ako at napatingin sa kawalan.

"Solusyon na nalapit sa iyo, ayaw mo pa?" Talagang tinutukso niya ako sunggaban.

"Nakalagay naman sa kontrata kung hanggang kailan lang epektibo ang mapagkakasunduan niyo, kapag pa dumalas, at nawili siya sa iyo instant milyonarya ka."

Napalunok ako at naikuyom ko ang parehong palad. Sa mga sinabi niya nagdadalawang isiptuloy ako patusin na, ang galing din naman kasing mang-himok!

"Oh, kunin mo may panahon ka pa para mag-isip pero kung ako sa iyo palagan ko agad iyan once in a lifetime offer lang iyan."

Inabot niya na sa akin ang calling card at ipinagsiksikan sa palad ko kaya wala na akong tanggi pa kahit ayaw ko kunin.

"Tandaan mo, hindi ka palaging v*rgin, mabuti na ring makinabang ka roon sa makakauna sa iyo kaysa mapunta iyang pechay mo sa kanto boys na wala naman bitaw." Sabay irap at umalis na sa harapan ko at umuwi na sa bahay nila.

Tiningnan ko ang nasa kamay ko sabay dumako sa pintuan ng bahay namin at kapatid ko agad ang una kong naisip.

Natatakot akong pasukin...

Baka hindi na ako makalabas.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Pas de commentaire
3
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status