LOGINDahil sa matalik na pagkakaibigan ng mga magulang ni Jessica at Jericho, bata pa lang ay naka-ukit na ang kanilang tadhanang ipakasal sa pagsapit ng tamang panahon. Pero hindi umayon sa plano ang lahat dahil natuklasan ni Jerichong lalake rin ang gusto nito kaya ginawa nya ang lahat para lamang hindi matuloy ang nalalapit nilang kasal ng childhood friend nitong si Jessica na ilang taon na nyang hindi nakikita. Pero kahit na anong gawin nila ay natuloy pa rin ang kasal. Dahil kapwa nila ayaw ang ikasal sa isa't isa ay naging aso't pusa ang kanilang pagsasama sa iisang bahay. Hindi magkasundo sa kahit na maliit na bagay at palaging nagbabangayan. Mauuwi ba sa pag-iibigan ang kasalanang hindi nila gusto? At mababago ba ng pagmamahal ang pusong mamon ng binata? Sundan ang magulo, maingay at nakakaaliw na buhay mag-asawa ng baklang CEO at ng babaeng matagal ng pangarap na maikasal.
View MoreMasarap ang simoy ng hangin habang naghihintay ako sa pagbukas ng malaking pintuan. Perfect ang music na talagang ikakaiyak mo kapag dahan-dahan ka nang maglalakad palapit sa altar kung saan naghihintay ang taong pinakamamahal mo at pinapangarap mo na makasama habang buhay. Maganda ang desinyo ng simbahan, maaliwalas ang paligid at syempre sobrang ganda ko ngayon. Ako 'yong bride eh.
Nang bumukas na ang pintuan ay lahat sila nasa akin na ang atensyon. Feel na feel ko ang pagiging main character ko. Feeling ko ako ang pinakamaganda sa araw na ito. Dahan-dahan na akong naglakad at feel na feel ko pa talaga ang moment. Kasal ko 'to eh, bakit ba? Napapikit pa ako habang ini-imagine ang hitsura ko sa perspective ng groom ko. Seguro naiiyak na sya kasi hindi sya makapaniwalang sobrang ganda at maswerte sya sa papakasalan nya. Pero nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ng soon to be husband ko na parang naasiwa at nasusuka habang nakatingin sa akin. Nagbago rin ang mukha ko. Mula sa masaya ay naging mapait na rin ang ekspresyon. Kung ang iba ay masaya at nag-iiyakan pa sa tuwa sa araw ng kasal nila ay ibahin nyo kami. Paano ba naman kasi hindi naman namin ito kagustuhan. In-arranged marriage kami ng mga magulang namin at ngayon ay kami ang magdudusa? Ok lang naman sa akin kung sa ibang lalake pero kay Leandro DeGuzman? Nevermind! Eh mas babae pa sa babae sa akin 'to gumalaw eh. Kung against ako sa kasal na ito mas against sya kasi sabi nya parehong lalake ang hanap namin. Nang makarating na ako sa harapan nya ay tipid na ngiti ang ibinigay ko. Sabay kaming humarap sa pari at nagsimula na nga ang kasalan. "Lalake, tinatanggap mo bang maka-isang dib-dib ang babaeng nasa iyong harapan? Sa kahirapan man o sa kayamanan? Sa pagdurusa man o sa pag-angat? Hanggang sa iyong kamatayan?" Iyon ang tanong ng pari kay Leandro. Tumingin ito sa akin na parang hindi makapagsalita. Para syang nasusuka. Ilang segundo pa at hindi pa rin ito sumasagot kaya nagtaka na ang mga tao. Inapakan ko ang paa nito para bumalik sya sa sarili. Nginitian ko sya habang bumubulong,"Sabihin mong 'I do' kanina pa nila hinihintay ang sagot mo." Kinakausap ko ito sa sobrang hinang tunog kahit na hindi halata dahil sa malawak kong ngiti. "I-I...I do, father." Napalunok pa sya pagkatapos no'n. "Babae, tinatanggap mo bang maka-isang dib-dib ang lalakeng nasa iyong harapan? Sa kahirapan man o sa kayamanan? Sa pagdurusa man o sa pag-angat? Hanggang sa iyong kamatayan?" Ngumiti ako nang malapad sa Pari."I do, father!" "Bueno, sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng simbahan, idinideklara kong kayo na ay kasal." Nagpalakpakan pa af naghiyawan ang mga tao nang sabihin na iyon ng pari. "Mr. DeGuzman, pwede mo ng ipagkaloob ang matamis mong halik sa iyong asawa." "'Yon oh! Kiss! Kiss!" "Sakmalin mo na!" "Kiss! Kiss!" Naghiyawan na ang mga tao na pinangunahan ng mga kaibigan ko. Bwesit talaga 'tong mga 'to. Mapang-asar. Alam naman nila ang sitwasyon namin eh. "Kiss daw," bulong ko kay Leandro. "Hindi kita hahalikang burikat ka," inis nya namang sagot. "Dali na para matapos na 'to!" Inis kong sabi. "Mr. DeGuzman?" Tawag pansin na ng Pari. Naiinis na ako sa pagiinarte nya kaya ako na ang gumawa ng paraan. Hinila ko ang barong na suot nya at idinampi ang labi ko sa labi nya. Dahil doon ay naghiyawan silang lahat. Pinatagal ko iyon ng ilang segundo para mukhang totoo. Nang bumitaw ako ay masama na ang tingin ni Leandro sa akin. "Sasabunutan kita." "Ngumiti ka na lang. Nakatingin silang lahat." Pagkatapos ng kasal ay pumunta na kami ng venue. Nasa beach resort iyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Leandro. Nagsaya ang lahat, nagsayawan, kantahan, at kung ano-ano pang mga gimik para imaging memorable ang kasal namin. Samu't sari rin ang pagbati at pagtanggap ko ng regalo dahil hindi ko na naman mahagilap ang asawa ko. Baka kung sino-sino na naman ang kasama no'n. Tumuloy hanggang sa mag-umaga ang celebration pero ako lang ang nandoon. Sinabi ko na lang sa mga bisita na masama ang pakiramdam ng asawa ko. Nang makahanap ako ng pagkakataon ay hinanap ko si Leandro. Nakita ko naman itong umiinom sa isang cottage na malayo sa reception. "Oh anong minumukmok mo dyan, Asawa ko?" tanong ko. Hinarap nya ako ng may kunot na noo. "Pwede ba huwag mo akong tawagin na ganyan at baka masuka ako noh!" "Edi 'wag!" "Tsaka huwag ka ngang feel na feel dyan. Parang gustong-gusto mong ikasal tayo ah." Hinarap ko naman ito. "Hoy fyi lang ha? Pangarap ko talagang ikasal pero minalas ako at ikaw pa! Kasi naman kung magpapakasal ako at magpapatali bakit sa isang bakla pa 'di ba?" "Eh bakit hindi ka gumawa ng paraan para hindi 'to matuloy?" "Wala akong choice! Akala mo ba gusto kong maikasal sayo? Yuck!" "Mas ako nag nandidiri sayo!" "Mas super nandidiri ako!" Halos magsigawan kami doon sa inis sa isa't isa. Nakakainis kasi sya, ako na lang ang laging sinisisi. "Nag-aaway ba kayo?" Nanlamig ako nang marinig ang familiar na boses at mabilis na humarap sa harapan namin. Si Mommy ang nandoon at halatang kakarating lang. "Hindi po, Mommy. Naglalambingan lang kami 'diba Hubby?" Pinulupot ko ang kamay ko sa braso nya at hiniga ang ulo ko sa balikat nya. "Yes, Mom. Makulit kasi itong si Zeana eh. Sarap tirisin--este halikan." Kinurot nya ako sa pisngi ng mahina para kunwari ay sweet kami sa harapan ni Mommy. Nginitian ko nang malapad si Leandro at kinurot rin ang pisngi nya. "Mahal na mahal ko kasi itong Hubby ko eh." Pagkasabi ko no'n ay nilakasan ko ang pagkurot kaya nanlaki ang mga mata nya at kaagad na gumanti kaya humapdi rin ang mukha ko. "Ang sweet naman talaga! Naalala ko tuloy ang Daddy mo Zeana. Ganyan na ganyan rin kami noon eh. Hayyy..." Binitawan ko ang mukha ni Leandro at tumingin sa Mommy ko. Sobrang lapad ng ngiti nya. Iyon ang dahilan kung bakit pumayag ako sa kasal na ito. Para sa kanya. Wala na ang Daddy at ako na lang ang nagpapasaya sa kanya kaya ipinangako ko na gagawin ko ang lahat ng gusto nya para makita ko lang ang ngiting 'yan araw-araw. "Oh sya, kaya lang naman ako nandito ay dahil susunduin ko kayong dalawa. Sumama kayo sa akin at may paguusapan tayo kasama ang Chairman," sabi nya sa amin na ang tinutukoy ay ang grandfather ni Leandro. Nauna na itong maglakad kaya inismiran ko si Leandro bago sumunod sa Mommy ko.ZEANA'S POVAlam ko namang may galit sa akin si Leandro, pero grabe naman siya kung makasigaw sa akin kanina pa.“Baliw ka ba? Kanina pa kita tinuturuan, mali pa rin,” ani nito. Ibinalibag ko sa kanya ang sandok na hawak ko.“Edi ikaw na dito!” sigaw ko. “As far as I remember, ikaw ang nagsabing turuan kitang magluto. Tapos ngayon, magrereklamo ka?” Tumaas ang kilay ko.“Eh, grabe ka naman kasi! Hindi naman ganyan.”“Eh, shunga ka kasi turuan.”“Bad teacher ka lang talaga!”“Edi bahala ka sa buhay mo!”Sasagot pa sana ako, pero pareho kaming nagulat nang malaglag ang takip ng kaldero sa sahig. Matinis ang tunog no'n at masakit sa tenga.Nang sabay naming lingunin, nakita naming umaapaw na ang sabaw sa niluluto naming pochero. Dali-dali namin itong nilapitan. Pinulot ko ang takip at ibinalik, habang si Leandro naman ay agad na nagpahina ng apoy.“’Tingnan mo na? ’Yan ang nangyayari kapag pinapabayaan mo ang ginagawa mo. If you are cooking, you need not just the skills but also patience
Last day na namin at papababa na ng lobby nang hindi ko inaasahang makita ang dati kong kaklase noong high school. Siya ang nakakasama ko noon sa mga organization na sinasalihan ko. Si Juwon. Nagkita kami sa hallway. Siya ang unang nakakita sa amin at kaagad kaming binati. Pagkatapos noon ay nag-usap muna kami ng kaunti."Kamusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah," aniya. "Eto still surviving sa buhay. Ikaw ba, kamusta na? Ang laki na ng pinagbago mo ah," ani ko naman. Ngumiti ito nang malapad. "Maayos naman, at ito may sarili na ring pamilya."Nagulat ako at namangha sa sinabi niya. "Talaga? Wow naman. Nakapag-asawa na rin sa wakas ang torpe naming Secretary." Natawa ito sa sinabi ko. "Ikaw ba? Siguro naman ay may boyfriend ka na?" tanong niya at hindi ko alam kung bakit gusto kong matawa. Never akong nagka-boyfriend, Instant asawa na kaagad. Nilingon niya si Leandro na tahimik na nagci-cellphone sa gilid ko. "Bilib naman talaga ako sa friendship nyo. Hanggang ngayon magkasam
Mabilis ang naging takbo ng mga araw kaya halos matapos na nila ang inspection at mga kailangang iproseso para makapagsimula na sa paggawa ng gusali. Ikatlong araw na namin ito at kahit papaano ay hindi na ako gano'n kabagot dahil mas pinili kong maglakwatsa sa lahat ng nakita kong puwedeng puntahan sa internet. Nandito lang din naman ako, kaya susulitin ko na ang bakasyon.I went to different places--from malls, parks, and restaurants I could find. Sobrang dami ko na ring nabili sa bawat lakad ko. Kaya naman nang makita ako ni Claire na may dalang dalawang bag ay nagputak na naman ang bunganga nito."Really? Balak mo bang gastosin ang lahat ng pera ng asawa mo? Ipaalala ko lang sa'yo na pinaghihirapan niya lahat ng--"Hindi ko na pinatapos ang komento niya dahil kaagad ko na itong tinalikuran at pumasok sa loob ng kwarto namin."Pwede mo naman kasing aminin na naiinggit ka sa'kin," sambit ko at hinarap ito. Humigop ako sa dala kong matcha latte. Katulad ng inaasahan, napasinghal ito.
Wala akong gagawin kaya sumama ako sa project inspection nila sa Zambales. Isang sasakyan lang kami ni Claire dahil nagpumilit itong sumabay sa amin kahit na obviously ay may sarili naman siyang sasakyan. Mahaba pala ang biyahe kaya na-bore ako at naisipang magpatugtog sa radio ng sasakyan niya. Sakto namang tumugtog ang favorite artist kong si Olivia Rodrigo sa kantang "good 4 u.""Skip that," biglang utos ni Leandro."Bakit? Maganda naman ah," sagot ko."Too loud," saad niya.Napairap ako at nang dumako ang tingin ko sa rearview mirror, nakangisi si Claire sa likod. Parang ang saya niyang pinapanood kaming nag-aaway ni Leandro. Pinindot ko ang next button at tamang-tama dahil favorite band ko naman ang tumugtog."Skip," utos niya ulit."Maganda naman ang mga kanta ni Taylor Swift ah," angal ko pa."Too emotional," simple niyang sagot.Napanganga ako at napasinghal sa inis. Ano na naman bang problema nito? Kung hindi lang namin kasama si Claire, baka kanina ko pa 'to hinambalos."Ako






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.