LOGINTYLER’S POV:Nanginginig ang mga kamay ni Tyler habang maingat ngunit nagmamadaling binubuhat si Jolie palabas ng sasakyan. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang mga binti sa tindi ng takot.“Doctor! Nurse! Help us!” malakas na sigaw ni Lewis habang kasunod nilang tumatakbo papasok sa emergency room.Agad na napatingin sa kanila ang mga nurse. Nang makita nilang walang malay si Jolie at halos magpapanic na si Tyler, mabilis silang kumilos.“Put her here, sir!”Dahan-dahang inilapag ni Tyler si Jolie sa stretcher. Ngunit bago pa tuluyang mailayo ang asawa, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.“Jolie…” nanginginig niyang tawag.Walang tugon. Lalong nanikip ang kanyang dibdib. Mabilis na itinulak ng mga nurse ang stretcher patungo sa emergency room habang may isang nurse na nanatili upang magtanong sa kanila.“What happened?” mabilis nitong tanong habang tinitingnan si Jolie.“She’s pregnant,” agad na sagot ni Tyler. Halos mabasag ang boses niya. “She was under a lot of stre
Hindi siya nakasagot. Nanginginig ang kanyang mga labi habang pilit niyang iniiwasan ang mga matang nakatutok sa kanya.“Catriona,” dagdag ni Lewis. Mas tumalim ang titig nito. “Kung may alam ka, sabihin mo na.”Napayuko si Catriona. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Sa loob ng ilang segundo, pilit niyang hinanap ang tamang salita, ang tamang kasinungalingan, ang isang paliwanag na maaari nilang paniwalaan. Ngunit wala siyang maisip dahil alam niyang kahit magsinungaling siya ngayon, hindi nito mababago ang katotohanan.At kung tama ang kutob niya... May alam na si Jolie. Hindi niya alam kung gaano karami. Hindi niya alam kung ano mismo ang nalaman nito pero may alam ito.At kapag nagsimula na ang imbestigasyon ng Mackenzie at Blacksmith families, hindi magtatagal at lalabas din ang lahat… Ang pangalan ni Arthur… ang kanilang plano.,, ang kidnapping… at ang papel niya sa lahat ng ito.Unti-unti niyang itinaas ang mukha at huminga nang malalim. Muli silang nagtama
CATRIONA’S POV:Biglang nanigas si Catriona sa kanyang kinauupuan. Para bang may nagyelong tubig na biglang ibinuhos sa kanyang buong katawan. Ngayon lang niya lubusang naramdaman na hindi pa pala talaga tapos ang lahat.Noong una, bago niya ginawa ang desisyong makipagsabwatan kay Arthur, akala niya ay ganoon lang kadali ang plano... Kikidnapin si Jolie, magbabayad ang mga Mackenzie at Blacksmith ng ransom, pagkatapos paghahatian nila ang pera, at tapos na... wala nang problema.Pero iyon ang akala niya.Habang mabilis na umaandar ang sasakyan at palayo sila nang palayo sa lugar kung saan sila ikinulong, unti-unting nagbago ang lahat. Hindi dahil nakaligtas na sila ay ligtas na rin siya, hindi dahil nakauwi na siya ay tapos na ang kanyang problema. Sa katunayan, baka ngayon pa lang nagsisimula ang lahat.Napahigpit ang pagkakahawak ni Catriona sa kanyang sariling mga kamay. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw.Oo, sinabi nina Tyler at Lewis na ang pinakamahal
Muli niyang hinigpitan ang hawak kay Jolie. “Now let us leave.”Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila, pagkatapos ay muling tumawa ang lalaking naka-maskara.“Hahaha… Sure, Mr. Blacksmith.” Bahagyang itinaas nito ang kamay. “You can take them home.”Parang wala lang sa tono nito, para bang hindi nito hawak ang buhay ng dalawang babae ilang minuto lang ang nakalipas.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. “Come on.” Inakay niya si Jolie patungo sa pinto. Lumapit din siya kay Catriona at marahang hinawakan ang braso nito. “Let’s go.”Hindi nagsalita si Catriona tumango lang ito. Akmang hahakbang na sila palabas nang muli silang pigilan ng malamig na boses mula sa likuran.“And Catriona…”Biglang tumigil ang babae, maging siya ay napalingon. Tahimik na muling sumandal ang lalaking naka-maskara sa kanyang armchair. Sa kabila ng maskara, muli niyang naramdaman ang mapanganib nitong ngiti.“We’ll see each other again.”Nanigas si Catriona. At sa pagkakataong iyon, malinaw na nakita
Bahagyang tumigas ang kanyang mukha. Hindi siya sumagot, pero ang katahimikang iyon ang naging sagot niya.Napangisi ang lalaki. “Interesting.” Muli itong hinithit ang tabako.Mas lalong tumalim ang tingin ni Tyler. “Sabi ko, nasaan ang asawa ko?”Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nawala ang ngiti sa mukha ng lalaki. Dahan-dahan nitong ibinaba ang tabako sa isang maliit na ashtray sa tabi ng arm chair at marahan itong pumalakpak nang dalawang beses.Ang tunog ng palad nito ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na mansion. Ilang segundo lang matapos iyon may narinig si Tyler. Isang mahinang kaluskos. Biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Agad siyang napalingon sa direksiyon ng tunog.“Jolie?…”Muling bumaling ang kanyang tingin sa lalaking naka-maskara, sa pagkakataong iyon, mas naging malamig ang boses nito.“They’re safe.”Mariing kumislap ang mga mata ni Tyler. “Then let me see them.”Ngunit hindi agad sumagot ang lalaking naka-maskara. Sa halip, muli itong ngumiti, isang
At hindi ito basta-bastang bahay. Mula sa disenyo pa lang nito ay halatang napakamahal.What the hell…?Biglang nagkaroon ng kahulugan sa kanya ang lahat. Ang malaking bakal na gate, ang tila abandonadong bodega, ang kawalan ng ilaw sa labas... sinadya ang lahat para walang maghinala kung ano talaga ang nasa likod nito.Isang perpektong taguan, isang lugar na malayo sa mga mata ng pulis. At malamang… isang lugar kung saan matagal nang ginagawa ng grupong ito ang kanilang mga krimen.“Nasaan si Jolie?” muli niyang tanong, mas mariin na ngayon. “Nasaan si Jolie at si Catriona?”Hindi sumagot ang lalaking nasa tabi niya. Sa halip ay humakbang lang ito patungo sa bahay.“Relax, Mr. Blacksmith.”Naglaho ang anumang bakas ng pasensya sa mukha niya “Don’t tell me to relax!” singhal niya. “My wife is pregnant! Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ninyo sa kanila!”“Pumasok ka na lang,” malamig na sagot ng lalaki.Napatitig si Tyler rito. Ayaw niyang sumunod, bawat bahagi ng kanyang katawan ay
"Wag! Bitawan mo ako, Dylan! Bitawan mo ako!!!"Hawak siya ni Dylan sa kamay at nanlilisik ang mga mata nito na parang demonyo. Sa sobrang pagpupumiglas niya na makawala sa pagkakahawak ni Dylan ay nahulog siya mula sa kung saan.Napamulat siya ng mata at palinga-linga sa paligid. Nasa kwarto siya
"Pagod ka na ba?" tanong ni Precious nang mahalata nito ang pananahimik niya."Medyo..." pagsisinungaling niya. Pero ang totoo ay iniisip niya si Finn."Ahm, lalabas lang ako sandali para makalanghap ng sariwang hangin.""Sure... tatawagan na lang kita kapag kailangan ka dito."Tumango siya saka lu
Pagdating nila sa police station, agad niyang tinungo ang records section. Si Bert naman ay dumiretso sa intel room para i-check kung may nakalap nang bagong impormasyon tungkol sa black Montero.“Boss, eto,” tawag ni Bert matapos ang ilang minuto, hawak ang folder na makapal na puno ng mga dokumen
Habang binabaybay niya ang kalsada, ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Sumasakit na ang ulo niya at medyo lumalabo ang paningin, pero pinipilit niyang mag-focus sa daan. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay sa gitna ng kalsada, lalo na ngayon na hawak niya ang ebidensyang magpa







