Nagising sya ng may pumugpog sa kanya ng halik. "Good morning mommy!" wika ng maliit na mama sa tabi nya. Si Gray ang gumigising sa kanya... napangiti cya."Good morning baby... did you sleep well?" "Yes mom! I'm so happy!" Naalala nya wala pala ito kagabi sa kama, nilipat ito ni Ken sa sofa. Mabuti naman at binalik nito ang anak sa kama pagkatapos ng pagtatalik nila. Wala na kasi cya sa huwisyo kagabi dahil sa sobrang pagod. "Mommy you promised ngayon dadating ang mga Tito and Tita ko, right?""Yes anak... you already know Tita Fe and Tita Bebe.. Tito Clark and Tito James is your new tito, they are daddy's friends. They will be here later." "Yehey!!!...." sigaw ng anak nila saka tumalon-talon pa sa kama. "Where is your daddy anak?" tanong nya sa bata ng mapansing wala pala si Ken doon. "Lumabas po!" Hindi pa man cya naka-ahon mula sa higaan ay nagbukas na ang pinto at pumasok si Ken doon. May dala-dala itong breakfast para sa kanilang tatlo. "Wow breakfast in bed! I like egg!
Masaya silang nagtawanan at nagkamustahan. Maya-maya ay dumating na din ang Papa at Mama nya para salubungin ang mga bisita. Si Tito Gilbert naman at padating na din.Maya-maya ay dumating na ang kotse ni Tito Gilbert. Sa wakas ay makokompleto na sila, ito nalang ang hinihintay para maka-kain na sila. Paglabas nito sa kotse ay hindi nila inaasahan na may kasama pa ito. Lumiwanag ang mukha nya ng makilala kung sino ang kasama nito.... ang kaibigan nyang si Tita Carol!"Tita!" Sigaw nya saka sinalubong ang dalawa. "How are you tita? Mabuti naman at napadalaw ka dito sa amin!" Nagbeso sya dito at niyakap ng mahigpit. "Hi Jonie, iha!.. Pinilit lang ako ni Gilbert na pumunta dito. Ayaw ko sana dahil nahihiya ako, pero sinundo pa nya ako sa manila kaya wala na akong magawa." nahihiyang paliwanag nito. "It's okay Tita... hinidi ka dapat mahiya sa amin dito! Tara na po?" Wika nya sa ginang saka inalalayan ito. Nakatingin ang lahat sa kanila. Marahil ay naguguluhan din ang mga ito kung s
Pagka-alis ng batang si Gray at ng mga yaya nito ay naghanap cya ng lugar na walang makakarinig sa kanya... tatawagan na ng nobya. Tinutok nya ang telepono sa tenga pero palinga-linga sya sa paligid, baka may taong malapit sa kanya... mahirap na at baka mabulilyaso ang plano nya. Nakailang ring na ay hindi pa din iyon sinasagt ng nobya nya, medyo nayayamot na cya. Excited pa naman cya ibalita ang natuklasan na balita.Nang matapos ang pag-ring at hindi pa din nito sinagot ay pinindot nya ulit iyon.. hindi na maipinta ang mukha nya! Naiinis cya kapag binabale-wala sya ng nobya. Minsan na nga lang sila nagkikita ay hindi pa cya nito binibigyan ng pansin! Humanda na naman ito sa kanya mamaya! Nang sa wakas ay sinagot na nito ay sininghalan nya agad ang nobya. "Saan ka galing? Bakit ang tagal mong sumagot?" sigaw nya dito."Why? Naliligo ako, bakit ba?" sigaw din nito pabalik sa kanya . Bigla cyang nahimasmasan, ang akala pa naman nya ay binabale-wala cya nito. "Sorry sweetheart, ang
Malayo palang sya ay nakita na nya ang kotse ng nobya na naka park sa labas ng bahay nya.. napangiti cya. Na miss nya bigla si Ava pero kailangan nyang pigilin ang sarili.. naalala nya ang usapan nila kanina na galit ito sa kanya sa paraan ng pag-angkin nya dito. Mamaya ay sisiguraduhin nyang masisiyahan ito sa paraan ng pagtatalik nila. Pi-nark nya ang motor sa tabi ng kotse ni Ava, alam nyang naririnig na nito na dumating cya pero hindi cya nito sinalubong. Napabuntong hininga nalang cya."Hi sweetheart..." malambing na wika nya pagpasok ng bahay. Nasa sofa ito naka-upo. Bago ang sofa nya, tinapon na nya ang luma. Alam nyang nandidiri ang nobya nya doon.Ngumiti ito ng tipid sa kanya... lumapit cya at hinalikan ito sa pisngi. Napatingin si Ava, lihim cyang napangiti dahil alam nyang nagugulat ito sa mga galaw nya.. "Kamusta ka na?" tumabi cya dito... "I'm okay....napansin kong bago ang sofa mo ah, saka malinis ang bahay mo ngayun!" palinga-linga ito sa paligid. "Oo, naglinis ako
Pangalawang araw na nya sa rancho ng mga Miller. Maaga cyang pumunta doon kanina para hindi cya mapagalitan ng ibang mga kasama nya. Kasalukuyan cyang nasa kwadra at nagpapakain ng mga kabayo. Naalala nya kahapon ang usapan nila ni Ava. Hubo't hubad silang magkatabi sa sofa, pinagkasya nila ang mga katawan nila doon. Magkayakap sila, kakatapos lang ng pagtatalik nila. Nakita nya ang saya sa mukha ng nobya pero nagkunyari cyang hindi napansin. Napanindigan nya na maging mahinahon sa pagtatalik nila, hindi cya naging marahas at yun ang dahilan ng saya sa mukha ni Ava. Sweetheart kapag naisagawa ko na ang plano ko sa mga Miller at Enriquez ay papakasal na tayo ha." Wika nya habang nilalaro ang buhok nito... bigla itong natahimik. Alam nyang nag alangan ito sa sinabi nya. Sabagay sino ba naman cya para pakasalan nito? Wala cyang maipagmalaki sa mga magulang nitong mata-pobre na puro pera lang ang gusto! Alam nyang madami pa silang pwedeng i-consider bago sila pumunta sa ganoong sitwasy
"Ah ganun ba... sa America pala sila nanggaling?" "Oo... mayaman kasi si Sir Gregore.. sya ang isa sa pinaka mayaman sa buong mundo alam mo ba yun? Madami silang negosyo sa America at si Mam Jonie ang namamahala sa iba doon. Parang gusto nalang kasi ni Sir Gregore na magpahinga dito sa Pilipinas." Si Cyndy naman ang ang kwento. "Kapag mangyari yun ay malamang isasama din kami ni Mam Jonie sa America para mag yaya kay Gray. hindi lang naman kasi kami yaya lang... mga nurse din kami kaya may alam talaga kami sa pag-aalaga ng bata." "Mga nurse pala kayo.. kaya pala ang gaganda nyo." muling bola nya. "Huyy... ikaw talaga masyado mo na kami binobla! Baka maniwala kami ni Cyndy sayo at mag-away pa kami dahil sayo!" wika ni Lyka "Bakit nyo naman kailangan mag-away, pwede ko naman kayo pagsabayin kung gusto nyo... hehehe" "Ayy bad ka, Jack! Ayaw namin na magshare ng boyfriend noh!" "Hahaha.. biro lang...." biglang bawi sa sinabi nya, baka sabihin ng mga ito na ang presko nya. Nag-aac
************JONIE:Mommy I'm so happy, I like it here in our rancho!" Wika ni Gray, buhat-buhat pa din ito ni Ken. Pabalik na sila sa kinaroroonan ng mga kaibigan nilang nasa garden at masayang nag kukwentuhan. Sandali nilang iniwan ang mga ito kanina ng hanapin nila si Gray. Alam naman nilang safe ito sa loob ng bakuran nila at kasama naman nito ang mga yaya pero mas gusto pa din nilang nakikita ito ng mga mata nila. yun pala ay nasa kwadra lang ito nanonood ng pagpapakain sa mga kabayo. "I'm glad you like it here anak... gusto mo ba dito ka nalang mag stay kapag mag-work si Mommy at Daddy sa Manila? Kasama mo naman si Lolo Gregore at Lola Beth dito.""Sure mom... andito naman ang mga yaya ko and friend ko na po ang mga tao dito sa house like Kuya Jack."Nagkatinginan sila ni Ken.. masyado ata itong close sa tauhan nilang si Jack. Sabagay mukhang mabait naman ang lalaki, may kakaibang tingin lang ito sa kanya kanina pero mukhang hindi naman ito masama. "Sige anak... it's a deal
Nalasing si Ken at ang iba pa nilang mga kaibigan sa party nila, madaling araw na silang natapos. Inalalayan nya si Ken papunta sa kwarto nila. Hindi cya masyadong uminom dahil alam nyang aasikasuhin pa nya ang asawa nya. Pakanta-kanta pa ito habang pasuray-suray silang naglalakad. Halos madapa na cya dahil sa bigat ng asawa nya. Pagpasok nila ng kwarto ay pinahiga agad nya ito sa kama. Nakakapit pa din ito sa kanya kaya nasama cya sa paghiga nito.. pumaibabaw cya dito."Hmmmm... my lovely wife... thank you for taking care of me, thank you for loving me, Jonie..." sambit ni Ken habang papikit na ang mata sa antok at pagkalasing. Gusto nyang matawa sa mga pinagsasabi nito.Akmang tatayo na cya para kumuha ng basang bimpo para ipunas dito ng bigla cya nito hatakin pabalik sa kama. Muli na naman cyang pumaibabaw dito. Kinulong nito ng dalawang palad ang mukha nya at siniil cya ng halik.. nalasahan nya ang beer na ininum nito.. parang nalasing din cya dahil sa halik na yun."hmmm.. I wa
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight
"Stop what, baby?...." pabulong na na tanong ni Gray. Ang hininga nito ay tumatama sa leeg at tenga niya."Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Iniisip ko 'yung naantala nating kiss.... Puwede ba nating ituloy?"Napapikit siya. There's a part of her na nadedemonyo at gustong pagbigyan si Gray pero after that kiss, anong mangyayari sa kanya? Aasa ang puso niya at masasaktan siya? Alam niyang laro lang ang lahat ng ito kay Gray.... Papayag ba siyang paglaruan lang siya nito?"Stop it, kuya… Let go of me..." mahinang pakiusap niya. "Anak ka ng amo ng nanay ko… Anak ako ng katulong niyo… Tigilan mo na ang paglalandi sa akin, please... Sa iba mo na lang gawin 'yan…”Pabulong niyang sabi habang nakayuko... Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na masambit ang lahat ng katagang iyon pero 'yon ang dapat. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya kay Gray dahil sa patuloy nitong paglalandi sa kanya. Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig at siguradong masasaktan lang siya s
Maaga siyang nagising para mag-prepare ng breakfast. Nagsasangag siya ng kanin, itlog at hotdog naman ang ulam na niluluto niya. Nag-iinit na din siya ng tubig para ready na mamaya sa kape nila.Tulog pa ang lahat maliban sa kanya. Di rin siya nakatulog masyado dahil sa hilik ng lolo at lola niya. Marahil ay sanay na ang mga ito sa ingay ng isa’t isa kaya mahimbing pa din ang tulog ng mga abuelo. Tila nag-uusap pa din ang dalawang matanda sa pamamagitan ng kanilang paghihilik. Natatawa na lang siya.Naalala niya ang kanyang bisita na si Gray. Kamusta na kaya ito sa kwarto niya? Komportable ba siya? Nakatulog ba siya ng maayos? Bigla siyang kinilig nang maalalang kamuntikan na siyang magpahalik kay Gray. Kung hindi lang sila kinatok ng lolo niya kagabi, malamang mararanasan na sana niya ang kanyang "first kiss"!Hindi niya alam kung bakit kapag andyan si Gray ay naiilang siya. Ang lakas kasi ng dating ng lalaki na parang hinihigop nito ang lakas niya, para siyang nahihipnotismo. Iyon s
"D-doon ka na lang sa kwarto ko. Iyong lang kasi ang may aircon. Doon na lang ako matutulog sa kwarto ni Lolo at Lola.""H-hindi... nakakahiya naman. Aagawan pa kita ng room. We can share room if you want.""Huh?.... Ah eh...""Don't worry, wala akong gagawin sa'yo....""Huh? Parang tanga 'to! Di ko iniisip 'yan noh... Paano mo naman nasabi 'yan?" Agad na sagot niya pero ang totoo ay naliing na siya."Where's your room? Antok at pagod na din kasi ako...""Huh? Ah eh, dito..." Agad siyang nagpauna sa kwarto niya at binuksan iyon.Malaki naman ang kwarto niya. Dalawa kasi sila ng nanay niya doon kapag umuuwi ito sa Baguio."Dito na lang ako sa floor. Ikaw na d'yan sa kama." sabi nito"Sure ka ba, kuya?... Baka hindi ka sanay?""I'm gonna be okay...""S-Sige... Nasa labas pala ang banyo kung gusto mong maligo muna."Kumuha siya ng malinis na tuwalya sa cabinet niya at ibinigay kay Gray."Thanks, Rosie..." wika nito saka pumunta sa banyo.Nakahinga siya ng maluwag nang siya na lang ang n
"Tikman mo na, Kuya," muling sabi nito. Natatawang kinuha niya ang kutsara at tinikman ang ulam. Napangiti siya nang malasahan ang pinagmamalaki nitong paboritong ulam.Nagtatalo ang anghang at asim na may konting alat dahil sa bagoong. Dumagdag pa sa sarap ang malambot nitong baboy saka ang pritong talong na nakahalo doon."Masarap nga siya, Lola... I think ito na din ang paborito ko. Mukhang mapapadami ang kain ko nito." nakangiting wika niya."I told you!... masarap kasi magluto ang Lola ko.""Huuu! Binola pa ako ng apo ko!" natatawang wika ng matanda"Because you're the best, Lola!""Paano naman ako, apo?" sabat naman ng Lolo nitong mukhang nagtatampo."Syempre, the best ka din, Lolo!""Hhmmm... Kaya ikaw ang paborito naming apo, eh.""Eh Lolo, ako lang naman ang apo niyo, eh!""Ay ganun ba? Hahaha..."Pati siya ay natawa sa pag-uusap ng mga ito. Bigla niya tuloy na-miss ang Lolo Gregore at Lola Beth niya. He missed his Lolo Gilbert too, pero kasalukuyan itong nasa America kasama
Nakangiti si Rosie habang binaba ang telepono. Tinapos na nito ang pakikipag-usap sa kapatid niya.How he wished na ganoon din ka-sweet si Rosabel sa kanya. Oo, ngayon okay sila. Pero hindi siya sigurado pagdating nila sa Manila. Baka mag-iba naman ang pakikitungo nito sa kanya.“Mhie... uwi na kami, ha.” Paalam ng mga kaibigan ni Rosie. Isa-isa itong nagtayuan saka yumakap kay Rosabel.“Bisitahin mo kami ulit dito kapag may time ka, ha...” Nalungkot ang mga ito.“Sir Gray, ikaw na ang bahala sa kaibigan namin, ha.”“Oo naman.” sagot nya.“Wag nga kayo ganyan. Amo ko siya, kaya wag niyo siya utusan!” inis na sabi ni Rosie.“Ay oo nga pala. Pasensya na, Sir Gray. Basta mhie, ingat ka dun. Mag-update ka lagi sa group chat natin sa mga nangyayari sa'yo dun, ha.”“Ok, mga mhie...” naluluha ding wika ni Rosie. Alam niya masakit din 'yun para kay Rosie.Nang nagkahiwa-hiwalay na sila, ay sumakay na sila ni Rosie sa kotse niya. Tinuro nito kung saan ang bahay nito para ihatid niya.“Dito na
"Hahaha... Sorry, I can't help it."Parang mahihirapan talaga siya kay Rosabel. Kung ibang babae lang ito, ay baka naglumpasay na sa kilig kapag binanatan niya ng kanyang mga pambobola. Pero iba si Rosabel. Supalpal siya palagi dito.Pero sa kabila ng lahat ay sobrang saya niya na nagkakausap na sila ni Rosie ng gano'n. Komportable na ito sa kanya, pakiramdam niya ay close na sila. Nakatulong siguro ang ambiance at malamig na hangin sa Baguio kaya sila naging at ease sa isa't isa.Pinagpatuloy pa niya ang pagsagwan. Nang nilibot niya ang mata sa paligid, ay napansin niyang sila na lang pala ang naroroon. Ang mga kaibigan ni Rosie ay andoon na sa waiting area at naghihintay sa kanila. Napasarap ang pagkukuwentuhan nila ni Rosie."Tara na sa kanila..." aya nito. Tumango siya at nagsagwan pabalik sa pampang."Bati na ba tayo? Hindi ka na galit sa akin?""Galit? Hindi naman ako galit ah.""'Di ba galit ka kahapon dahil hindi ko tinupad ang pangako kong ilibre kita ng milktea?""Ahahaha...
Dumukwang din siya at pabulong na sinabi... "What if I don't want to? I like holding your hands. So firm and strong... but soft." Sumimangot ito... and also... muling sabi niya... "I want to kiss your pouting lips." Doon na nagulat si Rosie at tinulak siya. "Wag mo nga akong biruin ng ganyan, Sir Gray! Puro ka kalokohan!" "Ahahaha... joke lang, Rosie." biglang bawi niya. Medyo komportable na si Rosie sa kanya kaya ayaw niyang muling lumayo ito dahil sa mga pahaging nya. Pinagbigyan nito ang gusto niyang sumakay sila sa swan na bangka. Partner silang dalawa. Siya ang nagsasagwan. Ang ibang mga kaibigan nito ay nasa kabila ding bangka. "Di ko alam ganito pala kasaya dito sa Baguio. Kaya pala ayaw mong umalis dito? Now I understand." nakangiting wika nya "Hindi lang naman ang lugar ang ayaw kong iwan. Pati ang mga kaibigan ko.... Mamimiss ko sila." "Don't worry... Kung mamimiss mo sila, sasamahan kitang bisitahin sila dito. Mag-road trip tayo." "Talaga, Sir Gray?" Lumiwan
Isa-isang sumakay ang mga kaibigan ni Rosie. Mabuti na lang at malaking sasakyan ang dala niya. "Rosie, dito ka sa front seat. Samahan mo ako dito." utos niya sa dalaga. "Ay, Rosie? "Rosie" ang tawag mo sa kanya, Sir Gray?" tudyo ng bakla na ipinakilala ni Jonie kanina na si Gwen. " Ayaw niyang tinatawag siya ng ibang pangalan. Ikaw lang ang tumatawag sa kanya ng gano'n." "Hahaha... talaga ba? Kung gano'n, 'yun na ang itatawag ko sa'yo palagi." natatawang sabi nya. Nakita niyang sumimangot si Rosabel, parang gusto na tuloy niyang halikan ang labi nitong palaging nakasimangot... Ang cute kasi. "Saan niyo gustong pumunta?" tanong nya sa mga kaibigan nito. "Tambay tayo sa Burnham Park, Sir. Madaming mga streetfoods doon... sarap tumambay." "Huy bakla, tumahimik ka. Nakakahiya ka na!" saway ni Rosie sa kaibigan. "It's okay, babe..." wika niya. Sinadya niya iyong tawagin si Rosie ng "babe" para muli silang tuksohin. Nag-eenjoy siya habang nakikitang namumula ito sa pagkahiya. "