Dinala cya ni Ken sa isang mamahaling restaurant, doon sila lagi noong sila pa. Kilala na si Ken doon kaya may pagtataka din ang mga tingin ng mga staff at waitress na naroon kung bakit sila ang kasama, alam ng mga ito na matagal na silang wala at si Jonie na ang partner nito ngayon, nginitian nya lang ang mga ito. Inalalayan cya ni Ken na umupo sa pangdalawang table. "Whats your order?" Tanong nito. "Ang dati, alam mo naman ang paborito ko dito di ba?" nakangiting wika nya dito., as if she's trying to imply na dinadala din cya nito doon dati. Tiningnan lang cya ni Ken saka tumikhim. "I just want to remind you Ava, andito tayo para mag lunch and not for anything else, naawa lang ako sayo at sa sinapit mo, wag mo sanang bigyan ng kahulugan ito. Alam mong masaya na kami ni Jonie." Paliwanag nito sa kanya. "Of course! hindi ko naman iniisip yan, alam ko kung saan ako lulugar. Saka bakit pa ako makikipag kompitensya kay Jonie... she is one of the richest woman in the world! Wala na a
************JONIE:Nasa kwarto cya at nasa higaan pa din, lalo atang sumakit ang ulo nya. Hindi pa cya nakalabas doon simula kanina. Pinadalhan lang cya ng pagkain ng Mama nya. Abala pa kasi ang mga ito sa labas sa pag-ayos ng mga furniture kaya hindi pa cya binisita ng mga ito. Maya-maya ay napa-upo sya mula sa pagkakahiga. Naduduwal cya, parang babaliktad ang sikmura nya. Tumakbo cya sa banyo at doon nilabas ang suka nya. Wala naman cyang nailabas kundi puro laway lang. "Mam ano pong nangyari sayo?" Nagmamadaling pumunta ang dalawang yaya ni Gray sa kanya. Hindi nya napansin na pumasok na ang mga ito kasama ang anak nya. "Mommy what happened to you?" nag-aalalang wika ni Gray."Di ko alam... masakit ang ulo ko at naduduwal ako..." "Di kaya...." sumabay pang nagsalita ang dalawang yaya saka tumingin sa kanya. Alam na nya ang ibig sabihin ng mga ito, nurse ang dalawang yaya ni Gray kaya alam nila ang symptoms na nararamdaman nya."Baka nga..." nakangiting wika nya. "Nagliwanang a
"Tatawagan ko si Ken at sabihin sa kanya ang magandang balita!" Excited na sambit ng Papa nya ng sila nalang ang natira sa kwarto nya. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa, akmang pipindutin na nito ng pigilan nya. "Pa... I want to tell Ken personally, pwede bang ikaw na ang tumawag sa kanya at pauwiin cya pabalik dito sa Pampanga?" Ngumisi ang Papa nya sa plano nya.. "Sige anak hahaha!... That's a good idea. We can't wait for Ken's reaction kapag nalaman nya ang magadnang balita!" Pinagpatuloy nito ang pagtawag kay Ken. Pinindot pa nito ang loudspeaker para mariing nila ang pag-uusapan ng dalawa. Nakatingin lang sila sa Papa nya habang ginagawa iyon. Nag-ring na ang cellphone ni Ken.. naka dalawang ring palang iyon at sinagot na nito agad ang tawag ng Papa nya. "Hello Tito Gregore napatawag po kau? Is there anything wrong?" Nag-aalalang tanong nito. Alam nyang hindi kasi tumatawag ang Papa nya kay Ken kapag hindi kinakailangan kaya alam nyang magtataka talaga ito. "Yes... I want
Papasok na ang kotse nya sa gate ng rancho nina Jonie, kinabahan cya ng hindi nya malaman. Bakit kasi ganito ang nararamdaman nya? Nag overthink lang ba cya? At ang dami na kasing pumapasok sa utak nya ng hindi magaganda. Malayo palang ay nakita na nya ang mga magulang ni Jonie na si Tito Gregore at Tita Beth, kasama ng mga ito ang Papa nya at si Tita Carol. Pakiwari nya ay hinihintay talaga siya ng mga ito. Nakatuon ang atensyon ng lahat sa pagdating nya. Habang papalapit ang kotse nya ay nakikita nya ang kaseryosohan ng mukha ng apat na matatanda. SHIT! What is happening? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong kasalanan na nagawa, bakit ganyan nalang sila kung makatingin sa akin... what have I done? Napakwestyon nya tuloy ang sarili nya. Inisip nyang maigi ang mga nagawa nya bago cya umalis ng Pampanga kanina pero wala talaga cyang maisip na dahilan.Pag-park nya ng sasakayan ay alanganin pa cyang naglakad papunta sa apat. Hindi nya malalaman ang dahilan ng pagkakaganito nila kung
Simula ng dumating sya ay hindi nya na iniwan ni Jonie, andoon lang cya sa tabi ng asawa. Gusto nya lang makapiling ito. "Masama pa ba ang nararamdaman mo?" Tanong nya habang hinihimas ito sa buhok. Parehas silang naka sandal sa headboard ng kama... nakahilig ito sa dibdib nya. "Since when did you know na buntis ka?" "Kanina lang... ilang beses ko na kasing naramdaman na parang masama ang pakiramdam ko, tapos nasusuka pa ako. Pinapunta ko ang family doctor namin dito at kinonfirm nya na buntis nga ko." "Yun pala ang symptoms nun? Sorry Babe hindi ko alam. Pero from now on ay magiging attentive na ako sa mga nararamdaman mo. I will be with you in your pregnancy journey.""Thank you, Babe..." Napakasaya nya. Ito na ang pinangarap nyang maging bahagi ng pagbubuntis ni Jonie since hindi nya na experience iyon ky Gray. Pinapangako nyang aalagaan nya ang asawa sa abot ng kanyang makakaya.Maya-maya ay narinig nyang tumunog ang cellphone nya, kinuha nya ang cellphone sa bulsa. Baka imp
*********JACK POV:Lihim cyang napangiti ng makita si Ken na parang balisa. Hindi nya akalain na babalik agad ito sa Pampangga. Sa pagkaka-alam nya ay sa weekend pa ito babalik. Napasugod din ang ama ni Ken at ang girlfriend nito doon, mukhang masaya ang magpamilya at nagtipon-tipon ulit. Wala pa cyang alam kung ano ang ipinabubunyi ng mga ito, hindi pa cya nakakalapit sa mansion, nasa kwadra lang cya at nakamasid mula sa malayo. Kahit malayo cya ay kitang-kita nya kung gaano kabalisa si Ken, alam nya kung bakit ganun ang ikinikilos ng lalaki, alam nyang nakita na nito ang picture na sinend nya. Oo... siya ang nagsend ng mga litrato kay Ken. Sinend na ni Ava iyon kanina sa kanya. Wala pa sana syang planong ipadala iyon pero ng makita nya itong bumalik sa rancho ay gusto nyang makita ang reaksyon nito tungkol sa letrato, gusto nya itong makitang natataranta at gusto nya itong makitang namombroblema... at hindi nga cya nagkamali!... Napangisi cya sa kalokohan nya.Picture nito at n
Diri-diritso itong pumasok ng bahay nya. "Ano na ang plano?" wika nito at pabalang na umupo sa sofa. Lumapit cya at tumayo sa harap nito... "Akin na ang cellphone mo!""Bakit?" nagtatakang tanong nito. "Basta akin na ang cellphone mo!" Wala sa sarili naman na binigay nito sa kanya. Malaki ang tiwala ni Ava sa kanya at hindi nito alam na may plano cya.... Pagkatanggap nya ng cellphone nito at dinelete nya ang mga picture doon.. "Hey!!! what are you doing Jack!" Nang mahalata nito ang ginagawa nya ay tumayo ito at nakipag-agawan sa kanya para kunin pabalik ang cellphone nito."What are you doing Jack! Bakit mo dini-delete ang pictures namin ni Ken sa cellphone ko?" muling tanong nito sa kanya. "Para hindi mo na ito ma-send sa kanya at hindi na tayo mapahamak! Ako na ang gagawa at maghintay ka nalang!" sigaw nya."Jack ano ba! Ibigay mo ang cellphone ko! Hindi pwedeng magsunod sunuran nalang ako sayo! At kelan mo naman gagawin yun? Pinaghirapan ko ding itong pictures namin kaya wala
Pagdating nya ng bahay ay hindi cya mapakali. Paroo't parito cya. Hindi pa din cya makapaniwala na napatay nya si Ava! Pinagana nya ang utak at nag-isip kung ano ang dapat na gawin. My bahid ng dugo sa pader na binagsakan ni Ava. Medyo natuyo na iyon sa tagal nyang nawala dahil sa naghanap pa cya ng lugar kung saan itatapon ang bangkay ni Ava. Dali-dali cyang kumuha ng zonrox at tubig, kinoskos nya iyon ng kinoskos, sinigurado nyang walang matitirang bahid na dugo doon. Ang bag at cellphone din ni Ava na nakapatong sa sofa ay tinago nya sa apadaror. Kaalangan nya din yun idispatsa para walang ibedencya. Dapat siguro ay bumalik na cya ng rancho. doon cya magtatago sakaling may maghahanap na pulis doon sa bahay nya. Kilala pa naman ng mga kapitbahay nya si Ava. Laging nakikita ng mga ito ang kotse ng dalaga doon. Kapag nakita ng mga ito sa balita na namatay si Ava ay sya talaga ang ituturo ng mga ito. Madami cyang kagalit sa mga kapitbahay nya dahil naaangasan ang mga ito sa ka
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis