LOGINTatlong taon nang ibinuhos ni Arielle Fuentes ang sarili niya sa asawa niyang si Lucian Davenhart — isang malamig at walang pusong lalaki. Akala niya, sapat ang pagmamahal niya para matutunang mahalin din siya nito. Pero nang malaman niyang may sakit siya, mas matindi pa ang natuklasan niyang katotohanan, hindi siya kailanman ang pinili ni Lucian. Isa lang talaga siyang kapalit ng babaeng minsang iniwan ito, at ngayo’y bumalik na. Nang humiling siya ng diborsyo, doon lang nagsimulang ipaglaban ni Lucian ang isang relasyon na matagal nang wala. At sa gitna ng gulong ’yon, dumating si Magnus Davenhart—ang makapangyarihang tiyuhin ni Lucian na may sariling mga lihim. Ngayon, si Arielle ay naipit sa pagitan ng dalawang lalaking parehong mapanganib. Makakawala ba siya sa pag-ibig na hindi kailanman kanya? O tuluyan na siyang malulunod sa pagitan ng dalawa.
View MoreArielle's Point Of View.
Isang tunog ng pamilyar na sasakyan ang nagpawala ng aking antok. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ako ng kaba habang hinihintay ang pagdating niya, siguro dahil ilang araw na rin ang nakalipas simula nang umuwi siya rito. Bumukas ang pinto at kaagad kong nakita si Lucian, bumagay sa hugis ng katawan niya ang suot na formal suit at kahit bakas ang pagod sa mukha, hindi pa rin maitatago ang karisma ng lalaki. Tatlong taon na ang nakakalipas simula ng ipagkasundo kami ng aming mga magulang. Aminado akong may nararamdaman ako para sa kaniya, kaya naman napapayag ako sa kasal. Sa ilang taon naming mag-asawa, bilang lang sa daliri ang pag-uwi niya rito. Mula sa pagkakaupo, tumayo ako upang salubungin siya. "Good evening, Lucian. Nabasa ko ang text mong uuwi ka ngayon," wika ko at mabilis na nagtama an mga mata namin. "N-Nagluto ako ng dinner. Nagugutom ka ba?" Kinabahan ako lalo noong hindi siya nagsalita ngunit bumaba ang tingin niya sa aking labi. Napakurap ako kaagad. "B-Bakit, Lucian?" "Your lipstick is different. . . " Naglakad siya papalapit, mabilis kong naamoy ang alak sa kaniya. At bago pa man ako makapagsalita ay hinawakan niya ang mukha ko. "And you really reminds me of her. . ." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, ngunit mas lalo akong nagulat sa sunod niyang ginawa. Binitawan niya ang hawak na briefcase bago ako marahas na halikan at yakapin, kaagad akong nararamdaman ng panghihina dahil sa ginagawa niya. Wala akong magawa kundi ang mapakapit na sa kaniya at maya-maya, buhat na niya ako patungong kwarto. Alam kong walang nararamdaman para sa akin si Lucian, pero sa tuwing magtatalik kami, pakiramdam ko ay mahal na mahal niya ako. Pagdating sa kwarto ay mas lalong naging marahas ang pag-angkin niya sa akin, hinang-hina na ang ako ngunit hindi niya ako tinigilan hangga't hindi siya makuntento. Nang matapos ay mabilis itong umalis papunta sa banyo at iniwan ako sa kama. Nakayapos sa kumot ang hubad kong katawan habang iniisip ang nangyari. Sa tuwing uuwi si Lucian dito, ginagamit ako nitong parausan. Sanay na ako sa marahas na pag-angkin nito, ngunit iba ngayon. Gigil na gigil ito at hindi manlang ako nagkaroon ng pahinga, pero kahit ganoon ay nakakainis isipin na hinahanap pa rin ng katawan ko ang init ng paghawak at halik niya. Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay ng paligid, kaagad ko siyang nakita na abala sa pag-aayos ng mga gamit niya. "A-Aalis ka na, Lucian?" mahinang tanong ko dahilan para huminto ito sa ginagawa at lumingon sa akin. "Yeah, I have to go somewhere important this morning." Natahimik ako sa narinig, paniguradong ilang araw na naman ang lilipas bago siya muling umuwi rito. Ilang araw na naman kaming hindi magkikita. "Pero masyado pang maaga, kumain ka muna," wika ko bago dahan-dahang umupo sa kama. "Magluluto ako ng breakfast. Ano bang gusto mo?" "There's no need for that." "Sandali lang ako magluluto, paniguradong hindi ka ma-lalate sa pupuntahan mo." Aalis na sana ako ngunit narinig ko ang hulog ng kung ano dahilan para mapahinto ako. Kaagad ang pag-awang ng labi ko nang makita ang wedding frame namin na nasa sahig at basag na. "A-Anong ginawa mo, Lucian?" mabilis kong saad at lumuhod sa sahig upang hawakan ngunit nasugatan lang ang kamay ko. Nanlumo ako habang pinagmamasdan ang frame, ito pa naman ang paborito ko dahil ito lang ang picture namin na nakangiti siya. Kaya sa tuwing tinitingnan ko ang frame, iniisip ko na masaya siyang pakasalan ako kahit alam ng puso ko na hindi iyon totoo. "Bakit ba ang kulit mo, Arielle?" Natigilan ako sa narinig at nilingon siya, kitang-kita ko ang pandidiri sa kaniyang mga mata. "You even wore the same lipstick she always used. Are you really that desperate?" dagdag niya. Mabilis akong napatayo, kunot-noo siyang tinitingnan. "Ano bang sinasabi mo, Lucian?" "You used Abigail's lipstick. Akala mo ba hindi ko mapapansin?" sagot niya bago ngumisi ngunit kitang-kita ko ang inis sa kaniyang mya mata. "I feel bad for you, you tried so hard to seduce me. . . " "Ha? Lipstick lang 'to, hindi ko alam na pareho pala kami ng ginagamit. At kung ako 'tong nanunukso, bakit bumigay ka kagabi? Bakit kinama mo pa rin ako, Lucian?" Nagtiim ang panga niya. "Dahil lang sa alak 'yon, okay? Wag kang umasa. Wala yong ibig sabihin, at lalo na hindi yon dahil may gusto ako sa'yo." Magsasalita pa sana ako ngunit padabog niyang kinuha ang briefcase niya at iniwan akong nanlulumo dahil sa nangyari. Paniguradong nagalit ko siya, ang ibig sabihin lang noon ay ilang linggo na naman siyang hindi magpapakita sa akin. Iyon ang parusa niya sa akin sa tuwing magtatalo kami, dapat sanay na ako pero hindi ko pa rin maiwasang masaktan. Lalo na sa tuwing binanaggit si Abigail Carter, ang babaeng una at huling mamahalin niya, na kahit kailan ay hindi magiging ako. Natigilan ako sa pag-iisip noong makarinig ako ng sasakyan, nagmadali akong bumaba para tingnan kung bumalik ba si Lucian ngunit dismayado ako nang makita ang isang Toyota Land Cruiser sa parking lot. Hindi pamilyar sa akin kung sino ang may-ari kaya naman hinintay kong lumabas, at noong nakita ko na ay napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya rito? Papalapit si Magnus Davenhart, ang Uncle ni Lucian na mailap sa mga tao ngunit nakakaramdam pa rin ako ng kaba sa tuwing tinitingnan siya—matangkad, may tikas, at gwapong-gwapo sa kanyang sleek na Italian cut na shirt at mamahaling relong suot. Tumikhim ako. "Napadalaw po kayo, Uncle Magnus?" wika ko, inayos nito ang salamin na suot bago magsalita. "I'm not here for a visit. I'm just going to tell you something." "Gusto niyo po bang pumasok muna sa loob?" tanong niya bago ituro ang sala, sinundan niya ng tingin ang kamay ko. Kumunot ang noo niya. "What happened to you finger?" Napatingin naman ako sa daliri ko at nakitang kanina pa pala dumudugo 'yon. Nagpilit ako ng ngiti bago umilang. "Nasugatan lang po, Uncle. Gagamutin ko rin 'to mamaya," wika ko. "Tara po, pasok na tayo sa loob. Maghahanda ako ng kape." "It's okay, Arielle. I'm just giving you this invitation for Sir Herriot's birthday party," sagot niya bago ibigay ang isang card, mabilis ko iyong tinanggap. "Oo nga pala, malapit na ang birthday niya. Kamusta pala siya?" Si Sir Herriot ay ang Lolo ng asawa ko, siya ang kumausap sa pamilya ko para ipagkasundo kami ni Lucian. Malapit ako sa kaniya at natutuwa ako sa tuwing sinasabi niyang ako lang ang gusto niyang pakasalan ng apo niya. "He's still under recovery, he told me that he missed you. Magandang bisitahin mo siya kapag nagkaroon ka ng oras." "Palagi kasing busy si Lucian, kaya hindi ako makahanap ng oras para magpasama sa kaniya." Hindi ko alam kung namamalikta lang ba ako pero nakita ko ang pagdaan ng inis sa mga mata niya. "Hindi mo siya kailangan para bumisita ka... That guy is always busy, hindi ka na nga nabibigyan ng oras." Natahimik ako, ang sakit pa ring marinig mula sa ibang tao na hindi ako mahal ng asawa ko. Malakas akong bumuntong hininga bago ngumiti. "Alam ko 'yon, Uncle. Sa susunod na linggo, bibisita ako kay Sir Herriot." Tumango siya bago magpaalam na aalis na. Ihahatid ko na sana siya palabas, ngunit bago pa ako makalakad ng ilang hakbang, may biglang sumikip sa dibdib ko. Napahawak ako sa gilid ng mesa para makakuha ng suporta. Ang paligid ko ay unti-unting nagiging malabo, parang gumagalaw ang lahat kahit ako lang ang nakatayo. "Arielle?" tawag ni Magnus, mabilis siyang lumapit. "What happened?" Narinig ko ang kaba sa boses niya, pero hindi ko na maaninag ang mukha niya. Magsasalita pa sana pero wala nang lumabas na salita sa bibig ko. Ang huling naramdaman ko na lamang ay ang mainit na palad na humawak sa aking braso, bago ako tuluyang mawalan ng malay.Arielle's Point Of View."Lucian? Lucian?" sunod-sunod kong pagtawag sa kaniya, halata pa ring nahihirapan siya pero napansin ko ang dahan-dahan niyang pagbangon. "Huwag ka munang gumalaw! Baka mamaya ay mapaano ka!"Nag-aalala kong nilingon si Lisha. "Tumawag ka ng doktor, sabihin mo sa kanilang gising na si Lucian," mabilis kong sabi, tumango naman siya at sinunod ang sinabi ko."What happened?"Muli akong napatingin kay Lucian dahil sa sinabi niya. Hawak niya ang ulo niya, kinakapa ang benda roon. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo niya. "Ilang araw kang walang malay, naaksidente ka habang nagmamaneho papunta sa trabaho mo. Inoperahan ka dahil sa dami ng nawala mong dugo, at mga butong nabali," paliwanag ko sa kaniya ngunit nakakunot pa rin ang noo niya na para bang inaalala ang nangyari, ilang sandali lang natahimik bago magsalita."I remembered. . . Bumangga sa puno ang sasakyan ko dahil may bumangga sa akin.""Huwag kang mag-alala, nakakukong na ang bumangga sa'yo," wika ko at
Magnus's Point Of View."What is she doing here?" seryosong tanong ko kay Franklin, ang kaibigan ko. Kakatapos ko lang bumisita sa hospital kay Arielle at kaagad akong dumiretso sa condo niya."Sigurado ka bang siya 'yon?" Napakunot ang noo niya. "I'm not one hundred percent sure but I have this gut feeling that she's really here.""Pero bakit naman siya nagpakilala kay Arielle bilang dating kaibigan ni Lucian?""I don't know, Franklin. I don't know why she's fvcking around again," galit kong sagot. "Alam kong ayaw niyang sabihin ang pangalan niya kay Arielle dahil ayaw niyang magkagulo ulit.""Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi kay Arielle ng totoo? Stop being a protective Uncle."Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawana niya lang ako. "Arielle's really curious about her, you know? Pumunta pa siya sa resto ko para lang makahanap ng impormasyon."Tumataas ang kilay nito. "Hinayaan mo ba?""Why would I? Edi malalaman niya rin kung bakit talaga siya pinakasalan ni Lucian.""Sa totoo
Arielle's Point Of View.Pero hindi ko siya hinayaan makaalis na lang basta-basta dahil mabilis akong tumakbo upang habulin siya bago siya mabilis na hinawakan sa braso."Nagtatanong ako nang maayos, bakit ayaw mo 'kong sagutin?" seryosong sabi ko, hinarap niya naman ako kaagad."I don't even know you, Miss."Napalabi ako. "Pero nakita kita sa libingan ni Papa! Hindi mo ba naalala 'yon?""Kung ikaw nga hindi ko kilala, paano pa kaya ang Papa mo? At para malaman mo, ngayon nga lang kita nakita."Tuluyan na akong napakunot sa narinig, hindi ko maintindihan kung tama nga ba ang sinasabi niya. Sinubukan kong alalanin ang babaeng nakilala ko sa sementeryo. Ang pagkakatanda ko ang payat siya at maputla, parehas lang naman sila ng babaeng kaharap ko ngayon pero hindi siya kasing payat noong babaeng nasa sementeryo, pansin ko rin ang accent sa boses ng kaharap ko ngayon at yung babaeng nasa sementeryo ay purong tagalog magsalita.Teka, pero bakit magkamukhang-magkamukha sila?"Pero ikaw talag
Arielle’s Point of ViewTahimik lang ang paligid ng ospital, tanging tunog lang ng gamit at mahina kong paghinga ang maririnig. Dalawang araw na ang lumipas mula noong maoperahan si Lucian pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang malay. Hindi pa rin siya nagigising. Hindi ko tuloy maiwasang lalong mag-alala, kahit naman hindi kami maayos. Ayoko pa rin na may mangyaring masama sa kaniya.Sa dalawang araw na lumipas, araw-araw akong bumibisita sa ICU. Sa totoo lang, halos kabisado ko na ang bawat patunog ng monitor at bawat patak ng dextrose niya. Pinaalam ko na rin kay Mommy ang nangyari, bumisita rin siya at mabuti nga dahil noong mga oras na 'yon ay wala si Tita Kladine. Alam ni Mommy ang pagtrato sa akin ng Nanay ni Lucian, kaya alam kong baka magsagutan lang silang dalawa, at ayokong mangyari 'yon.“Good morning, Mrs. Davenhart,” pagbati ng nurse pagkatapos makita ang pagpasok ko sa kwarto, nakita kong pinapalitan ang suplay ng gamot. “Stable po ang vital signs ni Sir Lucian, pero
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore