MasukGalit na galit na tumitig si Clarkson kay Tyler. Halata sa mukha nito ang pagkadismaya at pangamba, habang ang buong silid ay tila nabalot ng mabigat na tensiyon.“Answer us, Tyler. Anong nangyari?”Napalunok si Tyler. Ilang sandali siyang nanahimik bago marahang ibinaba ang tingin. Para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya lubos matanggap ang lahat ng nangyari.“She was kidnapped,” mahina ngunit malinaw niyang sagot. “Together with Catriona.”Biglang natahimik ang lahat pero saglit lang iyon.“At hindi mo sinabi sa amin?” muling singhal ni Clarkson.Napapikit si Tyler at mariing napahawak sa sariling batok. Ramdam niya ang pagpipigil sa sarili. Pagod na siya. Pagod sa takot, pag-aalala, at sa lahat ng nangyari. Pero alam niyang kailangan niyang ipaliwanag ang sarili.“Ang bilis ng mga pangyayari,” saad niya. “Tumawag ang kidnapper at humihingi sila ng isang milyong pound. Wala akong oras para mag-isip nang matagal... I have to save Jolie first.”Tumingin siya sa mga taong nakapa
TYLER’S POV:Nanginginig ang mga kamay ni Tyler habang maingat ngunit nagmamadaling binubuhat si Jolie palabas ng sasakyan. Halos hindi niya maramdaman ang sarili niyang mga binti sa tindi ng takot.“Doctor! Nurse! Help us!” malakas na sigaw ni Lewis habang kasunod nilang tumatakbo papasok sa emergency room.Agad na napatingin sa kanila ang mga nurse. Nang makita nilang walang malay si Jolie at halos magpapanic na si Tyler, mabilis silang kumilos.“Put her here, sir!”Dahan-dahang inilapag ni Tyler si Jolie sa stretcher. Ngunit bago pa tuluyang mailayo ang asawa, mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito.“Jolie…” nanginginig niyang tawag.Walang tugon. Lalong nanikip ang kanyang dibdib. Mabilis na itinulak ng mga nurse ang stretcher patungo sa emergency room habang may isang nurse na nanatili upang magtanong sa kanila.“What happened?” mabilis nitong tanong habang tinitingnan si Jolie.“She’s pregnant,” agad na sagot ni Tyler. Halos mabasag ang boses niya. “She was under a lot of stre
Hindi siya nakasagot. Nanginginig ang kanyang mga labi habang pilit niyang iniiwasan ang mga matang nakatutok sa kanya.“Catriona,” dagdag ni Lewis. Mas tumalim ang titig nito. “Kung may alam ka, sabihin mo na.”Napayuko si Catriona. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa kanyang kandungan. Sa loob ng ilang segundo, pilit niyang hinanap ang tamang salita, ang tamang kasinungalingan, ang isang paliwanag na maaari nilang paniwalaan. Ngunit wala siyang maisip dahil alam niyang kahit magsinungaling siya ngayon, hindi nito mababago ang katotohanan.At kung tama ang kutob niya... May alam na si Jolie. Hindi niya alam kung gaano karami. Hindi niya alam kung ano mismo ang nalaman nito pero may alam ito.At kapag nagsimula na ang imbestigasyon ng Mackenzie at Blacksmith families, hindi magtatagal at lalabas din ang lahat… Ang pangalan ni Arthur… ang kanilang plano.,, ang kidnapping… at ang papel niya sa lahat ng ito.Unti-unti niyang itinaas ang mukha at huminga nang malalim. Muli silang nagtama
CATRIONA’S POV:Biglang nanigas si Catriona sa kanyang kinauupuan. Para bang may nagyelong tubig na biglang ibinuhos sa kanyang buong katawan. Ngayon lang niya lubusang naramdaman na hindi pa pala talaga tapos ang lahat.Noong una, bago niya ginawa ang desisyong makipagsabwatan kay Arthur, akala niya ay ganoon lang kadali ang plano... Kikidnapin si Jolie, magbabayad ang mga Mackenzie at Blacksmith ng ransom, pagkatapos paghahatian nila ang pera, at tapos na... wala nang problema.Pero iyon ang akala niya.Habang mabilis na umaandar ang sasakyan at palayo sila nang palayo sa lugar kung saan sila ikinulong, unti-unting nagbago ang lahat. Hindi dahil nakaligtas na sila ay ligtas na rin siya, hindi dahil nakauwi na siya ay tapos na ang kanyang problema. Sa katunayan, baka ngayon pa lang nagsisimula ang lahat.Napahigpit ang pagkakahawak ni Catriona sa kanyang sariling mga kamay. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw.Oo, sinabi nina Tyler at Lewis na ang pinakamahal
Muli niyang hinigpitan ang hawak kay Jolie. “Now let us leave.”Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila, pagkatapos ay muling tumawa ang lalaking naka-maskara.“Hahaha… Sure, Mr. Blacksmith.” Bahagyang itinaas nito ang kamay. “You can take them home.”Parang wala lang sa tono nito, para bang hindi nito hawak ang buhay ng dalawang babae ilang minuto lang ang nakalipas.Hindi na siya nag-aksaya ng oras. “Come on.” Inakay niya si Jolie patungo sa pinto. Lumapit din siya kay Catriona at marahang hinawakan ang braso nito. “Let’s go.”Hindi nagsalita si Catriona tumango lang ito. Akmang hahakbang na sila palabas nang muli silang pigilan ng malamig na boses mula sa likuran.“And Catriona…”Biglang tumigil ang babae, maging siya ay napalingon. Tahimik na muling sumandal ang lalaking naka-maskara sa kanyang armchair. Sa kabila ng maskara, muli niyang naramdaman ang mapanganib nitong ngiti.“We’ll see each other again.”Nanigas si Catriona. At sa pagkakataong iyon, malinaw na nakita
Bahagyang tumigas ang kanyang mukha. Hindi siya sumagot, pero ang katahimikang iyon ang naging sagot niya.Napangisi ang lalaki. “Interesting.” Muli itong hinithit ang tabako.Mas lalong tumalim ang tingin ni Tyler. “Sabi ko, nasaan ang asawa ko?”Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang nawala ang ngiti sa mukha ng lalaki. Dahan-dahan nitong ibinaba ang tabako sa isang maliit na ashtray sa tabi ng arm chair at marahan itong pumalakpak nang dalawang beses.Ang tunog ng palad nito ay umalingawngaw sa loob ng tahimik na mansion. Ilang segundo lang matapos iyon may narinig si Tyler. Isang mahinang kaluskos. Biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Agad siyang napalingon sa direksiyon ng tunog.“Jolie?…”Muling bumaling ang kanyang tingin sa lalaking naka-maskara, sa pagkakataong iyon, mas naging malamig ang boses nito.“They’re safe.”Mariing kumislap ang mga mata ni Tyler. “Then let me see them.”Ngunit hindi agad sumagot ang lalaking naka-maskara. Sa halip, muli itong ngumiti, isang
“Lola?”“Apo… andito ka na ba sa Pilipinas?”“Opo, Lola. Bakit ka po napatawag? Gabi na, hindi ka pa ba natutulog?” nagtatakang tanong niya“Ah hindi kasi kami makatulog ng lolo mo. Para kasing may kaluskos kaming naririnig sa labas. Wala pa naman ang Tito Toto mo dito.”“Kasama ko po si Tito ngayo
Kinabukasan ay maaga siyang naligo at nag-prepare. Pupunta siya sa ospital para umpisahan ang pagpapagamot kay Doc JM. Naalala niya ang bangayan nila ni Vicky kagabi. Kung hindi man siya nito samahan kay JM ay okay lang.Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng cottage. Sa kanyang pagkagulat ay
“Hi Aria! It’s good to see you again!” nakangiting bati ni Doc Vicky sa kanya. Mukhang sincere naman si Vicky na masaya itong makita siya... pero siya?...Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa dalawa. May mga tao naman doon maliban kay Clarkson at Vicky pero sa dalawa lang natuon ang atensyon niya...
Hindi niya mapigilang ngumiti habang nakasakay sa elevator papunta sa kanyang opisina. Hanggang ngayon ay tila kinikiliti pa rin ang petchay niya sa pang-aakit ni Clarkson sa kanya. She can’t wait na matulog sa suit nito mamaya.Pagpasok niya ng opisina ay hindi pa rin napalis ang ngiti sa kanyang







