Marriage without Romance

Marriage without Romance

last updateLast Updated : 2026-08-17
By:  Rieviv Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
10views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

After catching her boyfriend cheating, Jenna Eya Alvares swore off love. The last thing she expected was to end up married to David Ezekiel Zamora, a rich, dangerously handsome man rumored to be dying. Para kay Jenna, simple lang, marry him, secure her future, and wait for the inevitable. But nothing about David feels simple. He never talks about his illness, his past is strangely off-limits, and sometimes, Jenna catches him looking at her like he knows something she doesn’t. The more she tries to uncover the truth, the more she realizes her husband may be hiding something far more dangerous than a death sentence.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1 : THE UNEXPECTED CURRENT

Pagpasok ni Jenna sa condo ni Jaxon, mga damit na nagkalat sa sahig ang unang bumungad sa kanya. Kilala niya ang mga damit na panlalaki, ngunit hindi ang mga pambabaeng nakahalo sa mga iyon.

Sa buong biyahe pauwi, iniisip niya kung paano niya susurpresahin si Jaxon at tatapusin ang dalawang taong long-distance relationship nila. Nais na niyang manatili kasama ito. Ngunit siya pala ang makakatanggap ng pinakamalaking sorpresa sa pag-uwi niya.

Too much for a welcome, Jaxon…

Napakuyom ang kanyang mga kamay nang marinig ang mga ingay mula sa sala. Sa halip na umalis, nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita ang eksenang hindi niya kailanman inakalang masasaksihan.

Ang lalaking minahal niya sa loob ng dalawang taon ay hubo't hubad at nakapatong sa ibang babae. Masyado silang abala upang mapansin siya.

Jenna's stomach churned in disgust, but instead of crying, she pulled out her phone and started recording their betrayal.

If this is what I get after loving and waiting for this jerk, then at least I’ll have proof of how disgusting he really is.

Nang aksidenteng makita siya ng babae, napasigaw ito sa gulat. Agad ding napalingon si Jaxon at tuluyang natigilan. Nang makarecover ay hinablot niya ang kumot at binalot sa sarili.

“J-Jenna? What are you doing here? Bakit hindi ka nagsabing p-pupunta ka?”

Napatawa siya nang mapakla. “Nagsabi? Para hindi sana ngayon ang schedule niyong dalawa?”

“This isn’t what you think it is, baby.”

“Do you really think I’ll believe another lie from you?”

Hindi makapaniwala si Jaxon. Sanay siya sa Jenna na tahimik, mahinahon, at laging umiintindi sa kaniya. Ngunit ang babaeng kaharap niya ngayon ay ibang-iba.

“Stop recording, Jenna.”

“Come on, Jaxon. I just want a souvenir. A proof of how disgusting you are.”

Nang tangkain niyang agawin ang cellphone nito, agad siyang pinigilan ni Jenna.

“One step, Jaxon. And the world will know everything.” Ngunit nagpatuloy pa rin siya.

Napangiti si Jenna. “You really never paid attention to me, ano? You have no idea what I’m capable of.”

Iniharap niya ang cellphone at ipinakita ang kumakalat nang video.

“Jenna, what the hell?!”

Sa halip na matakot, sa pangalawang pagkakataon na itinaas niya ang cellphone ay naka-dial na ang emergency call.

“Take one more step, and I swear I’ll ruin you. Right here. Right now.”

Tuluyang natigilan si Jaxon.

“You’ve changed.”

Bahagyang ngumiti si Jenna

“No, Jaxon. I just stopped being the idiot you thought I was. Dalawang taon ang sinayang ko sa’yo. And you know what’s worse? Even a dog is more loyal than you. Nakakadiri ka.”

The moment Jenna stepped out of Jaxon’s condo, she headed straight to Evelyn’s house. It was the only place that still felt like home.

“Wala talagang balls ‘yang ex-boyfriend mo, Jenna! Dapat sinipa mo para hindi na gumana iyong parehong ulo niya!” galit na sabi ni Evelyn habang palakad-lakad sa harapan niya.

“Calm down, bestie. Nakipag-break na ako sa kanya,” sagot ni Jenna habang kinakain ang vanilla ice cream na inihanda nito.

“Dapat lang! Ilang beses ka nang nasaktan at umiyak tapos isang sorry lang niya, bumibigay ka na naman.”

Napailing si Jenna. “Sino namang nagsabi sa’yo na iiyakan ko siya ulit? You know my non-negotiables. Besides, may problema akong iniisip.”

Agad siyang nilapitan ng kaibigan. “Problemang iniisip, huh? Ano ‘yan? Mas malala pa sa pangit mong ex?”

“Dad already arranged a marriage for me.”

Halos mabulunan si Evelyn sa kakasubo niya lang na ice cream. “What?! Kakagaling mo lang sa breakup tapos kasal agad ang next na iniisip mo? Talk about real quick, bespren!”

“Matagal na niya akong pinapauwi para pag-usapan ‘yon. Mayaman daw ang pamilya ng lalaki, gwapo, matangkad, only child. Kapag pumayag ako, may malaking halaga akong matatanggap. Kapag nabuntis ako within two months, madadagdagan pa. At kapag nanganak ako, magiging lady of the house raw ako. Lol.”

Napapikit si Evelyn. “Siguradong kagagawan na naman ‘yan ni Lupe. Kung ganoon kaganda ang offer, bakit ikaw ang pinili nila at hindi ang anak niya? Patibong ‘yan.”

Napatawa si Jenna. “Belle ang gusto niyang itawag sa sarili niya, pero Lupe pa rin para sa’yo?”

“Guadalupe Isabelle ang pangalan niya. Mas bagay sa kaniya ang Lupe. Magkasing-kulubot naman sila ng madrasta ni Cinderella.”

Napailing si Jenna.

“May alam ka ba tungkol sa lalaking papakasalan mo?”

“Pangalan lang. Wala akong interes alamin noon, lalo na’t kami pa ni Jaxon nang sabihin sa akin ni Dad.”

“Oh? Anong pangalan niya?”

“David Zamora da—ay, putek! Nakakadiri, Evelyn!” Napabalikwas ng tayo si Jenna nang maibuga ni Evelyn ang ice cream nito dahil sa gulat.

“David Zamora?! As in David Ezekiel Zamora?! Siya ang fiancé mo?! Goodness gracious, Jenna! Hindi mo ba talaga kilala kung sino siya?”

Napailing si Evelyn nang hindi sumagot ang kaibigan.

“David Zamora can buy your whole clan. Pero may kumakalat na balita tungkol sa kanya. Sinasabing may incurable disease siya at tinaningan na ng mga doktor. May girlfriend din daw siya noon, pero iniwan siya nang malaman nitong may sakit siya.”

In short, marrying a man who was already on the brink of death was almost like marrying a corpse. How cruel. Amazing, Dad.

“Tama nga ang kasabihan,” Evelyn blurted out. “Kapag may madrasta ka, para ka na ring walang ama. Gusto ka nilang gawing biyuda agad.”

“Edi magpapakasal ulit ako kapag wala na siya.”

Nanlaki ang mata ni Evelyn. “Are you out of your mind? Hindi ka nila kailangan bilang asawa niya, Jenna. Kailangan ka nila para bigyan sila ng tagapagmana bago siya tuluyang mawala!”

Ngunit kalmado lamang si Jenna. “I’m just being practical. Malaki ang makukuha ko sa kasunduang ito. At kapag wala na siya, malaya na ako.”

Ngumiti siya nang bahagya. “Maraming tao ang nangangarap ng ganitong pagkakataon, at heto na, nasa harapan ko na. Hindi ko pa ba susunggaban?”

Tinitigan siya ni Evelyn nang hindi makapaniwala. “Aksidente bang nabagok ‘yang ulo mo?”

“Hindi,” seryosong sagot ni Jenna. “But love is like a ghost, Evelyn. Maraming nagsasabing totoo ito, but it's intangible.” Napatingin siya sa kaibigan. “Kung nagpapakahirap tayo para yumaman at maging malaya, bakit ko tatanggihan ang pinakamadaling daan papunta roon?”

Natigilan si Evelyn bago napailing. “May punto ka naman. Pero hindi ko alam kung matatawa ako o matatakot sa logic mo.”

Napangisi si Jenna. “See? Alam kong maiintindihan mo rin.”

Nang gabing iyon, walang tigil ang pagtawag ni Jaxon kay Jenna. Nang hindi niya makuha ang sagot na gusto niya, sunod-sunod namang pumasok ang mga text nito hanggang sa tuluyan nang pinatay ni Jenna ang cellphone.

Kinabukasan, bumungad sa kanya ang sunod-sunod na notifications. Karamihan ay mula kay Jaxon, puno ng paninisi, pagmumura, at mga kasinungalingang sinisira ang pangalan niya.

Iisa ang post na agad nakakuha ng atensyon niya

Ikinakalat ni Jaxon na isa siyang babaeng bayaran at kung sinu-sino na raw ang mga lalaking nakatikim sa kanya.

Napailing-iling siya. “Tsk. Sira na talaga ang ulo nito.”

Matagal na nakatitig si Jenna sa screen bago tuluyang napangiti nang mapait.

Maybe everything really does happen for a reason. Perhaps fate itself had found a way to finally show me the true colors of the man I had loved for two years. And now, I knew there was nothing left for me to go back to.

Maya-maya ay tinawagan niya ang ama.

“I made up my mind. I’ll marry David Ezekiel Zamora.”

If the world wants to make a deal out of my life, then I’ll make sure I’m the one who wins.

Pagdating nila sa mansyon ng pamilya Zamora, hindi si David ang sumalubong sa kanila kundi ang mga magulang nito. Halata ang saya sa kanilang mukha nang malaman nilang pumayag ang dalaga.

“Jenna, you have no idea how happy we are that you accepted the arrangement,” sabi ni Eliana, ina ni David.

“I only have one condition,” kalmadong tugon ni Jenna.

“I want the wedding to happen as soon as possible. I don’t need a grand ceremony. I only want everything to be legal and settled.”

Agad silang pumayag at ipinatawag ang solemnizing officer. Habang hawak ang litrato ng lalaking mapapangasawa niya, hindi maiwasang aminin ni Jenna na tama si Evelyn.

He was undeniably handsome. Especially those deep eyes that seemed to hold a story of their own. If he wasn’t sick, someone like him would probably never even spare me a glance.

Maya-maya ay inabot sa kaniya ni Eliana ang isang black card at ang mga papeles. Tinanggap niya ang lahat nang walang pag-aalinlangan.

Muli niyang tiningnan ang pangalan sa papel.

David Ezekiel Zamora.

Napaisip siya kung ano ang mararamdaman nito kapag nalaman niyang ang sarili niyang mga magulang ang nagplano ng kasal niya sa isang babaeng hindi niya man lang kilala.

Paglabas nila sa mala-mansion na tahanan ng pamilya Zamora, nakita ni Jenna ang ngiti sa mukha ng kanyang ama. Isang ngiting hindi niya nakita noong mga panahong kailangan niya itong magpakaama sa kaniya.

“Gaano ba kakapal ang mukha mo?” Agad naglaho ang ngiti sa mukha ng ama.

“What are you talking about?”

“Alam kong may kapalit ang lahat ng ito. If you had nothing to gain from this, you wouldn’t have pushed me until I agreed.”

“Anak…”

“Don’t call me that.” Tinalikuran niya ito. “Ito na ang huling beses. Huwag mo na akong kakausapin pa.”

Nang malaman ni Evelyn na totoong ikinasal na si Jenna, hindi nito napigilang mag-alala.

“Ngayong legal na kayo, wala ka nang pag-asa pang umatras o makatakas!”

Ngumiti lamang si Jenna. “This is only a marriage on paper, Evelyn. Chill, bestie. Remember what you said,” kalmadong sabi niya. “He won’t make it to next year. Tatlong buwan na lang mula ngayon.”

Ngunit lingid sa kaalaman niya na ang tadhanang akala niyang kakampi ay may ibang plano pala para sa kaniya.

“Ms. Jenna, Mr. Zamora wants to speak with you.”

And right at that moment, for the first time, Jenna wondered what kind of man David Zamora really was.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status