"I did not push Amber!" sagot agad nito."It doesn't matter to me now," mahinang tugon niya. "W-we need to break up." Napatingin ito sa kanya nang marinig ang mga salitang iyon... nakita niyang may kirot sa mukha nito.Binaling niya ang tingin sa labas ng kotse. Hindi niya kayang tingnan ang mukha ni Bebe habang sinasabi iyon. "Siguro hanggang dito na lang tayo," garalgal ang boses niya. "Siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa. Kahit anong pilit nating ipaglaban ang pagmamahalan natin ay hindi talaga tayo pinapayagan ng tadhana...." "Magkakaanak na kami ni Amber at ayokong itali sa akin habang alam kong nasasaktan ka. Gusto kong makahanap ka rin ng tunay na magpapasaya sa'yo—tulad ni John." Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha nya. Ang sakit-sakit ng puso niya.Nakita niya mula sa gilid ng mata nya na nagpupunas din ng luha si Bebe, ngunit hindi niya magawang tingnan ito... Baka hindi niya matuloy ang balak na pakawalan ang nobya."You deserve better than me, Bebe. You’re
*************BEBE POV:Patakbo siyang pumasok ng palasyo, iniwan niya si James sa kotse. Hindi na niya kaya ang sakit na nararamdaman niya... parang gustong sumabog ng dibdib niya.Dali-dali siyang pumasok sa kwarto habang wala pang nakakakita. Padapa siyang humiga sa kama at muling ibinuhos ang mga luhang tila hindi nauubos.Ilang beses na silang naghiwalay ni James, pero itong huli ang pinakamasakit dahil si James mismo ang nakipaghiwalay sa kanya. Ibig sabihin noon, wala nang balikan talaga.Hindi tulad ng dati na kapag siya ang nakipaghiwalay, konting lambing lang mula kay James ay nadadala na naman siya. But this time is different... and its final!Magkakaroon na ng anak si James at Amber, at iyon ang lalong nagpasakit ng puso niya. Ngayon, may mag-uugnay na ang dalawa—isang bagay na hindi sila nagkaroon ni James.Oo, alam niyang dito rin naman ang patutunguhan nila. Na balang araw, maghihiwalay din sila ni James. Pero hindi niya inasahang mangyayari ito nang biglaan. Hindi pa s
"Beverly..." seryosong tawag-pansin ni Tita Evelyn sa kanya. Bigla siyang kinabahan."Y-yes po, Tita," pautal-utal na sagot niya."Pagkatapos ng kasal ni James at Amber, I want you out of our house," malamig na wika ni Tita Evelyn. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Biglang nagbago ang pakikitungo ni Tita Evelyn sa kanya. Parang kahapon lang ay siya ang paborito nito—halos ayaw nitong mahiwalay sa kanya at itinuring na siyang daughter-in-law. Pero ngayon, isa na lang siyang estranghero.Hindi niya sinalubong ang tingin nito. Nanatili lang siyang nakayuko. Si Tito Oliver ay walang sinasabi, pero ramdam niyang sang-ayon ito sa sinabi ng asawa."Mom, Dad, why are you treating Beverly like this?" galit na tanong ni John sa kanyang mga magulang. Marahil ay napansin din nito ang malamig na pakikitungo ng dalawang matanda sa kanya."Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Amber? Tinulak siya ni Beverly! Muntik nang mawala ang apo namin!" galit na wika ni Tita Evelyn. Ang dating mahinahon a
Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang biglang bumukas iyon. Pumasok si James na may dalang kape. Agad siyang ngumiti para salubungin ang nobyo."Hi, hon," masiglang bati niya, pero hindi ito tumugon. Umupo ito sa tabi ng kama niya."What do you want? Do you need anything? Hindi na kita binilhan ng kape dahil bawal iyon para sa’yo," wika ni James."It's okay, hon. Lahat ng bawal ay iiwasan ko para sa anak natin," malambing niyang sagot. Tumango lang si James."Hon, andoon pa ba si Beverly sa palasyo? Bukas na kasi ang labas ko dito sa ospital... Natatakot ako kapag andoon siya dahil baka may pinaplano na naman siya laban sa akin. I know she’s jealous of me!" pagda-drama niya."Leave Beverly alone," seryosong sagot ni James. "Kahit ginawa niya iyon o hindi, hinding-hindi ko na papayagan na masaktan ka o ang baby natin.""T-thanks, hon," sagot niya saka hinawakan ang kamay nito. Why do I have this feeling na parang hindi naniniwala si James na tinulak ako ni Beverly? May alam kaya siy
***************BEBE'S POV:Pagkatapos ng tagpo nila ni Tita Evelyn ay bumalik siya sa kwarto niya at hindi na lumabas muli. Pinapahatiran na lang siya ng pagkain ni John dahil ayaw din niyang lumabas. Nahihiya siyang lumabas, baka kasi makita ulit siya ni Tita Evelyn.Halos bente kwatro oras na siyang nandoon na nakatambay lang sa kwarto. Para siyang nakakulong sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Bagot na bagot na siya, mukhang naubos na rin niya ang lahat ng pelikula sa Netflix.Kung hindi lang dahil kay John ay matagal na siyang umalis at lumipad papuntang London. Pero dahil pinigilan siya nito ay pagbibigyan na lang niya ang kaibigan kahit pa isang parusa iyon para sa kanya dahil masasaksihan niyang ikakasal ang lalaking pinakamamahal niya.Bigla siyang nalungkot. Naalala niya si James. Hindi pa niya ito nakikita mula nang maghiwalay sila. Malamang ay iniiwasan din siya nito at baka nasa ospital at nagbabantay sa nobya nitong buntis.Biglang sumikip ang dibdib niya sa naiisip.
“Hello, ex,” mahinang sambit niya.“Hello, ex? Ba’t ganyan ang boses mo? Are you crying?”“Ahm, hindi… Kakagising ko lang kasi,” palusot niya.“Tumawag ka ba? Sorry, ngayon ko lang napansin ang tawag mo. Nagda-drive kasi ako. Bakit ka tumawag? May kailangan ka ba? Itatawag ko kay Manang para ipadala diyan sa kwarto mo.”“Ahm, wala naman, ex. Na-bored lang ako. Akala ko kasi andito ka sa bahay. Wala kasi akong makausap,” pagsisinungaling niya. Ayaw na niyang magsumbong kay John tungkol kina Tita Evelyn at Amber. Ayaw na niyang mag-away ang pamilya dahil sa kanya.“Ah, ganun ba? Pauwi na rin ako. Dadaanan kita diyan sa kwarto mo. Ano gusto mong pasalubong?”“Kahit ano na lang. Bilisan mo, ha,” sambit niya.Si John lang ang kakampi niya sa bahay na iyon. Kapag nasa tabi niya si John, pakiramdam niya ay ligtas siya.Sana si John na lang ang minahal niya. Wala pa sana siyang ganitong problema. Kung pwede lang ilipat ang nararamdaman ay pipiliin niyang kay John na lang siya umibig... imbes
"Basta! hindi mo siya papatayin! Kung hindi ay ipapakulong kita! Sasabihin ko sa mga pulis na ikaw ang may pakana ng lahat!" banta ni Amber."O sige, sabihin mo. Do you think hindi kita isasama sa kaso ko? Dalawa tayong nagplano nito!""At sa akala mo ba kapag sinuplong mo ako ay matatanggap ka pa ng mga Blacksmith bilang daughter-in-law? Are you out of your mind? Tinanggap ka lang nila ngayon dahil sa pag-aakalang anak ni James ang dinadala mo! Pero kapag nalaman nilang anak ko ‘yan ay masisira ka rin, Amber!"Hindi na niya alam ang gagawin. Nanginginig siya sa takot dahil sa mga narinig niyang rebelasyon. Kailangan malaman ni James ang lahat ng ito! Pero paano? Wala siyang paraan para makatakas agad sa lugar na iyon!Nakita niyang hinaplos ni Alastair ang mukha ni Amber. Mapanlinlang ang mukha nito ngunit puno ng pananakot."There's nothing you can do, babe. Whether you like it or not, itutuloy ko ang plano natin. Kaya sumunod ka na lang at makiayon dahil hindi ako papayag na ipagpa
Hingal na hingal siya at takot na takot na halos hindi na sya makatakbo ng matulin. Pakiramdan nya ay hinang hina cya. Kung kagabi ay madali lang niyang narating ang batis... pero ngayon ay parang ang layo-layo na ng tinakbo niya. Hindi siya pwedeng mag-aksaya ng oras. buhay ng pinakamamahal niyang lalaki ang nakataya kapag hindi cya umabot.Umiiyak siya habang tumatakbo. Takot na takot siya para kay James. Wala siyang kamalay-malay na may banta na pala sa buhay nito. Napakawalanghiya talaga ni Amber! Ipina-ako na nga nito ang pinabubuntis kay James tapos papatayin pa nito ang kawawang lalaki?Malapit na siya.... nakikita na niya ang mga staff na abala sa pag-aayos para sa kasal. Dumiretso agad siya sa loob ng palasyo, ang puso ay nag-aalab sa takot at pangamba. Gusto nyang humingi ng tulong sa iba pero hindi nya alam kung may kasabwat pa si Amber at Alastair na pinakalat sa palasyo para maisagawa ang plano mamaya. Naging praning na cya.Inuna niyang puntahan si John, ngunit hindi niy
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n
Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan
GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight
"Stop what, baby?...." pabulong na na tanong ni Gray. Ang hininga nito ay tumatama sa leeg at tenga niya."Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Iniisip ko 'yung naantala nating kiss.... Puwede ba nating ituloy?"Napapikit siya. There's a part of her na nadedemonyo at gustong pagbigyan si Gray pero after that kiss, anong mangyayari sa kanya? Aasa ang puso niya at masasaktan siya? Alam niyang laro lang ang lahat ng ito kay Gray.... Papayag ba siyang paglaruan lang siya nito?"Stop it, kuya… Let go of me..." mahinang pakiusap niya. "Anak ka ng amo ng nanay ko… Anak ako ng katulong niyo… Tigilan mo na ang paglalandi sa akin, please... Sa iba mo na lang gawin 'yan…”Pabulong niyang sabi habang nakayuko... Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob na masambit ang lahat ng katagang iyon pero 'yon ang dapat. Ayaw niyang tuluyang mahulog ang loob niya kay Gray dahil sa patuloy nitong paglalandi sa kanya. Wala pa siyang karanasan sa pag-ibig at siguradong masasaktan lang siya s
Maaga siyang nagising para mag-prepare ng breakfast. Nagsasangag siya ng kanin, itlog at hotdog naman ang ulam na niluluto niya. Nag-iinit na din siya ng tubig para ready na mamaya sa kape nila.Tulog pa ang lahat maliban sa kanya. Di rin siya nakatulog masyado dahil sa hilik ng lolo at lola niya. Marahil ay sanay na ang mga ito sa ingay ng isa’t isa kaya mahimbing pa din ang tulog ng mga abuelo. Tila nag-uusap pa din ang dalawang matanda sa pamamagitan ng kanilang paghihilik. Natatawa na lang siya.Naalala niya ang kanyang bisita na si Gray. Kamusta na kaya ito sa kwarto niya? Komportable ba siya? Nakatulog ba siya ng maayos? Bigla siyang kinilig nang maalalang kamuntikan na siyang magpahalik kay Gray. Kung hindi lang sila kinatok ng lolo niya kagabi, malamang mararanasan na sana niya ang kanyang "first kiss"!Hindi niya alam kung bakit kapag andyan si Gray ay naiilang siya. Ang lakas kasi ng dating ng lalaki na parang hinihigop nito ang lakas niya, para siyang nahihipnotismo. Iyon s
"D-doon ka na lang sa kwarto ko. Iyon lang kasi ang may aircon. Doon na lang ako matutulog sa kwarto ni Lolo at Lola." "H-hindi... nakakahiya naman. Aagawan pa kita ng room. We can share room if you want." "Huh?.... Ah eh..." "Don't worry, wala akong gagawin sa'yo...." "Huh? Parang tanga 'to! Di ko iniisip 'yan noh... Paano mo naman nasabi 'yan?" Agad na sagot niya pero ang totoo ay naliing na siya. "Where's your room? Antok at pagod na din kasi ako..." "Huh? Ah eh, dito..." Agad siyang nagpauna sa kwarto niya at binuksan iyon. Malaki naman ang kwarto niya. Dalawa kasi sila ng nanay niya doon kapag umuuwi ito sa Baguio. "Dito na lang ako sa floor. Ikaw na d'yan sa kama." sabi nito "Sure ka ba, kuya?... Baka hindi ka sanay?" "I'm gonna be okay..." "S-Sige... Nasa labas pala ang banyo kung gusto mong maligo muna." Kumuha siya ng malinis na tuwalya sa cabinet niya at ibinigay kay Gray. "Thanks, Rosie..." wika nito saka pumunta sa banyo. Nakahinga siya ng maluwag nang siya na