MasukAng boss ko ay may matinding trust issues—at ako lang ang pinagkakatiwalaan niya, kahit madalas niya akong nasisigawan. Pero kailangan ko nang mag-resign dahil kailangan ako ng ate ko na nasa Dubai. Ang problema? Ayaw akong pakawalan ng boss ko maliban na lang kung makahanap ako ng kapalit… in just three months. Eh choosy pa naman siya! Paano ko ‘to maaayos bago ako maiwan ng eroplano?
Lihat lebih banyak“What happened to you?” Napatingala ako at nando’n na pala si Sir Alex, nakatayo sa harap ng mesa ko.Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil kanina pa ako nakatulala.“Isa!” malakas niyang tawag nang hindi pa rin ako nakasagot. Pasimple akong sumilip sa salamin sa gilid.Hay naku, mukha na naman akong pindangga. Nangangalumata na sa puyat, walang make-up, at halatang kulang sa tulog. Dahil nga sa kakaisip ko kagabi ay halos wala akong tulog. Muntik na nga akong hindi makatulog dahil sobrang late na akong nagising.“Yes, sir?” sagot kong parang wala sa mood. Kung pwede lang na umidlip muna ay ginawa ko na. Lumapit siya at naupo sa tapat ng mesa ko. Tinitigan ako, yung tipong gustong basahin kung ano ang nasa utak ko.“I was asking you. What happened? You look like you barely slept. Everything okay?” Mas kalmado na ang boses niya ngayon. Halatang curious siya kung bakit ako mukhang z
Akala ko noong una, madali lang ang maghanap ng kapalit ko. Confident ako dahil kilala ko si Sir Alex,ang bawat galaw nito, kung ano ang standards niya, at kung paano siya mag-isip. Pero mali pala ako. Maling-mali.Ilang araw pa lang kasi simula ng mag-umpisa ang interview, pero gusto ko nang sumuko. Paano ba naman kasi ay lahat na lang ng applicants na iharap ko dito ay ayaw niya.Unang applicant sa linggong ito ay isang lalaki. Maayos manamit, mabango, may dating. Magaling at confident din ito magsalita. Halatang sanay sa corporate environment. Habang iniinterview ito ng boss ay parang okay naman lahat. Panay ang tanong at maayos naman ang mga naging sagot ng lalaki. Pero napansin kong hindi man lang tumitingin si Sir Alex sa resume. Tahimik lang siyang nakikinig sa sagot nito habang nakahalukipkip.Pagkatapos ng ilang minuto, tumikhim siya. “Next.”“Sir, bakit po?” tanong ko pa na medyo naguguluhan.“Too much perfume.” Bulong nito ng tumalikod na ang applicant.Napasapo na lang ako
Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang k
Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias. Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon. Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya. Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayo


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.