LOGINPinilit niyang alalahanin ang sumunod.“Sinabi ni Arthur na huwag daw mag-alala si Catriona dahil susunod siya sa usapan nila.”“Anong usapan?”“Na paghahatian nila ang isang milyong pounds.”Nanlaki ang mga mata ni Tyler. “What?”Ilang segundo siyang walang imik. Parang hindi nito alam kung paano tatanggapin ang sinabi niya. Hanggang sa bigla nitong napamura.“That bitch! So ang akala nating ni-rape siya…” Napailing si Tyler. “Hindi pala iyon totoo?”Umiling siya. “I-i don’t know.”“Then what the hell happened?”“Pakiramdam ko…” Napalunok ako. “She was drugged.”Nawala ang galit sa mukha ni Tyler at napalitan iyon ng pagtataka. “Drugged?”“Oo. Para sumunod siya kay Arthur.”Unti-unti niyang binalikan sa isip ang nakita niya nang bumalik si Catriona sa silid.“Noong bumalik siya sa kwarto kung nasaan ako, tulala siya. Parang hindi siya ang Catriona na kilala natin. Parang wala siyang sariling isip.”Tahimik na nakinig si Tyler.“Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa kanya ni Arthur. Hi
Samantala...Kakadating lang nila sa Blacksmith Estate. Pagkaparada ng sasakyan sa harap ng mansyon, agad na bumaba si Tyler at mabilis na pumunta sa kabilang bahagi ng kotse. Maingat niya itong inalalayan habang bumababa, tila ba nag-aalala siyang baka madulas o mapagod ito.“Careful, love…”Marahan niyang hinawakan ang kamay ni Jolie at inalalayan siya hanggang sa tuluyang makatayo.“Gutom ka na ba, Jolie? Magpapaluto ako ng makakain mo.”Umiling siya at bahagyang napayuko. “Hindi ako nagugutom.”“But you need to eat, love,” giit ni Tyler. Hindi matigas ang boses nito, ngunit ramdam niya ang pag-aalala. “Kahit kaunti lang. You need your strength.”Bago pa siya makasagot ay narinig nila ang boses ni Clarkson mula sa likuran.“Ang mabuti pa, ihahatid ko na lang doon sa kwarto n’yo ang pagkain. Dalhin mo na si Jolie sa kwarto para makapagpahinga.”Tumango si Tyler. “Let’s go, love.”Akala niya ay hahawakan lang siya nito sa kamay at aalalayan papasok. Kaya naman hindi niya napigilang m
Nang tuluyan nang makatulog si Catriona matapos turukan ng doktor ng pampakalma, saka lang naging tahimik ang buong silid.Kanina pa nila nakikita kung gaano ito kabalisa. Sa bawat tunog ng cellphone, kapansin-pansin ang takot sa mukha nito. At ngayong mahimbing na itong natutulog, saka lang nakahinga nang kaunti sina Craig, Blair, at Lewis. Ngunit hindi ibig sabihin noon ay nawala na ang kanilang mga tanong. Sa katunayan, lalo lang dumami ang mga iyon.“Dad…” mahinang tawag ni Lewis sa ama na si Blair. “Do you think Catriona is hiding something from us?”“I think so, anak”Napalingon din si Craig. Humugot nang malalim na hininga at ilang sandaling hindi sumagot. Muli niyang tiningnan ang apo na mahimbing na nakahiga sa kama.“I think so too,” sa wakas ay sagot niya. “Pero hindi ko alam kung ano.”Sandali itong natahimik.“Or maybe she’s just traumatized. We know what happened to her. We know she was raped.” Bumigat ang boses ni Craig. “Pero ayaw na niyang hanapin natin ang mga kidnap
Hindi niya kayang sabihin kay Lolo Craig ang lahat ng iyon. Hindi niya kayang sabihin kung gaano siya nagsisisi. Hindi niya kayang aminin kung gaano niya kinasusuklaman ang sarili niya sa mga sandaling iyon. Kaya ang tanging nagawa niya ay umiyak.Marahang hinaplos ni Lolo Craig ang kanyang buhok. “Hayaan mong samahan ka ni Lewis, Catriona. We are family,” dagdag ni Lolo Craig, mahinahon ngunit mariin ang tinig. “At ang pamilya ay dapat nagtutulungan.”Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata.“Hindi mo kailangang harapin mag-isa ang lahat ng ito, iha. Kung kailangan mong lumayo para makapagpagaling, tutulungan ka naming makalayo. Kung kailangan mo ng kasama, sasamahan ka namin. At kung kailangan mo lang ng taong mananatili sa tabi mo hanggang sa maging maayos ka… nandito kami.”Lalong bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi niya deserve ang kabutihan ng mga ito. Pero sa kabila ng lahat, pamilya pa rin ang turing sa kanya… at hindi siya iniwan.Hindi pa man siya nakakasagot sa sinabi ni L
“N-no, Lolo…” Nanginginig ang boses niya. “Hindi ko sila kilala.”Isang kasinungalingan... ang pinakamabigat na kasinungalingang kailangan niyang sabihin. Hindi niya alam kung paano niya ito nagawa pero hindi niya kayang sabihin ang totoo.At higit sa lahat, hindi niya kayang isipin ang magiging reaksyon ng kanyang pamilya kapag nalaman nilang ang taong pinagkatiwalaan nila ay siya ring naging kasabwat sa lahat.“H-hayaan na natin, Lolo...” dagdag niya habang nakayuko. “Ang importante… ligtas kami ni Jolie.”“Ang mabuti pa, magpahinga ka na muna, iha. Dito lang kami. Kami na ang magbabantay sa’yo.”Marahang sambit ni Lolo Craig habang nakatingin sa kanya. Halata sa mukha nito ang pag-aalala, na para bang ayaw siyang maiwang mag-isa kahit saglit.Nagpaalam na rin ang mga Blacksmiths nang makitang maayos na ang kalagayan niya. Ayaw na rin nilang manatili pa roon nang masyadong matagal dahil kailangan niyang makapagpahinga. Sa huli, sina Lolo Craig, Lewis, at Uncle Blair na lang ang naiw
Samantala, sa kabilang kuwarto…Unti-unting nagmulat ng mga mata si Catriona. Saglit siyang napatitig sa kisame, tila hindi pa lubos na nauunawaan kung nasaan siya. Ngunit nang tuluyang bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari, nanikip ang kanyang dibdib.Nasa isang private room siya ng ospital… Mag-isa. Isang nurse lang ang naroon upang magbantay sa kanya.Dahan-dahan siyang napalingon sa paligid. Tahimik ang buong silid, wala ang kanyang pamilya, wala ni isa man sa mga taong inaasahan niyang naroon sana sa kanyang tabi.Napapikit siya. Alam niya kung bakit… nasa kabilang kuwarto ang lahat, kasama si Jolie. Mas nag-aalala ang mga ito kay Jolie kaysa sa kanya. Iyon ang matagal na niyang kinatatakutan. At ngayon, pakiramdam niya ay tuluyan na itong naging katotohanan.Dahan-dahang pumatak ang unang luha sa gilid ng kanyang mata. Sinundan iyon ng isa pa, hanggang sa hindi na niya napigilan ang pag-agos ng kanyang mga luha.Gusto niyang umiyak nang malakas, pero pinilit niyang pigilan
"Busy ka pala…" wika ni Clarkson nang makapasok sa kwarto niya. May dala itong pagkain para sa kanya.“Sino ’yun?” tanong ni Ben sa kabilang linya. “Sino ang kasama mong lalaki d’yan? Si Clarkson ba ’yun?” Naka-loud speaker pa naman siya dahil tinatamad siyang maghawak ng cellphone, narinig tuloy n
Pinasundo sila ng driver ni Lolo Gregore. Silang dalawa lang ni Vicky ang babalik sa rancho. Sa mansion na lang daw siya hihintayin ng mga pamilya niya.Lihim siyang napangiti. Mukhang may naamoy siyang surprise party para sa kanya. Kilala na niya ang mga ito. Mahilig sila sa pa-surprise. Kaya ba h
Kinaumagahan ay maaga siyang nagising at pumunta sa lobby. May nakita siya doon na restaurant kagabi habang nagcheck-in siya. Mukhang masarap doon mag-breakfast at mag-kape. Doon na din niya aabangan si Aria. Siguradong makikita niya ang dalaga sakaling darating na ito.“Good morning, sir.” tila ki
“H-hi bunso…”“H-hi kuya Clarkson…”Gusto niyang maiyak. Babalik ba sila sa dati?... sa pagiging magkapatid?“K-kamusta ka na? Ano na ang balita sa’yo?” tanong nito bagamat nahihiya. Halatang naghahanap ng paraan na makausap siya.“I’m okay… ako ang nagma-manage ng Blacksmith Hotel. Thanks sa exper







