MasukNagising siya nang makarinig ng halakhak sa labas. Napakunot ang kanyang noo habang nililibot ang tingin sa paligid. Nasa kwarto pala siya. Tila sandaling nalimutan niyang nasa Pilipinas na siya.Tumayo siya mula sa kama at sumilip sa bintana. Nakita niyang naroon si Vicky, nakalublob sa swimming pool, may kausap sa telepono. Rinig na rinig sa kwarto ang tawa nito.Pasimple niya itong pinagmamasdan... nakasuot ito ng pulang swimsuit na hapit sa katawan. Agaw-pansin ang tindig nito at kumpiyansa sa bawat galaw. Total bombshell talaga si Vicky, malakas ang dating, voluptuous kung ilalarawan. Kaya minsan ay hindi niya maiwasang magtaka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo.Nailang siya nang biglang tumingala ito at nakita siyang nakasilip sa bintana. Sa halip na umiwas, lalo pang lumaki ang ngiti nito at kumaway sa kanya.“Join me here, Clarkson!” sigaw nito.Wala talaga siyang planong mag-swimming. Pagod pa rin ang katawan niya at mas gusto sana niyang manatili sa loob.
VICKY’S POV:Lihim siyang napangiti nang pumayag si Clarkson sa mungkahi niyang doon na lang siya matulog sa mansyon. Plinano nya talaga iyon. Wala naman talaga siya convention sa Manila, sinabi nya lang para kapani-paniwala. Sa wakas, unti-unti nang gumagana ang plano niya.Ang hindi alam ni Clarkson, may taong nakasunod sa kanila... isang binayaran niya para kumuha ng mga litrato.Lihim siyang napangiti habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga kuhang ipinadala sa kanya. Tuwang-tuwa siya sa mga nakita. Hindi halatang napipilitan lang si Clarkson sa mga litrato, mukhang may relasyon talaga sila.“Perfect.” bulong niya sa sarili.Hindi mahalagang may nobya si Clarkson. Ang mahalaga ay ang lalabas sa mga mata ng iba. Isang maling anggulo lang, isang ngiting nahuli sa kamera, isang sandaling mukhang may ibig sabihin... sapat na iyon.Alam niyang kapag nakita ni Aria ang mga larawang iyon, kahit gaano pa kalakas ang tiwala nito kay Clarkson, magkakaroon at magkakaroon ng pagdududa. At s
Lumabas siya sa airport at doon niya nakita si Vicky na naghihintay sa exit. Agad itong ngumiti nang makita siya.Malayo pa lang ay pinagmamasdan na niya ang dalaga. Parang hindi ito doktor sa suot nitong fitted maong na butas-butas at black tube.Oo, maganda at sexy si Vicky, para itong sikat na personality sa Hollywood. Mahaba rin ang buhok nito na lalong nagbibigay-ganda sa dalaga.Pero kahit anong gawin nitong pagpapa-cute ay walang epekto sa kanya. Kaibigan lang talaga ang turing niya sa doktora.Siguro naman titigil na ito sa pang-aakit, alam na nito na may nobya siya at iyon nga ay si Aria.Hindi nawawala ang ngiti nito habang papalapit siya. Mag-isa lang ito at walang kasama. Agad siyang lumapit.“Hi, Clarkson,” masayang bati ni Vicky. Yumakap at humalik ito sa kanya. Hindi niya alam kung aksidente lang o sinadya ni Vicky na maglapat ang kanilang mga labi. Nagmaang-maangan siya at kunwaring hindi napansin.“Sino ang kasama mo?” tanong niya.“Just me. Katatapos lang din ng conv
CLARKSON’S POV: Nagising siya kinaumagahan na masakit ang ulo, dagdagan pang mabigat ang kanyang balikat. yun pala nakadagan si Arya sa bisig niya Marahan siyang gumalaw para hindi ito magising, pero naramdaman siya nito. Agad itong nagmulat, kinuskos ang mga mata at tiningnan siya. “Babe… gising ka na? Okay ka lang ba? Do you feel anything?” “W-wala, babe… I’m okay. Masakit lang ang balikat ko. Nangangalay ata sa tagal ng paghiga mo sa akin." “Ay, sorry…” agad itong napaupo. Ngumiti naman siya ng tipid. Napangiwi siya nang maramdaman muli ang kirot sa ulo. Matagal na siyang hindi umiinum kaya bago na naman sa kanya ang feeling ng lasing. “Masakit ba ang ulo mo? Wait, kukuha ako ng paracetamol. Ay, hindi... kumain ka pala muna bago ka uminom ng gamot,” natatarantang sabi nito. “Relax, babe. I’m gonna be okay…” natatawang sabi niya saka muli itong hinatak pabalik sa kanyang bisig.Napangiti naman si Arya at muli siyang niyakap. ang kamay nito ay nasa kanyang dibdib at nilalar
ARIA’S POV:Maggagabi na pero wala pa rin si Clarkson. Nag-aalala na siya, hindi niya alam kung saan hahanapin ang nobyo. Muli siyang lumabas ng kwarto at pinuntahan ang mga magulang. Nasa sala ang mga ito at nag-uusap kasama ang mga ninong at ninang niya.“Mom, Dad, hindi pa rin ba dumadating si Clarkson? Wala ba siyang tawag o text man lang sa inyo?”“Wala pa, iha. Hayaan mo siya. Uuwi din ’yon. Lalaki siya at walang masamang mangyayari sa kanya.”“Pero Dad, ’di ba kayo natatakot? Umalis siya nang walang paalam at may problema siya. Baka kung ano ang gawin niya!”“Hindi naman siguro, iha. Gusto niya lang talagang mapag-isa.” Ang ninong Clark nya ang sumagotNaiinis siya. Bakit parang siya lang ang nag-aalala nang sobra kay Clarkson? Nag-aalala din naman ang mga magulang nito, pero hindi katulad ng sa kanya.Kinuha niya ang cellphone at muling tinawagan si Clarkson. Biglang nagliwanag ang mukha niya nang sa wakas ay nag-ring ito.Hindi niya tinantanan hanggang sa sagutin nito ang ta
CLARKSON POV:Kasalukuyan siyang nasa bar at naglalasing. Anong silbi pa ang pag-iingat niya sa kanyang sarili kung wala na rin naman siyang kuwenta bilang isang lalaki? Kaya niyang paligayahin si Aria sa kama bilang obligasyon niya as a boyfriend, pero hindi na para sa kapakanan niya. Okay nang si Aria na lang. Para ano pang makikipagtalik kung wala rin naman silang inaasahan?Sa kada pagtatalik nila, alam niyang umaasa si Aria na balang araw ay makakabuo sila. Kahit hindi pa sila kasal ay alam niyang kahit papaano ay umaasa si Aria na mabuntis ito.Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at muli iyong binuksa. Pinatay niya iyon kanina dahil alam niyang kukulitin lang siya ni Aria. Alam niyang hahanapin agad siya nito paggising dahil wala na siya sa tabi nito... gusto niyang mapag-isa.Nang buksan ang cellphone ay hindi nga siya nagkamali, maraming message si Aria para sa kanya. Pero hindi niya iyon binasa. Alam na niya ang mga nilalaman nun… magtatanong ito kung nasaan siya at papauwiin







