Iyak siya nang iyak habang nasa kulungan. Hindi niya alam ang gagawin. Mag-isa lang siya roon at walang kakampi. Ang nag-iisa niyang kakampi, si John, ay galit na rin sa kanya. Paano na siya ngayon? Hindi niya akalain na nabaliktad siya ni Amber! That bitch! ang galing gumawa ng kwento. Siya dapat ang nakukulong, hindi ako! "Beverly Catalan, may bisita ka," wika ng pulis sa kanya. Napaisip siya kung sino naman kaya ang pupunta sa kanya. Nagulat siya nang makita ang nakangising mukha ni Amber na papalapit sa kanyang kinaroroonan. "Kamusta ang kulungan, Beverly? Or should I say Bebe?" wika nito, nang-uuyam, nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa kanya. "Napakawalang-hiya mo! Ikaw dapat ang nandito! Narinig ko kayong nag-usap ni Alastair sa batis kagabi. Plano ninyong patayin si James pagkatapos ng kasal ninyo para maging Blacksmith ka na!" "Hahaha! Gumagawa ka na naman ng kwento, Beverly. Alam mo bang pwede kong idagdag yan sa kaso mo? Paninirang puri yan! At alam mo ang kapas
Nag-isip ang pulis sandali bago ibigay ang cellphone sa kanya. Napabuntong-hininga siya ng maluwag. Mabuti naman at naniwala ito sa kanya. Hindi niya intensyon na gamitin ang koneksyon niya sa mga Miller, pero this is a matter of life and death! Sa pagkakataong ito, buhay niya ang nakataya. Kailangan niya ng kakampi. Masyadong malakas ang kalaban niya at maaaring ipatumba siya dito sa Scotland anumang oras.Nang maibigay na sa kanya ang cellphone, agad niyang hinanap ang numero ng pinsan niya. Naghintay siya habang nagri-ring ang tawag.“Hello, Bebe?” sagot ng pamilyar na boses ng ate Jonie niya.“H-Hello ate… help me… huhuhu…” Hindi na niya napigilang umiyak nang marinig ang boses ng ate niya. Parang sumabog ang lahat ng naipong takot sa dibdib niya.“Ano’ng nangyari sa’yo? Bakit ka umiiyak?” nag-aalalang tanong ni Jonie.“Help me, Ate. I’m here in Scotland… nakakulong ako. Kailangan ko ang tulong ninyo…”“What?! Scotland?! Akala ko ba nasa London ka? Ano’ng ginagawa mo diyan?” sunod
***********AMBER:“Mommy, kamusta na po si James?” tanong ni Amber pagkadating niya sa ospital. Nakaupo si Evelyn sa waiting area sa labas ng operating room, katabi si Oliver. Si John naman ay may kausap sa telepono, ngunit napansin niya ang panakaw nitong tingin sa kanya. Hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito.Tumayo si Evelyn at agad siyang niyakap. “Wala pa siyang malay, iha. Masama pa rin ang lagay niya. Nasa operating room pa siya. Kinukuha pa ang bala sa balikat niya,” malungkot na wika ng matanda.“Huhuhu… kawawa naman po ang asawa ko. Kakakasal pa lang namin, sana huwag siyang kunin agad. Kawawa ang anak namin… isisilang siyang walang kikilalaning ama. Baka maging balo agad ako…” humihikbing sabi ni Amber.“Lakasan mo ang loob mo, iha. Maaawa ang Diyos, hindi Niya kukunin si James sa atin, lalo na sa magiging anak ninyo. Huwag kang masyadong magpaka-stress at baka mapahamak ang apo ko sa tiyan mo,” pagpapalubag-loob ni Evelyn sa kanya.“Kasalanan lahat ni Beverly ito, M
BEVERLY's POV:Naka-upo lang siya sa kama. Naghihintay siya ng tulong mula kay Ate Jonie. Ang sabi nito ay may ipapadala na tao para puntahan siya. Wala siyang magawa kundi umasa sa tulong ng iba dahil kung siya lang ay wala talaga siyang magagawa kahit anong pilit niya.Hindi rin niya maaasahan na tutulungan siya ni John. She already talked to him at mukhang malabong puntahan siya nito dahil kay Amber ito naniniwala.Nalulungkot siya dahil nanghihinayang siya sa pagkakaibigan nila ni John. Ni hindi man lang siya nakapagpaliwanag dito tungkol sa kanila ni James. Sasabihin niya naman ang totoo pero huli na ang lahat, nagkabukingan na kasi kaya kahit pa hindi siya guilty, ay nagmukha tuloy siyang guilty.Napahawak siya sa ulo niya... bigla ata siyang nahilo. Naalala niya na hindi pala siya nakakain sa araw na iyon. Galing pa siya sa batis kagabi at doon na nakatulog dahil nawalan siya ng malay. Tapos kumikirot pa rin ang sugat niya sa noo. Ni hindi man lang siya nalapatan ng first aid.
Hindi pa man siya nakapag-isip ay may pumasok na naman na dalawang lalaki... si Kuya Ken at Clark.“Oh God, Bebe!... mabuti naman at gising ka na!” wika ni Kuya Ken na dali-daling lumapit sa kanya.“Kuya Ken... bakit andito kayo sa London? Ano ang ginagawa nyo dito?” Nagulat siya sa pagpasok ng dalawa.“London? You're not in London, Bebe. You're here in Scotland!” si Clark naman ang nagsalita na mukhang naguluhan sa kanya.“Scotland? What am I doing here?” naguguluhan siya. Sa London siya at mag-aaral. Kaya lang, di pa nag-uumpisa ang school nila.Nagkatitigan ang tatlong lalaki... Natahimik ang lahat."Sabi ng doktor ay masama ang pagkakabagsak niya sa matigas na rehas kaya medyo nagkaroon siya ng memory loss. At bukod pa doon, may nauna na siyang sugat sa ulo na hindi niya masabi kung saan niya nakuha dahil wala siyang maaalala." Paliwanag ng lalaking nagpakilala kanina sa kanyang si Callum.“May amnesia siya?” tanong ni Ken kay Callum.“Pero bakit kilala niya kami?” si Clark naman
THIRD PERSON POV:Kakagaling lang ni Doc Angus sa kwarto ng isang magandang babae na nagngangalang Beverly Catalan. Hindi niya alam kung paano siya konektado kay James, pero nakita niya ito sa kasal nina James at Amber noong nagkakagulo na. Si Beverly ba ang third party sa relasyon nina Amber at James? Hindi siya makapaniwala... she seemed nice at maamo ang mukha.Naalala pa niya ang sinabi ni Amber na si John daw ang totoong karelasyon nito, pero nakipagrelasyon din kay James? At sino naman ang ama ng dinadala ni Beverly? Kay John ba o kay James? Ang gulo ng sitwasyon nila!Hindi niya alam kung nagsasabi ng totoo si Amber. Knowing Amber, kaya nitong baliktarin ang sitwasyon. Matagal na niyang kilala ang karakas nito. Napalabas pa nga nitong self-defense ang dahilan kaya nito pinatay si Alastair.Kung self-defense nga iyon, bakit may dalang baril si Amber sa araw ng kasal nila ni James? Nakatago pa iyon sa ilalim ng gown nito?Duda siyang alam na ni Amber ang plano ni Alastair. Malama
"Shut up, Angus! What are you implying? Na gusto kong mamatay si James?" sigaw ni Amber.“Well, ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako,” tugon ni Angus, galit na galit. “Hinuhuli niya ito.”Ngunit imbes na matakot, bigla na lang ngumisi si Amber. “Why are you so hard on me, Angus, sweetheart? Galit ka pa rin ba sa akin dahil hiniwalayan kita at bumalik kay Alastair?” sambit nito na parang nang-uuyam.Tumigas ang bagang ni Angus sa narinig. Kuha na naman ni Amber ang inis niya. “No, Amber, hindi na ako galit. Actually, nandidiri ako sa ginagawa mo. Napakasama mo! Hindi ako papayag na pati si James ay lokohin mo! Sasabihin ko ang lahat kay James, paggising niya, para matauhan siya. Pati ang mga Blacksmiths, malalaman nila ang mga pinagagawa mo... Manggagamit ka!”“Don’t you dare, Angus!” sigaw ni Amber, galit na galit. Ang kaninang nagsasakit-sakitan ay biglang tumayo mula sa kama at lumapit sa kanya.“Wag mo akong subukan, Angus! Alam mong may hawak din akong baraha laban sa’yo,” dagdag nit
****** THIRD PERSON POV: “Anak, gumising ka na, please…” hikbing wika ni Evelyn sa anak. “Bakit nangyari ang lahat ng ito? Ang hangad ko lang naman ay maging masaya kayo ng kapatid mo. Bakit umabot kayo sa ganito?” Maraming tubo ang nakakabit kay James. Kahit tiniyak ni Doc Angus na magiging maayos ang kalagayan nito, hindi pa rin mapanatag si Evelyn hangga’t hindi nagigising ang anak. “Bakit kasi nangyari ang lahat ng ito?” bulong niya sa sarili. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na aabot sa ganitong sitwasyon ang kanilang pamilya. Napakabilis ng mga pangyayari... masaya lang sila noon hanggang sa nalaman nilang buntis si Amber, at sunod-sunod na ang mga problema. “Mom, kamusta si Kuya?” tanong ni John pagkapasok niya sa kwarto. “He’s still unconscious. What are you doing here? Di ba sabi ko bantayan mo si Amber doon?!” galit na sagot ni Evelyn nang hindi man lang tumitingin kay John. Nakatuon lamang ang atensyon niya kay James. “Andoon si Doc Angus, Mom. Bibisitahin ko sana s
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis