"Ang mabuti pa John, tawagan mo si Tita Evelyn at sabihin mo ang magandang balita na gising na si James!" utos niya sa kaibigan."Sige..." wika ni John saka kinuha ang cellphone at dinayal ang number ng ina."Ahm... John... nagugutom kasi ako. Pwede mo ba akong bilhan ng pagkain?" utos ni Jamessa kapatid."Okay, Kuya. What do you want?""Gusto ko sana ng mainit na sabaw. Parang natuyuan ang katawan ko na hindi ko alam... gusto kong humigop ng mainit na sabaw.""Ah... natuyuan ka talaga bago ka hinimatay! Nagdalawang round ka ba naman kay Beverly eh!" wika ni John sa kapatid. Napatingin siya ng mariin sa kaibigan. Naiinis siya dahil ginagawa nitong biro ang sex life nila. Hindi siya komportable."What do you mean?" nagtatakang tanong ni James na mukhang magagalit na naman."Ahhh sige, Kuya. Lalabas na ako, bibili muna ako ng pagkain mo." Dali-daling lumabas si John para iwasan na naman ang galit ni James."Ano ang ibig sabihin ni John?" tanong ni James sa kanya. Silang dalawa na lang a
Masaya silang nagkukwentuhan nang may pumasok sa kwarto. Si Doc Angus iyon, kasama ang mga magulang ni James."Anak, gising ka na pala? Tumawag sa amin si John kanina ng madaling araw. Pasensya ka na at ngayon lang kami nakarating, inaasikaso pa namin ang anak mo." wika ng ina nito."Salamat Mom sa pag-aalala sa anak namin ni Bebe.""Kamusta na ang pasyente ko? Mukhang malakas na ulit ah?" si Doc Angus naman ang nagsalita."Yes, Doc Angus. Pwede na ba ulit akong lumabas?" Malaki ang ngisi ni James sa labi."Not so fast, bro. Kailangan mo pang magpahinga ng maayos.""Pero nakapagpahinga na ako... malakas na ulit ako!""Bakit ka ba nagmamadali, eh ako ang nakakaalam dito. Ako ang doctor, 'di ba? And one more thing... alam ko ang rason kung bakit ka nag-collapse kahapon. That is because you and Beverly made love. So simula ngayon, bawal ka munang makipag-sex ng isang buwan... hanggang sa tuluyan nang bumalik ang iyong lakas.""What?! Are you out of your mind, Angus? Hindi puwede 'yun!"N
"Bago tayo umuwi ng palasyo, pwede ba muna tayong dumaan ng mall, anak? May pina-reserve kasi ako doon na bagong edition ng bag. Tumawag na ang taga-mall sa akin at dumating na daw ang order ko," nakangising wika ni Tita Evelyn. "Sure, Mom." "Hindi ka ba pagod? O kung gusto mo, mauna na kayo ni Beverly umuwi ng palasyo at kami na lang ang pupunta sa mall. Ipahahatid na lang namin kayo kay Logan." "Wag na, Mom. Sasama kami ni Beverly. Matagal na rin kaming hindi nakapag-date. Gusto kong malibang ang nobya ko. Puro stress na kasi ang inabot niya sa akin," wika ni James saka siya ngitian. Lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Agad naman siyang kinilig. Naalala pa rin pala siya ng nobyo niya. Hindi na niya pinahalata pero excited na rin siyang dumaan sila sa mall. Simula nang dumating siya sa Scotland ay hindi pa siya nakakapunta sa mall ulit. Magkahawak-kamay sila ni James habang palabas ng ospital. Naghihintay na roon si Logan para sa kanila. Limousine ang dala ni Logan kaya kasya si
"Ahm, sige Mom... tatawagan namin mamaya ang pamilya ni Jonie..." sagot naman ni James na nag-alangan din."Great! That's great, anak!" tuwang-tuwang wika ni Tita Evelyn."Iha, isukat mo na itong sapatos mo para sa kasal.""Ah, eh, sige po..."Umupo siya sa tabi nito at hinubad ang sandals niya saka sinuot ang stilettos."Ang ganda! Bagay sa paa mo, iha! Try mo ngang maglakad-lakad kung komportable ka. Dapat ay komportable ka sa araw ng kasal niyo."Tumayo naman siya at sumunod sa utos ng ginang. Pagbibigyan niya ang trip nito. Palakad-lakad siya doon na parang model."Ang ganda! At ang sexy mo, iha. Bagay na bagay sa'yo ang sapatos!" tuwang-tuwang wika ng ginang na pumapalakpak pa. Natawa na lang siya sa reaksyon nito.Nang makalapit na siya kung saan nakatayo si James ay bigla siyang hinawakan nito sa bewang at inilapit sa katawan nito. Muntik pa siyang matumba at ma-out balance dahil hindi niya inaasahan iyon."You're so sexy, my love. Para ka pa ding dalaga. Sinong mag-aakalang may
Pagkatapos naman nila sa boutique ng mga bag, ay lumipat naman sila sa bilihan ng mga sapatos. Isang designer shoes din ang pinasukan nila."May pina-reserve ka din ba dito, tita?" nakangiting wika niya."Wala, iha. Parang ginanahan lang akong mag-shopping ngayon."Sila na ngayon ang magkahawak-kamay. Nahahawa na siya sa excitement ni Tita Evelyn habang nagsha-shopping. Ang mga boys ay nakasunod lang sa likod nila."Alam mo bang matagal ko na ding hindi nagawa ito? Ang huling punta ko dito ay noong kasama pa kita. I miss doing this with you, iha."Nagulat siya sa sinabi nito. Matagal na nga iyon. Sa pagkaalala niya ay binilhan din siya nito ng bag noon, pero naiwan niya iyon sa kwarto niya sa palasyo dahil tinakas lang sya nina Kuya Ken at Clark pauwi sa Pilipinas noon.Sa katunayan, ang mga gamit niya ay nandoon pa din sa kwarto na ginagamit niya sa palasyo. Hindi iyon pinagalaw ni James. Umaasa daw itong babalik pa siya, at na-touch naman siya doon."Look at this, iha. Bagay sa'yo 't
Pagkatapos nilang mag-shopping ay doon na din sila kumain sa paboritong restaurant ng mga ito. Doon niya rin nakita si Alastair at Amber dati, pero hindi na niya pinaalala sa mga ito... baka ma-bad trip lang silang lahat."What do you want to eat, iha?""I’ll have steak, Mommy. Nagutom ako kakashopping, hihihi.""I’ll have steak too, Mom." wika naman ni James."John, anong order mo?" tawag-pansin ni Mommy Evelyn kay John na abala sa pagce-cellphone. Kanina pa ito walang kibo."Huh?""Sino ba ‘yang ka-chat mo at kanina ka pa abala diyan?" galit na wika ni Tita Evelyn."Ahm, nothing, Mom...""Baka babae ‘yan, ha? Gayahin mo ang kuya mo na magaling pumili ng babaeng mapapangasawa. Ang gusto ko ay katulad din ni Beverly ang mapapangasawa mo, anak.""Hmp! Eh akin nga ‘yan si Beverly kung hindi lang inagaw ni Kuya sa akin, eh!" biro ni John.Nakita niyang nanlisik ang mga mata ni James habang tumitingin sa kapatid nito. "Ayy sorry, Kuya. Okay lang ‘yun. Hayaan n’yo na kasi ako, Mom. Pag ba
Pag-uwi nila ng bahay ay dumiretso na sila sa kwarto ng anak nila. Gising si Tyler at naglalaro ito sa kuna.nagulat naman si shiela na parang nakakita ito ng mulita ng pumasok sila. "H-hello po, Ma’am Beverly, Sir James... andito na po pala kayo. Kakagising lang ni baby Tyler kaya maganda ang mood niya." bati ni Shiela."Ganun ba. Salamat, Shiela. Magpahinga ka muna. Ako muna ang mag-aalaga kay Tyler. Dito ako matutulog ngayon sa kwarto nya." sabi niya sa nurse. Gusto niyang makatabi ang anak. Simula nang dumating sila doon ay naging abala na siya at halos hindi na siya namamalagi sa palasyo dahil sa pagbabantay kay James. Pero dahil okay na si James ay tututukan naman niya ngayon ang kanyang anak.Kinuha niya si Tyler sa kuna at binuhat."How’s my baby? Sorry, anak ha. Naging busy si Mommy. But I’m here now..." Nilapit niya ang kanyang mukha sa maliit na kamay nito at natawa siya nang subukan nitong hawakan ang ilong niya."Ang kulit mo talaga, anak. Hahaha..." sabi niya saka pinup
Nagkatinginan muna sila ni James bago siya sumagot."Hindi po, Tita. Mahal po ako ng pamilya ni James. Nanghingi na sila ng tawad sa ginawa nila sa akin noon... Ang gusto nga po nila ay magbakasyon kayo dito sa Scotland bago ang kasal namin para naman makapag-bonding tayo." Tumahimik lang si Tita Beth at hindi nagsalita.Humugot muna cya ng malalim na hininga. Hindi nya alam kung paano kokombinsihin ang tiyahin. "T-tita... gusto ko po ng kompletong pamilya... 'yung may Daddy na matatawag si Tyler paglaki niya. Ayaw ko pong magaya sa akin ang anak ko." garalgal ang boses niya habang sinasabi iyon."Don’t say that, iha... nagkulang ba kami sa pagmamahal sa’yo?""Hindi po, Tita. Sa katunayan, sobra-sobra na po ang pagmamahal niyo sa akin. Pero iba pa rin po ang pakiramdam kung sariling pamilya mo po talaga... Huwag niyo po sanang ma-misinterpret dahil malaki po ang utang na loob ko sa inyo ni Ate Jonie pero sana maintindihan nya ang minimithi ng puso ko."Muli itong natahimik... tila ang
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis