"Ahm, kamusta ka? Nakita ko sa social media ang nangyari sa'yo sa airport.... Nasa Pilipinas ka na pala?""Ahm, I'm okay... hindi naman masakit ang suntok ng lalaki." Pagsisinungaling niya. Napatingin si Franco sa kanya at muntik nang matawa, pero tinitingnan niya ito ng masama. "Kakarating ko lang ng Pilipinas. Si Dad kasi nasa ospital.""Huh? What happened to Tito?""Inatake siya sa puso, and he's still unconscious," kwento niya. Sandali silang natahimik, tila nakikiramdaman."K-kamusta ka na diyan sa London? Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka pala...""Ahm... sayang naman kasi ang offer ni Tito Gregore kung hindi ko tatanggapin.""G-ganun ba? Kailan ka uuwi dito sa Pilipinas?""I don't know. Naka-indefinite leave naman ako, might as well sulitin ko na."Nalungkot siya sa sagot ni Fe. "Ahm, Fe... can we talk?""Ahh, I have to go. Tumawag lang talaga ako to check on you. Medyo nag-worry kasi ako nang makita ko sa social media na sinuntok ka. I have to go. Mag-ingat ka, ha... b
Nabaling ang atensyon nila nang may kumatok sa pinto. Tumigas ang bagang niya nang makita kung sino ang pumasok doon... si Bryan Mendoza.Councilor si Bryan sa kanilang distrito at magkaiba sila ng partido. Gusto nitong tumakbo ng Governador at kakalabanin cya."Good morning, Mayor!" Malapad ang ngiti nito na parang nakakaloko habang papalapit sa kanya. Nasa likod nito ang dalawang bodyguard.Halos magkaedaran lang sila ni Bryan, 32 din ito tulad niya. Parehas silang mga anak ng mga politiko kaya maaga silang nasabak sa politika."What are you doing here, Bryan?" walang emosyon na tanong niya."I'm just paying a visit to Tito Amado."Tiningnan niya ito nang masama. Hindi niya ito maakusahan nang harapan na ito ang pinaghihinalaan nila kung bakit inatake sa puso ang ama niya. Wala pa silang sapat na ebidensya kaya hindi sila pwedeng basta-basta na lang magbintang."Nabalitaan ko naospital pala si Tito, that's why I'm here.""Di mo na dapat ginawa 'yun, Bryan. Hindi ka na dapat nag-abal
It's been a week, pero hindi pa rin nagkakamalay ang daddy niya. Pero sabi naman ng doctor na maganda ang response ng katawan nito kaya posible itong magising ano mang oras.Nasa opisina siya sa mga oras na 'yun. Nakatingin lang siya sa kisame at natutulala. Hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkakausap ni Fe ulit. Hindi na ito tumawag sa kanya. Kung siya naman ang tatawag dito, hindi siya sinasagot. Hindi rin sine-seen ang mga messages niya."Ano kaya kung magpasuntok ulit ako para tawagan niya ulit ako? Damn! I miss her voice! I miss her..." wika niya.Maya-maya ay may kumatok sa pinto niya. Pumasok doon si Franco."Boss, tumawag po ang mommy mo. Nagising na daw si Sir Amado!""What?!" Biglang napabalikwas siya sa kinauupuan. "Bakit hindi siya tumawag sa akin?""Tumatawag daw siya pero hindi mo sinasagot."Napatingin siya sa kanyang cellphone. Marami ngang missed calls ang ina niya. Ganun ba siya katulala na pati ang tunog ng cellphone niya ay hindi niya napansin?Dinampot niya ang b
Magkakasundo pala tayo kung ganun, Mayor? Let’s keep each other’s secret, okay?"Maasahan mo ako diyan, Cindy. By the way, totoo ba ang sinabi ni Bryan na nagkaroon daw kayo ng relasyon dati?""Bryan who?" nagtatakang tanong nito."Bryan Mendoza.""Ah, that jerk! Of course not! Paano ko siya magugustuhan, eh lesbian nga ako! And between you and him? Mas pipiliin pa kita kaysa sa kanya. Ang hangin ng lalaking ‘yun!"Napangisi siya. "Salamat naman kung ganun. Nakatanggap din ako ng papuri mula sayo... kanina mo pa ako iniinsulto, eh!""Ahahah... Sorry. Straightforward lang kasi ako!" Wika nito saka sila nagtawanan. "Ikaw naman, ano ang nagpapigil sa'yo sa kasal na 'to? Sino ang maswerteng babae?""She is Fe, my best friend. Nasa London siya ngayon.""Oh..." wika lang ni Cindy saka muling uminom ng kape."Sorry....""Bakit ka nagso-sorry?""I feel sorry for you."Natahimik cya. "She’s my best friend. Nasanay na ako na lagi siyang nandiyan sa tabi ko, pero ngayon ay wala na siya." malungk
"Hello, Fe, iha... Salamat sa pagtawag mo...." hinihingal na sambit ng daddy nya."Kamusta ka na, Tito Amado?" Naririnig niya ang usapan ng dalawa dahil ni-loud speaker muna ni Rosie ang telepono bago ibigay sa daddy nila, na ipinagpasalamat niya."I’m okay, iha. Eto... buhay pa...""Mabubuhay ka pa nang matagal, Tito. Masamang damo ka, remember?" biro ni Fe sa ama niya na ikinatawa naman nito.Pati siya ay lumambot ang puso sa pag-aalala ni Fe sa ama niya. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang pamilya niya kahit pa may tampuhan silang dalawa."Ang sabi ni Clark ay nasa London ka daw... Ano naman ang ginagawa mo diyan, iha?""Ahm, nagbabakasyon lang, Tito. Para naman malibang nang konti.""Sana naman pag-ikinasal na itong best friend mo ay andito ka..." wika ng daddy niya saka tumingin sa kanya."Shit!" Gusto niyang agawin ang cellphone sa daddy niya at mag-explain kay Fe."Ahm... O-opo naman, Tito... Uuwi po ako diyan bago ang kasal ni Clark." Narinig niyang naging garalgal ang boses n
*********************FE'S POV:Namasa ng luha ang mga mata niya nang ibaba ang telepono. Kakatapos lang nila mag-usap ni Clark. Nasa isang coffee shop siya sa mga oras na 'yun at nakakahiya kung may makakitang lumuluha siya doon mag-isa. Isinuot niya ang malaking shades para walang makapansin sa pagluha niya.Habang nagkakape siya doon at napa-scroll sa social media, nakita niya ang pictures ni Clark at ni Cindy."Siya pala ang fiancée ni Clark..." bulong niya sa sarili habang tinitingnan nang maigi ang magandang mukha ng babae. Bigla siyang na-insecure. Ang ganda niya at very elegant kung tingnan sa picture."Wala na... finish na! Ikakasal na nga si Clark... Hindi na cya maghahabol sa akin...""’Di ba 'yun naman ang gusto mo? Kaya nga umiiwas ka na mag-usap kayo, 'di ba?" supalpal niya sa sarili.Oo nga't 'yun ang gusto niya dahil 'yun ang tama. Ikakasal na ito sa iba, at ayaw niyang siya ang maging dahilan kung hindi matuloy iyon. Sobrang mahal niya si Clark kaya ipapaubaya ito sa
***********************CLARK'S POV:Sa paglipas pa ng mga araw ay sila ni Cindy ang laging laman ng balita. Suhestiyon iyon ni Cindy na lagi silang lumabas para mabango ang pangalan niya sa media. At tama naman ito, siya ang laging angat sa rating at kulelat si Bryan. Paano kasi, wala naman itong ginawang tama kundi magmayabang.Kasalukuyan silang nasa isang fine dining restaurant... date nila sa gabing iyon. Extra sweet sila ni Cindy kahit pakitang-tao lang ito. Alam kasi nilang maraming press ang nakasunod sa mga galaw nila."Damn those press!" bulong niya habang kumakain sila."Hihihi... Relax ka lang kasi. Masyado ka kasing stiff. Let them! Kunyari hindi mo alam na nasa paligid lang sila. Good publicity din 'yan para sa'yo!" nakangiting wika ni Cindy saka siya hinalikan sa labi. Noong una ay nagulat siya pero hinayaan niya."Anong ginagawa mo, Cindy? You don’t have to do that..." pabulong na wika niya rito."Hihihi… It’s okay. Nag-eenjoy naman ako sa palabas natin."Napangiti siy
***************“Damn!” mura niya. Nasa opisina siya at wala siyang ginawa kundi tawagan si Fe, pero hindi sinasagot ng dalaga ang telepono nito. Ilang araw na siyang tumawag kay Fe pero hindi siya pinapansin. Maging ang mga mensahe niya ay hindi nito sini-seen!Akala ko ba maayos na silang nag-usap na i-save nila ang friendship nila? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito kinakausap?Ang huling pag-usap nila ay dalawang linggo nang nakalipas, noong nasa ospital pa sila ng daddy niya.“Fuck!” Muling mura niya at tinapon ang telepono. Mabuti na lang at hindi ito nabasag. Napipikon na siya! Hindi niya talaga maintindihan si Fe... Ginagalit talaga siya nito!“Ano ang problema mo at bakit ka nagtatapon diyan?” Natatawang tanong ni Cindy nang pumasok sa opisina niya."Bakit andito ka?" Nakasalubong pa din ang kilay niya."I just want to visit my fiancé... Kung ikaw lang kasi aasahan ko ay hindi mo naman ako bibisitahin sa bahay. Nagdududa na si daddy sa atin!"Lalo siyang nainis s
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis