ログインLumipas pa ang mga araw at sa wakas ay araw na ng pag-uwi nina Tyler at Tiffany sa Pampanga. Kanina pa siya tinawagan ni Tyler upang sabihing nasa biyahe na sila. Simula nang marinig niya ang boses nito, halo-halong emosyon ang gumulo sa dibdib niya, matinding pananabik na makita muli ang nobyo, at kaba na hindi niya maipaliwanag.Sa bawat gabing hindi sila magkasama, palagi siyang pinapahiwatigan ni Tyler kung gaano siya nito nami-miss. Halos gabi-gabi ay tumatawag ito, minsan pa’y may kasamang lambing at pagbibiro.“Maghanda ka sa pagdating ko,” madalas nitong sabihin sa malambing ngunit mapanuksong tinig. “Pagdating ko, magkukulong tayo sa kwarto.”Sa tuwing naaalala niya iyon ay hindi niya maiwasang mapailing at mapangiti. Ngunit sa likod ng kilig, may kung anong bigat pa rin siyang dinadala sa dibdib.Kung ganoon kalaki ang pananabik ni Tyler sa kanya, ganoon naman kalaki ang pagkayamot niya kay Tiffany.Gabi-gabi na lamang ay nagsesend ito ng mga larawan nila ni Tyler na magkasa
Hindi na siya sumagot.Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin pa niyang umuwi agad sa Pampanga para makasama si Jolisa kaysa maglibot pa sa siyudad kasama si Tiffany.Habang tahimik silang kumakain, may isang tanong na biglang pumasok sa isip niya.“Habang nasa Sagada ka, Tif... wala ka bang naging nobyo doon?”Biglang natigilan si Tiffany. Para bang nabigla ito sa tanong niya.“B-bakit mo naman natanong ’yan, Ty...?”“Wala lang,” sagot niya habang nakatingin dito ng diretso. “Matagal ka ring nanirahan doon. Sa ganda mong ’yan, imposibleng walang nanligaw sa’yo.”Unti-unting ngumiti si Tiffany, at tila nabuhay ang pag-asa sa mga mata nito.“Maganda ba ako, Ty? Hanggang ngayon... nagagandahan ka pa rin ba sa akin?”Bahagya niyang pinigilan ang sariling mapataas ang kilay. Maganda naman talaga si Tiffany. Kaya nga minahal niya ito noon.Pero wala nang malisya ang tanong niya ngayon. Isa na lamang iyong simpleng usisang nagmula sa curiosity.“Well... may mga nanligaw naman sa akin,” sa
TYLER'S POV:Napatingin siya sa kanyang cellphone. Pinatayan ba siya ng telepono ni Jolisa? Kasasabi pa lamang niya ng I love you, ngunit hindi man lang ito nagsabing 'I love you too?' Sa halip, bigla na lamang naputol ang tawag.Aksidente lang ba iyong pagkamatay ng linya, o sadyang ibinaba talaga ni Jolisa ang tawag?Huminga siya nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Sabagay, hindi naman talaga sanay si Jolisa na sagutin ang bawat pag-amin niya. Ilang beses na niyang sinabi rito ang salitang iyon, ngunit ni minsan ay hindi siya nakarinig ng kapalit.Para bang may kung anong pumipigil sa dalaga na takot at pag-aalinlangan.Paano nga ba ito magsasabing mahal siya kung hindi pa siya tunay na mahal?Ngunit ganoon nga ba talaga? Kung wala itong nararamdaman, bakit iba ang kilos nito sa kanya? Bakit sa bawat tingin, sa bawat pag-aalala, at sa bawat simpleng pag-aasikaso ay tila may init na hindi maitatanggi? Siguro naman, kahit kaunti… kahit katiting lang… ay may puwang siya sa p
“S-sige… I have to go. Andito na ang taxi,” mabilis niyang pag-iiba ng usapan.“Tyler… the food is ready.”Narinig niya ang boses ni Tiffany sa kabilang linya.“Saan kayo?” hindi niya napigilang itanong.“Sa condo ko, love. Dito muna kami habang pinaprocess pa ni Tiffany ang papers niya.”Hindi na siya agad nakapagsalita. Marahil ay naramdaman ni Tyler ang biglang niyang pananahimik.“Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko?” tanong nito, pilit na ibinabaling ang usapan.“W-wala naman…”“Hindi ako papayag na wala. Dapat meron,” natatawang sabi nito. Parang bigla itong naging sobrang sweet... parang may gustong patunayan.“Wala ka bang cravings lately? Maasim? Mangga kaya?”Natigilan siya. ang pagke-crave ng mga maasim, di ba sa mga buntis yun? Iniisip na ba ni Tyler na buntis siya? Sabagay, matagal na silang nagse-sex at wala naman silang ginagamit na contraceptives. Pero nagkaroon siya ng regla kamakailan lang, kaya imposibleng buntis siya.“I have to go, Ty… andito na ang taxi.” Hin
Pagbalik ni Daniel sa stage ay muling umugong ang buong lugar sa lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao. Para bang lalo pang sumigla sa muling pagharap nito sa entablado.Pero siya, hindi na lumapit pa roon. Sapat na ang ilang minutong nagkausap silang dalawa, higit pa nga sa sapat. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib sa alaala ng maikling tagpong iyon.Hindi niya maiwasang kabahan. Baka kung magtagal pa siya roon ay mapansin siya ng iba. Baka may makakilala. Baka may magsimulang magtanong kung sino siya at ano ang koneksiyon niya kay Daniel.Nakakahiya kung machismis siya kay Daniel. Kahit magkaibigan sila, may mga tao talagang binibigyan ng ibang kahulugan ang mga bagay-bagay.Naalala niya ang sinabi ni Mama Jessa. Marami nang nagsabi sa kanya noon na maganda siya... matangkad, may hubog ang katawan, at may natural na dating. Pero para sa kanya, kulang ang mga papuring iyon para mabura ang mga insecurities na matagal nang nakabaon sa kanya
Pagpasok niya sa backstage, naroon si Daniel. Umiinom ito ng tubig habang pinapahiran ng pawis ng make-up artist. Nang makita siya, agad nitong pinaalis ang mga tao sa paligid.“Akala ko hindi ka na maghihintay,” nakangiting sabi nito.“Siyempre maghihintay ako. Ikaw na nga ang nagpahintay sa akin, eh,” biro niya.Napatawa si Daniel. “Sorry na. Duty calls.”“Okay lang. Sanay naman na akong maghintay,” nasabi niya nang hindi man lang iniisip.Bahagyang natigilan si Daniel, tila may napansin sa tono niya.“You okay?”Mabilis siyang ngumiti. “Oo naman.”Tinitigan siya nito nang ilang segundo. “Nope. Hindi mukhang okay ang isang taong ganyan ang ngiti.”Hindi niya alam kung bakit, pero parang gusto niyang magkuwento. Siguro dahil matagal na rin siyang walang ibang nakakausap na hindi konektado kay Tyler. Ngunit pinigilan niya ang sarili.“Gutom na ako. Tara na nga, kape tayo.”“Coffee lang? Libre mo na rin ako dessert.” biro niya."Oo, naman! Kainin mo ang lahat ng gusto mo. Siyempre magk
Nang matapos na ang lahat ng kanyang gawain sa resort, nagmamadaling pumunta siya ng clinic. Kanina pa tawag nang tawag si Vicky sa kanya, naghihintay na daw si Doc JM. Hindi naman niya maiwan ang pavilion. Alas tres na ng hapon ng lisanin ang resortPagdating sa ospital ay agad siyang sinalubong ni
"Clarkson, kunin mo si Jolisa diyan. Ilayo mo siya kay Tyler na ’yan at tumawag kayo ng doktor!" sigaw ni Mommy.“Doktor? Bakit doktor? Hindi ko siya sinaktan…”“You raped her!”Napahiya siya at napatingin kay Jolisa. Oo, lasing siya kanina, pero alam niya ang kanyang ginagawa. Kita niya kung paano
Kasalukuyan silang nasa airport ni Doc Vicky at pauwi na ng Iloilo pero hindi pa rin niya nakausap si Aria simula nang bumalik siya ng Pilipinas. Nag-text lang ito kahapon kung kamusta ang flight niya… pagkatapos nun ay hindi na sila nakapag-usap. Ilang beses niya ring tinatawagan si Aria pero naka
Pagdilat ng kanyang mga mata, unang sumalubong sa kanya ang puting kisame… at ang amoy ng naghalo-halong gamot... nasa ospital ba siya?Kumurap siya nang ilang beses, pilit inaalala kung paano siya napunta dito. Mabigat ang ulo, parang umiikot ang paligid. Paglingon niya sa kanan, nakita niya si Ph







