เข้าสู่ระบบRAQUEL'S POV"That bitch!"Galit na galit na sambit ni Raquel habang nagmamartsa palabas ng boutique ni Lilly Rose. Halos manginig ang kanyang buong katawan sa sobrang inis. Pakiramdam niya ay pinagtulungan siya ng lahat sa loob at wala siyang nagawa kundi ang mapahiya.Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao. Hindi siya papayag na si Jolie ang magwagi. Matagal na niyang minamahal si Tyler. Mula pa noong college days nila ay nakatanim na sa kanyang puso ang pangalan ng lalaki. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagpapapansin at pagsisikap, ni minsan ay hindi siya nito tiningnan bilang higit pa sa isang kaibigan.Kaibigan... Iyon lang siya para rito, at iyon ang pinakamasakit sa lahat. Samantalang si Jolie, bigla na lamang dumating at nakuha ang lahat ng atensyon ni Tyler.Hindi... Hindi niya hahayaang mapunta si Tyler sa babaeng iyon! Ngunit paano? Mukhang nabisto na ni Tyler ang ilan sa kanyang mga ginagawa. Tahasan pa siyang binalaan nito na huwag nang uulitin ang kanyang mga ka
Agad niya itong hinawakan sa kamay. "Hayaan mo na, love. Hindi ko naman iyon isusuot kahit pa iyon ang pinagawa niya."Napatingin naman ito sa kanya. Bahagya siyang ngumiti."Baka sobrang busy lang siya at siningit niya lang itong birthday ko sa schedule niya kaya hindi niya masyadong natutukan."Alam niyang mahina ang depensang iyon. Maging siya ay hindi lubos na naniniwala sa sariling dahilan. Ngunit ayaw niyang lumaki pa ang gulo. Ayaw rin niyang mawalan ng trabaho si Raquel dahil lamang sa isang damit.Kahit papaano ay matagal na rin itong nagtatrabaho para sa pamilya nina Tyler. Kung malalaman ni Tyler o ni Lola Beth ang ginawa nito, siguradong hindi iyon matatapos sa simpleng pagsesermon lamang.Ngunit tila hindi kumbinsido si Tyler. "Busy?" Napailing ito. "Jolie, birthday mo ito. Hindi ito ordinaryong event. At kahit gaano pa siya ka-busy, hindi niya dapat pinabayaan ang bagay na siya mismo ang nangakong aasikasuhin."Bahagya nitong pinisil ang kanyang kamay. Natahimik siya, da
Pagdating nila sa boutique sa loob ng mall ay naroon na si Raquel, nakasimangot at nakahalukipkip habang nakatayo sa may entrada. Halatang kanina pa ito naghihintay dahil bakas sa mukha nito ang pagkainip.Ngunit nang makita sila, lalo na nang mapansin nitong kasama niya si Tyler, agad nagbago ang ekspresyon nito."Hi, Tyler!" masiglang bati nito bago lumapit at magbeso kay Tyler.Nakipagbeso din ito sa kanya, ngunit halatang napilitan lang. Hindi man nito direktang ipinapakita, ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito."I didn't know na sasama ka pa kay Jolie," sabi ni Raquel habang nakangiti kay Tyler. "Hindi ka na sana nag-abala. Andito naman ako to assist Miss Jolie.""It's okay, Raquel. Kasama talaga ako ni Jolie kahit saan siya pupunta." Kasabay ng sinabi ni Tyler ay mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay "Saan na ang damit na isusukat niya?""Huh? Ah... andito sa loob. Kanina pa naghihintay ang stylist sa atin."Agad silang pinangunahan ni Raquel papasok. Ngunit pagpas
JOLIE'S POV:Kasalukuyan siyang nagluluto ng almusal nilang dalawa ni Tyler nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone na nakapatong sa kitchen counter.Agad siyang napasimangot nang makita ang pangalang nakalagay sa screen.... Raquel.Simula nang makilala niya ito sa Miller Hotel ay hindi na sila muling nagkaroon ng maayos na pag-uusap. At ngayon, ito na naman ang tumatawag.Hindi na niya kailangang hulaan pa kung bakit. Siguradong tungkol iyon sa nalalapit niyang birthday party. Ngunit sa halip na ma-excite, kabaligtaran ang kanyang naramdaman. Pakiramdam niya ay sasakit na naman ang kanyang ulo.Balak sana niyang balewalain ang tawag nito, ngunit agad niyang naisip si Lola Beth. Kapag hindi niya sinagot ang tawag, siguradong magsusumbong si Raquel sa matanda. At kapag nagtanong si Lola Beth kung bakit hindi sila magkasundo, alam niyang hindi siya titigilan nito hangga't hindi niya naikukuwento ang lahat.Ayaw niyang mag-alala pa ang matanda, marami na itong iniisip at pinagdaraana
QUEENIE'S POV:Lumipas ang mga araw at unti-unti ring humupa ang kaba sa kanyang dibdib.Ang kinatatakutan niyang mangyari... na may magpadala ng mga larawan sa kanyang ama o kaya naman ay may biglang lumantad tungkol sa nangyari noong gabing iyon... ay hindi naman nangyari.Dahil doon ay nakahinga siya nang maluwag. Marahil ay isa lang talaga iyong kalokohan ng kung sinumang nakakita sa kanila noon. Posible ring isa sa mga kaibigan nila na nagpasya lang na paglaruan siya.Ang lalaking nakasama niya sa kuwarto noong gabing iyon ay hindi na rin muling nagpakita. Nag-imbestiga pa nga siya nang palihim. Nakipag-ugnayan siya sa manager ng gay bar na dati niyang kinokontak tuwing naghahanap siya ng mga lalaking maaaring i-hire para sa iba't ibang okasyon. Inilarawan niya rito ang hitsura ng lalaking hinahanap, ngunit paulit-ulit na umiling ang manager. Wala raw itong kilalang taong tumutugma sa kanyang deskripsyon.Doon niya tuluyang kinumbinsi ang sarili. Baka nga mataas lang talaga amats
Hindi niya napigilang ngumiti. Ngunit bahagya lamang. Isang pilit at tipid na ngiti, dahil sa kabila ng mga salitang iyon, hindi pa rin lubusang nawala ang bigat na nararamdaman niya.Napansin ni Tyler ang kanyang pananahimik. "Hey... May problema ba?" Marahan nitong hinaplos ang likod ng kanyang kamay.Saglit siyang natigilan. Gusto niyang sabihin ang lahat, gusto niyang ikuwento kung paano siya nilait-lait ni Raquel, kung paano nito ipinamukha na hindi siya karapat-dapat para kay Tyler, kung paano nito paulit-ulit na ipinaramdam na wala siyang halaga.Ngunit nang maisip niya si Lola Beth, agad siyang nagdalawang-isip. Sigurado siyang magkakagulo kapag nalaman ito ni Tyler, at mas siguradong masasaktan si Lola Beth. Napakalaki ng tiwala ng matanda kay Raquel, ayaw niyang maging dahilan ng panibagong problema... kaya pinili niyang manahimik."Wala naman." Umiling siya at pinilit ngumiti. "Napapagod lang siguro ako.""Don't worry mamasahein kita mamaya pagdating sa condo. Napagod ka at
Nang paalis na si Dylan at Mateo ay sakto namang dumating si Finn at Bert.Nagulat siya sa pagsulpot ng dalawa. Marahil ay nag-aalala ito dahil kanina pa siya nito tinatawagan at hindi niya sinasagot. Agad na nilapitan ni Precious ang dalawa.“Bakit kayo pumunta dito? ‘Di ba sabi ko babalik lang ka
"Kawawa po talaga ang itsura n’yo, Ma’am. May mga kagat ka sa leeg at dibdib. Kung makita mo lang ang sarili mo sa salamin, maaawa ka sa sarili mo. Manyak ba ‘yun si Sir Finn at nakaya ka niyang saktan ng ganito?"Lihim siyang lumuha. Ganun ba kalala ang ginawa ni Finn sa kanya?"Wag ka sana mag-is
Pagkatapos ng konting pagtitipon nila sa kanyang opisina kasama ang mga empleyado ay tinawag niya si Precious.“Yes boss. May kailangan ka?”“Samahan mo ako sa ospital, bibisitahin natin si Finn.”“Sure. Ngayon na ba? Mag-aayos lang ako. Na-miss ko din ang lokong yun.”“Oo, ngayon na.” Hindi pa man
“Boss, jackpot na tayo,” ani Bert habang nakatingin kay Rogelio na halos maglupasay na sa sahig. “Kung ipepresenta natin ‘to, diretso kulungan sina Dylan at Mateo.” "Oo, may bigat ang salaysay ni Rogelio, pero wala pa tayong malakas na ebidensya talaga. Paano kung magsinungaling ‘yan? Kapag nagka







