LOGINNang matapos siya sa paglinis ng kusina, ay magkasama silang pumunta ni Tyler sa sala. At nagulat sila nang naubos kaagad ni Pretzel ang isang bote ng wine.“Pretzel… nagpapakalasing ka ba?” kunot-noong tanong ni Tyler.“I just want to unwind. Sa wakas kasi ay nakalabas na si Dad sa ospital,” nakangising sabi nito.“Ang mabuti pa, umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ng daddy mo.”“Pwede bang dito na lang ako matutulog? Antok na kasi ako. Hindi ko na kayang maglakad.”“No. Hindi ka pwedeng matulog dito,” matigas na sabi ni Tyler.“Pero sabi ni Dad, alagaan mo ako, ’di ba?” sumimangot ito na may halong pagpapacute kay Tyler.“Halika, ihahatid na lang kita. Baka kung saan ka pa mapunta.”Ngumiti si Pretzel na para bang nanalo ito sa bangayan kay Tyler. Lumapit si Tyler kay Pretzel para alalayan itong tumayo. Pero sa pagtayo nito ay agad na natumba sa bisig ni Tyler.“Oops… hihi… sorry. Masakit kasi ang ulo ko. Napadami ata ang inom ko.”Lihim siyang napasimangot. Kahit hindi pa niya naaala
JOLISA'S POV:Aaminin niyang medyo nalungkot siya nang iwan ni Tyler doon. Hindi naman sa nag-iinarte, pero kakagaling lang niya sa ospital. Wala pa siyang naaalala, hindi pa siya pamilyar sa lugar, at higit sa lahat, takot siyang mag-isa. Tapos iiwan pa siya?Napabuntong-hininga siya. Pero naalala niya ang sinabi ni Tyler, mabilis lang daw ito. Kaya pinilit niyang kumalma at maghintay.Para malibang ang sarili ay tinuon ang sarili sa pagluluto. Nang matapos ang ulam at kanin, maingat niya itong inihanda sa mesa, para pagdating ni Tyler ay kakain na lang sila. May nakita rin siyang juice sa pantry kaya agad siyang nagtimpla.Napatingin siya sa paligid ng kusina. Sa dami ng laman ng pantry, napangiti siya. Unti-unti na siyang nagpaplano kung ano ang mga lulutuin niya sa mga susunod na araw.“Bukas… magluluto ako ng pasta,” mahina niyang sabi sa sarili.Nakita niya ang tuna at pasta sa isang shelf, at parang bigla siyang natakam. Hindi niya alam kung paborito niya iyon, pero tila iyon a
Habang nasa harap siya ng lababo, nakatayo lang din si Tyler sa tabi niya, parang ayaw siyang hiwalayan.“Pwede bang doon ka na lang? Hindi ako makagalaw nang maayos kung nakaharang ka sa daanan ko…”“Hahaha… dito lang ako. Gusto kong makita na normal ka na ulit. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa ilang araw mo sa ospital, nakahiga ka lang na unconscious… pero ngayon, eto ka na, nagluluto para sa akin.”Umiwas siya ng tingin. Pakiramdam niya kasi ay mahal na mahal siya ni Tyler. Pero bakit ang hirap niya itong maalala?“Nasaan nga pala ang cellphone ko?” nagtatakang tanong niya. Baka doon may maalala siya.“Hindi ko rin alam, love. I’m trying to call your phone pero naka-off. Posibleng nandito lang sa bahay o di kaya ay nawala. But don’t worry, bibilhan na lang kita bukas.”Nanghinayang siya.“Pangalawang bili ko na ng cellphone sa’yo,” natatawang sabi ni Tyler.“Bakit? Binilhan mo ba ako dati?”“Yes. Ako ang bumili nung naiwala mo. Paano kasi basag-basag na ang cellphone mo, pero hi
Habang nasa biyahe pauwi sa bahay ni Tyler, mariin niyang tinititigan ang mga daan. Pilit niyang inaalala ang kung anong dapat ay pamilyar na sa kanya, pero wala pa ring pumapasok sa isip niya.Maya-maya ay umakyat ang kotse sa mataas na bahagi ng lugar. Para itong nasa tuktok ng bundok. Presko ang hangin at napakaganda ng tanawin. Malalaki ang mga bahay, halatang pagmamay-ari ng mga mayayaman.Hindi rin basta-basta makakapasok doon, may dadaanan pang malaking gate ng subdivision. Siguradong mga residente lamang ang pinapayagang makapasok.Kung doon ka nakatira… siguradong ligtas ka. …Ligtas nga ba?“Here we are, love,” wika ni Tyler nang tuluyang huminto ang kotse sa harap ng isang malaking bungalow.Napatitig siya rito. “This is your house?” mahina niyang tanong.“Our house, love,” agad nitong pagtatama. “This is our house.”Napakunot ang noo niya. “Bakit ‘our’? Kasal na ba tayo?”Ngumiti si Tyler, saka marahang pinisil ang kanyang ilong. “Soon. Pero kung gusto mo na, pwede naman.”
Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.“How’s my patient?” nakangiting bati nito habang papalapit sa kama niya.“I’m okay, doc,” mahina ngunit magalang niyang sagot.“I have good news, Miss Jolisa,” dagdag ng doktor. “Pwede ka na lumabas anytime soon.”Napakunot ang noo niya. “Huh… paano ’yan, doc? Wala pa akong maalala.”“It’s okay,” kalmado nitong sagot. “Malakas na ang katawan mo. Pwede ka nang magpagaling sa bahay. Hindi naman agad babalik ang memory mo, at hindi rin natin masasabi kung kailan... pwedeng bukas, o sa isang buwan. Ang importante, stable ka na. Your memory will come back on its own.”“G-ganun ba…” mahina niyang tugon, hindi pa rin lubos na kampante.“Basta regular check-up lang palagi dito sa ospital. Saka mas makakabuti kung nasa pamilyar kang lugar,” dagdag pa ng doktor. “Ang dati mong buhay bago nawala ang memorya mo ay maaaring makatulong para maalala mo ang lahat.”“Salamat, doc,” sabi ni Jolisa.Ngunit si Tyler ang agad na
Nagdaan pa ang mga araw, at unti-unti nang gumagaling ang sugat ni Jolisa sa kanyang ulo. Araw-araw ay may kaunting pagbabago, mas nakakatayo na siya nang matagal, mas nakakakain nang maayos, at mas nagkakaroon ng lakas ang kanyang katawan.Ngunit sa kabila ng pagbuti ng kanyang katawan, nananatiling blangko ang kanyang isipan. Wala pa ring bakas ng kanyang nakaraan, walang alaala ng kung sino siya bago ang aksidente.“Here, love… eat some fruitS. Makakatulong ’to sa ’yo para lalo kang lumakas.”Napatingin siya sa lalaking maingat na nagbabalat ng orange para sa kanya. Si Tyler... ang lalaking nagpakilalang nobyo niya. Totoo nga kaya iyon? Sa tuwing tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasang mag-isip.Kung totoo man ang sinasabi nito, masasabi niyang napakaswerte niya. Gwapo ang lalaki, matipuno, malinis tingnan, at halatang may kaya sa buhay. Higit pa roon, kitang-kita kung paano ito tumingin sa kanya, parang napakahalaga niya sa lalaki.Sa pag-iisip na iyon, bigla siyang namula.“He
Nang wala na ang ambulansya ay agad siyang pumunta sa selda ni Mateo. Malayo pa lang siya ay nakangisi na ito sa kanya na parang demonyo. “I told you, Finn…” “Walang hiya ka, Mateo!” “Hahaha… ayaw mo kasi maniwala kaya sinampolan na kita. Ang isusunod ko naman ay ang pinakamamahal mong nobya.”
Hinayaan niya ang kanyang ina na akayin siya papunta sa upuan ng mga amiga nito. Pero ang mata niya ay malikot na tila may hinahanap kung nandoon si Finn sa paligid.Ngumiti siya nang makita si Ninang Fe niya kasama ang kanyang Tita Bebe na umuwi pa galing Scotland para sa kanyang opening. Ang mga
Kinaumagahan ay maaga silang nagising ni Lilly. Sabay silang nag-ayos ng sarili at lumabas ng kwarto. Nasa garden na ang mga magulang ni Lilly pati ang mag-asawang Gray at Rosabel. “Good morning, Finn, anak...” nakangiting bati ni Tita Jonie sa kanila, pero halatang may bumabagabag sa dibdib nito
Umuwi siya sa bahay nina Lilly na laglag ang balikat. Hindi siya makapaniwala na nabaligtad siya. Kahit pa general ang tatay niya at isa din siyang lieutenant ay nagawa pa ding baliktarin ang hustisya. "I guess na-underestimate ko si Mateo. I didn’t see this coming." sambit niya sa sarili. Kung







