Share

CHAPTER 857

Author: dyowanabi
last update publish date: 2025-07-05 20:52:48

LILLY'S POV:

Nakatitig lang siya sa papalayong kotse ni Finn… hinalikan na naman siya nito. Kahit pa smack lang iyon ay hindi pa rin siya komportable. Pinapanindigan talaga nito ang pagiging mag-nobyo nila.

Ayaw man niyang aminin pero may kilig siyang nararamdaman. Hindi niya akalaing sweet pala si Finn at hindi naman ito mayabang tulad ng pagkakakilala niya dati. In fact, napaka-sweet nito. Masarap sigurong maging nobyo ang lalaki.

Ipinilig niya ang ulo sa mga naiisip. Si Peter ang gusto niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Winny
nagsimula bg kumati ang higad
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ayun Finn oh, si Peter pa rin talaga! Hehe.. Hindi mo lang alam Lilly, unti unti k nang na la-Love Trap ni Finn haha
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
nko lilly peter ka ng peter jan samantala c finn ang nagpaparamdam sayo kinikilig kao sa inyo salamat ms a
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1528

    Bahagyang nanigas ang kanyang mukha. Hindi niya maintindihan. Ano bang nangyayari sa mundo? Bakit ang mga gwapong lalaking tulad nina Tyler at Daniel ay nahuhumaling sa mga babaeng tulad nina Jolie at Margie?Si Tyler, isang international model, nahulog sa isang ordinaryong babae. At ngayon naman si Daniel... nahuhumaling sa isang kasambahay?Nakaramdam siya ng matinding pagkainis. Pakiramdam niya ay may mali. Dahil sa kanyang isip, ang mga lalaking katulad nila ay dapat mapunta sa mga babaeng katulad niya... Maganda, sikat at mataas ang estado sa buhay... Hindi sa mga babaeng tulad nina Jolie at Margie!Ngunit habang pinagmamasdan niya ang paraan ng pagtitig ni Daniel kay Margie sa di kalayuan, unti-unting may mas mabigat na damdaming sumiksik sa kanyang dibdib.Kung si Daniel ay hindi niya kayang impluwensyahan... Paano pa niya mapaghihiwalay sina Tyler at Jolie?At sa unang pagkakataon, naramdaman niyang maaaring mas mahirap ang kanyang plano kaysa sa kanyang inaakala.Wala na siy

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1527

    TIFFANY'S POV:Matalim ang tingin ni Tiffany sa papalayong likod ni Tyler habang unti-unti itong nawawala sa kanyang paningin.Mabuti na lang at wala nang gaanong tao sa paligid. Wala ring nakarinig sa naging usapan nila. Kung nagkataon, tiyak na malaking kahihiyan iyon para sa kanya.Marami pa naman ang naniniwalang nobyo niya si Tyler, na silang dalawa ang may relasyon. Ngunit ang totoo, isa lamang iyong kasunduan. Isang maingat na kasunduan para sa kanyang kapakanan..Tinulungan siya ni Tyler na makapasok sa mas malalaking proyekto sa ibang bansa. At hindi naman sila nabigo. Mula sa pagiging ordinaryong modelo, mabilis siyang sumikat at nakilala sa industriya.Noong una, maayos naman ang lahat, magkasama silang nagtatrabaho sa Singapore bago lumipat sa Australia para sa sunod nilang proyekto. Palagi silang magkasama noon... sa shoots, interviews, events, at maging sa mga biyahe.Kaya nang biglang bumalik si Tyler sa Pilipinas at maiwan siyang mag-isa sa Australia, para bang may mal

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1526

    Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay. Kung ganoon... mas lalong nakapagtataka ang biglaang pagdating nito.Hindi naman nagtagal ay isa-isang nagpaalam ang mga crew, staff, at maging ang direktor matapos ang matagumpay na photo shoot.Unti-unting lumuwag ang paligid. Nawala ang ingay, tawanan, at kaluskos ng mga kagamitan. Ang kaninang abalang lugar ay biglang naging tahimik.Doon niya napansin sina Daniel at Margie sa isang sulok ng bakuran. Masinsinan ang pag-uusap ng dalawa. Tahimik lang si Daniel habang tila may maingat itong ipinapaliwanag. Nakikinig naman si Margie nang nakayuko.Kahit malayo, napansin niyang kakaiba ang ekspresyon ng dalaga. Paminsan-minsan ay tumatango si Margie, ngunit halatang pilit lamang iyon. At kahit nakangiti ito nang bahagya, hindi maitago ng mga mata nito ang lungkot.Napabuntong-hininga na lamang siya. Hindi na niya ugaling makialam sa mga bagay na hindi naman siya kasali. Nagkibit-balikat siya at tuluyang tumalikod.Ngunit bago siya makapasok sa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1525

    At hindi naman niya masisisi ang direktor. Hanggang ngayon, sa paningin ng publiko, si Tiffany pa rin ang nobya ni Tyler. Sa halos lahat ng interview ni Tiffany sa abroad, palagi nitong binabanggit ang pangalan ni Tyler. Kahit walang connect, binabanggit nito ang binata na para bang ginagamit ang pangalan ni Tyler para mapansin ito. Marami tuloy ang naniwalang sila pa rin. Marami pa rin ang umaasang ang dalwa ang magpapakasal sa huli... at iyon ang bagay na hindi niya maiwasang ikabahala. “Matagal na ’yon, Direk,” maikling sagot ni Tyler. Magaan ang tono nito ngunit halatang ayaw na nitong palawigin pa ang usapan. Napakamot sa batok ang direktor. “Pero sayang talaga. Alam mo, kung ako ang tatanungin, bagay na bagay kayong dalawa sa screen. It would be nice kung makatrabaho ko ulit kayo ni Tiffany. Tapos kasama sina Jolie at Daniel. Sigurado akong blockbuster ’yon!” Napilitan siyang ngumiti kahit tila may kung anong bumara sa kanyang lalamunan. Hindi niya alam kung bakit, pero pa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1524

    Sa kalaunan ay naging maayos at tuluy-tuloy rin ang kanilang photo shoot. Ang inakala niyang magiging magulo dahil sa biglaang pagdating ni Daniel ay hindi naman nangyari. Sa halip, naging mas magaan pa nga ang buong atmosphere ng set.Sa isang sulok, nakita niyang masayang nakikipagkuwentuhan si Daniel kay Margie. Halatang-halata ang excitement ng dalaga. Namumula ang mga pisngi nito habang panay ang tawa sa bawat sinasabi ng aktor.Kahit hindi niya marinig ang kanilang pinag-uusapan, alam niyang kilig na kilig si Margie at hindi niya ito masisisi. Alam na alam niya ang pakiramdam ng isang fan na nakakausap ang taong matagal niyang hinahangaan.Dati rin siyang ganoon. Naalala niya ang unang pagkikita nila ni Daniel sa Baguio. Kung paano siya natigilan nang makita ito nang personal. Kung paano siya halos hindi makapaniwalang kaharap niya ang isa sa pinakasikat na artista sa bansa. Napangiti siya sa alaala.“Nagseselos na ako niyan, ha...”Nagulat siya nang may biglang yumakap mula sa

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1523

    “Now I know kung bakit ayaw mo sa akin at si Tyler talaga ang gusto mo.”Napangiti siya at nakisabay sa biro nito. “O, di ba? Kung ikaw ba, papakawalan mo pa ang itsurang ‘yan?”Nagkunwari pa siyang nagpapa-cute kaya lalo pang natawa si Daniel.“Bet na bet ko ‘yan, te!” sabi nitong nagbakla-baklaan.Nag-apir pa silang dalawa na parang mga batang nahuling nagtsitsismisan. Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ni Daniel.“Basta, Jolie... ilakad mo ako kay Margie, ha?”Agad na naputol ang kanyang pagtawa. Tiningnan niya ito nang masama.“Seryoso ka ba?”“Oo naman.”“Daniel, ang daming magaganda sa showbiz. Bakit si Margie?”Hindi naman niya minamaliit ang dalaga. Sa katunayan, alam niyang maganda ito at mabait. Pero hindi niya talaga maintindihan kung bakit tila interesado rito si Daniel.Nagkibit-balikat lamang ito. “Ewan ko. Masaya kasi siyang kasama.”Bago pa siya makasagot ay narinig na nila ang boses ng direktor.“Okay, guys! Ready na tayo!”Agad silang tumahimik at nagtuon ng pansin

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 870

    Hindi niya alam kung ilang minuto silang naghahalikan doon. Wala na siyang pakialam dahil gusto niya din naman iyon. She missed Finn so much dahil halos buong araw silang hindi nagkita.Maya-maya ay ito na mismo ang humiwalay sa kanya.“Sorry, girlfriend... hindi ko lang napigilan ang sarili ko.” w

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 826

    Nang sa wakas ay naalis na ang posas sa kanyang mga kamay at paa, ay lumabas sila ng basement. Madilim pa rin ang paligid dahil walang kailaw-ilaw doon. Gabi na rin at tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa kanila."Where is Rosabel?" tuloy pa rin siyang hinahanap ni Mr. Enriquez.

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 871

    Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Ang sabi ni Finn ay susunduin siya nito.She is wearing a black crop top with high-waisted, fitted, ripped jeans. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Pakiramdam niya ay sexy siya sa araw na ‘yon. Hindi naman sa naghanda siya pero parang gano’

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 878

    Habang nasa classroom sila at nagka-klase, ay napansin niya ang mga classmates niyang patingin-tingin sa kanya. Pero hindi na inis at inggit ang nakikita sa mga mukha nito kundi paghanga. Parang lahat gusto siyang maging kaibiganin, lalo na nang malaman ng mga ito na naging scholar na ng pamilya ni

    last updateLast Updated : 2026-03-29
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status