登入CATRIONA'S POV:Nakatingin lang siya nang mataimtim kay Lewis habang malalim ang iniisip nito. Tahimik siya, ngunit kitang-kita sa mga mata nito ang pagdududa. Para bang unti-unti na nitong binubuo sa isip ang mga piraso ng kuwento na matagal nang pilit pinagkakabit-kabit.At sa pagkakataong iyon, mas lalong naramdaman ang bigat ng kasinungalingang pinili niyang panghawakan.I'm sorry, Lewis... but I have to do this. Wala na akong ibang pagpipilian. I need to save myself, kahit pa ang kapalit nito ay ang kalayaan mo.Napayuko siya nang bahagya, pilit na pinapakalma ang sarili. Hindi niya hahayaang mabasa nito sa mga mata niya ang katotohanan na pilit niyang tinatago.Alam niya nagdududa na si Lewis sa kanya. Masyado na siyang maraming itinatanong. Paulit-ulit nitong sinusubukang alamin kung ano talaga ang nangyari sa kanya, kung bakit siya natatakot, kung bakit tila may mga bagay siyang ayaw sabihin. Alam niyang hindi ito tanga, at alam niyang hindi habang-buhay ay kakayanin niyang i
Napatingin sa kaniya si Catriona, tila nagulat na hindi na siya nagtanong pa.“Hindi na kita pipilitin. Pero tandaan mo...kapag handa ka nang magsabi, nandito lang ako. Hindi mo kailangang harapin kung ano man 'yang kinatatakutan mo nang mag-isa.” dagdag ni Lewis, seryoso ang mukha,Walang imik si Catriona, bahagyang nanikip ang dibdib niya. Hindi siya nakasagot. Muli niyang ibinaba ang tingin sa hawak niyang pagkain at tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.Samantala, ilang sandali pang nanatili roon si Lewis. May mga tanong pa rin sa kaniyang isip, ngunit pinili niyang huwag nang dagdagan ang bigat na pasan ni Catriona.Malamang ay hindi pa ito handang sabihin sa kaniya ang totoo. At kung iyon ang kailangan nito, maghihintay siya… marami pa namang pagkakataon. Hindi niya kailangang malaman ang lahat ngayong gabi.Ang mahalaga ay ligtas si Catriona. At kung may taong tunay na nananakot o naghahanap dito, sisiguraduhin niyang hindi niya hahayaang harapin nitong mag-isa ang problemang i
Iwinaksi muna ni Lewis ang mga gumugulong na isipin sa kaniyang utak. Alam niyang wala siyang mapapala kung patuloy niyang iisipin ang mga nangyari. Sa halip, nagtungo siya sa kusina upang maghanap ng maaaring ihanda para kay Catriona. Kailangan nitong kumain, lalo na't halatang matindi ang hangover nito.Binuksan niya ang refrigerator, ngunit halos wala siyang makita roon na maaaring ihanda agad. Binuksan din niya ang mga cabinet hanggang sa mapadpad ang kaniyang tingin sa pantry.Agad niyang napansin ang ilang cup noodles na nakasalansan sa isang bahagi.“Pwede na siguro ito pansamantala,” bulong niya sa sarili.Hindi naman niya kailangang maghanda ng bonggang pagkain. Ang mahalaga ay may makain si Catriona at may laman ang tiyan nito. Magluluto na lang siya nang maayos mamaya para sa dinner nila.Kumuha siya ng isang cup noodles at maingat na nilagyan iyon ng mainit na tubig. Isinara niya ang takip at hinintay ng ilang minuto habang nakasandal sa kitchen counter.Habang naghihintay
Nang matapos niya itong paliguan, dahan-dahan niyang itinayo si Catriona at maingat na pinunasan ang katawan nito gamit ang tuyong tuwalya. Ngunit sandali siyang natigilan nang mapagtanto niyang kailangan pa niyang hubarin ang basang damit nito.Bigla na namang sumagi sa isip niya ang lahat ng nangyari sa kanila… ang pag-amin ni Catriona at ang mismong dahilan kung bakit napilitan siyang bumalik sa Paris.Humakbang na sana siya palayo sa banyo nang magsalita si Catriona.“Iiwan muna kita dito, Catriona. Fix yourself. Hubarin mo na ’yang basang damit mo at kukuha ako ng pamalit.”Akmang lalabas na siya nang biglang maramdaman niyang may humawak sa kaniyang kamay.Napatingin siya kay Catriona. “Hindi ko kaya, Lewis…” mahina nitong sabi. “Hindi ko kayang hubarin ang damit ko.”Sandaling napapikit si Lewis. Napabuntong-hininga siya nang malalim. Ayaw niyang gawin iyon. Sa totoo lang, iyon ang pinakagusto niyang iwasan. Perot hindi rin niya kayang basta na lamang iwan si Catriona sa ganoon
Habang pilit na iniisip ni Lewis kung saan maaaring pumunta si Catriona, isa-isang sumagi sa kaniyang isip ang mga lugar na posibleng pinuntahan nito. Pero bago pa man siya makabuo ng isang maayos na hinala, isang malakas na tunog mula sa direksiyon ng banyo ang biglang umalingawngaw.Crash!Napalingon siya roon, may kung anong nahulog at nabasag sa loob. Agad siyang kinabahan.“Catriona?”Mabilis siyang tumayo at halos patakbong nagtungo sa banyo. Hindi niya alam kung bakit, pero biglang sumama ang pakiramdam niya. May kakaibang kaba na namuo sa kaniyang dibdib habang papalapit siya sa pinto.Pagpasok pa lang niya, agad siyang sinalubong ng matapang na amoy ng alak. Napahinto siya.“What the hell?…”Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang kalunos-lunos na kalagayan ni Catriona. Nakahandusay ito sa sahig, halos wala nang malay, habang mahigpit na nakakapit ang isang bote ng alak sa kaniyang kamay. May mga bubog na nakakalat sa sahig mula sa nabasag na bote, at kapansin-pansin an
Tahimik lang si Jolie sa kabilang linya. Ilang segundo rin ang lumipas bago siya muling nagsalita.“Okay, kuya,” mahina nitong sagot. “I understand.”Pero kahit sinabi nitong naiintindihan siya nito, alam ni Lewis na hindi iyon ang buong katotohanan.“Bunso…”“I’m okay,” mabilis na sagot ni Jolie, na para bang ayaw nitong bigyan siya ng pagkakataong magpaliwanag pa. “You have something important to do in Paris. I understand.”Napabuntong-hininga si Lewis. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag nang hindi nagsisinungaling nang tuluyan.“Its not that I don’t want to be here… I really wanted to be there for you.” mahinahon niyang sabi.“I know, kuya.”“Promise, babawi ako sa’yo.”Bahagyang natawa si Jolie sa kabilang linya. “Sige. Sisingilin kita.”Napangiti rin siya. Kahit paano ay nabawasan ang bigat sa kanyang dibdib.“Good. Anything you want, just tell me.”“Anything?”“Anything,” ulit niya.“Then I want more pasalubong when you come back.”Napailing siya habang nakangiti. “S
ARIA'S POV: Nakasimangot siya habang nakasakay sa kotse ni Clarkson, nasa front seat siya at ito ang nagda-drive. Pauwi na silang dalawa sa bahay nito. Ang kuya Tyler niya ay nagpaiwan dahil may imi-meet pa daw itong mga kaibigan. Hanggang ngayon ay masama pa din ang loob niya nang malaman na ma
Habang binabaybay niya ang kalsada, ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Sumasakit na ang ulo niya at medyo lumalabo ang paningin, pero pinipilit niyang mag-focus sa daan. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay sa gitna ng kalsada, lalo na ngayon na hawak niya ang ebidensyang magpa
“Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa
JOLISA'S POV:Sa kanyang pagkagulat ay na-enjoy niya ang company ni Tristan. Masaya siya dahil binisita siya nito doon. Wala naman silang ibang pinag-usapan kundi kung anu-ano lang. Minsan, nasasama rin sa usapan nila ang mga artista—kung sinong naghiwalay at kung sinong bagong magjowa.Sumali rin







