LOGINNagdaan pa ang mga araw ay tuluyan na siyang gumaling. Nag-umpisa na din siyang magtrabaho sa kanilang kompanya. Meron silang tobacco and whisky company. Ang pamilya nila ang isa sa may pinakamalaking kompanya na nag-e-export ng Scottish whisky sa buong bansa.Kasalukuyan siyang nasa kanilang distillery, isa iyong pabrika kung saan isinasagawa ang pagproseso ng whisky nila.“Good morning, Lady Aria Blacksmith,” bati sa kanya ng katiwala nila sa distillery.“Good morning, Lewis.”Nilibot niya ang tingin sa paligid. Malapad ang kanilang lupain, sa gitna ay may burol at may malinaw na lawa na nagsisilbing pinagmumulan ng malinis na tubig para sa paggawa ng whisky.Ang building ay gawa sa lumang bato, isa pa iyong tradisyunal na disenyo na nagmula pa sa mga unang panahon. Dahil din sa malalaking puno ay madarama ang malamig na simoy ng hangin.“It’s good to be back...” sambit nya“Welcome back, Lady Aria.”“Thank you, Lewis.”Pumasok na siya sa kanyang opisina. Ang mga tauhan nila ay ngum
Lumipas pa ang ilang araw ay nakalabas na siya ng ospital.Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa kanilang bahay. Nakaupo siya sa veranda habang umiinom ng kanyang lemon tea. Nakatitig lang siya sa malayo, tanging berdeng malawak na lupain nila ang kanyang nakikita.Nang mamatay ang kanyang lolo at lola na mga magulang ng daddy James niya ay sila ang nagmana sa palasyo kung saan sila ngayon nakatira. Literal na palasyo iyon at nasa gitna sila ng malawak na lupain. Meron din silang batis kung saan doon sila naliligo ni Tyler noong mga bata pa sila.Masaya sana na nakauwi na siya sa kanilang bahay, pero hindi siya lubusang masaya dahil naiwan ang kanyang puso sa Pilipinas.Bago nangyari ang tangkang pagpatay nina Lucio at Madison sa kanya ay nakapag-usap pa sila ni Clarkson.They danced as if they were the only people inside that venue. Naalala pa niya kung paano siya tingnan ni Clarkson. Pero pilit niyang nilalabanan ang kanyang damdamin noong gabing iyon dahil galit siya kay Clarkson. Na
ARIA'S POV:Hindi niya alam kung ano ang nangyari, pero nang magising siya ay nasa ospital siya sa Manila at puno ng benda ang katawan.Tapos, nang sumunod siyang nagising ay nasa Scotland na siya. Hindi niya alam kung nanaginip lang siya dahil napakabilis ng pangyayari.Kasalukuyan siyang nasa ospital ng Scotland. Sigurado siya doon dahil Scottish ang nurse niya."You're already awake, Miss Blacksmith," nakangiting sabi nito."Where are my mom and dad?""They left for a while to talk to the doctor. Any minute, they will be here. Do you need anything?"Umiling siya... hindi nga siya nananaginip lang... nasa Scotland siya. Pero paano?Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang mommy at daddy niya."Anak, gising ka na pala... kamusta ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong ng mommy nya. Umupo ang mga ito sa tabi ng kanyang kama. Hinawakan ng daddy niya ang kanyang kamay."Mom, nasa Scotland ba tayo?""Yes, anak. Andito na tayo.""Pero bakit? Di ba nasa Pilipinas ako? Ano ang nangyari
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, pupunta na siya sa ospital. Kagabi ay binalita ni Kuya Finn na gising na si Aria. Hindi man niya mapuntahan ang dalaga sa kwarto nito ay okay lang. Baka sakaling makita siya ni Ninang Bebe o Ninong James at pansinin na siya at patawarin. Total naman ay gising na si Aria. Magbabakasali lang siya.May usapan din pala sila ni Kuya Finn na pupuntahan nila si Madison para sabihin ang kaso nito. Siguradong hindi pa nito alam na nahuli na si Lucio at isusunod na si Madison.Pagdating niya sa ospital ay agad niyang ipinagtanong kung nasaan na si Madison.“Nasa private room na niya, sir. Nilipat na siya kagabi.”“Salamat,” sabi nito saka dumiretso sa kwarto.Kumatok siya ng dalawang beses bago buksan ang pinto. Nakita niyang tulala si Madison habang nakatingin sa kawalan. Pero nang makita siya ay agad itong umiyak.“Babe... huhuhu... our baby... we lost our baby...”Lihim siyang napabuntong-hininga. Nangyari na ang lahat-lahat pero pinaninindigan pa rin ni
Pagdating nila sa ospital ay agad silang dumiretso sa emergency room.“Nurse, kamusta ang pasyente?”“Kakatulog lang niya ulit, Sir Clarkson. Hinahanap ka nya kanina nung nagising siya, iyak nang iyak dahil nalaglag ang anak niya. Pinainom muna namin siya ng pampatulog para kumalma siya at makapagpahinga ng mabuti.”“Ganun ba.” Tipid na sagot nya. Kahit konting awa ay wala siyang nararamdaman kay Madison. Kung dating nalaman niya na buntis ito at pinaako sa kanya ang bata, ay medyo nagkaroon pa siya ng awa sa dalaga. Pero nang malaman niyang isa lang pala iyong panloloko, ay napalitan ng galit ang awa niya.“Gusto niyo po ba siyang bisitahin, sir?”“Hindi na. Tulog naman siya, di ba? Babalik na lang kami bukas.”“Sige po, Sir Clarkson,” sabi ng nurse saka nagpaalam na sa kanila.“Saan na tayo pupunta ngayon, Clark?” tanong ni Kuya Finn“Gusto ko sanang dumaan sa kwarto ni Aria pero hindi naman ako welcome doon. Galit pa rin si Ninang Bebe at Ninong James sa atin. Lalo na si Tyler. Kul
Ang plano nilang puntahan si Madison sa ospital ay hindi nangyari. Mataas na tao sa lipunan si Lucio kaya maraming press agad ang dumating at gustong mag-interview sa kanila. Dumating na rin ang mommy at daddy niya... kasalukuyang iniinterview ito ngayon.“Gov., ano ang masasabi niyo sa pagkakahuli kay Vice Governor Lucio ngayon?” tanong ng nag-iinterview sa daddy niya.“The truth shall prevail. Hindi mananalo ang kasamaan laban sa kabutihan. Masama ang kanyang intensyon. Pilit niya akong sinisiraan sa pamamagitan ng paglabas ng mga pekeng papeles laban sa akin. Pero nakita niyo naman, hindi totoo ang lahat ng iyon dahil isa lamang iyong paninira ni Lucio,” matatag na sabi ng daddy niya.“Ano po ang nakikita ninyong dahilan kung bakit niya ito ginagawa sa inyo, Gov.?”“Isa lang ang nakikita kong dahilan, gusto niya akong sirain nang sa gano’n ay matatalo niya ako sa susunod na eleksyon.”“Sa tingin niyo, may kasabwat po ba si Vice Governor Lucio Salcedo sa ginagawa niyang ito sa inyo?







