MasukCLARKSON'S POV:Kasalukuyan siyang nasa isang bar at mag-isang naglalasing. Simula nang ilayo si Aria sa kanya ng mga magulang nito ay wala na siyang ganang mabuhay.Natapos na ang kaso. Nakakulong na si Vice Governor Lucio Salcedo at si Madison pero hindi siya lubusang masaya dahil wala si Aria. Kung kailan pa malaya na silang magmahalan ay pinagkaitan na naman siya ng tadhana.“A-aria… kailan ka ba babalik? Miss na miss na kita.” garagal ang boses na sabi nya“Waiter, one more shot!” sigaw niya habang tinataas ang kanyang baso.“Sir Clarkson, lasing ka na po. Baka hindi mo na kayang umuwi. Magagalit si Gov. Clark sa’yo.” sabi ng may-ari ng bar sa kanya“Wala kang pakialam kung mamatay man ako ngayong gabi! Bigyan mo ako ng isa pang shot!” sigaw niya. Nagsitinginan na ang mga ibang customer sa kanya.Kilala na siya ng may-ari ng bar. Bukod sa gabi-gabi siyang andoon, kilala din siya bilang anak ni Gov. Clark Almonte kaya wala siyang takas.“Ano pa ang hinihintay mo? Bibigyan mo ba ak
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Halos hindi na siya nakakapag-bonding ng mga magulang niya dahil palagi siyang nakatutok sa hotel.Paglabas niya ng kanyang kwarto ay naabutan niya ang kanyang mga magulang sa komedor. Nagtataka siya dahil parehas ding busy ang mga ito sa iba pa nilang negosyo pero ngayon ay mukhang hinintay talaga siya.“Good morning, iha,” bati ng mommy niya.“Good morning, Mom, Dad. Wala ba kayong work ngayon? Bakit andito pa kayo?”“Hinintay ka talaga namin para makapagsabay naman tayo ng breakfast. Parang hindi na kasi tayo nakakapag-bonding sa sobrang busy natin.”Napangiti siya.“Oo nga, Mom. Busy tayo parehas,” sabi niya saka umupo sa harap ng mga ito. Pinagtimpla na din siya ng kape ng katulong nila. Toasted bread at kape lang siya. Usually ay hindi siya kumakain ng breakfast.“Pero kahit busy ka, anak, ‘wag mo din kalimutang mag-enjoy paminsan-minsan ha. Baka naman napapabayaan mo na ang sarili mo,” ang daddy niya naman ang nagsalita.“Hindi naman po, Da
Tahimik lang silang dalawa sa loob ng kotse.“Aria,” tawag ni Ben sa kanya. “Hindi ka pa rin ba talaga handa na bigyan ako ng chance? Matagal na rin naman kitang nililigawan...”Huminga siya nang malalim. “Ben, akala ko ba nag-usap na tayo na magiging magkaibigan na lang tayo?”“Yes, pero wala namang dahilan para pigilan ko pa ang sarili ko, di ba? Tita Bebe likes me for you. Ano pa ba ang hino-hold back mo?”Natahimik siya. “Hindi ko sinasabing ayaw ko sa’yo. Mabait ka, at lahat ng babae siguro gugustuhing makasama ka. Pero... hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa.”“Si Clarkson pa din ba?”Hindi siya agad nakasagot. Pero alam niyang hindi na niya kailangang umamin, malinaw na ang sagot sa mga mata niya.“Aria,” masinsinang sabi ni Ben, “hindi pwedeng habambuhay kang magpakalugmok. Bakit hindi mo subukang magmahal ng iba? Malay mo, hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa.”Nalungkot siya sa sinabi ni Ben. Parang hindi niya matanggap.“Bakit hindi mo ako sagutin? Pangako, hindi ka mags
Pagka-approve ng kanilang project ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Pinagawa na niya agad ang gusto niya. Kasalukuyang kino-construct ang lobby area kung saan ang café at shopping area na pinagplanuhan nila.“Lady Aria, kinikíta ko na kung gaano kaganda ang hotel kapag matapos na ang construction,” sabi ni Phern habang nakatingin sila sa mga gumagawa.“Ikaw lang pala ang hinihintay para lalong mapaganda ang hotel, Madam,” sabi naman ni Ethan. “Mga matatanda na kasi ang mga board kaya hindi na nila alam ang mga "What's hot and what's not" ngayon.”“Sshhh… wag kang maingay at baka may makarinig sa’yo, hihihi…” saway niya kay Ethan saka sila nagtawanan.“Hi, sweetie…”Napalingon sila sa nagsalita sa likod nila. Si Ben ang paparating at may dalang bouquet of roses at chocolate. Pasimple siyang tinulak ni Phern na parang ito ang kinikilig.“Hi… andito ka lang pala,” wika nito saka humalik sa kanyang pisngi. “For you.” Binigay ang bulaklak at chocolate.“Ahm, thank you…” naiilang na s
Sumunod pa ang mga araw ay naging abala siya sa hotel. Kasalukuyan siyang nakaupo sa office chair at nakatingin sa glass wall ng kanyang opisina. Kita ang buong siyudad ng Scotland sa pwesto niya. Nag-iisip siya kung ano ang sasabihin sa board mamaya para ma-approve ang café at shopping mall na sinusulong niya.Napatingin siya sa pinto nang may kumatok. Si Ethan ang pumasok at may dalang folder.“’Yan na ba ang presentation para mamaya sa board?” tanong niya.“Yes, Madam.”“Ethan, gusto kong maging maayos ito. Walang puwang sa pagkakamali. Kahit gaano pa kaganda ang ideya natin ay dapat pa din nila maintinhan ang pakay natin... hindi lang ito basta kapritso." “Understood, Madam,” sagot ni Ethan habang sinimulan na ang paghahanda ng materials. Sila ni Ethan at Phern ang a-attend sa board. Hindi pa niya alam kung sino-sino ang mga naroroon. First time niyang humarap sa board.Maya-maya ay si Phern naman ang pumasok. “Madam Aria, ready na ang conference room, andoon na din ang ibang boa
Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa hotel. Sisiguraduhin niyang maayos ang magiging reception ng kasal. Hindi na sila pwedeng pumalpak dahil nangako siya sa mga magulang ng ikakasal.Pagdating niya sa reception area ay bago na ang flower arrangement, napalitan na din at kasalukuyang pinapalitan ang mga kupas na carpet at bagong ilaw.“Good morning, Lady Aria,” bati ng front desk sa kanya. Tumango lang siya at dumiretso na sa grand room kung saan gaganapin ang kasal. Nandoon na din sina Ethan at Phern na nag-aasist.“Lady Aria, andito ka na pala.”Tumango lang siya. Napangiti siya sa ganda ng buong lugar. Siguradong matutuwa ang bride and groom pati na ang mga magulang nito.“Ethan, make sure that everything is perfect, okay? Please also check the lights and sounds.”“Yes, Lady Aria. You have nothing to worry about.”Nang makitang maayos na ang lugar ay saka siya pumunta sa kanyang opisina. Nakasunod si Phern sa kanya.“Coffee, Madam?”“Yes please, Phern,” nakangiting sabi niya.Umu







