“Its okay. Nag-explain na si Dad sa akin kung bakit niya iyon ginawa sa atin at naiintindihan ko naman siya. Kung hindi niya ‘yon ginawa ay baka hindi natin maaabot kung nasaan man tayo ngayon.”Tumango si Finn na parang sumasang-ayon. “Pero ngayon na bumalik ka na, hindi na ako makakapayag na paghiwalayin ulit tayo, girlfriend. Pero gaya ng sinabi ko… may aayusin lang ako. Hindi kita liligawan hangga’t hindi buo ang atensyon ko sa’yo.”“Ano ba ‘yon?”“Its nothing. Sana ay magtiwala ka lang.”Muli na nitong pinaandar ang kotse at umalis na sila. Tahimik lang sila sa loob ng sasakyan. Ano ba ang sinasabi ni Finn na liligawan siya nito kapag malaya na? Hihiwalayan ba muna nito ang nobya bago siya balikan? Wala kasi siyang maisip na dahilan kung bakit nagho-hold back pa si Finn.“May pasalubong ba talaga ako galing ng America?” tanong nito out of nowhere.“Magtatampo talaga ako kapag wala. Si Precious ang dami mong binigay.”Natawa siya dahil parang batang manghingi si Finn ng pasalubong
Pagdating ng alas singko at sa tingin niya ay okay na ang lahat ay napagdesisyunan niyang umuwi na. Nilagay niya ang lahat ng gamit sa kanyang LV bag: cellphone, ballpen, wallet. Saka lumabas ng opisina.“Uuwi na tayo?” agad na lapit ni Finn nang makita siya “Ako na magdadala ng bag mo,” wika nito saka kinuha ang bag niya. This time ay hindi na siya nagmatigas, hinayaan niyang si Finn ang magdala ng gamit niya.“Precious, mauuna na kami ha. Ikaw na ang bahala dito?”“Okay, I understand. Mag-date na kayo na dalawa at mag-catch up ng mga naudlot n’yong pag-iibigan.”Napahiya siya sa pagkatabil ng bunganga ng kaibigan at inirapan ito.“Pasensya ka na kay Precious ha. Masyado lang pasmado ang dila nya.”“I don’t mind. Sa katunayan magandang suggestion nga ‘yon… gusto mo ba mag-date?”“Huh, ah, eh…” Bigla siyang kinabahan at hindi nakapagsalita. “N-next time na lang,” sagot niya.“Sige. Asahan ko ‘yan ha. How about this weekend?”“Nanliligaw ka ba?” hindi niya napigilan na sabihin ang tano
Pagkaalis ni Finn ay napangiti siya nang bahagya, kahit ayaw niyang ipahalata. Ramdam niya pa rin ang bilis ng tibok ng puso niya. Ang hirap magpanggap na wala siyang nararamdaman, lalo na’t unti-unting bumabalik yung Finn na nakilala niya dati... ang masayahin, maalaga, at… mapang-asar na Finn.Habang kumakain siya ay pumasok si Precious.“Uy, bakit ka nakangiti habang kumakain? Ganun ba ang epekto ng Chicken Joy sa’yo?” biro ni Precious.Napahiya siya. “Ikaw! May kasalanan ka sa akin. Kakasabi ko lang sa’yo na ‘wag mo akong iwan na kaming dalawa lang ni Finn! Bakit mo ako iniwan kanina!” inis na sabi niya sa kaibigan pero pigil ang boses dahil baka marinig ni Finn na nasa labas.“Asan na ang mga binigay ko sa’yo, ibalik mo ‘yun sa akin lahat!”“Oh no no no! Binigay mo na ‘yun at wala nang bawian. Saka okay na din naman ang pag-uusap n’yo, ‘di ba? Mas magandang makapag-usap kayo ng maayos nang sa ganun ay hindi kayo nag-iiwasan.”Uminit ang pisngi niya. Tama si Precious. Kung hindi s
Hindi siya nakasagot. “Ano ’tong mga dala mong paper bag?” tanong ni Precious. Nilapag niya lang iyon sa sahig pagdating niya. “Mga pasalubong ko yan sa’yo,” walang ganang sagot niya. Pero kabaliktaran nun ay ang reaksyon ni Precious. “Talaga? Akin lahat ’to?” “Yes. Dami ko nang utang sa’yo eh. Kasama na ’yan ang graduation gift mo at birthday mo na wala ako.” “Oww. You’re such a generous friend… kaya love na love kita eh!” Umupo si Precious at nag-umpisa niyang buksan isa-isa ang paper bags, parang batang tuwang-tuwa. “Eeeiiiih!” tili nito kada bukas ng laman ng bag. Meron doon mga mamahaling designer bag. Meron din sapatos, at damit. “Gurl ang saya saya ko! Ang dami kong natanggap na pasalubong hihihih…” “Ako, walang pasalubong?” Napatigil sila at napatingin sa pinto… andoon si Finn at mukhang kakarating lang. “Finn, tingnan mo ang daming pasalubong ni Lilly para sa akin!” pagbibida ni Precious. “Ako ba wala?” tanong nito, diretso agad ang tingin sa kanya. “N-
LILLY'S POV:Kanina pa siya pagulong-gulong sa kanyang kama pero hindi pa din siya makatulog. Hindi maalis si Finn sa utak niya.Kanina pa umalis ang mommy niya pero hindi pa din mawala sa isip ang sinabi nito na kung hindi man si Finn ang para sa kanya ay balang araw makikita din siya ng lalaking itinalaga para sa kanya.Napabuntong-hininga siya. Ang hirap talagang pilitin ang sarili na kalimutan ang isang taong matagal nang nakatatak sa puso niya.Kinuha niya ulit ang cellphone, tinitigan lang iyon nang matagal. Nag-iisip siya kung ano ang pwede niyang gawin sa cellphone niya. Nagpag-isipan niyang i-stalk ang FB account ni Finn. Hindi sila friend sa social media dahil nagpalit siya ng account noong nasa America para hindi siya ma-contact nito at ni Precious.Habang tine-type ang pangalan ng lalaki ay bigla siyang kinabahan na ewan. Nakita niya agad ang account ni Finn. Ang gwapo nito sa profile pic nito. Naka-uniform PMA at mukhang noong graduation nito ang kuha. Lalaki na lalaki an
Pumunta siya ng mall at nagbakasakali na may pakwan doon. Bumili siya ng tatlong piraso para sakaling hindi mapula ang isa ay meron pang dalawa. Hindi naman kasi season ng pakwan kaya hindi siya aasa na maganda ang pakwan ngayon.Pagdating niya sa bahay ni Vanessa ay sinalubong siya ng mommy at daddy nitong kunsintidor. Lihim siyang nainis. Hindi man lang pinagsasabihan ng mga ito ang anak. Parang natutuwa pa nga sila na palagi siyang pinapapunta ni Vanessa doon.Family friend nila ang mga Lim. Matagal nang kaibigan ng mga magulang niya ang mga magulang ni Vanessa. Bata pa lang sila ay nararamdaman niyang gusto siya ng mga magulang nito para kay Vanessa at kinukonsinte ng mga ito ang ginagawang kalokohan ng anak. Palibhasa kasi nag iisa.Pero bakit? Nag-iisang anak din naman siya pero hindi siya spoiled katulad ni Vanessa!"Iho… salamat naman at dumating ka na. Kanina ka pa hinihintay ni Vanessa." Muli siyang napasimangot, ginawa na siya na runner ng mga ito.Pagdating niya sa loob ay