Nagkahiwahiwalay kami nina Natalia. Dahil sa bilis nang pangyayari, hindi na namin namalayang nagkahiwalay kami. Kasama ko ngayon at hawak hawak ko ang aking iniirog na si Eduardo.
Sa wakas ay nakita ko muli ang maulap at maliwanag na kalangitan. Alam ko na hapon na dahil sa init na hindi na masyadong masakit sa balat.
Nakipaghabulan parin kami sa mga nanghuhuli sa amin. Wala nang lamang bala ang baril ni Eduard kaya ang tanging ginagawa nalang namin ay magtago at tumakbo. Nagawa namang mabuwag ang mga lalaking humahabol sa amin nang magtago kami sa likod ng isang malaking kariton at nang makitang umiba na ng daanan ang mga lalaki ay nagpatuloy na rin kami sa pagtakbo.
Hanggang sa narating namin ni Eduardo, ang abandonadong pagawaan ng mga tabako na pagmamay ari nila noon. Naisipan namin ni Eduardo na dito muna magtago hangga't mainit pa sa habulan ang mga lalaki bago namin hanapin ang aming mga kasama. Nagtungo kami sa may likuran ng malawak na bodegang iyon, s
Buhat sakay ng isang karwahe ay nagawa naming makatakas mula sa mga humahabol na mga kasapi ng Sinag Araw. Sinadya naman naming iniwan ang karwahe sa may gilid ng daanan nang maisipang maglakad papasok sa gubat ng Santa Lucia.Sa ngayon, ang gubat ang pinakaligtas na lugar na pagtataguan dahil hindi lamang sa maramang mapagtataguang puno at damo kundi dala na rin na mas malawak ang kabuuan nito kaysa sa sentro ng Santa Lucia.Kanina pa ako nag alala kina Carmela at Eduardo. Nagkahiwalay kami ng daan kanina paglabas ng simbahan. Dasal ko lamang ay huwag naman sanang naabutan at nadakip ang dalawa ng mga lalaking humahabol sa aming pagtakas.Isinandal ko muna ang nanghihinang si Damian sa katawan ng isang malaking puno. Panay naman ang pagmamatyag ni Pablo sa paligid-ligid at baka sakaling may sumusunod namga tauhan ng Sinag Araw sa amin.Sa lilim ng punong iyon naisipan naming magpahinga muna.Muli kong sinugatan ang aking braso at idinampi ko itong
Palubog na ang araw. Sa lahat ng oras na nagugol ko dito sa mundo, ang pagtatakipsilim na ito ang pinakakaiba sa lahat. Taliwas sa napakagandang tanawing makikita sa kalangitan na tila ang mga magagaan tingnang mga ulap ay nakukulayan ng dugo, ang paglubog ng araw ay naghuhudyat upang bigyan ng pagkakataon ang kadiliman na balutin muli ang mundo.Ang bumabalot na kadilimang ito dahil sa pagpapahinga muna ng araw sa kalangitan, ito ay ang siyang kinatatakutan ko.At mas tumindi pa ang aking takot ng malamang nakatakas ang mga bihag. Kabilang dito ay ang pinakamahalagang nilalang sa mga oras na ito, ang alay na si Carmela. Malaking hukbo ang inutusan ko mula sa aking kapatiran upang hanapin at dakpin muli si Carmela dahil siya lamang ang tanging sandatang tatapos sa lahat ng ito.Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya mahahanap. Alam kong nagtatago lamang ito sa loob ng bayan dahil sa nariyan pa rin ang malaki at di makitakitang harang na tinawag na Polaris. At d
"Lumulubog na ang araw, Toto," pagbalita sa akin ng aking kasamang si Kulas. May nangangamba pa ito tono sa pagsasalita. Hindi ko naman siya masisisi sa kanyang ngangatog na bigkas dahil sa mga oras na ito, kami ang naatasang magbantay sa hilagang bahagi ng Santa Lucia.Ang bahagi kung nasaan ang pangunahing daan papalabas at papasok ng bayan. Limangpu kaming naatasang magbantay sa bahaging ito at malas namang nakasama ko ang duwag na si Kulas na talagang nakakahawa ang kaduwagan."Alam ko, Kulas, kaya igihin mo ang pagmamatyag sa paligid. Aalahanin mo, tayo ang unang sasagupa sa anumang paglusob," anya ko sa kanya na nagtapang-tapangan pa. Narinig ko ang paglunok ni Kulas sa kanyang sariling laway tanda ng pagkatakot."Toto, hindi naman natin dapat pilitin ang ating mga sarili na sumali sa digmaang ito. Maaari naman tayong umatras
Sumibol na ang gabi. At ang gabing ito ay hindi tulad ng mga pangkaraniwang gabi. Hindi pa ako nakadarama ng ganito sa tanang buhay ko.Ang makadarama ng matinding takot.Ngunit sa kabila ng matinding pangamba at takot na nararamdaman, umusbong naman sa akin ang maliwanag at malakas na loob. Kinakailangan ko ito lalong lalo na sa mga oras na ito. Ito na ang pinakahihintay naming lahat. Sa ilang paglipas ng sandali, magsisimula na ang digmaang tatapos sa lahat ng ito.Gaya ng sinabi ng Supremo, binuo at tinipon ko ang hukbong makikipagdigma. Nakakalakas ng loob tingnan ang maraming tao na gustong lumaban sa mga bampira. Hindi ko akalaing halos lahat yata ng kalalakihan sa bayan ng Santa Lucia ay narito at handang sumalo sa digmaang kahit alam nilang maaaring buhay nila ang mawawala. May iilan ring mga kababaihang lumahok sa hukbo at nagpakita pa ng walang kasing tapang kung iyong tutuusin. Mga matanda, dalaga, binata kahit mga batang nasa
Gaya ng hiling ni Damian, hinanap namin ang kuwebang sinasabi niya na nasa gubat. Hiling niya na dito raw siya namin iiwan bago namin simulan ni Pablo ang paghahanap kay Manuela at sa batong Fuego. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kuwebang iyon at ganoon na lamang kaatat si Damian na marating ito.Kailangan na naming magmadali, anya ko sa aking sarili. Halos wala na kasi ang araw sa kalangitan. Bumaybay na sa kalawakan ang takipsilim. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari.Itinuro naman ni Damian sa amin ang daan sa masukal na kagubatan ang patungo sa kuwebang sinasabi niya. Para rin mapadali ang aming paglalakad, inakbayan siya naming dalawa ni Pablo upang makasabay sa amin ang nanghihina pang si Damian. Nadaanan pa nga namin ang pinagpunuang bahagi ng mga kahoy na Bernados na nakakapanibago dahil halos lahat na ng mga puno roon ay pinutol na.Patingin
Malaki ang aking pagtataka sa mga nangyayari."Ang pangalan niya raw ay Alana. Siya ang kapatid ni Damian. Nagpapasalamat siya sa pagligtas at pagdala natin sa kanya rito. Isang malaking bagay raw ang ginawa natin, sabi niya," pag uulit ni Pablo sa mga salitang ayon sa kanya ay pumapasok lamang bigla sa kanyang isipan. Muli ay nagsalita ito patungkol sa anumang sinasabi ng isang tinig mula sa kanyang isipan."Sabi niya, pinilit niyang kausapin ka sa isipan mo pero hindi niya magawa. Wika pa niya, isang kakaibang nilalang ka rin katulad niya,""Isa akong bampira," aking sinabi sa lobo. "Isa ring sumpa ito sa akin kagaya ng sumpa sa inyo""Sabi niya, ngayon lang siya nakarinig nang tungkol sa tinatawag na bampira," pag uulit ni Pablo sa sinasabi ng lobo sa kanyang isipan. Para bang kinakausap ng lobo si Pablo sa pamamagitan ng isip."Marami akong naririnig na kuwento tungkol sa inyo pero ngayon lamang ako nakakakita ng isang tunay na taong lobo. Ikin
Tumirik na ang napakalaki at buong buwan sa kalangitan. Nagbigay ito ng kaliwanagan sa buong paligid. At sa pagtaas ng buwang ito, sa loob ng kuweba, ay naiwan ang nagbabalatkayong si Damian na kanyang pinakauna.Lahat ng kanyang mga buto ay gumagalaw ng kusa. Ang sakit na dulot nito ang nagpapasigaw sa kanya ng matindi na yumayanig sa looban ng kuweba. Sa bawat malalakas na pagbali ng kanyang mga buto, hindi niya mapigilan ang sumigaw sa matinding sakit. Naririnig rin niya na sa bawat pagsigaw ay parang naririnig ang sarili na umiiling na parang lobo.Ang unang pagbabalatkayo ay ang pinakamasakit sa lahat. Ito rin ang pinakamapanganib kaya naman kailangang ikadena ang sarili upang hindi maging sanhi ng isang madugong karahasan.Sa unang pagbabalatkayo umuusbong kasi ang pagiging tunay na halimaw ng isang taong lobo. Sa panahong ito, nawawala sa sarili at tamang pag iisip ang isang taong lobo. Kaya nagpasalamat siya at naging mapalad ng makaligtas at makatakas s
Walang hanggan ang bilang ng mga bituin sa kalangitan. Ang mga ito ay tila mga nagkikinang mga diyamante na gumagayak sa buong kalawakan. Ginagayak rin nito ang kadiliman ng kalangitan sa gabi.Napakaliwanag ng buwan sa gabing ito. Malaki at mabilog itong lumulutang kasama ang mga maririkit na mga bituin. Napakalapit itong tingnan na para bang nais mong abutin sa iyong mga kamay at yakapin.Ang liwanag ng buwan sa gabing ito ay siyang tanging ilaw sa bahagi ng gubat na kinaroroon ko.Nakahimlay sa lupa ang katawan ni Manuela Agoncillo, ang nasabing napiling mata ng tadhana. Ginamitan ko siya ng Ibaso, isang pampatulog, na aking ginawa at ipinaamoy ito sa kanya. Sa impluwensiya ng Ibaso ay makakatulog ng tatlong araw ang taong makakalanghap nito, kaya, ito ang naisip kong gamitin kay Manuela. Dinampot ko siya kagabi nang magkagulo sa plaza ng Santa Lucia. Sapilitan kong ipinaamoy sa kanya ang nakakahilong likido ng Ibaso at nang mahilo at mawalan ng malay ay dina