Share

Pagtakas

Dumating na ang hapon. Kagaya ni Pablo, hinanap ko muna si Manuela sa buong Santa Lucia. Umabot pa ako sa giliran ng bayan at sinubukan ko kung totoo nga bang may harang ang palabas sa bayan.

Hindi mo man makikita at kung iyong tatahakin palabas, may biglang na lamang pipigil sayo. Kahit anong gawin mong pagkalas, hindi mo talaga magagawang makalabas sa di makitakitang harang.

Ito ang harang na tinawag na Polaris, ayon sa narinig ko kina Viktor at ang nakamaskara, isa itong makapangyarihang harang na nagtatagal lamang sa susunod na pagsikat ng araw.

Tugma ang hakahaka nila. Maaari ngang lulusob mamayang dapithapon ang mga kinatatakutang mga alagad ng dilim. Ang mga alagad ng aking ama. Puwersa ng malalakas na mga bampira.

Kaya dapat ay mailigtas ko na si Carmela bago pa man lumubog ang araw upang bago pa man lumusob ang aking ama sa kinasuklaman niyang bayang ito ay makikita ko na ang batong Fuego na siyang tanging kahinaan nito.

Alam kong pumapata

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status