Ang una niyang ginawa doon ay ang pagbabasa ng mga talaan ukol sa armada ng Fuerte de San Nicolas. Dito nalaman niyang lumulobo ang bilang ng mga kawal sa fuerte. Kanya namang binasa ang mga nakabinbing mga sulat na lahat ay patungkol sa mga nangyaring engkwentro ng mga kawal ng guardia civil at nang kanyang armada sa ibat ibang bayang sakop ng Ilocandia laban sa mga salot na mga tulisanes. Bukod kasi sa mga aklasan at pananalakay ng mga dayuhan tulad ng mga taga Englatera, isa rin sa mga suliranin ng sandatahan ang lumalaking bilang ng mga tulisanes. Sila ang mga taong likod-batas na kalimitang nagnanakaw ng kwalta, alahas, at armas sa mga mayayamang Kastila na sila ring naninirhan sa iba't-ibang sulok ng gubat. Matagal nang suliranin ang mga likod-batas na ito na di mahuli huli at mapuksa. Isa din sa mga natanggap niyang sulat ay galing naman sa pueblo ng Caronan, isang liham paanyaya para sa kanya ukol sa gaganaping magarang piging bilang pagpugay sa bagong gobernadorcillo doon.May
Ang parihabang bagay na ito ay isa palang ataol--walang takip at gawa sa kahoy ng narra at bakawan na may mga inukit sa paete na mga magagandang bulaklak na linyado naman sa purong pilak.Pagpasok nito sa pinto, sinilip muna ni Julian at tiningnan ang tiyuhin sa loob. Nang hindi makasilip ng malinaw ay naisipan na rin niyang pumasok sa loob. Pagpasok ng batang Guevarra ay bumungad sa kanya ang kadiliman nang napuntahan. Dala ng matinding galit ay tumakbo si Julian patungo sa lalaking bumaril sa kanyang ama at nilabanan ito na may pagnais na kunin ang hawak nitong rebolber. Sa pilit niyang pang-aagaw sa baril, dito, ay namataan niya ang pintadong ahas sa kamay ng yaong lalaki. Dahil bata pa noon at hindi pa gaano kalakasan, patapon siyang iniwaksi ng lalaking inaagawan niya ng baril na sa pagkawaksi'y napadapa ang batang Julian tungo sa maputik na lupa. Ngunit hindi tumigil si Julian, tumayo siya agad at muling nanlaban, ngunit sa pagkakataong ito ay binaril na siya ng lalaking nakamask
Dahil naging abala na sa kanyang pagtitinda ang matandang babae, muli nang lumakad ang dalagita sa may malupang kalye nagbabasakaling may makitang maaaring matuluyan sa daan.Hindi ito maaari, ang naging bulalasa ni Sergio sa sarili. Pinaglalaruan ba ako ng pagkakataon? Nakadama siya ng inis ng malamang ang kanyang mga magulang ay nasa loob ng bahay ng kanyang kaaway. Di niya ito gusto, di niya talagang gusto, kahit wala naman roon si Angelo.Guevarra?!, ang nabubulas ni Ato sa isipan dala ng malaking pagkagulat niya ng marinig ang yaong apelyido ng ipinakilala sa kanya na ginoo. Halos nanlisik na ang kanyang mga mata dala ng matinding pagkagulat na ito. Di rin niya napigilan ang pagbilis ng mga pagkabog ng kanyang puso dahil sa di inaasahang pagkakataong ito. Tila namang nanigas bigla ang kanyang buong katawan, pagkadinig sa yaong isang kilalang apelyido na siyang apelyido din ng yaong matandang ginoo.Guevarra, ito ang apelyido na itinaga ni Ato sa kanyang isipan. Ang apelyido na hin
Ang pagbati lang iyon ang isinalita ng Bastong Loro kay Leandro Trias. Hindi pa niya kasi lubos na kilala ito bilang baguhan pa lamang siyang kasapi sa kapatiran. Hindi naman sila madalas na nag-uusap at sa tuwing may mga pulong lang sila nagkikita. Tinungo niya ang mesang may nakapatong sa ibabaw na mga maliliit na lampara."Bagkos, Julian, sa lahat ng mga tauhan natin sa La Guevarra, si Andracio lang ang nakakaalam sa pamamalakad ng buong fabrica. Kung sakaling wala ako, siya ang pinakamainam mong lapitan kung may patungkol sa La Guevarra. Ang katapatan ni Andracio ang lubos na hinahangaan kong katangian sa kanya kaya alam kong magiging matapat din siya sa iyo balang araw. Ang kailangan lang ay magtiwala ka sa kanya,""Kung ganun, tiyo, ay tatandaan ko po ito," may ngiting tugon ni Julian. "Nasa mukha naman ni Ginoong Andracio ang pagiging matapat at mapagkakatiwalaang tao kaya alam kong totoo ang mga sinasabi mong ito sa akin. Balang araw, siya rin ang magiging kanang kamay ko sa L
Dito na tuluyang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Para namang nararamdaman din niya ang matinding sakit na dulot ng pagkakatusok ng matulis na bakal sa leeg ng matandang don kaya parang alam rin niya ang may hirap na pinagdadaanan nito. Muli niyang minulat ang kanyang mga mata, at buong tiningnan ulit ang ibinitay na don sa entablado. Kita pa niya ang malakas na pagdaloy ng mapupulang dugo mula sa leeg nito na bumahid papunta sa katawan ni Don Condrado. Inikot pa ulit ng kawal ang rayos ng garote, hinigpitan at idiniin pa lalo ito sa leeg ng yaong don hanggang sa lumabas na ito sa balunbalunan. Nakapaa lang sa lupa. Di na nila inalam pa kung ano ang nangyayari, kaya nang makakita ng pagkakataon, ang iba sa mga kawani ay nagsitakbuhan na at tumakas. Kahit nagkakagulo pa doon ay di tumigil sa pagtakbo ang mga ito at ang lahat ay nagnanais na mailigtas ang mga sarili mula sa nangyayaring digmaan. Madungis rin ang tindig dahil sa maruming kasuotan na halatang hindi nakaligo sa um
Kahit naghahari ang mga bulung-bulungan ng madlang naroon sa buong plaza, nadinig pa rin ni Andracio ang pagtatapos sa pagsasalita ng prayle. Matapos makapagbigay ng mga paalala at makapagbahagi ng ilang salita mula sa hawak na bibliya, umalis na rin sa harapan ang yaong pari, at bumaba na mula sa entablado. Pagkababa ng pari ay umakyat sa entablado ang isang kawal ng guardia civil na lumakad magmula sa tabi ni Hen. Pedro de Pascua. Humarap din ito sa mga taong naroon, sunod inilabas at binuklat ang isang nakarolyong papeles. Mulang makapaghanda sa harap ay nagsimula na rin itong magsalita na may pabulyaw na parinig sa mga taong nagtitipon roon."Ang dangal na mabuhay para sa bayan, Timong," sagot naman sa kanya ni Anastacio, ang Trompetang Bulaklak. "May dangal rin ang mabuhay para sa ipinaglalaban. Ito ay hindi pa katapusan ng lahat dahil nagsisimula pa lamang ang tunay na labanan. Hangga't nabubuhay pa tayo ay kaya pa nating lumaban para sa kanila. Tipunin natin muli ang ating mga s
May kakaibang kapangyarihan at katangian kasing taglay ito. May katangian ang punyal na ito ang iwaksi ang kapangyarihan ng sinumang manggagaway na masasaksak nito. Kaya isa itong mainam na sandata noon ng datu ng mga Sanggito laban sa mga kalaban. Ngunit ang lahat ng mga makapangyarihang bagay na yari ng tao ay may natatanging butas at hindi matatagumpayang buuin kailanman. At ang butas na ito ay siyang nakakamanghang malaman.Dalawamput isang taon ako noong huling araw na pagiging tao ko kaya hanggang ngayon ay nasa edad parin akong dalawamput isa dahil sa pagiging bampira ko. Kaya naman, kung totoo man ang mga sinabi ng nakamaskara, magagawa niya pa rin ang kanyang hangaring mapuksa sa mundo ang lahat ng mga bampira sa pamamagitan ng pag aalay niya sa aking buhay. Matapos sabihin ng matandang babae ang mga salitang iyon, umalis na siya kasama ang datu at ang mga mandirigmang katutubo."Dahil ang ginawa kong paraan na tinawag na Hemos Nateis Necromania ay ang natatanging paraang nakit
"Naging magkaribal po pala kayo ni Ama noon, Tiyo Dado. Hindi ko naisip na nangyari ang bagay na iyon sa pagitan ninyong dalawa," may tuwang sabi ni Julian buhat sa bagong nalamang nakuha niya sa tiyuhin. Pagpasok nito sa pinto, sinilip muna ni Julian at tiningnan ang tiyuhin sa loob. Nang hindi makasilip ng malinaw ay naisipan na rin niyang pumasok sa loob. Pagpasok ng batang Guevarra ay bumungad sa kanya ang kadiliman nang napuntahan. May nadatnan siyang isang pababang hagdanan na gawa sa nalumang kahoy ng narra kaya bumaba siya agad dito. Nung pababa naman siya ay biglang may narinig siyang isang malakas na kalabog na ang tunog ay tila ba mula sa nagkauntugang mga mabibigat na bato na siyang yumugyog pa sa buong silid na iyon.Nalungkot ulit ang batang Guevarra dahil sa nakuha niyang tugon. Talagang nananabik siyang makita ulit ang maestro na dalawang taon na sa kanya nagtuturo. Nangungulila siya sa mga pangaral at sa mga ipinapakitang talento nito na ibinabahagi sa kanya sa araw-ar