Share

Siklab ng Digmaan (2)

Sumibol na ang gabi. At ang gabing ito ay hindi tulad ng mga pangkaraniwang gabi. Hindi pa ako nakadarama ng ganito  sa tanang buhay ko.

Ang makadarama ng matinding takot.

Ngunit sa kabila ng matinding pangamba at takot na nararamdaman, umusbong naman sa akin ang maliwanag at malakas na loob. Kinakailangan ko ito lalong lalo na sa mga oras na ito. Ito na ang pinakahihintay naming lahat. Sa ilang paglipas ng sandali, magsisimula na ang digmaang tatapos sa lahat ng ito.

Gaya ng sinabi ng Supremo, binuo at tinipon ko ang hukbong makikipagdigma. Nakakalakas ng loob tingnan ang maraming tao na gustong lumaban sa mga bampira.  Hindi ko akalaing halos lahat  yata ng kalalakihan sa bayan ng Santa Lucia ay  narito at handang sumalo sa digmaang kahit alam nilang maaaring buhay nila ang mawawala. May iilan ring mga kababaihang lumahok sa hukbo at nagpakita pa ng walang kasing tapang kung iyong tutuusin. Mga matanda, dalaga, binata kahit mga batang nasa

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status