Share

Siklab ng Digmaan (1)

"Lumulubog na ang araw, Toto," pagbalita sa akin ng aking kasamang si Kulas. May nangangamba pa ito tono sa pagsasalita. Hindi ko naman siya masisisi sa kanyang ngangatog na bigkas dahil sa mga oras na ito, kami ang naatasang magbantay sa hilagang bahagi ng Santa Lucia.Ang bahagi kung nasaan ang pangunahing daan papalabas at papasok ng bayan. Limangpu kaming naatasang magbantay sa bahaging ito at malas namang nakasama ko ang duwag na si Kulas na talagang nakakahawa ang kaduwagan.

"Alam ko, Kulas, kaya igihin mo ang pagmamatyag sa paligid. Aalahanin mo, tayo ang unang sasagupa sa anumang paglusob," anya ko sa kanya na nagtapang-tapangan pa. Narinig ko ang paglunok ni Kulas sa kanyang sariling laway tanda ng pagkatakot.

"Toto, hindi naman natin dapat pilitin ang ating mga sarili na sumali sa digmaang ito. Maaari  naman tayong umatras

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status