Share

Balatkayo (1)

Gaya ng hiling ni Damian, hinanap namin ang kuwebang sinasabi niya na nasa gubat. Hiling niya na dito raw siya namin iiwan bago namin simulan ni Pablo ang paghahanap kay Manuela at sa batong Fuego. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kuwebang iyon at ganoon na lamang kaatat si Damian na marating ito.

Kailangan na naming magmadali, anya ko sa aking sarili. Halos wala na kasi ang araw sa kalangitan. Bumaybay na sa kalawakan ang takipsilim. Kailangan na naming marating kaagad ang kuwebang iyon bago lumitaw ang kabilugan ng buwan dahil kung hindi, kutob ko, ay may masamang mangyayari.

Itinuro naman ni Damian sa amin ang daan sa masukal na kagubatan ang patungo sa kuwebang sinasabi niya. Para rin mapadali ang aming paglalakad, inakbayan siya naming dalawa ni Pablo upang makasabay sa amin ang nanghihina pang si Damian. Nadaanan pa nga namin ang pinagpunuang bahagi ng mga kahoy na Bernados na nakakapanibago dahil halos lahat na ng mga puno roon ay pinutol na.

Patingin

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status