Share

Chapter 5

"When you inherit a broken family, you can't throw it away and get a new one. What you can do is find people and situations that provide for you what your family cannot." - Iyanla Vanzant

Ang nagwawalang ringtone ko ang gumising sa akin kinabukasan. Kinapa ko ang phone ko na nasa side table at sinagot ang tawag habang nakapikit.

"Good morning Ate, sorry nagising ba kita?"

Tumagilid ako at yumakap sa unan ko, "Why are calling me this early Coleen?"

Narinig ko ang pagtawa nito sa kabilang linya. May mga sinabi siyang hindi ko naunawaan dahil  hindi naman yata para sa akin.

"Puntahan ka namin ni Kuya, okay lang ba?"

"You have your keys, and you know—" bigla akong nagmulat ng mga mata nang maproseso ng utak ko ang sinabi nito. Napaupo akong bigla, "Kasama ang kuya mo?"

"Ihahatid niya lang ako, and he said he wants to see your place. Nakwento ko kasi na madalas ako diyan."

"Kailangan niya pa bang gawin 'yan?"

Habang tumatagal ay nagdududa akong hindi ako pinagkakatiwalaan ng Fifth na iyon. Yes, I look like a bad influence pero nakikita niya naman siguro sa kapatid niya ang epekto ko.

I sighed. O baka may mga nakapagkwento na sa kaniya tungkol sa akin, the negative details of my life. Siniraan na siguro ako agad ng mga malalapit niyang kaibigan na hindi ako gusto.

Napailing ako, as if I care.

Bumangon ako para magtoothbrush at maghilamos. On the way na sila Coleen nang tawagan niya ako dahil kanina pa pala siya tumatawag.

Pinagmasdan ko ang pasang idinulot ng sampal ni Carl Trey sa akin kagabi. Kitang-kita ito ngayong wala akong make up at lipstick. Hindi ko nalang pinansin pa, gagaling din naman ito. Mabuti nalang at tapos na ang shoot para sa magazine, kung hindi ay baka pagsisihan ko ito ng husto.

Saktong kakaligpit ko lang sa kama nang marinig ko ang doorbell. Gawain ni Coleen ang magdoorbell bago pumasok, kahit na may sarili naman siyang susi.

Hindi na ako nag-abalang magbihis, kinuha ko nalang ang roba at ipinatong sa powder blue na nighties bago lumabas.

Naabutan ko ang magkapatid sa sala. Binati ako agad ni Coleen, she looks so girlish in her yellow floral dress. Si Fifth ay prente namang nakaupo roon sa sala at nakahalukipkip, sinusuyod ng masusi ang buong unit.

Nang mapansing nakatingin ako ay sa akin naman ito bumaling. Pinasadahan niya ako ng tingin, kitang-kita ko ang disgusto sa kaniyang mga mata.

I rolled my eyes even when he's looking. Kung ayaw niya sa akin, o sa unit ko ay hindi ko siya pipigilang umalis.

I'm not surprised that he's rude like this. He has everything, the looks, power, and money. He can easily look down on people who has nothing to offer, making them feel small. Ang pinagkaiba ko lang ay wala akong pakialam.

I'm not a girl who can be lured to any of the physical attributes. I fell for Sean back then not because of his looks but because he understands me. And even when I got hurt, I won't deny that it's the same thing that I want, the understanding. I don't think this guy has it.

"Bumili kami ng strawberry cake! Tara, let's eat it!" Hinila ako ni Coleen patungong kusina.

Excited na excited nitong binuksan at hiniwaan ang strawberry cake. Alam na alam niya maging ang paborito ko, sana lang hindi ang kuya niya ang bumili niyan.

Nagtimpla ako ng juice habang abala siya sa paglalagay ng slices ng cake sa platito.

"Bakit kailangan pang i-check ng kuya mo ang unit ko?" Hindi ko rin napigilang itanong.

"I told him that I often sleep here. Since last night, he kept on asking me things about you."

Tumaas ang kilay ko. Oh the brute is trying to do a background check.

"Like.. paano tayo nagkakilala, your course, address, family background."

Napailing nalang ako. Tama ang iniisip ko, walang tiwala ang kuya niya sa akin. At ano ang gagawin ko? Should I remain careless? Paano kung pagbawalan nila si Coleen na lumapit sa akin?

But I don't like proving myself either. Bahala na kung ano ang iisipin nila.

Sabay kaming bumalik sa sala dala ang meryenda, na para sa akin ay almusal. Inilapag namin ang mga iyon sa center table sa sala. Coleen sat beside her brother while I chose to sit on the couch infront of them.

Coleen started eating, she's so oblivious of her brother's stares at me. Nag-iwas na lamang ako ng tingin.

Ni hindi ito nahihiya sa harap-harapang paninitig at ako pa ang naiilang. Kung hindi ko alam ang dahilan ay iisipin kong may masama itong balak. God, he's like a detective staring at me, waiting for me to do something bad.

I am shifting every now and then on my seat because I'm not comfortable. Si Coleen ay clueless, inosenteng-inosente habang kumakain ng cake at nagkukwento ng kung anu-ano sa kuya niya na busy lamang din sa panonood sa akin.

"Where's your room, Col?" tanong nito sa kapatid.

Nakahinga ako ng maluwag nang lubayan ako nito ng tingin.

"Yung sa dulo,"

"Bakit sa dulo?" Tanong nitong muli.

"Because the rest of my friends like to party here. Para hindi siya maingayan ay doon siya sa dulong kwarto natutulog." Ako ang sumagot.

Tumaas ang kilay nito, muling bumaling sa akin. "You do parties here?"

"Kapag nandito ako, hindi umaalis si Ate Nica para mag-bar dahil wala akong kasama. She would just invite her friends at dito nalang sila iinom para mas safe." Paliwanag naman ni Coleen.

Fifth's eyes never left me, kahit nagpapaliwanag si Coleen ay nakatitig lang ito sa akin. I don't like how his eyes look so vicious and cold, it reminds me of someone.

"And you think safe pa rin iyon? Paano kung malasing ka at pasukin ng lalaki sa kwarto si Col?"

"I don't invite guys here," You're not invited too. Gusto ko sana iyong idagdag, but I don't want to be rude.

I understand why he's acting like this. Bunso si Col, at hindi sila lumaking magkakasama. He's just being protective as a brother.

"Oo Kuya, ikaw palang ang lalaking nakapasok dito maliban kay Kuya Sean."

"Sean Park?" Tanong nito. I remember, Coleen told me before that they're friends.

"Yes, ex iyon ni Ate, sayang nga lang dahil iyong si Sam ang gusto. Pero magkaibigan pa rin sila."

Masamang tingin ang ipinukol ko kay Coleen subalit abala ito sa pagkain.

"Kung ex mo iyon bakit nakakapasok pa rin dito?"

"He's my partner for thesis," simpleng sagot ko.

Nagtaas ito ng kilay, he doesn't look happy with the things he found out and I don't understand it. Why does he have to ask even the smallest details? Safety lang ni Coleen ang dahilan kung bakit ko sinasagot ang mga tanong niya pero ang mga tanong niya ay palayo nang palayo sa kapatid.

Nang maubos ko ang isang slice ng cake ay tumayo na ako para iligpit ang pinagkainan ko. Bago ako makabalik sa kusina ay nagsalitang muli si Fifth.

"You don't have a maid?"

"Wala Kuya, independent si Ate Nica."

I rolled my eyes. Dumiretso ako sa kusina para ilagay sa lababo ang platito na ginamit ko. Mamaya ko na huhugasan kapag tapos na rin kumain ang magkapatid.

Nang balikan ko sila ay nakita kong nakatayo na si Fifth, tinitignan nito ang floor to ceiling pastel paint ng larawan ko. Malaki iyon at halos sinasakop na ang buong pader sa gawing kanan ng sala. Nagkukwento naman si Coleen tungkol sa pagmomodelo ko.

"Ate Nica is a model and kahapon lang ay nagshoot siya para sa cover ng The Bachelors. It's her first time as an editorial model."

Napailing ako. Hindi ako magtataka kung pati ang history ng buhay ko ay naikwento na niya sa kuya niya. She's a natural information feeder, talagang isusubo sayo lahat ng gusto mong malaman.

Humarap sa amin si Fifth, his eyes still that dark, it never fades actually. Ilang beses palang kaming nagkita pero pakiramdam ko talaga ay pamilyar ang kaniyang mga mata.

"Wait Ate.. hindi mo ba nilagyan ng ointment 'yang labi mo? Hindi mo rin ni-yelo? Bakit may pasa?" Tumayo pa ito para makita ng malapitan ang mukha ko.

Humilig ako sa dingding habang nasa harapan ko si Coleen. Pareho kaming matangkad kaya naman halos pantay lang ang aming mukha.

"I don't have the ointment you're telling me. Isa pa, pagod na pagod ako kagabi, I don't have time to treat the wound. Gagaling din naman yan.."

"Kahit na! Puhunan mo 'yang mukha mo diba?"

Natawa ako, "Make up can cover it, wag kang overacting Coleen."

"May ointment ako sa kwarto, teka lang at hahanapin ko."  Bago ko pa siya mapigilan ay nakapagmartsa na siya patungo sa kwarto niya. Napailing na lamang ako.

Nang muli akong humarap ay nahuli ko ang matatalim na tingin ni Fifth sa akin. Nagtaas ako ng kilay.

"I don't like you," diretso nitong sinabi habang nakatitig sa mga mata ko.

Humalukipkip ako at ngumisi, "I know, I know what you've been doing Fifth Montgomery. Checking my background, my unit and my life. Sad to say pero wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto, it's not you who's my friend anyway."

"You're not good for my sister, I don't want her to be like you.." dinaanan nito ng tingin ang buong katawan ko.

"Believe me, Fifth, hindi ko rin gustong matulad siya sakin. You don't know what's with my life, ako lang ang nakakaalam. Ako lang din ang nakakaalam kung paano ilalayo si Coleen sa ganoon."

Hindi ito nakasagot, nanatili lamang ang mabibigat nitong titig sa akin hanggang sa makabalik ang kapatid.

Coleen helped me put ointment on the side of my lips. Si Fifth ay nanatiling tahimik sa buong oras ng pananatili niya sa unit ko. Nagsalita lamang ito nang magpapaalam na sa kapatid para sa isang meeting daw ng crew sa Fiasco.

Coleen stayed with me the whole day. Dahil wala naman akong lakad ay nanood lamang kami ng movies. Nagluto ako ng pananghalian at nang sumapit ang alas-kuwatro ay tumawag ang kuya niya na susunduin na siya.

"Sama ka samin Ate!"

Umarko ang kilay ko sa sinabi nito, "At anong gagawin ko sa bahay niyo?"

"Sleepover! Ikaw naman ang makitulog samin ngayon, I think it will be fun!"

"Bakit ako makikitulog sa inyo kung may bahay naman ako?"

Hinampas nito ang braso ko, "Ito naman! Pagbigyan mo naman ako minsan!"

Natawa ako. She's a good girl yes pero hindi talaga maitatago ang pagka-brat nito lalo na kapag hindi nasusunod o nakukuha ang gusto. Everyone around her spoiled her a lot, lalo na si Ice.

"Sige na naman Ate, I'll introduce you to mom and dad. Gustong-gusto ka lang talaga nilang ma-meet. If you're thinking they won't like you, you're wrong Ate. Before anything else ay ipinaintindi ko na sa kanila ang lahat. Kaya nga lalong gusto kang ma-meet ni mommy!"

Naihilamos ko nalang ang kamay sa palad ko. At talagang ikinwento niya na nga ang talambuhay ko sa mga magulang niya.

I sighed in defeat, "Fine fine, wala rin naman akong gagawin ngayon."

Ngumisi ito at napailing nalang ako. She got what she wants.

Inayos ko muna ang mga damit na dadalhin bago naligo at nagbihis. Alas-singko nang dumating si Fifth. Mukhang well-informed ito sa plano ni Col dahil hindi na ito nagulat nang malamang sasama ako.

Ipipilit ko sanang gamitin ang kotse ko pero hindi ito pumayag. Dadaan daw kami sa EDSA at baka magkahiwalay kami kung magcoconvoy. Wala na rin akong nagawa.

Isang kumikinang sa linis at ayos na black Range Rover ang sasakyan ni Fifth Montgomery. Naghuhumiyaw ito ng karangyaan ng pamilya nila sa buhay. Pinaghalong amoy ng lalaki at isa pang mabangong amoy ang loob ng sasakyan.

"I prepared a lot for this night Ate!" Excited na excited si Coleen na nakaupo sa harapan.

I rolled my eyes, planado niya talaga ito. She knows she will do everything to make me come with her tonight, she knows me very well, alam niyang hindi ko siya tatanggihan.

Madaming kwento si Coleen sa loob ng halos isang oras na biyahe patungo sa kanilang mansyon sa Antipolo. Tahimik lang kaming nakikinig ni Fifth sa kaniya.

Nang tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay ay napagtanto kong nakarating na kami. Ang malaking gate ay bumukas para makapasok ang magandang sasakyan.

Tanaw na tanaw sa labas ng bintana ang malaking garden na may fountain sa gitna. Umikot doon ang sasakyan bago tumigil sa mismong entrada ng bahay.

Bumaba si Fifth at pinagbuksan ang kapatid. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya rin ako at ginawa ko na iyon para sa aking sarili. Nagtaas ito ng kilay nang makita ang ginawa ko. Pinantayan ko lamang ang tinging ipinukol niya sa akin.

May lumapit na lalaking naka-puting long sleeves, ibinigay niya doon ang susi.

"Mommy we're home!" Malakas ang pagkakasigaw ni Coleen, halos narinig ko ang echo sa buong bahay.

Napangiwi ako at napaatras. Naramdaman ko kaagad na may bumangga sa likod ko. Bago pa ako makalingon ay alam ko na agad kung sino iyon dahil sa pabango nitong nasinghot ko. Agad akong tumuwid sa pagkakatayo.

"Sorry.." I murmured. Hindi ito sumagot at basta na lamang akong nilagpasan.

Hinila ako ni Coleen papasok sa mansyon at halos malula ako sa magarang pagkakaayos nito.

Sa kanan ay mayroong isang sala set na mayroong napakalaking flatscreen TV. May grand piano di kalayuan doon at sa dingding ay may nakasabit na naglalakihang portraits ng bawat miyembro ng pamilya.

Halos matulala ako sa larawan ni Fifth Montgomery. He's wearing a black long sleeves, very formal maging ang pagkakaayos sa kaniyang buhok. And his eyes.. his eyes felt like staring at me, at every move I do. Bigla ay kinilabutan ako.

Napawi ang atensyon ko nang marinig ang maingay na pagbaba ng mga takong mula sa grand staircase na nasa gitna. Mula roon ay nakita ko ang isang maganda at maputing babae na dahan-dahang bumababa. Her long wavy hair falls on her shoulder, at ang nude na damit ay yumayakap ng husto sa hubog ng kaniyang katawan.

Ngumiti ito nang makita ako. Halos hindi ako makapaniwala nang tawagin siyang mommy ni Coleen. "Mom, this is Nicaseane, my sister at heart. Ate, this is my mom, Larysse Montgomery."

Humakbang ako upang pormal sanang makipagkilala pero halos ikagulat ko nang yakapin ako nito. Bumeso pa ito sa aking pisngi.

"It's nice to finally meet you, Nicaseane. Coleen always tell me things about you. Kamusta ka hija?"

I forced myself to atleast give a polite smile kahit na hindi ko alam kung hindi ba halatang ikinabigla ko ang mainit niyang pagtanggap. I am almost starstrucked. Hindi ko alam na ganito kaganda at kabait ang mommy ni Coleen.

"Thank you for inviting me Tita." Sa wakas ay nasabi ko.

"Oh no worries, you're always welcome here Nicaseane. I want to express my gratitude to you for looking after my precious daughter. Alam mong siya lang ang naririto sa bansa hindi ba? I'm so relieved that she has a friend like you."

Ngumiti ako dahil sa kawalan ng masasabi. I am indeed rendered speechless. Hindi mukhang ina ang mommy nila, she looks so young! At kamukhang-kamukha niya iyong kapatid na babae ni Coleen.

"Narito na ba ang bisita? Pwede nang kumain?"

"Dad!"

God, this is a family of greek gods. At ako? Kahit marami nang nakapagsabing maganda ako, tila ako nawalan ng kumpyansa sa sarili nang makaharap na ang buong pamilya ni Coleen.

Kitang-kita ko ang pinagmanahan ni Fifth, his dad. Ang height nito na hindi biro at ang perpektong hubog ng mukha nito, lahat mula sa kaniyang ama. Siguro ay ang pagiging maputi lamang ang nakuha niya sa ina dahil hindi ganoon kaputi ang daddy nila.

Nang makababa sa hagdanan ay agad nitong hinapit sa bewang ang asawa at hinalikan sa pisngi. Nang humarap sa akin ay ngumiti ito. I was stunned, halos isipin kong ngumingiti ngayon sa akin ang isang Fifth Montgomery.

Ipinakilala akong muli ni Coleen sa daddy niya. We shook hands but I was still speechless.

Napawi lamang ang atensyon namin nang mula sa ikalawang palapag ng mansyon ay may nagsalitang babae.

"I'm hungry, can we just eat now?" Her lazy look is so visible and I recognized she's Asha Montgomery, pangalawa sa kanilang magkakapatid.

Sa likuran niya ay nakita kong nakatayo si Fifth. Nanonood lamang pala sila sa amin mula doon.

"Gutom na ang mga anak mo, let's eat now since Nicaseane's already here."

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. Ako lang pala ang hinihintay nila bago kumain.

Inakay nila ako patungo sa dining area. Bumungad sa akin ang classic styled dining table na may labing-apat na upuan. Inokupa namin ang halos kalahati nito.

"Dito ka Ate," Ipinaghila ako ni Coleen ng upuan. Umupo naman siya sa tabi ko, nasa tabi niya ang mommy nila.

Their dad's on the usual seats for fathers on the table. Sa harapan namin ay umupo ang dalawang bagong dating, Asha and Fifth, who are both simmering with arrogance and some unexplainable air. Hindi mo maipagkakailang magkapatid sila, their features are all the same, ibang-iba sa malambot at inosenteng mukha ni Coleen.

"Ako ang nagluto ng mga iyan Nicaseane, sana ay magustuhan mo." Tita Larysse smiled at me and I couldn't remain calm.

Hiyang-hiya ako sa ipinakikita nilang hospitality, sobra sobra para sa akin at hindi ako sanay. No one ever treated me like this, kahit ang pamilya ng sarili kong ama ay hindi ako tanggap.

Habang kumakain ay nagkukwento si Coleen tungkol sa pagkakaibigan namin. Tahimik lamang ang dalawa niyang kapatid at ang mommy't daddy niya lang ang nagpapakita ng interes.

Kaya nagulat ako nang bigla ay nagtanong si Asha. "We're the same age? So how have you been able to afford studying in such a school? And you have car and a condo unit?" Nakataas ang kilay nito sa akin.

I'm not sure if she's being sarcastic or she's really curious. Bago pa ako makasagot ay naunahan na ako ni Coleen.

"She's a model, hindi ka ba nanonood ng runways? She was once in a catwalk in Canada."

"Oh a pretty face," tumango-tango ito. I knew it, it's sarcasm.

Coleen shifted on her seat, nasulyapan ko ang iritasyon niya sa kapatid. Hinawakan ko ito sa siko dahil alam kong hindi sila magkasundo ng ate niya.

She never liked her sister, not just because she's Ice's ex-girlfriend, mayroon pang mas malalim na dahilan. At ganoon din si Asha sa kaniya, they don't like each other.

"Just finish your dessert Asha," Fifth cut her off, mukhang napansin na rin ang iritasyon ng bunsong kapatid.

"Asha when will you ever learn to keep your mouth close if you have nothing good to say?" Saway ng mommy nito na ngayon ay inaalo na si Coleen sa tabi ko.

Asha gave out an incredible laugh, "What mom? Did I say something wrong?"

Hindi sumagot ang mommy nito kaya bigla ay sa akin siya tumingin, "I'm sorry pero na-offend ba kita?"

Tinitigan ko ito. The way she talks and the way she looks at me says she dislikes me. Tinignan ko ang lalaking katabi niya at nakita ko ang parehong ekspresyon.

"Asha!" Saway ng kanilang ama.

Asha rolled her eyes, tumayo ito na tila ba normal lang sa kaniya ang masigawan. My god, is she even real?

"I'm done here, bye." Ngumisi ito. Napailing ang daddy't mommy nila.

"I'm sorry about that Nicaseane," Tita Larysse shot me an apologetic look.

Ngumiti ako at bumaling kay Coleen. I think I know why she preferred to study here than to be with them abroad.

**

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status