Francine POV
Pagkarating ko sa comfort room ay biglang bumuhos ang masaganang luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang konsensya ang nadarama ko. Sobrang bigat sa pakiramdam!
"S-sorry Crys, I'm s-sorry. Hindi kita nailigtas." puno ng hinagpis na anas ko.
Pumasok ako sa isa sa mga cubicle na narito. Baka biglang may pumasok at makita pa akong ganito. Ng nasa loob na ako ng cubicle ay inayos ko ang sarili ko.
Habang nag aayos ako ay narinig kung nagbukas ang pinto senyales na may pumasok rito. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may narinig akong kausap niya sa telepono.
"Ow hello! Okay lang naman. Ikaw kamusta?" sabi nito sa kausap.
"Sigurado ka ba? Syempre! Kailangan talaga nilang magbayad sa nangyari! Hindi maaaring walang may managot, pero mag ingat ka din." bigla akong naguluhan sa sinasabi niya sa kanyang kausap pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito.
Mabilis akong lumabas ng cubicle kung nasaan ako at mabilis na naglakad patungo sa pinto. Akmang pipihitin ko na ito ng biglang may nagsalita sa tabi ko na ikinagulat ko.
"Mukhang nagmamadali kang umalis?" mas lalong lumalaki ang mata ko ng makilala kung sino ang nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali, siya ang babaeng nakita namin sa park. Iyong sinabihan ni Nathalie na baliw.
Hindi ko man lang napansin na nakalabas na pala ito sa cubicle kung nasaan siya."P-paanong nandito ka? P-paano ka nakapasok dito? S-sino ka?" nauutal na wika ko.
"Gusto mo bang malaman? Pero bago 'yon tatanungin muna kita. Handa ka na bang mamatay pag nalaman mo kung sino ako?" nakangising turan nito na nakapagbigay ng kilabot sa buong sistema ko.
Sino ba ang babaeng ito!
Pinihit ko ulit ang pinto para lumabas na ngunit ayaw nitong magbukas. Parang may pumipigil nito sa labas. Pagkatapos biglang nagpatay sindi ang ilaw na mas lalo kung kinatakot.
"Sino ka ba talaga? At anong kailangan mo!" buong lakas na sigaw ko habang pinipigilan ang maiyak.
Tumawa naman ito ng malakas dahilan para matigil ako. "Please lang palabasin mo na ako." mahinang bulong ko na alam kung narinig niya."Huwag kang matakot. Nagkataon lang na nag comfort room ako. At sa tanong mo naman I have ways kung paano ako nakapasok. Huwag kang mataranta. Wala naman akong gagawin sayo, pero siya meron." makahulugang sabi nito.
Naguluhan na naman ako sa pinagsasabi niya. Baliw ba talaga ang isang 'to o hindi? Base sa kilos at pananalita niya halatang matino naman ito. At isa pa alam kung hindi siya dito nag aaral dahil ngayon ko lang siya nakita rito.
"S-sinong siya? A-ano b-bang pinagsasabi mo?" kinakabahan na tanong ko.
Ngumiti lamang ito at bumulong sa akin na kinaatras ko. "Matalino ka hinid ba? Ano ang silbi ng pagiging top 3 mo kung hindi mo alam, Jane."
Naglakad ito ulit papalapit sakin at napaiwas naman ako pero natawa lang ito at dumiretso nasa pinto.
"Huwag kang masyadong tense napaghahalataan kang may ginawang kasalanan.Praning kana." halakhak nito bago tuluyang lumabas.
Napasalampak na lang ako sa sahig habang nanginginig sa sobrang takot. Nasa isip ko kung sino ba talaga ang babaeng 'yon at kung anong kaugnayan nito kay Crystal. May alam kaya ito sa nangyari o baka napaparanoid lang ako at iba naman ang ibig sabihin nito.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakakilos dahil sa nangyari. Gulong gulo na ang isip ko at marami ng katanungan ang gusto kung magkaroon ng kasagutan. Oo tama ang babae kanina matalino nga ako pero sa ganitong sitwasyon at masasabi kung ang tanga ko.
Nanatiling nakaupo lang ako sa sahig, laking pasasalamat ko na lang siya at wala pang pumasok dito na mga kapwa ko estudyante. Pagkatapos ng ilang minutong pananatili ko doon ay tumayo na ako at nag ayos bago tuluyang lumabas.
Sa kabilang dako naman ay magkasama sina Kim, Nathalie at Sophia na kanina pa naghihintay sa pagbabalik ni Jane. Natapos na lang kasi ang announcement at lumabas na ang adviser nila ngunit wala pa rin ang kaibigan nila at kanina pa aligaga si Kim sa hindi malaman na dahilan, sobra ang pag aalala niya sa dalaga.
Mayamaya pa ay natanaw nila ang dalaga na naglalakad pero parang wala ito sa sarili. Agad nila itong sinalubong.
"Bakit ang tagal mo?" panimula ni Nathalie.
"San ka ba galing? Sabi mo sa restroom ka lang." segunda naman ni Sophia.
"What happen? Okay ka lang?" tanong naman ni Kim.
Napansin kasi ni Kim na parang namumutla ito at hindi mapakali.
Ngumiti lang ito ng tipid sa kanila. "Okay lang ako. May kausap lang ako na schoolmate natin kaya natagalan ako. Tara nasa canteen, nagugutom na kasi ako." untag niya.
Tumango naman sila at naglakad na papunta sa canteen. Habang naglalakad sila ay nakarinig sila ng mga bulungan na kesyo may bago daw, na may transferee at babae daw ito.
Ng marating nila ang canteen ay agad silang umorder at kumain. Panay ang tingin ni Kim kay Jane pero tulala lang ito na halos hindi ginagalaw ang pagkain.
"Okay ka lang ba talaga?" tanong nito kay Jane na ikinatigil din ng dalawa sa pagkain.
Tumango naman ito at sumubo ng kanyang pagkain. "Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko."
"You should drink meds and rest Jane." anas ni Sophia.Tumango naman ito. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa klase.
Habang nakaupo si Kim sa kanyang upuan ay hindi pa rin maalis ang tingin niya sa dalagang si Jane. She looks bothered but knowing her hindi 'yan magsasalita.
Natigil lang ang pagtitig nito sa dalaga ng pumasok ang prof. nila na may kasamang babae. She's familiar! Siya yata ang transferee na pinag uusapan.
"Okay students. You have a new classmate. Please be good to her. Ms. come forward and introduce yourself." wika ng prof. nila.
Agad naman ngumiti ito at nagpunta sa harap.
"Hi everyone. My name is Kia Del Rosario your new classmates. I hope to get along to all of you. Thank you!" pagpapakilala nito sabay ngiti pero nilibot niya ang tingin niya sa apat na magkakaibigan.
Nasa isip ni Kim kung namamalikmata lang ba siya o tama ang nakita niya na pag ngisi nito. Tiningnan niya ang tatlo at mukhang hindi nila iyon napansin.
Gulat pa rin siya hanggang ngayon ng mapagtanto na ang babae ay nakita na niya sa lamay ni Crystal.
'Bakit siya lumipat dito?' tanong nito sa isip niya.
She looks friendly but dangerous also.
Kim POV Natapos na ang klase ay nasa isip ko pa rin ang bago naming kaklase. Kahit na ngayon na nandito na ulit kami sa canteen ay 'yon pa rin ang iniisip ko. "Ang lalim yata ng iniisip mo Kim?" pansin ni Sophia at napatigil din ang dalawa sa pagkain at tumingin sa akin. "Iniisip ko lang 'yong bago nating kaklase." totoong sagot ko. "Crush mo na agad noh?" kantyaw ni Nathalie sabay tingin kay Jane. "Gago! Hindi ah. Isa lang naman ang gusto ko." mabilis na sagot ko. "Bakit anong meron sa kanya?" takang tanong naman ni Jane. "Siguro naman natatandaan niyo siya hindi ba? Nando’n siya sa lamay ni Crystal." tumango naman ang mga ito.
Kim POV Pagkatapos kung maihatid si Jane ay umuwi na ako agad. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong umupo sa sofa. Wala ang parents ko dito dahil nasa ibang bansa sila. Kinuha ko ang earphone ko sa aking bag at agad na nilagay sa tenga para makinig ng music. Habang nakikinig ako ng music sa aking tenga ay biglang nag iba ang kanta, kung kanta nga ba itong matatawag o tula. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo! Ang mahuhuli ko ay papatayin ko." paulit ulit ito Dahil sa narinig ko sa tenga ko ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay may dahilan at kahulugan ang mga katagang 'yon. Bigla bigla na lang pumapasok sa isipan ko si Crystal. Bumabalik sa alaala
Nathalie POV Walang tigil ako sa pagtakbo sa isang madilim na lugar. Hindi ko alam kung saang lugar ako o kung ano ba talaga ang nangyayari. Isa lang ang gusto ko ang makaalis sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat! - biglang may narinig ako na boses na sobrang lamig at nakakatakot "Tumigil ka! Layuan mo ako! Tigilan moko!"- buong lakas na sigaw ko ng hindi ko alam kung nasaan ang nagsabi nito. "Hindi ka makakatakas! Hindi kayo makakatakas! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo. Magbabayad kayo! Buhay kapalit ng buhay!" Nilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko para matakpan ito at hindi ko marinig ang boses ng kung sin
Jane POV “S-sino ka?” nauutal na tanong ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ang dali mo namang makalimot! Ang dali mo naman akong kalimutan Jane" “C--crystal?” mahinang sambit ko. "Mabuti naman at naalala mo pa ako. Dahil ako hinding hindi ko kayo makakalimutan at ang ginawa niyo sa akin!" puno ng galit na saad ng boses. Hindi ko alam kung nasaan siya o sino ba talaga siya. Si crystal ba o hindi? Pero patay na siya! Paanong boses niya ang naririnig kung nagsasalita? Imposible! isip ko "P-patawarin mo ako, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto ang nangyari sayo"-umiiyak na anas ko.
Masayang naglakad palabas ng paaralan ang isang babae, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan dahil sa nangyari. Tuwang tuwa siyang pagmasdan ang mga takot sa mukha ng apat na dahilan kung bakit siya namatay. “Ganyan ang dapat sa inyo, ang nabuhay sa takot.” isip nito. Naghanap muna siya ng banyo para saan makapag palit at ayusin ang sarili, kapag kasi nando’n siya sa loob ay iniiba niya ang itsura ng mukha nito, kaya pinagkakamalan siya ng apat na ‘yon na baliw o weird. Sa ganda kung ‘to baliw lang? Hindi siya mag didisguise kung hindi lang kailangan. Ng makatapos na siyang mag ayos ay agad siya naglakad sa kotse nito na nakapark di kalayuan sa kung nasaan siya. Mabilis siyang sumakay at nagdrive paalis sa lugar na ‘yon. “Ta
Inabot na ng madaling ang magkaibigan pero hindi pa rin sila makatulog sa kakaisip ng mga nangyayari sa kanila sa loob ng ilang linggo. Nanatili pa rin sila sa sofa para magkwentuhan at magbonding na din. Ng biglang tunog ang doorbell, mabuti na lang at gising pa ang isang kasambahay nila Nathalie kaya siya na ang lumabas para tingnan kung may tao ba. Maya maya ay bumalik ito ng walang kasama pero may hawak hawak na kahon. "Ma'am wala naman pong tao, pero nakita ko ito sa gate natin. Nakapangalan sayo." sabi nito sabay lapag ng di kalakihang box. Agad naman nagpasalamat si Nathalie at sinabihan ang kasambahay nila na pwede na siyang bumalik sa kwarto niya. Ng makaalis na ito ay agad naman silang nagkatinginan. Kinuha ni Nathalie ang kahon at binuksan ito sa harap ng kaibigan. Pagkabukas niya nito ay napasigaw siy
May isang binata na dumating sa isang lumang bahay, kung titingnan mo ng mabuti ang bahay ay hindi mo masasabi na luma ito dahil maganda at maayos ang lahat ng nandito simula sa pintura, mga furnitures at iba pa. Isa ito sa pagmamay ari ng binata, nabili niya ito sa murang halaga gamit ang sariling savings nito. Noong unang bili niya rito medyo luma na at may mga sira sira na pero pinarenovate niya ito para magmukhang bago, may care taker ang bahay na ito kaya hindi napapabayaan. Ipinasok niya ang kanyang kotse at agad siyang bumaba rito at nagdire-diretsong nagpakad papasok sa bahay. Agad siyang dumiretso sa taas at binuksan ang isang silid doon, pagpasok niya ay naabutan niya ang kaibigan na doctor na nando’n at tinuturukan ng gamot ang taong nakahiga sa kama. "Nandito ka na pala. Katatapos ko lang iturok sa ka
Isa’t kalahating buwan na ang nakalipas ng mangyari ang hindi inaasahan pagkamatay ni Crystal. Naging tahimik ang buhay ng apat na magkakaibigan, hindi na din sila nakakatanggap ng mga threats at wala na din nangyayari sa kanilang kakaiba. Ngunit mas labis lamang lang nila itong ikinabahala, hindi sila pwedeng maging kampante dahil hindi nila alam kung ano ang pinaplano na gawin ng mga taong nasa likod ng mga ito.Hindi porket tahimik ang buhay nila sa loob ng ng mga nakaraang linggo ay sigurado na silang wala ng ibang mangyayari pa. Mas kailangan nilang mag ingat lalo ngayon dahil sa pananahimik ng mga taong gumugulo sa kanila. Mas doble ang pag iingat na kailangan nilang gawin. Naging mas close pa si Sophia at Kia, hindi dahil sa sinabi ni Kim kung hindi dahil totoong kaibigan ang turing nito sa dalaga, medyo naging mailap na din siya sa kanila Nathalie. Ngayon ay nandito sila sa parking lot para hintayin ang tatlo pa nilang mga kaibigan at sabay sabay na sila pap