“Lao-Lao tayo mga gawi after mid-term, G?”
Feel ko talaga atay ikakamatay nitong si Kino, kakainom lang nito last week kasama mga barkada niya tapos ngayon inom na naman. Punyawang yan. Pero oo nga, ansarap uminom, ‘di na ako makakapaghintay hanggang mid-term, gusto ko na ngayon. Hindi naman ako hardcore kung uminom, tama lang na umikot yung paningin ganon.Palabas na kasi kami ngayon kasi dismissal na, nasa may gate na kami at pahirapan lagi ang paglabas kasi nga madaming estudyante ang kasabayan namin lagi.
“Pwede bang ngayon nalang?” Mahina ‘kong suggest sa kanila. Napatingin tuloy sina Kino.
“G! Lao-Lao lang muna tayo, sa Natura after mid-term!” Ang lakas ng boses, baka mareport pa kami. Ang saya masyado ni Kino, kapag ka group study tumatanggi pero kapag inom, gora agad ang tukmol.
"Hinaan mo nga boses mo, nasa Univ pa tayo badi, baka nakakalimutan mo," saway sa kanya ni Alistair.
Palabas na kami ng gate pero ako lutang na lutang.
“Don nalang tayo mag ambagan,” Sabi ni Reyn na ikinabigla ko, sasama pala siya? Himala ah, tapos ambagan?
“May ambagan palang magaganap mga par?” sabi ko
“Pwede din namang ikaw nalang ibayad namin te, tapos balikan ka nalang namin nextweek” Pilosopong sagot ni Reyn.
“Oo nga Prem, goods ba? HAHA!” Pag sang-ayon pa ni Alistair.
Nagmadali nalang akong maglakad papuntang Lao-Lao, tago kasi siya na tindahan malapit sa University namin kaya goods na goods kaming uminom ‘don.“Hoy, wag nga kayo ganyan, problemado na nga yung tao, oh” Buti pa ‘tong si Pauline, pa-adopt nalang kaya ako sa kanila. Charot.
"Ano ba daw problema niya?" tanong bigla ni Kino.
"Wala oy"
“Utangin ko nalang kaya,” Huminto ako bigla sa paglakad pagkatapos maisip yon kaya yung mga minions sa likod ko, nagbungguan tuloy. Kung ano-ano nalang talaga naiisip ko,e.
Hindi na nila ako sinagot, nagpatuloy nalang kami ulit maglakad at tumawid sa kanto na papasok sa Lao-Lao. Nasa may labasan pa lang kami pero kitang-kita ko na ang tindahan ni Aling Nena. Charot lang ulit. Aling Marites talaga 'yun.
Habang naglalakad kami tapos sila nagdadaldalan, ‘di ko parin maiwasang ‘di isipin kung pano ko so-solusyonan ‘tong problema ko na ‘to.
“Wag mo muna masyadong isipin, may isang lingo ka pa naman,e. Mahahanapan mo din yan ng solusyon, gustuhin ko man na tumulong, wala din akong maibibigay Prem, e,” Gulat man dahil alam pala ni Reyn kung ano ang iniisip ko, pait nalang akong ngumiting nilingon siya sa gilid ko, kasabay sa paglalakad. “Walang titigil ha?” dugtong niya pa na ikinatawa ko.
“Gaga, walang ganon. Sasakay pa tayo ng eroplano.” Sabi ko
May sasabihin pa sana si Reyn ng magsalita si Kino sa likuran namin.
“Tama na yang drama, malapit na tayo, oh” Na ikinatingin din namin sa tanaw na naming tindahan. Wala paring nagbago, may dalawang magkatapat na mataas na upuang kahoy tapos may puno ng mangga sa gilid kaya hindi na din mainit. Kitang-kita na din namin si Aling Marites na nakangiti na agad samin, kilala niya na kasi kami, suki ba naman lagi dito. May mga bahay naman dito kaso tahimik talaga banda dito kasi mayayaman halos nakatira.“Hello po, Aling Marites. Kumusta po?” Magalang na bati ni Kino kay Aling Marites na nakadungaw mula sa tindahan niya.
“Ngayon lang ata kayo napadpad dito?” Kunot noong tanong niya samin.
“Miss niyo lang ho kami,e” sabi ko saba’y tawa.
Lumingon naman agad si Kino sa’kin, muntanga. “Wag ka nga’ng tumawa Prem, baka makain mo na si Aling Marites”
Sinamaan ko siya ng tingin. “Alam mo, kung kumakain lang ako ng tao, ikaw kakainin ko, hindi dahil sa masarap ka kasi hindi ka naman talaga masarap, para lang talaga mawalan ng Kino dito sa mundo.” Sunod-sunod na sabi ko.
“Hindi ba kayo uupo? Kayo pa naman naunang customer ko,” Sabi ni Aling Marites na lumabas sa tindahan niya, dala dala ang maliit na lamesa. Tinulungan naman siya agad nina Kino. “Yon parin ba?” Tanong niya, ibig sabihin ‘non e gaya pa din ba ng usual naming inorder sa kanya na inumin. Pulang kabayo at The Bar.
“As usual, Aling Marites” Sagot naman ni Alistair. Nagsilabasan naman agad sila ng ambagan. Kukuha na sana ako ng pigilan ako ni Reyn.
“Ako na, mars.” Bait talaga oh.
“Thanks. Bawi nalang ako”
“NP, mars” sabay tango niya at nilagay sa lamesa ang 500 pesos. Sina Kino din, 500 ang inambag. Apat kami so 2k din, e ang mura lang ng inumin, laklakan kasi ‘to.
Paglagay ni Aling Marites ng mga inumin na umuusok pa sa lamig, syempre isang baso lang din at may mga chips.
“Hoy! May chika pala ako!” Pasigaw na sabi ni Alistair. Napatakip pa kami ng tenga, partida magkatapat lang kami pero sisigaw pa.
“Ano ba kasi ‘yon?” Tanong ni Reyn na masamang tinitignan si Alistair.
“I was strolling around Architecture Department mga par at hulaan niyo anong nakita ko” taas noo niyang sabi. Nagkatinginan kaming tatlo.
“Syempre tao, alangan naman mga hayop, mukha bang zoo ‘don?” natatawa ‘kong sabi sa kanya.
“Pucha! Hindi pa ako nagkukwento pero nakita ko na naman ulit!” Ang saya niya masyado.
Sabay kaming napatingin nina Reyn sa tinitignan ni Alistair.
“Ah, yan ba? Si Querra yan, nag-iisang babaeng kaibigan nina Mondevar,” Kumunot naman ang noo namin sabay tingin kay Pauline.
“Sino naman yang si Mondevar?” tanong ko.
“Basta” simpleng sagot ni Pauline. Pagtingin ko ulit ‘don kina Querra kuno na naglalakad papasok sa isang skenita, nahagip kong tumingin ang lalaking kasama nila. Ewan ko kung si Mondevar ba yan o kung sino. Lumagok nalang ulit ako ng isang baso at nagkwentuhan ulit kami, ang iingay pa sa lakas ng mga tawa.
"May tanong ako," kagaguhan 'to, dapat alam nila.
"Ano?" sabay nilang tanong
"Ano ang english ng baka?" titig na titig sila sa'kin pero ng marinig ang tanong ko, napakamot nalang sila sa ulo.
"Sabayan niyo na, may tama na ata, sige ano Prem?" sabi ni Kino na may chips pa sa bibig.
"Kornbep," sabay tawa ko ng malakas pero sila hindi lang makapaniwalang tumingin sa'kin.
"Tanga! Cow 'yun, beef is kapag meat na siya," sana ol Alistair
"Alam mo naman siguro ang word na joke diba?" sabi ko
"Walang ganon, mars. HAHAHA!" sabay nilang sabi
Todo pa kami biruan hanggang tumahimik at kanya-kanyang nag phone.
Pasimple ko ulit sinundan ng tingin yung magbabarkadang ‘yun, apat sila, tatlong lalaki at isang babae which is si Querra. Infairness, ang gwapo nung tumingin sa’kin kanina. Mala Daniel Padilla yung haircut, matangos ang ilong, kayumanggi ang balat, medyo may kalakihan ang mata kagaya nga ng kay Daniel saka ang chill lang maglakad. Gwapo nga.
Hindi ko napansin na todo na pala ang nainom ng mga ‘to, ilang bote na din. 6 pm pa naman, kaninang 4 kaming uminom, ang aga aga. Mukhang natamaan na nga ‘tong si Pauline at Reyn,e. Sa aming tatlo, ako yung mataas ang alcohol tolerance, buti na din ‘yun para may mauwian pa akong bahay.
“Pau, browse tayo sa i* ng mga papi sa univ natin, bilis akin na phone mo” Kahit may tama na, hala si*e.
Sina Kino at Alistair naman, naglalaro ng ml, ang iingay nga e. Ako naman tumayo nalang saka tumingin-tingin, bakanteng lote kasi ang katapat nitong tindahan.Tinignan ko ulit kung san eskenita pumasok sina Querra kanina, mukhang taga ‘don sila, malalaki kasi yung bahay ‘don which is left side nitong tindahan ang right side naman likod ng Robinsons ang makikita.
Dumidilim na din pala, ayoko pang umuwi, lalo lang sasakit ulo ko. Kinuha ko na ang bag ko at hindi nila yun napansin, maglalakad nalang ako palabas, ewan kung ‘san dadalhin ng mga paa. Medyo umiikot na din paningin ko pero goods lang, kaya pa. Nakatungo akong maglakad kaya kung may mabangga, sila nalang mag adjust muna, busy ako kakasipa ng mga bato e.
“Kawawa naman yung mga bato” Rinig ‘kong sabi sa likuran ko, may tao ata pero ‘di ko na nilingon, mas lalo lang iikot paningin ko.
“Mas kawawa ako sa kanya,” Sabi ko, sabay hinto sa paglakad at tumingala sa langit, patulo pa nga ang luha.
Sakto pa naman ang daming mga bituin ngayon, gusto ko pa namang mag star gazing kaso wala akong maisip isama, kung ang mga 'yun kasi ang isasama ko, inuman lang ang magaganap.
“It’s only a bad day not a bad life” salita ulit ng nasa likod ko, andyan pa pala siya. Hindi ko nalang pinansin, nagpatuloy nalang ulit ako sa paglalakad. Pinagsasabi niya dyan.
Nasa may University na din pala ako, tumingin ako sa relo ko at nakitang 7 pm na pala, pahirapan pa naman ang sakayan papunta samin. Lalakarin ko lang din papuntang Robinsons, ‘don kasi talaga yung sakayan. Malayo layo pa din pala ang lalakarin ko.
Pero natigil ako sa paglalakad ng masense ‘kong may sumusunod sa’kin, nasa may jollibee na ako malapit sa Robinsons pero baka dahil lang ‘to sa lakas ng tama ng alak.
Oo nga naman, hindi lang naman ako ang tao dito, syudad kaya 'to kaya madami pang nagliliwaliw sa mga oras na 'to.
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana ko, ang sakit ng ulo ko lakas ng hangover. Nasa kanya-kanyang kwarto sila kagabi pag-uwi ko, hindi ako naamoy ni mama. Hindi naman sa pinagbabawalan akong uminom, ayaw lang talaga ni mama na gabi na ako makakauwi. Bumangon ako habang hinihilot ang ulo, masakit parin talaga. Syet, ayoko na talaga uminom. Tinignan ko ang suot ko, ganon parin, gagi hindi pala ako nagbihis kagabi. At ang sapatos saka medyas ko nakakalat pa sa sahig. Tumunog bigla ang phone ko kaya napalingon ako sa side table, ah alarm. S***a! May pasok pala! Agad akong tumayo at dumiretso sa cr at naligo. Sana 7 am ‘yun na alarm, ayoko ng tumakbo, nakakahingal tapos masakit pa ulo ko. Pagkatapos na pagkatapos ko maligo, chineck ko muna ‘yung phone ko kung anong oras ‘yun nag alarm. Buti naman at 7 am nga, napaup
“Class dismissed. Don’t forget to submit your Chapter 1 tomorrow and please use A4 paper”Bilin sa’min ng Prof namin sa Society and Culture subject. Yes, thesis na ito. Jusko! Puyatan na naman, rejection na naman. Thou ‘di pa naman nare-reject mga research or thesis papers ko, I love researching, I love digging informations just to know sort of details in regards of something.I was fixing my things nang makaramdam ako ng gutom. Syet, ‘di pala ako nag breakfast saka lunch. Goods lang, hindi ko pa ‘to ikakamatay. Kinuha ko nalang water bottle ko sa bag saka uminom.“Badi! Gagu, pare! Dumaan crush ko!” Napalingon ako kina Alistair na nasa bintana, nakadungaw. Sinundan ko naman kung saan sila tumitingin.Ah, ‘yung Querra. Kasama din ‘yung tatlong lalaki na friends niya. Which is andon din si guy na tumingin sa’kin ‘nung inuman
1 new messageUnknown number: Prem, okay ka lang?Naglalakad ako sa may simbahan, may gate din kasi ‘dun sa dulo papasok sa school namin. Binasa ko ang message naman ng kung sino. Napalingon-lingon tuloy ako sa paligid kasi mukha nakita niya akong mukhang tanga naglalakad, naligo naman ako pero inaantok parin ako dahil nga tinapos ko pa yung Chapter 1 na ipapasa ngayon.To Unknown number:Kung pinadala ka ni satanas, sa iba ka nalang manggulo.Reply ko ‘dun at nilagay na ang phone sa bulsa ng pants ko. Pagkapasok ko ng gate, pagsinu-swerte ka nga naman, nakita ko si Kino sa canteen, kumakain ng brownies saka may hawak na lemon juice habang kausap ito si, Querra? Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanila, naka side view kasi si Kino hanggang sa umalis na din si Querra. Ang aga naman ng recess niya, kaya ‘di ‘to pumapayat,e. Tumakbo ako papunta sa kanya hinila ng mahina
I still can’t get over how my Kuya betrayed us. Char. Betrayed agad. Parang ganon lang din kasi ‘yun, nanggaling mismo sa mga bibig niya ‘nun na hinding-hindi niya magawang mag-cutting classes. Mas lalo niya lang akong nabigo, I am expecting an older sibling na pwede ‘kong makapitan pero hindi ko lubos maisip na mukhang sila pa ata ang kumakapit sa’kin. I mean, it’s fine thou kasi family kami pero I am vulnerable than what they think. Ewan ko kung paano ko narating ang theatre room sa lagay ‘kong ‘to. Ewan ko din kung ilang oras na akong nakatunganga, nakaupo sa center aisle ng stage. Saka lang ako nabalik sa wisyo nang maingay na pumasok ang mga members ng org. at natahimik nang makita akong nakaupo dito sa stage. Tumayo na rin ako at sinabihan sila na magsiupo dito, agad naman silang umakyat at nagsiupuan. I told them to make a circle para magkakitaan lang kami at marinig ang pag-uusapan sa meeting. “Let’s
Mama: Prem gabi na ako makakauwi ha? Ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo, hahanap muna ako ng mapaghihiraman ng pera, due date na kasi ng kuryente natin. Napahilot ako sa sentido ko sa text na natanggap galing kay mama. Naglalakad na din kasi ako papuntang Robinsons ng makauwi na pero napagdesisyonan ko na pumunta nalang ng city, maghahanap ako ng trabaho. Kailangan ko ng kumilos, bahala na kung magkanda leche leche na ang schedule ko, kahit part time job lang papatusin ko na. Dumiretso pa din ako sa Rob, ‘dun ako sa pedestrian nila tatawid saka sasakay ng jeep papuntang city. Magbabakasali lang ako. Nang makasakay na, kinuha ko na muna ang pamasahe ko sa bag saka ang phone ko para tignan kung anong oras na, 6:30 na din pala, matagal pala natapos ang practice namin kanina. Bumaba ako sa Jollibee sa Aguinaldo Street, ang gilid kasi ‘nun ay mga boutique, susubuka
Nagising ako na puro puti ang nasa paligid. Patay na ba ako? Nilibot ko ang mga mata ko, may nurse sa gilid may kung inaano sa, dextrose? Teka, tinignan ko ang kamay ko at may nakaturok nga na dextrose. Napansin ako ng nurse at kinausap. Akala ko ba patay na ako?“Kumusta ang pakiramdam mo?” Kumunot ang noo ko.“May nurse pala sa langit?” Tumawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa ‘dun? Hindi pa ba ako patay?“Miss Tanjuarez, hindi ka pa patay, okay? Nahimatay ka lang” At doon ko lang napagtanto at naalala ang nangyari.Wala naman na akong nararamdaman. Umayos na ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong bumangon at ang nurse naman ay inayos ang unan sa likuran ko para makasandal ako ng maayos. Napatingin ako sa wall clock sa may gilid, 5 pm na. Pupunta pa ako ng city, maghahanap pa ako ng trabaho, jusk
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari habang pauwi ako. Nakarating ako sa bahay na tulala,namamaga ang mata, yakap yakap ang jacket sa balikat. Narinig ko pa si kuya na nagtanong kung okay lang ba ako. Hindi ko na nakita kung nandon ba si mama. Hindi ako kumain. Pagkapasok ko lang sa kuwarto ay agad akong napaupo sa may pintuan, umiiyak. Palaging nagfa-flash sa’kin ang nangyari. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ‘yun sa akin. Ilang oras din akong nakasandal sa pintuan habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Kinakatok din ako nila Weweng, ni mama saka kuya pero wala silang sagot na nakukuha sa akin.Siguro naririnig nila ‘yung pag-iyak ko. Ni hindi ko maalala kung ano ng nangyari sa gagong ‘yun at wala akong pakealam, tangina niya lang. I swear, hindi na ako pupunta sa mga ganong kanto. Kung walang dumating, ano kayang nangyari sa akin? Kung walang humila sa kanya, nasaksak na siguro ako. Utang ko sa kanya ang b
“Wag na wag na kayong tumapak sa pamamahay na ‘yun! Anong karapatan nilang bastusin kayo ng ganon sa pamamahay pa mismo ng mga magulang ko!” Galit na galit sina papa sa nangyari. Paano ba naman, umuwi kaming luhaan imbis na tumulong lang kay lola. Si mama halos sugurin niya na sila ‘dun,e. Sino ba kasing matutuwa ‘dun. ‘Yung Ciousia naman hindi na talaga natuto, sinupalpal ko na nga the last time na pumunta ako ‘dun. Kaya yan, hindi kami makaimik sa galit ni papa, tumawag kasi siya kay mama kasi hindi ako sumasagot ‘nung sa akin siya tumatawag. Nagalit din si papa kina lolo, alam kasi pala ni papa na pupunta kami ‘dun kasi nagpaalam si lolo sa kanya at bilin pa nito na po-protektahan niya kami kung magkagulo man. Pero ‘asan siya kanina? Wala. Walang nagtanggol. Nanggagalaiti talaga ako sa galit kasi si Weweng umiiyak pa din. Sabi niya natakot talaga daw siya. Wala naman kasi ‘to