Share

Kabanata 4

Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana ko, ang sakit ng ulo ko lakas ng hangover. Nasa kanya-kanyang kwarto sila kagabi pag-uwi ko, hindi ako naamoy ni mama. Hindi naman sa pinagbabawalan akong uminom, ayaw lang talaga ni mama na gabi na ako makakauwi.

Bumangon ako habang hinihilot ang ulo, masakit parin talaga. Syet, ayoko na talaga uminom. Tinignan ko ang suot ko, ganon parin, gagi hindi pala ako nagbihis kagabi. At ang sapatos saka medyas ko nakakalat pa sa sahig. Tumunog bigla ang phone ko kaya napalingon ako sa side table, ah alarm.

S***a! May pasok pala!

Agad akong tumayo at dumiretso sa cr at naligo. Sana 7 am ‘yun na alarm, ayoko ng tumakbo, nakakahingal tapos masakit pa ulo ko. Pagkatapos na pagkatapos ko maligo, chineck ko muna ‘yung phone ko kung anong oras ‘yun nag alarm. Buti naman at 7 am nga, napaupo ako sa kama sapo sapo ang ulo.

Maya-maya nagbihis na ako, grey t-shirt at stripes na skirt, sabay suot sa ID. Hanap-hanap ko pa ang bag ko dahil wala sa kuwarto, dala ko naman ‘yun pag-uwi ah. Biglang bumukas ang pintuan kaya napatayo ako sa pagluhod paharap sa cabinet, si mama pala.

“Yung bag mo nasa sala, maaga ka ba nakauwi kagabi? Hindi na kita napansin, maaga kasi ako natulog,” bungad ni mama habang nakahawak lang sa door knob.

Tumango ako. “Oo ma, mga around 8:30 siguro ‘yun” Syet ito na ‘yun ang paghuhukom kasi nakakunot na ang noo ni mama.

“Ah uwian pala yan ng babaeng matino?” Afatay kang atabs ka. Katakot naman ‘to si mama. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nang makalapit ay inakbayan ko si mama, niyuyugyog pa ang mga balikat niya.

“Ma, 8:30 lang ‘yun, sa susunod isaktong alas dose na. HAHA!” Kinurot niya naman ang tagiliran ko dahil ‘don. Kaya lumayo ako sa kanya at baka mabatukan pa.Biro nga lang, e.

“Oh siya, sige na, bilisan mo na dyan at baka ma-late ka pa,”

“Sige ma” Sinarado ni mama ang pintuan at bumaba na. Napabuntong-hininga ako bigla at kumuha nalang ng medyas sa cabinet. At umupo ulit sa kama para suotin na ‘yun.

Pagkababa ko nakita ko si mama na nagluluto sa kusina, nakapameywang. Nilibot ko ang paningin at walang nakitang Kuya at Weweng, tulog pa siguro, sana ol hindi takot ma-late. Dumiretso ako sa sala at nakita ko nga andon ang bag ko, maliit na bagpack yung sa anello, pinaghalong peach at pink ang kulay. Binitbit ko ‘to tapos dinungaw si mama sa kusina at naglakad papunta ‘don.

“Ma,” tawag ko sa kanya, sumilip ako ng konti sa niluluto niya at nakitang scrambled egg. Lumingon naman siya sa’kin.

“Oh? ‘di ka mag-aagahan? Magbaon ka nalang, e check mo ‘don sa rice cooker na nasa lamesa, nag iwan ako ng kainin para sayo” Kaya pumunta agad ako sa lamesa at binuksana ng rice cooker, konti nalang ‘yung kanin.

“Kumain kana ma?” tanong ko habang dumungaw sa kanya ‘don sa may kusina.

“Hindi na, busog pa naman ako. At saka konti nalang din bigas natin, hanggang kinabukasan nalang yan, ibaon mo na ‘yan” Muli ‘kong tinignan ang kanin, so ‘di siya kakain? Ayoko, ‘di nalang ako magbabaon, okay pa naman ako. Binalik ko nalang ang pantakip. At aalis na sana nang tinawag ako ni mama na palabas na ng kusina.

“Prem,” napahinto ako sa paglalakad saka humarap sa kanya na nilalapag ang plato na may scrambled egg na niluto niya.

“Hindi kana muna makakapagbayad ng tuition fee mo ha? Hindi mo pa naman mid-term diba? Next month pa naman, ‘no? Hindi pa kasi makakapagpadala papa niyo since kaka-start niya palang sa trabaho, saka ang naipon niyang pera, pinag-down niya sa apartment na tutuluyan niya, may pera ako dito pero para lang ‘to sa pangkain natin at sa outreach program na sasalihan ng kuya mo, may project din si weweng,” sunod-sunod na sabi ni mama.

Ngumiti ako kay mama. “Okay lang ma, naiintindihan ko naman,” Bumuntong-hininga naman si mama, aalis nalang ako baka umiyak pa ‘to. “Ah, sige ma, pasok na ako.” Lumapit ako sa kanya saka nagmano.

Lumabas ako sa kinuha ang white shoes sa may shoe rack dito sa terrace namin. At inayos na ang bag sa pagsuot.

“Prem! Baon mo!” sigaw ni mama sa’kin kaya lumingon ako at nakita siya sa may pintuan, palabas na din kasi ako ng gate para makatawid na sa kalsada at maghintay ng sasakyan.

“Hindi na ma! Meron pa ako!” Saka tuluyan na akong lumabas sa gate. Nakita ‘kong may mga estudyante ng naglalakad papunta sa school nila, tumawid na din ako para makapag-antay ng sasakyan, buti maaga pa, hindi pa puno ang mga sasakyan.

Maya-maya may jeep na, sakto diretso Robinsons ang routa, hindi na ako makakapag double rides. Madalas lang kasi yung jeep na didiretso sa syudad, ang karamihan kasi sa Terminal lang saka ulit sasakay ng jeep na papunta sa syudad ng Iligan. Outside sa City kasi kami nakatira kaya hassle talaga, mapapatanong nga ‘yung kung bakit malayo yung school namin.

Sumakay na ako at halos mga estudyante din ang mga kasabayan ko, may sa Saint Michaels College, St. Peters College saka sa Colegio de Iligan. Kumuha na agad ako ng pamasahe, at inabot sa katabi ko para maiabot kay Kuyang driver. Malayo pa yung byahe kaya may time pa para magdrama. Hindi ko kasi alam pano makakabayad sa tuition fee ko, exam na namin nextweek. Hays.

“Para po, kuya” ‘don lang nagising ulirat ko nang mapagtanto na sa traffic light ng Petron na pala kami, si ate gurl na katabi ko ang pumara, kaya bumaba na din ako. As usual, tatawid ako sa pedestrian lane saka maglalakad ng konti papuntang Univ na.

Mapayapa akong naglalakad nang may umakbay bigla sakin.

“yawa!” gulat akong napamura sabay tingin sa gilid ko.

“Yawa ka, Cheevy! Lakas talaga ng amats mo, mag jowa kana nga ng tumigil ka kakahithit ng katol!” Tumawa lang siya sa sinabi ko. Habang ako nakakunot ang noo. Umirap nalang ako at tumingin na ulit sa dinadaanan.

“Self-love ako, woy! Hard pass sa jowa”

“Tanga! Wala lang talagang nagkakagusto sayo kaya self-love nalang”

“Aray naman,Prem. Ang aga mo naman manakit,” Nilingon ko siya at nakalagay pa ang kamay sa d****b na akala mo’y nasasaktan.

“Ang aga din para mukha ni Maui ang makita ko” Palihim akong natawa. Mukha kasi talaga siyang si Maui, ‘yung sa Moana, kulot kasi ang buhok nito na makapal tapos pandak siya na mataba. Cute niya nga,e. Sarap gawing teddy bear sa bahay.

“Ang sama mo naman sa’kin, kaya wala kang jowa,e” ay wow mamshie, may pag atake.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya sa gilid ko.“Alam mo, mauna kana maglakad, please,” tapos siya mukhang tangang nakatitig lang. “Easyhan mo lang ang pagtitig badi, baka ma-fall ka, ‘di pa naman kita sasaluhin kasi mabigat ka HAHA!” naglakad nalang ako ulit, papasok nalang naman sa gate, nakatanga ko siyang iniwan ‘don.

Pero ang tuition fee ko parin talaga. Syet, nakakadistract.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
John Hart
:<<<<<<<<<
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status