Share

Kabanata 2

“Sige, hon. Okay lang, wala naman akong choice,e”

Tumango at ngumiti ako kay mama pagbukas ko ng pintuan ng mapansin niya akong papasok na, nasa may sala kasi siya. May kausap si mama sa phone, halatang si papa. Mukhang problemado nga ang mukha,e. Lumapit ako sa kanya at nagmano na, saka umupo katapat niya.

“Yung papa mo, uuwi na sa susunod na araw” Kakababa lang ng tawag, hawak-hawak lang ni mama ang phone habang nakatingin sa’kin.

“Oh? What’s seems to be the problem, Mrs. Jelyan Tanjuarez?” May pangiti-ngiti pa ako while crossing my arms to enlighten the atmosphere, habang nakahalumbaba sa sofa.

“Uuwi na ang papa mo at hindi na mag-aabroad ulit” Lumungkot ang mukha ni mama na parang ewan ko ba.

Tumaas ang kilay ko. “Edi mabuti, hindi na siya malayo sa’tin” sabi ko.

“Prem, it means sa Manila nalang siya magtatrabaho”

Umirap ako sa kawalan, anong problema ‘don? Ito naman si mama hahanap pa ng problema, halos 10 years na din si papa sa Singapore kaya mas mabuti na din na dito nalang siya magtatrabaho, kung pwede nga lang tapusin ko na agad ang pag-aaral ko e kasi naaawa na din ako kay papa.

“Jusko ma, ayaw mo ba na malapit lang siya sa’tin?”

“Prem, alam mo naman na maliit lang ang sweldohan dito sa pinas, halos nga hindi na umabot sa minimum wage, e. Kahit nga abroad ang papa mo, nagkakaproblema pa din tayo financially, pano nalang kaya kung nasa Manila nalang siya. I mean, walang problema na malapit lang siya sa atin pero ang iniisip ko syempre ang pang araw-araw natin. Madali lang kumita sa Manila Prem pero mabilis lang din maubos ang pera since walang mura ‘don,” Sunod-sunod na sabi ni mama sa’kin. “Uuwi siya sa susunod na araw pero sa Manila siya di-diretso.” Dugtong niya pa.

Napabuntong-hininga nalang ako. “Ba’t kasi hindi niyo ipag-part time yang si kuya, 22 na yan oh, kung pwede nga lang ako, e”

Sa gantong problema, ako lagi kinakausap nila, si kuya kasi puro barkada saka jowa lang ang alam, ni hindi ko nga alam kung nag-aaral pa ba ng maayos. Advantage kaya yung may part time job, atleast may experience kana sa pagtatrabaho. Kung pwede nga lang ako e, kaso ang hectic ng schedule ko lagi sa school.

“Bibihis muna ako saka ako magluluto,” Sabi ko kay mama

“Tapos na ako magluto, hihintayin nalang natin mga kapatid mo, yung kuya mo naglalaro pa ng basketball tapos si Anwayn naglalaro din sa labas” Tumango nalang ako sa sinabi ni mama at tumayo na para umakyat sa kuwarto para magbihis.

Pagkapasok na pagkapasok ko, humilata ako agad at tumunganga sa ceiling ko. Gustong-gusto ko talaga na humilata dito kasi nagpa customize kasi ako ng isang airplane na pwedeng isabit sa ceiling tapos napapalibutan ng mga clouds. Excited na akong sumakay ng eroplano, hindi bilang pasahero, kundi bilang cabin crew o Flight Attendant. Nakakapagod pala ang araw na 'to.

Humiga lang naman ako ‘non pero ‘di ko namalayan na nakatulog na pala ako, paggising ko umaga na. Kaya pala gutom na gutom ako kasi nga ‘di ako nakapag hapunan. Agad akong tumayo at naligo, naka uniform pa akong natulog, tanga talaga. 

"You lift my feet off the ground

 You spin me around, you make me crazi--" napahinto ako sa pagkanta ng tumunog ang phone ko, agad ko itong kinuha sa may sabitan. 

Si Reyn pala ang tumatawag.

“Oh? Bakit? Ang aga-aga ha,” Bungad ko kaagad sa kanya habang nagsasabon sa mukha.

“Tangek! Malapit na mag 8 am tapos wala ka pa dito, lagot kay Hibo, first subject natin siya ngayon. Naiba na ang sched kung ‘di mo pa alam,” Gandang morning na balita from Reyn. “Asan kana ba kasi?” dugtong niya.

“On the way na! Sige na, bye!” Binaba ko na agad ang tawag. OTW amputek, naliligo pa nga lang ako. Ba’t naman kasi si Hibo pa ang first sub. Kainis.

Dali-dali akong naligo, saka 123 na nagbihis. Mukha akong tangang si the flash na nagmamadali, 10 minutes before 8 na kasi.Tinignan ko muna saglit ang suot ko sa body mirror sa gilid ng kama ko, naka white plain t-shirt at saka black pants lang ako, monday lang kasi need mag uniform. Bumaba na ako agad, at nakita ‘kong kumakain sina mama, mabilis akong lumapit at nagmano at binatukan sina kuya.

“Hoy! Breakfast mo!” Rinig kong sigaw ni mama habang ako nasa may terrace na, nagsusuot ng white shoes.

“Hard pass muna, lods!” Na-lods ko pa mama ko, buti paglabas ko ng gate may taxi agad. Sosyal mars may pa taxi na ako ngayon, ngayon lang ‘to.

5 minutes nalang nasa Petron pa ako tapos yung traffic light naka stop pa. Nagbayad nalang ako kay kuya saka bumaba, tatakbuhin ko nalang, malapit nalang din naman. May pedestrian naman kaya 'don ako tumawid since hindi ako marunong talaga tumawid kapag ka sa free way na walang pedestrian, pwera nalang kung may kasabayan.

Hinihingal na ako pero gagi mala-late ako kung rarampa pa ako, madami din akong nakasabayan tumakbo, marathon ata ‘tong sinalihan ko, madami-dami din kaming naghahabol.

Malapit na ako, nasa may church na ako ng Corpus Christi tapos katabi na ‘non ang University, kitang-kita ko din si Sir Hibo na papasok pa lang ng gate. Chamba! Tumakbo ako ng mabilis at inunahan si Sir, agad na nagpasensor sa ID ng mabilisan. Nasa 3rd floor pa ang room namin, hindi sana magka cramps pagdating.

Maya-maya nasa labas na ako ng room,hinihingal pero may nagsalita na sa may harap ko.

“Hinihingal ka ata, Miss Tanjuarez?” Di ba obvious Sir? Duh, dahil ‘to sayo. Gwapo mo masyado. Hindi na binata si Sir ha, gurang na nga yan e.

“Oo nga Sir, may quick marathon kasi sa labas, sumali na ako,” Pilosopo ‘kong sagot ni Sir saka umayos ng tayo at pumasok sa room.

Pagkapasok ko, wow! Kumpleto na ang mga minions, nakangiti pa ang lahat sa’kin. Ako lang ata ang late ngayon ah, 38 students kami all in all kaya madali lang malaman kung sino ang absent, ganon kasi konti lang kami tapos malaki yung room.

“Ako ba happy pill niyo at ngiti-ngiti kayo dyan? Relax, ako lang ‘to” Pagmamayabang ko pa sa mga minions na nasa harap ko habang naglalakad ako papunta sa upuan.

“Ambaho mo naman Prem. Naligo ka ba?” Tumitira na naman ng katol si Cheevy.

“Ikaw nga e, kahit naligo, mabaho pa din” Pang-aasar ko pabalik at ngumiwi sa kanya. Nakakatawa ang mukha.

Umayos na kami ng upo at bumati kay Sir. Grabe yung pawis ko, buti may extra shirt ako sa locker, magbibihis nalang ako mamaya.

“Okay, listen. Malapit na ang mid-term exam natin, I want you to settle your accounts ASAP so we can proceed to the exam right away sa exam days. And I will be giving a short quiz today.” Nabingi ata ako ‘don sa sinabi si Sir. Una, midterm exam na namin, malaki pa ang balance ko sa cashier halos 12k din, pauwi pa naman si papa at panigurado konti lang din ang ipon ‘non. Tapos, short quiz, wala pa naman akong nareview kagabi since maaga ako natulog.

Paano na ‘to? Iiyak na ba ako nito sa Wowowin?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
John Hart
ANG GANDAAA NANG STORYA......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status