Share

Kabanata 5

“Class dismissed. Don’t forget to submit your Chapter 1 tomorrow and please use A4 paper”

Bilin sa’min ng Prof namin sa Society and Culture subject. Yes, thesis na ito. Jusko! Puyatan na naman, rejection na naman. Thou ‘di pa naman nare-reject mga research or thesis papers ko, I love researching, I love digging informations just to know sort of details in regards of something.

I was fixing my things nang makaramdam ako ng gutom. Syet, ‘di pala ako nag breakfast saka lunch. Goods lang, hindi ko pa ‘to ikakamatay. Kinuha ko nalang water bottle ko sa bag saka uminom.

“Badi! Gagu, pare! Dumaan crush ko!” Napalingon ako kina Alistair na nasa bintana, nakadungaw. Sinundan ko naman kung saan sila tumitingin.

Ah, ‘yung Querra. Kasama din ‘yung tatlong lalaki na friends niya. Which is andon din si guy na tumingin sa’kin ‘nung inuman namin sa Lao-Lao. Kinuha ko ang phone ko sa bag dahil nag vibrate.

1 new message

Kuya Zeke:

Prem! Saan ka? Uwi ka muna bilis!

Walang pasubaling akong kumilos agad, tumayo ako sa kinauupuan ko saka nilagay ang water bottle sa bag at dali-daling tumakbo. Rinig ko pa ang sigaw nina Reyn dahil sa hindi ko pagpaalam. Mag-aalala ang mga ‘yun sa’kin.

Nasa 2nd floor palang ako, hinihingal na ako. Pero mas binilisan ko pa kahit na may nababangga na akong ibang estudyante. Pagkalabas ko ng Univ, pumara agad ako ng taxi. Taxi na naman, sabog wallet ko nito.

“Kuya, Liberty Heights po, pwede po ba natin pakibilisan?” Hinihingal ‘kong pakiusap kay kuyang driver ng makasakay ako.

“Sige po”

Nag-aalala na ako, hindi ko ‘din matawagan si kuya since wala akong load.Wala na kasi akong pang plan. Kaya naisipan ko nalang i-chat, buti naka active now.

Prem: Kuya, pauwi na ako. Anong nangyayari ba?

Zacharius: typing…

Zacharius: Basta umuwi kana muna.

Seen

Ano ba kasing nangyari, kapag ka nag-aaway sila ni papa hindi naman ganon reactions niya. Kapag ka pasaway sina kuya, hindi din naman. Isa lang ang sure ako, yung mga kamag-anak namin. Nanggagalaiti ako sa galit, iniisip ko palang. ‘Yung kapatid kasi ni papa, nakapangasawa ng demonyo, este walang modo. Kung ano-anong issue ang ginagawa sa amin kaya pati sila lola at lolo na brainwashed na nila kaya kami dumistansya na sa kanila.

Huminto na ang taxi kaya magbabayad na ako kay kuya. “Magkano po?”

“250 ma’am” Gulat akong napatingin kay kuya. Shocks, 250. Pagkatingin ko sa wallet ko, ‘yung ipon ko ang magagamit. Bahala na. Inabot ko na kay kuya saka bumaba na, dali-daling tumakbo sa bahay.

Pagkapasok ko,napalingon agad sila at si mama nakita ko, umiiyak at habol habol ang hininga habang si kuya pinapaypayan siya at pinagpapawisan na. Si weweng naman, umiiyak na sa gilid at pilit pinapatahan si mama.

“Ano ba nangyari?!” bungad ko kina kuya

“Hindi ko din alam Prem,” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi saka nilagay ang bag sa kung saan.

“Anong hindi mo alam?! Kayo lang ang nandito tapos hindi niyo alam?!” Sigaw ko sa kanya, umiinit na ang ulo ko. Panong hindi alam e mas mauna pa ‘to dumadating sa’kin tapos hindi alam?

“Bakit ba parang ako pa ang sinisisi mo?! Pagdating ko dito, umiiyak na si mama at ‘di ko makausap! Kita mo naman siguro oh, naka ID pa nga ako!” Ngayon ko lang napansin na naka ID pa pala siya. Hindi ko nalang siya sinagot pa at lumapit nalang kay mama.

Naiiyak na din ako, ayaw na ayaw ko talagang nakikita si mama na ganito.

“Ma, tahan na muna ma,” sabi ko habang inaalo ang likod niya. Nilingon ko ang kapatid ko, siguro alam niya ang nangyari. “Weng, ano ba nangyari?”

Humihikbi pa siya at nagkatinginan sila ni mama na para bang ayaw pang sabihin. “Kasi ate, pumunta dito sina lolo at-” Hindi ko na siya pinatapos ng tinaas ko ang mga palad ko para patigilin siya. Parang alam ko na nga.

Napatayo ako sa pagkakaluhod sa harap ni mama at napatingala nalang dahil pabagsak na ang mga luha ko. Agad akong napalingon ng maramdaman ang mga kamay ni mama sa mga balikat ko.

“Prem” Mugto ang mga mata ni mama, halos basa na nga ang buong mukha sa pawis at luha.

“Ma, ano ba hindi pa kayo okay, umupo na muna kayo,” sinunod niya naman ako.

“Ano na naman ba ang issue ma?” nakapameywang akong nakaharap kay mama na humihikbi at putlang-putla.

“May pamigay na bigas kasi sina Governor kanina tapos si lolo niyo ang kumuha sa share natin at hinatid dito sa bahay, bali tatlong half-sack ‘yun tapos atin ang isa,” Hindi pa tapos si mama, napatigil siya ng huminga siya ng malalim, tumutulo pa din ang mga luha.

“Pagkapunta ko kina tita mo, sinabi niya sa’kin na pinaparinggan daw ako ng biyenan ng lolo mo na kumuha-kuha daw ako ng share natin, e hindi naman daw tayo kasali, wala man daw’ng atin ‘don, napaka patay gutom daw,” Napasipa ako sa sofa sa sinabi ni mama, si kuya naman nakatunganga sa sahig at nanginginig na ang mga kamay sa galit habang si mama umiiyak na naman.

“Piste! Nasan ang bigas ma?! Ibalik natin! Sana pala hindi mo nalang tinanggap!”

“Alam niyo naman na hindi ako tumatanggap, kaso Prem wala na tayong bigas at atin naman talaga ‘yun.” Dugtong pa ni mama.

“Hindi ma! Kung ganyan lang din namang mga salita ang matatanggap natin, ibalik nalang natin! Kaya natin mabuhay na walang tulong galing sa kanila!” Pawis na pawis na ako dahil ramdam ko ang init sa katawan dahil sa galit.

“Anong sinabi ni lolo tungkol dyan ma?” Bigla tanong ni kuya kay mama na ikinalingon ko.

“Sabi niya, hayaan nalang daw natin si Maddy,”

Napahuntong hininga nalang ako dahil hindi kami makapaniwala sa sinabi ni lolo. Yan lang ‘din yung sinabi niya nung last na may binatong issue din samin yang si Maddy na yan.

“Hayaan? Ah, hayaan.” Malumanay na sabi ni kuya pero mabilis na lumakad papunta sa kusina.

“Ito ba yung bigas ma?” napalingon kami kay kuya na dala-dala ang bigas.

“Oo yan nga, bakit?” sagot ni mama

Natinag kami ng mabilis na kinuha ni kuya ang susi ng motor niya at lumabas. “Pupunta ka kina lolo? Sasama ako” desidido ‘kong sabi at nilingon si mama na nasapo ulit ang ulo at umiiyak padin.

Agad pinaandar ni kuya ang motor at ako naman nasa may gate at bitbit na ang bigas. Alam ‘kong grasya ‘to at hindi na pwedeng ibalik kasi binigay na, kung ganito lang din pala ang maririnig namin, huwag nalang. Salamat nalang.

Huminto si kuya saglit para hintayin ako habang sinasarado ko ang gate. Pagkatapos ay sumakay na ako. Malayo-layo pa kina lolo, sa kabilang barangay. Kabilang barangay pa yan ha pero ang issue abot-abot sa’min. Hindi pa naman ako pwedeng magalit ng sobra kasi baka manigas na naman ang katawan ko at kaposin ako sa paghinga. Pero kapag ka pamilya mo na ang pinupuntirya, wala ka talagang masasanto kahit kanino.

Pagkadating namin, kitang-kita ko na agad ang lecheng babae na nagsasampay sa labas ng bahay. Mas lalo lang gumulo ang labas ng bahay nila, andaming mga tanim, hindi naman magaganda, pandagdag lang sa lamok. Nakabukas lang ang gate tapos si lola nasa tindahan niya, yung kotse nila nasa labas so nandito sila lahat.

Titig na titig ako sa maganda nilang biyenan, sarap niyang sabunutan. Pagkababa ko sa motor, diretso ako sa kanya na mukhang nagulat pa.

Binigay ko sa kanya ang bigas, na may buong pwersa, halong galit yan. “Oh! Ayan na ang bigas, half-sack na pinagpuputok ng atay mo, i*****k mo yan sa baga mo! Kapal kapal ng mukha mong sabihin kami na patay gutom! Bakit ikaw?! Anong tingin mo sa sarili mo?! Kasado na kayo, may anak na tapos nakaasa pa din sa magulang?! Galing mong gumawa ng issue pero hindi niyo magawang bumili ng sariling kaldero at plato?! Hoy! Mahiya naman kayo!” sunod-sunod ‘kong sigaw, pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakealam, masasabihan na ako na walang respeto nito kasi ginaganto ko lang ang mas matanda sa’kin.

Magsasalita na sana siya ng lumabas ang asawa niya which is kapatid ni papa.

“Anong sabi mo Prem?” inis naman akong lumingon, ipapaulit niya ba? Sana pala ni-record ko nalang.

“Bakit niya pa uulitin? Once is enough, hindi niyo ba alam ‘yun?” pilosopong sagot ni kuya habang chill lang na nakasandal sa motor. Alam niya kasi na kapag galit ako, kaya ko na ang sarili ko.

“Ang bastos na ng bunganga mo Prem, ah?” napalingon ako sa nagsalita, si lolo na kakalabas ng gate.

“Bakit parang kasalanan ko?”

“Saan mo natutunang magsalita ng ganyan sa mas nakakatanda sayo? Wala ka bang respeto? Hindi naman ganyan ang mga magulang mo” basing-basa ko sa mukha ni lolo kung gaano siya ka-disappointed sa’kin.

Hinarap ko ulit si Maddy. “Bakit ko naman rerespetuhin ang mga taong hindi deserve respetuhin? At oo, hindi nga ganto sina mama, alam niyo naman pala pero kung tapak tapakan niyo kami parang ang laki ng kasalanan namin sa inyo. Porket marunong na sumagot sagot sa mas nakakatanda, bastos na agad? O hindi lang kayo makapaniwala na may ganto palang mga anak na ipagtatanggol ang mga magulang? Hindi ba kabastusan din ang ginawa niyo? Hindi naman pala kinukulang sa bigas itong biyenan niyo, e pero halos lumuwa na ang mata sa sobrang payat,” paiyak na si Maddy pero hindi pa ako tapos.

“Oh, wag kang umiyak, AUNTIE. Saka kana umiyak kapag ka naibalik mo lahat ng iniyak ng mama ko.” Inem-phasize ko talaga yung auntie, para may respeto slight.

“Tara na, Prem,” aya sa’kin ni kuya.

Inisa-isa ko silang tignan. “Ulitin niyo pa ang ginawa niyo, magkakalimutan talaga tayo.” Sabay talikod ko at lakad papunta sa motor na nakaandar na.

“Grabe, kapatid ko pa ba ‘yung kanina? Iba ka talaga lodicakes!”

Kakarating lang namin ni kuya sa bahay tapos ‘yun ang bungad niya pagkatapos hinubad ang helmet sa ulo. Halos wala akong maramdamang energy after that scene. Drain na drain ata ko since wala akong nakain ngayong araw tapos ‘yun lang ata ang natitira ‘kong lakas.

Nginitian ko lang si kuya tapos nilagpasan na siya at pumasok sa bahay. Nakakunot noo niya akong sinundan ng tingin.

“Okay ka lang, Prem?” Tumango lang ako habang naglalakad papasok sa bahay.

Pagkapasok ko sa bahay napansin agad ako ni mama, nag-aalala siyang tumayo. Lalapit na sana siya nang nagsalita ako. Pagod akong tumingin sa kanya.

“Ma, wag na kayong tumanggap ng kahit ano galing sa kanila, kahit si lolo o lola pa ang magbigay, hindi natin sila kailangan, please lang”

“Pero Prem, sayang din ‘yun, sa gobyerno naman ‘yun galing,e. Wala na tayong bigas, Prem,” Paiyak na sabi ni mama.

Napahilot ako sa sentido ko. “Ako na bibili,” naglakad ako papunta sa sofa para kunin ang wallet ko sa bag. Mukhang mauubos talaga ‘tong ipon ko pero okay lang, kami-kami din naman ang makikinabang. “Weng, bili ka muna ‘don sa tindahan nang 5 kilos lang muna na bigas, may sukli pa nyan, wag mo kalimutan.” Utos ko kay weweng na nasa tabi ni mama, tinanggap niya naman agad ang pera saka naglakad palabas. Sinundan ko ng tingin at nakita din si kuya na papasok.

“Oh, saan ‘yun pupunta si weweng?” tanong niya na nasa may pintuan bitbit pa din ang helmet niya.

“Bibili ng bigas,” simpleng sagot ko at naglakad na ako para umakyat na sa kuwarto. Pagod na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong kakainin namin sa susunod pa na mga araw. Napahinto ako nang nasa may hagdan na ako, muli ‘kong tinignan sina mama na nasa sala. Si mama na nakatingin lang labas, malalim ang iniisip, si kuya na balik sa paglalaro ng ML. Oh, diba, wala talaga akong maaasahan sa kanya, dapat siya ‘yung may ginagawa na ngayon,e. Dapat hindi lang kami ni mama ang namomroblema sa sitwasyon ngayon. Pagod akong napailing at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagkapasok ko sa kuwarto, agad akong napaupo. Nakatungo lang ako sa sahig, naisip ko bigla na mag-phone nalang, manonood ako ng Run BTS sa youtube, pampawala ng stress. Minsan pini-play ko lahat ng mga music nila para kumalma ako, minsan din mapapalaro ako ng call of duty. May limit ako sa mga ganyang bagay para maiwasan na din na maadik. Nasa bag pala ang phone ko. Nakakapagod naman bumaba ulit. Hihiga na sana ako ng mapa-aray ako sa may puwetan ko. Pagkapa ko, phone ko pala.

Pagka-open ko, bumungad sa’kin ang messages nina Reyn. Sabi na e, mag-aalala ang mga ‘yun.

Reyn: HOY! PREM SIA SHUTANGINA BAT  KA NAGMAMADALI?!

Reyn: YAWA PREM SUMAGOT KA O SASAGOT KA

Reyn: Prem! Gagang ‘to akala ko ba fr3ns for3vs tayo! Bat ka umuwi agad!

Pauline: Tih, ocakes ka lang?

Reyn: NATURA NA BA DIS?!

Pauline: Tih, andito lang ako para sayo ang laban nato

Pauline: Tih, what’s the tea?

Kino: Hoy Prem, okay ka lang? bat ka nagmamadali kanina?

Alistair: Hoy, update ka daw

Kino: Should I call my tito na sa Police station?

Unknown Number: Prem, is everything’s good?

Kahit natakot na ako sa mga messages nila Reyn, mas natakot naman ako sa unknown number na ‘to. Kaya siya una kong nireplyan, dahil special ka, may pa sobra. Charot! Rebisco pala ‘yun. Baka kasi soulmate ko na ‘to.

To Unknown number:

Ahm, hi? Who’s this, pls?

Curious ka gurl? Ilang sandali lang, nagreply agad.

Unknown Number: You don’t need to know.

Gagi, edi wag. Sino ka ba? Bahala na nga. Humiga nalang ako at napa-scroll sa tiktok. Ang sasakit sa mata ng mga videos, puro mga couples, pinapasayaw ng mga girls ang jowa nila ng ‘What is love’ ng Twice. Edi kayo na. I stopped scrolling nalang, saka humiga ng matiwasay sa kama, nakatitig lang sa kisame.

Maya-maya may kumatok sa pintuan kaya napalingon ako. “Ate, nakabili na ako ng bigas, ‘di ka pa ba magluluto?” Sabi ni weweng, na nasa labas lang ng kuwarto.

“Nasaan ba si mama? Si kuya?”

“Wala si mama ‘te, may binili sa tindahan, si kuya naman sabi niya ikaw daw magluto kasi naglalaro pa siya” Napabuntong-hininga nalang ako, ba’t ba kasi ako nage-expect na magluluto si kuya? E never naman yan nagluto. Tamad akong bumangon at napatingin sa may study table ko sa may bintana, mas lalo lang ako napagod ng makita ang sticky note na may sulat na ‘CHAPTER1’ bukas na pala ‘yun dapat masubmit. Mukha mapupuyat talaga ako ngayon, may nasimulan na mana ako pero mataas taas pa din ang kulang ‘non saka kailangan ko pang e-review para sure na sure na walang sabit kay prof.

“Sige weng, bababa na.” sabi ko sa kapatid ko at tuluyan ng tumayo, napainat pa ako para mabuhayan ng konti ang sarili dahil pagod na talaga ako, kung nagtagal pa ako sa kama baka nga nakatulog na ako.

Pagkababa ko, si kuya agad ang napansin ko na maingay na naglalaro ng ml, ilang ulit na yan nagreklamo na masakit ang mata pero sige pa din sa paglalaro. Ewan ko ba kung ano ang plano nyan sa buhay, ni hindi nga makatulong sa gawaing bahay, e. Kaya itong si Weweng sinisigurado ko na may malaman din sa gawaing bahay para hindi lumaking tamad.

Dumeritso ako sa kusina para magsaing. Kinuha ko ang kaldero na nakapatong sa stove para mahugasan at ang bigas naman ay binuhos ko sa lalagyan namin sa cabinet, nagkuha lang din ako ng tatlong cups na bigas at nilagay sa kaldero. Hinugasan saka isinaing. Nagpupunas na ako ng kamay sa pants ko nang mag-vibrate ang phone ko.

Si papa tumatawag. “Hello pa? Kumusta?”

“Okay lang nak, kayo dyan?”

“Okay lang din pa,” Naisip ko bigla yung nangyari kanina kila lola, hindi pa pala ‘yun alam ni papa. Sasabihin ko sana sa kanya kaso naisip ko magagalit lang si papa kina lola, baka mas lumayo pa ang loob niya, iba kasi ang treatment nina lola sa mga anak nila, kung sino lang ‘yung may maibibigay na pera, ‘yun lang ang mas malapit sa puso nila. Si papa kasi minsan lang nakakapagbigay kasi ano naman ang ibibigay diba? E, kulang nga lang sa’min. Kahit naman daw noon pa na nag-aaral pa si papa, malayo talaga ang loob niya sa mga magulang niya, hindi ba pantay ‘yung pagmamahal nila sa mga anak nila, anim na magkakapatid kasi sina papa. Pangalawa si papa.

“Nak, paki sabi nalang sa mama mo ha na hindi pa talaga ako makakapagpadala ngayong buwan kasi kakasimula ko lang sa trabaho, yung tuition mo nak, pwede bang uunahan nalang ng 5,000? Ito nalang kasi natira sa ipon ko, e” 5,000? ‘yun nalang natira sa ipon niya? Tapos ipapadala niya pa? anong kakainin niya ‘don?

“Ano ba pa, okay lang. Ako na bahala sa tuition ko, saka wag kang mag-aalala, may madi-diskartehan kami dito para may makain, isipin mo nalang sarili mo dyan kasi ikaw lang mag-isa,” Kawawa naman kasi kung pipilitin pa na may maipadala, wala pa naman kaming kamag-anak ‘don sa Manila, wala kaming pwedeng malapitan kung ano man.

“Sure ka ba, Prem? Baka magpart-time job ka ha? Naku, hindi talaga ako papayag dyan, mag-focus kayo magkapatid sa pag-aaral, ako na bahala sa lahat. Sige na, ibababa ko na ‘to kasi may trabaho pa ako, mag-iingat kayo dyan. Yung mga kapatid mo Prem, ha” Bilin ni papa.

“Sige pa, ikaw din dyan, mag-iingat ka.”

Napasandal nalang ako sa sink. Mapapahilot nalang sa sentido. Pano na kami nito? I mean, si mama hindi naman talaga ‘yun papayag na wala kaming makain pero ako ang napapagod kay mama, kung ano-ano nalang maibenta, nililibot sa buong barangay para kahit papaano may mabenta tapos uuwi sa bahay na pawis na pawis, hinihilot ang mga paa kasi masakit. Hindi ko kinakayang makitang ganon si mama. Kahit na obligasyon nila na buhayin kami, masakit parin sa akin bilang anak na kahit anong hirap kakayanin para lang sa’min.

Kaya minsan naiinis ako sa iba na sinasabi na wala tayong utang na loob sa mga magulang natin kasi hindi natin piniling mabuhay, sila ang may utang na loob sa atin kasi sila ang naghanap ng anak. Like, oo naman wala nga tayong utang na loob sa part na yan pero sa part na binuhay tayo, naipakita sa atin kung ano ang tunay na mundo, we got to see things, to experience things, we are more than blessed with that at utang na loob natin ‘yun sa mga magulang natin. Hindi natin piniling mabuhay pero bilang anak hindi naman siguro tama na magpapakabulag tayo sa sakripisyo din ng mga magulang natin.

Palabas ako sa kusina ng makita ko si Weweng na umiiyak habang papasok ng pintuan.

“Napano ka?” Tanong ni kuya ng mapansin din si Weweng.

Humihikbi pa si Weweng at pawis na pawis nasa may pintuan pa din, nakatayo. “Sinabihan kasi nila ako na mataba mukhang baboy daw,” mas sumakit ulo ko sa narinig.

“Prem, punasan mo oh, pawis na pawis, saka pagsabihan mo mga kaibigan nyan, away bata lang yan,e”  Utos ni kuya, na hanggang ngayon naglalaro pa din ng ml. Yung helmet nga nasa center table lang nilagay,e. May baso at plato pa, hindi man lang nilagay sa lababo para hugasan.

Ako na naman. Ako nalang lagi. Punyetang buhay ‘to.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
John Hart
ANG SAKIT YAWA...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status