LOGIN"Angelica San Andres" Isa ito sa mga pangalang hinahangaan at kinakatakutan ng buong mundo. Her influence rules the world of business or perhaps our world. She change the landscape of every sector of any industry with her creativity, intelligence, and wisdom. "She was glorified by the world" ika nga ng karamihan ngunit sa gitna ng kaniyang pamamayagpag ay kailangan niyang lumisan at bumalik sa pinanggalingan dahil sa isang tungkulin na kailangan niyang gampanan. Si Angelica ang tagapagmana ng kahariang Xeria sa planetang Sedus kung kaya't sinigurado ng kaniyang ama na babalik ang kaniyang anak upang gampanan ito subalit labis ang pagkamuhi ni Agelica sa kanilang planeta dahil ito ang kaniyang sinisisi kung bakit hindi niya nararanasan ang kaniyang mga kagustuhan at ito ang attensyon at oras ng kaniyang ina at mas lalong umusbong ang kaniyang galit nang mamatay ang kaniyang ama. Pilit na tinatanggihan ni Angelica ang kaniyang tungkulin at nilabag ang ilan sa mahihigpit na batas ng Xeria. Ginawa nito ang lahat upang makaalis sa kanilang planeta, nakipagkasundo ito sa mga kalaban o mga aktibista ng kanilang kaharian upang makabalik sa planeta ng mga tao. At nang siya ay magtagumpay, isang hindi inaasahagan nilalang ang kaniyang makikilala sa mundo ng mga tao na kawangis na kawangis nito. Isang bata na magpapalabas ng kaniyang mga kahinaan. Isang bata na susukatin ang kaniyang mga paninindigan. Isang bata na magpapaalala kung sino siya sa nakaraan. Isang bata na poprotektahan niya hanggang kamatayan. Isang bata na magiging daan upang manumbalik ang kaniyang pagmamahal sa pinanggalingan. At isang bata na tatapos sa kaniyang buhay.
View MoreANGELICA POV Taas noo akong naglalakad papasok ng palasyo habang binabalelwala ang higpit ng posas na nakapulupot sa mga kamay ko. Sa paraan ng pagtitig ng mga nilalang na aking nadadaanan, mukhang nakarating na sa kanila ang mainit na balita na nagpapalisik sa kanilang mga mata. Napangiwi na lamang ako sa kanilang reaksyon, sinong mag-aakala na ganito kabilis kumalat ang isang balita kahit walang teknolohiya, kamangha-mangha."Bigay pugay!" dinig kong sigaw ng isang kawal nang marating ko ang napakalaking pintuan na dahan-dahang bumubukas kung kaya't taas noo akong tumindig saka maawtoridad na naglakad papunta sa gitna ng bulwagan. Hindi ko itinungo ang aking ulo simula noong marating ko ang palasyo. Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, paparusahan at linabag ko ang sinasamba nilang b
ANGELICA POV "Devashtaji isa kang taksil! Hindi ako makakapayag na magtagumpay ka sa binabalak mo! Haaya!" Mariin na sigaw ni Lucas at awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita ko ang gigil na paghiwa ang mansanas gamit ang kaniyang espada. Napailing-iling na lamang ako sa itsura nito na animo'y may nagawang kasalanan ang masanas dahil sa talim ng titig nito."Sa wakas patay na ang kalaban! Lahat gagawin oo para sa Xeria! para sa Xeria! hahahahaha! Siya nga pala mansanas para sa'yo mahal na haleya," natutuwang ani nito habang iniaabot sa akin ang piraso ng mansanas na marahan kong inabot."Palaisipan pa rin sa akin kung bakit mo tinanggihan ang trono? Kung nasaktan ka dahil sa sinabi ng mga konsil—""Angelica!" Hindi na naituloy ni Lucas ang
Angelica Pov Tahimik kong pinapanood ang pagbaba ng bandila ng Xeria na sinabayan ng nakakakilabot na tambol. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mga naglilipalarang palaso habang umuugong sa aking pandinig ang hagulhol ng mga nakapaligid sa amin. Ngayon ang araw na ipinapaalam sa lahat na napaslang na ang rama ng Xeria, marami ang nagulat at marami ang nagluluksa. Nasa veranda kami ng palasyo, katabi ko ngayon ang hara na pilit na pinipigilan ang emosiyon, nasa tabi niya ang tatlong konsilyo o mambabatas ng kahariang ito habang nasa baba ang mga mamamayan ng Xeria na ngayon ay nagluluksa dahil sa namayapa kong ama."Gusto ko ng magpahinga," malamig kong saad na naging dahilan upang mapunta sa akin ang attensiyon ng mga nasa taas. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin
ANGELICA POVUnti-unti kong iminulat ang aking mga mata na naging dahilan upang bumungad sa akin ang malagintong kisame. Sandali ko itong tinitigan hanggang sa pumasok na naman sa aking isipan ang mga nangyari kanina, ang nangyari kay papa."Angelica anak," tawag sa akin ng pamilyar na boses ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nanatili akong nakatitig sa kisame, hindi gumagalaw at hindi nagsasalita."Angelica may dala akong pagkain, kumain ka na muna ana—""Nahanap na ba ang katawan ni papa?" Pagpuputol ko sa mga sinasabi niya kung kaya't natigilan ito."Wa..wala pang balita galing kay Lu—""Kung gano'n umalis ka na!" Malamig kong usal saka tumalikod sa kaniya at doon nagsimula ang pagkibot ng aking mga labi kung kaya'