Inicio / Romance / Lihim Ng Ating Pag-ibig / Chapter 2: Huling Gabi

Compartir

Chapter 2: Huling Gabi

Autor: Yram gaiL
last update Fecha de publicación: 2026-08-31 13:49:53

Sunod-sunod ang dating ng mga mensahe sa phone ni Harlyz, pero hindi niya binuksan ang mga iyon.

Hanggang sa hindi na niya kinaya.

Pinatay niya ang phone.

Umiyak siya hanggang sa makatulog.

Nang magising siya kinabukasan, punong-puno na ng missed calls at messages ang phone niya.

Mula sa mama niya.

Kay Daisy.

At kay Raven.

Binasa ni Harlyz ang lahat.

Pero wala siyang sinagot kahit isa.

Sa halip, lumabas siya ng condo kahit wala naman talaga siyang pupuntahan.

Naglakad-lakad siya sa mall, umaasang kahit sandali ay makalimutan niya ang nangyari.

Pero kahit saan siya pumunta, bumabalik pa rin sa isip niya si Raven.

Hanggang sa hindi niya namalayan na napadpad na siya sa tabing-dagat.

Umupo siya roon at tahimik na pinagmasdan ang mga alon.

Paano ba nauwi sa ganito ang buhay niya?

Pagsapit ng dapithapon, umuwi na si Harlyz. Dumaan muna siya sa convenience store at bumili ng pinakamalakas na beer na nakita niya.

Hindi naman talaga siya palainom.

Pero ngayong gabi, gusto lang niyang tumahimik ang isip niya.

Pagdating sa condo, binuksan niya ang SpongeBob SquarePants at naupo sa sofa.

Uminom siya habang tumatakbo ang palabas sa television.

Isang bote.

Sinundan pa ng isa.

At isa pa.

Pero kahit gaano karami ang inumin niya, hindi nawala ang sakit.

Parang lumayo lang nang kaunti ang lahat.

Nasa kalagitnaan siya ng isa pang bote nang may kumatok sa p***o.

Natigilan si Harlyz.

May kumatok ulit.

Ibinaba niya ang bote at dahan-dahang lumapit sa p***o.

Pagbukas niya, nanlaki ang mga mata niya.

“Raven?”

Nakatayo si Raven sa labas.

Magulo ang buhok nito. Gusot ang damit at malakas ang amoy ng alak.

Bago pa makapagsalita si Harlyz, bigla siyang hinila ni Raven at niyakap nang mahigpit.

“Raven!”

Nawalan siya ng balanse.

Pareho silang bumagsak sa sahig.

Pagdilat ni Harlyz, nasa ilalim niya si Raven.

Nakayakap ang isang braso nito sa bewang niya, habang ang isa naman ay nakaharang sa likod ng ulo niya para hindi iyon tumama sa sahig.

“Raven?”

Hindi ito sumagot.

Nakapikit lang ito at halos hindi gumagalaw. Hindi malaman ni Harlyz kung sobrang lasing lang ba ito o talagang pagod na pagod.

Sa kabila ng lahat ng ginawa nito sa kanya, hindi pa rin niya kayang pabayaan si Raven sa sahig.

Kaya pinilit niya itong ipasok sa condo.

Dinala niya ito sa kuwarto at pinahiga sa kama.

Nilinis niya ang mukha nito at pinalitan ng mas komportableng damit.

Pero habang binubuksan niya ang mga butones ng polo ni Raven, may napansin siya.

Isang sariwang pulang marka sa balat nito.

Natigilan si Harlyz.

Hindi iyon galing sa kanya.

Biglang bumalik ang sakit na pilit niyang kinakalimutan.

Pero pinilit niyang tapusin ang ginagawa.

Pinunasan niya ang mukha ni Raven, kinumutan ito, at maayos na tinupi ang mga damit nito sa tabi ng kama.

Katulad ng lagi niyang ginagawa bilang asawa nito.

Doon niya napagtanto ang mas masakit na katotohanan.

Kahit pagkatapos ng lahat, wala pa ring nagbago.

Iniwan niya si Raven sa kuwarto at bumalik sa sala.

Kinuha niya ulit ang beer at uminom hanggang sa tuluyan siyang makatulog sa sofa.

Nang magising siya, pakiramdam niya ay lumulutang siya.

May bumubuhat sa kanya.

Bago pa niya maidilat ang mga mata, naamoy na niya ang pamilyar na pabango.

Si Raven.

Hindi niya alam kung gaano katagal ang lumipas bago siya muling nagising.

May kamay na marahang nag-aalis ng buhok sa mukha niya.

“Raven…”

Napuno agad ng luha ang mga mata ni Harlyz.

“Bakit ayaw mo sa akin?” paos na tanong ni Raven. “Kung ayaw mo naman talaga sa akin, bakit mo ako pinakasalan? Sana tumanggi ka na lang. Baka hindi tayo umabot sa ganito.”

Napatitig si Harlyz sa kanya.

“Alam mo ba kung gaano kita kamahal?” patuloy ni Raven. “Ginawa ko naman ang lahat ng alam kong gawin. Pero kahit anong gawin ko, parang palagi pa rin akong nabibigo.”

Mahal siya ni Raven?

Hindi maintindihan ni Harlyz.

Paano siya nagawang saktan nang ganito ng lalaking nagsasabing mahal siya nito?

Pero hindi na niya napigilan ang sarili.

Ibinaon niya ang mukha sa dibdib ni Raven at umiyak.

Mas hinigpitan naman nito ang yakap sa kanya.

“Alam kong nasaktan kita,” mahinang sabi ni Raven. “Ayoko nang maging makasarili. Mahal kita. At ayoko nang magkunwari na hindi.”

Bahagyang lumayo si Harlyz at tumingin sa kanya.

“Pero hindi ko kayang kalimutan ang lahat ng nangyari.”

Umiwas ng tingin si Raven.

“Mahalaga sa akin ang bahay na iyon. Mahalaga sa akin ang nangyari sa atin doon.”

Alam ni Harlyz kung ano ang tinutukoy nito.

Hindi ang ibang mga babae.

Kundi ang gabing matagal na nilang pilit kinalimutan at ibinaon sa katahimikan.

Pumikit si Harlyz.

“Pagod na pagod na ako, Raven. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maghintay na may magbago.”

At sa wakas, sinabi niya ang mga salitang ilang taon niyang hindi kayang sabihin.

“Tapusin na natin ito.”

Biglang nanigas si Raven.

Pero pinilit ni Harlyz ang sarili na magpatuloy.

“Mag-file na tayo ng annulment. Gusto ko nang makawala. Kung ganito lang din ang magiging pagsasama natin, hindi ko na kaya.”

Pinunasan niya ang mga luha niya at umupo.

Nanginginig pa rin ang mga kamay niya.

Nakatitig lang si Raven sa kanya na para bang hindi nito kailanman naisip na si Harlyz mismo ang unang bibitaw sa kanilang pagsasama.

Hinawakan ni Harlyz ang kamay nito.

“Isa lang naman ang gusto ko mula sa'yo.”

Tumingin siya sa mga mata ni Raven.

“Gusto kong piliin mo ako.”

Nanginig ang boses niya.

“Kaya kong tiisin ang lahat, Raven. Kaya kong manatili. Pero kahit kailan, hindi mo ako binigyan ng dahilan para maniwalang gusto mo talaga akong makasama.”

Yumuko si Harlyz habang hawak pa rin ang kamay nito.

Sa unang pagkakataon mula nang ikasal sila, handa na siyang pakawalan si Raven.

Pero bago pa niya mabawi ang kamay niya, bigla siyang niyakap nito at hinila pabalik.

Wala sa kanilang nagsalita.

Walang pagtatalo.

Walang sisihan.

Dalawang taong pagod at sugatan lang ang magkahawak, pilit kumakapit sa kung anumang natitira sa kanilang pagsasama.

At nang gabing iyon, may ginawa silang desisyong hindi na nila mababawi.

Alas tres y medya na ng madaling-araw.

Gising pa rin si Harlyz habang nakahiga sa tabi ni Raven.

Mahimbing itong natutulog.

Nakapulupot ang isang braso nito sa bewang niya.

Saglit na napangiti si Harlyz.

Pero pagkatapos, dahan-dahan niyang inalis ang braso nito at bumangon.

Nagbihis siya at kinuha ang kanyang bag.

Inilagay niya roon ang mga bagay na ilang araw na niyang inihanda.

Ang bankbook niya.

Mahahalagang dokumento.

At lahat ng kailangan niya para makaalis.

Walang nakakaalam na huminto na siya sa school na pinapasukan niya.

Walang nakakaalam na nailipat na niya ang kailangan niyang ilipat at nakapaghanda na siya para sa pag-alis.

Ipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya.

Ipagpapatuloy niya ang buhay niya.

Pero sa pagkakataong ito, mag-isa na siya.

Lumingon si Harlyz kay Raven.

Mahimbing pa rin itong natutulog.

Matagal niya itong tinitigan.

Pagkatapos, tahimik siyang lumabas bago pa magbago ang isip niya.

Sumakay siya ng taxi pabalik sa bahay nila.

Pagdating doon, dumiretso siya sa kuwarto at mabilis na inimpake ang natitira niyang gamit.

Kinuha lang niya ang mga bagay na dala niya bago siya naging asawa ni Raven.

Iniwan niya ang mga alahas.

Mga credit card.

Mamahaling regalo.

At lahat ng bagay na konektado sa buhay na tatalikuran na niya.

Mas mabuti na ito para sa kanilang dalawa.

Hindi naman talaga siya pinili ni Raven.

At hindi niya kayang gugulin ang buong buhay niya sa pagmamakaawang bigyan siya nito ng lugar sa puso.

Bago umalis, inilapag ni Harlyz ang susi ng bahay at ang wedding ring niya sa tabi ng larawan nila noong kasal.

Matagal niyang tinitigan ang litrato.

Pagkatapos, itinaob niya iyon.

Anim na buwan.

Anim na buwan lang ang kinailangan para tuluyang masira ang lahat ng pangarap niya para sa kanilang pagsasama.

Kinuha niya ang maleta at naglakad palabas ng bahay.

Pagdating sa labas, pinilit ni Harlyz ang sarili na magpatuloy sa paglalakad.

Hindi siya puwedeng huminto.

Hindi siya puwedeng lumingon.

Dahil alam niyang kapag ginawa niya iyon, baka bumalik siya.

Bumalik sa parehong kasal.

Sa parehong sakit.

At sa parehong pag-asang matagal nang wala.

Pero kahit pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Raven, may maliit na bahagi pa rin ng puso niya na umaasang hahabulin siya nito.

Mas hinigpitan ni Harlyz ang hawak sa maleta.

Ang pag-iwan kay Raven ang pinakamahirap na bagay na nagawa niya.

Pero habang papalayo siya, may kakaiba siyang nararamdaman.

Parang hindi pa ito ang tunay nilang pamamaalam.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Lihim Ng Ating Pag-ibig   Chapter 25

    Isang halik lang ang kailangan para halos masira ang pagmamahalan nila.At ngayon, limang minuto lang ang meron si Raven para ayusin ang lahat bago tuluyang mawala sa kanya si Harlyz.Limang minuto.Iyon lang ang ibinigay sa kanya ni Harlyz.Pero kahit ganoon...Parang napakahaba na agad ng bawat segundo.Nakatayo si Raven sa harap niya.Pinagpapawisan ang noo nito kahit malamig naman sa loob ng office.Matigas ang mga kamay niya.Hindi rin pantay ang paghinga.At sa unang pagkakataon, nakita ni Harlyz ang isang bagay sa mukha niya.Takot.Mabuti.Dapat lang."Limang minuto," muling sabi ni Harlyz, mababa at kalmado ang boses. "Siguraduhin mong totoo lahat ng sasabihin mo."Sandali siyang tumigil."Dahil kapag nagsinungaling ka..."Diretso siyang tumingin sa mga mata nito."Wala ka nang bahay na babalikan."Parang bumigat ang hangin sa buong kwarto.Napakalunok si Raven.Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya.Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili.Pero hindi maitag

  • Lihim Ng Ating Pag-ibig   Chapter 24

    Pumunta si Harlyz para sorpresahin ang asawa niya.Pero sa halip, isang bukas na pinto ang muntik nang sumira sa kakaunting tiwalang natitira sa kanya.Pagpasok pa lang niya sa building ng office ni Raven, may kakaiba na siyang naramdaman.Sobrang tahimik ng lugar.Kahit ang secretary, wala sa pwesto.Baka nag-lunch lang.Hindi na iyon masyadong inisip ni Harlyz.May maliit na ngiti sa labi niya habang naglalakad papunta sa office ni Raven.Gusto niya itong sorpresahin, kaya hindi na siya kumatok.Diretso niyang binuksan ang pinto.At doon siya natigilan.Nasa likod ng desk si Raven.At may isang babaeng nakaupo sa kandungan niya.Sobrang lapit nito kay Raven.Sobrang komportable.Parang normal lang na nandoon siya.Parang biglang nakalimutang huminga ni Harlyz.Sa likod niya, napasinghap si Daisy at agad hinigpitan ang hawak sa kamay ni Jezza.Lumingon si Harlyz kay Daisy.Isang tingin lang.Ilabas mo siya.Ngayon na.Naintindihan agad ni Daisy.Walang sinasabi, mabilis niyang inilay

  • Lihim Ng Ating Pag-ibig   Chapter 23

    Nang sandaling umiwas ng tingin si Jezza, agad kinabahan si Harlyz.Lumapit siya sa bintana ng classroom at sumilip.Nasa loob ang anak niya, nakaupo sa maliit na desk.Dahan-dahang gumagalaw ang maliit nitong kamay habang nagsusulat sa papel.Ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya.Pero maya't maya, napapatingin si Jezza sa bintana.Hinahanap siya.Sinisiguradong nandoon pa rin ang mommy niya.Sumikip ang dibdib ni Harlyz.Nandito lang si Mommy, baby.Nagtagpo ang mga mata nila sa salamin.Ngumiti si Jezza.Isang maliit at napakatamis na ngiti.Pagkatapos, yumuko ulit siya at ipinagpatuloy ang pagsusulat.Doon lang nakahinga nang maayos si Harlyz.Unang araw ngayon ni Jezza sa school.Sobrang excited ng anak niya.Bagong mga kaibigan.Bagong matututunan.Isang bagong mundo para sa kanya.Pero kahit ganoon, panay pa rin ang tingin ni Jezza sa bintana.Parang gusto lang niyang makasiguradong hindi biglang mawawala ang mommy niya.Napangiti nang mahina si Harlyz.Ang bilis talaga ng p

  • Lihim Ng Ating Pag-ibig   Chapter 22

    Nagising si Raven na mabigat agad ang dibdib sa takot.Agad niyang kinapa ang kabilang bahagi ng kama.Hinahanap si Harlyz.Wala.Walang tao.Parang bumagsak ang puso niya.Huwag na naman.Pero bigla niya itong nakita.Si Harlyz.Nandoon pa rin.Nakahiga sa tabi niya.Napakawala si Raven ng hiningang hindi niya namalayang pinipigilan niya.Nakaramdam siya ng matinding ginhawa.Pero saglit lang iyon.Dahil may mali.Gising si Harlyz.Pero hindi maganda ang lagay niya.Mabagal ang bawat galaw nito.Mahina.Parang hirap siyang kontrolin ang sarili niyang katawan."Hey..."Lumapit si Raven.Lumambot ang boses niya habang maingat na inilapit ang kamay sa tiyan ni Harlyz."Baby... behave ka lang, okay?"Bahagya siyang ngumiti."Huwag mong masyadong pahirapan si Mommy."Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito."Mahal ka ni Daddy."Pinunasan ni Harlyz ang mga luha sa kanyang mga mata.Napakunot ang noo ni Raven.Pero bago pa niya maitanong kung anong problema, bigla siyang hinila ni Harlyz sa

  • Lihim Ng Ating Pag-ibig   Chapter 21

    Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang aksidente.Sa wakas, nakauwi na ang pamilya ni Harlyz. Masaya na ulit si Jezza. Ngumingiti na siya, tumatawa, at mahigpit na yumayakap sa kanila. Araw-araw, nakikita nilang unti-unti siyang gumagaling.Pero may isang bagay na isang buwan nang hinihintay ni Harlyz.Ang boses ng anak niya.Mula nang mangyari ang aksidente, wala ni isang salitang sinabi si Jezza.Linggo-linggo pa rin silang pumupunta sa ospital. Lumingon si Jezza kapag tinatawag siya. Ngumingiti siya sa pamilya niya at niyayakap sina Harlyz at Raven.Pero hindi pa rin siya nagsasalita.Noong una, halos hindi kayanin ni Harlyz ang katahimikan ng anak niya. Tuwing umaga, umaasa siyang may maririnig siyang kahit isang salita mula kay Jezza.Kahit "Mommy" lang.O "Daddy."Pero natututo na siyang maghintay.Basta nakikita niyang nakangiti ang anak niya, handa siyang maghintay.Ngayon ang ikalimang birthday ni Jezza.Puno ng dekorasyon ang buong bahay. May mahinang tugtog at ma

  • Lihim Ng Ating Pag-ibig   Chapter 20

    Paano kung nagsisinungaling si Raven?Paano kung pagkatiwalaan siya ulit ni Harlyz, tapos isang araw, magising na naman siyang wasak ang puso?Sa pangatlong pagkakataon?Hindi mawala sa isip niya ang tanong na iyon.Tinitigan ni Harlyz si Raven na nakatayo sa harap niya.Wasak.Desperado.Nagmamakaawang huwag siyang umalis.Pero nakita niya ang kwarto.Ang babaeng iyon.Ang kama.Parang nakaukit na sa isip niya ang lahat.Hindi niya kayang pagdaanan ulit iyon.“Babe, please,” sabi ni Raven, nanginginig ang boses. “Stay.”“Mali ang pagkakaintindi mo sa nakita mo. Walang nangyari sa amin.”Pagkatapos, sinabi nito ang lahat.Ang celebration sa office.Ang pag-inom nila.Si Chloe.Ang huling drink.Ang pagkahilo niya.At ang sandaling tuluyan siyang nawalan ng malay.Tahimik lang na nakinig si Harlyz.Pero hindi pa rin niya alam kung ano ang paniniwalaan.Hanggang sa naalala niya ang sinabi ng mommy niya.May mga anak sila.Si Jezza.Ang princess niya.At ang baby na lumalaki sa loob niya

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status