LOGIN"Baog ka." Two words that turned her marriage into a living hell. Gabi-gabi, ipinamumukha ng asawa niyang wala siyang kwenta—hanggang sa narinig niya ang ungol ng dalawang taong pinakapinagkatiwalaan niya sa mismong kwarto nila. "Galingan mo pa... I need an heir, and your sister can never give me that." It was never just about an heir. Her husband and her own flesh-and-blood sister were tearing her dignity apart right under her roof. She didn't scream. She didn't cry. Nagpanggap siyang walang alam. But the exact second her sister gave birth, umalis siya, leaving them chained to a dirty, unforgivable secret. Now, the fragile wife is dead. The woman who returned is colder, deadlier, and dangerously breathtaking. And she didn't come back alone. Shadowing her every step is an untraceable billionaire—a ruthless man. "Let me ruin them for you," he purrs, his heavy, dangerous touch tracing down her spine, igniting a raw, filthy passion she never knew existed. "In exchange... akin ka lang." Nang makita ng ex-husband niya kung paano siya angkinin ng lalaking kinatatakutan ng lahat, nabaliw ito sa inggit. "You're making a mistake!" tatawa-tawang halakhak ng ex niya. "Baog ang babaeng 'yan! She's useless! She can never give you an heir!" Before the sting of the past could touch her, a broad hand locked tightly around her waist, pulling her flush against his rock-hard chest. The billionaire leaned down, dark eyes flashing with lethal possession as he smirked. "I disagree with that," he sneered cold-bloodedly. "Because right now... she's pregnant with my child." As her ex-husband’s jaw dropped in disbelief, the billionaire slid a burning hand up her thigh, whispering a dark, intoxicating secret only she could hear: "Now tell me, sweetheart... is this baby really mine, or are we just playing the deadliest game of revenge?"
View MoreSandra's POV
Matagal ko nang kabisado ang bawat tono ng boses ni Damian kapag galit siya, pero noong gabing iyon, tila mas matalim at mas nakakairita ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Nakatayo siya sa dulo ng kama namin, nakapamewang habang nakatitig sa akin na parang may ginawa akong napakalaking kasalanan. Bagong ligo siya, amoy mamahaling perfume at malamig na shower gel, pero ang init ng ulo niya ay halos magpapasabog na sa buong kwarto. "Ganyan ka na naman, Sandra. Tititigan mo lang ako nang ganyan?" sigaw niya habang hinahawi ang buhok niya pabalik. "Limang taon na tayong kasal, Sandra! Limang taon! But until now, wala ka man lang maibigay sa akin kahit isang anak. My parents are asking me every single week. Ano na naman ang isasagot ko sa kanila? Na wala pa ring nangyayari kasi hindi ka makabuo?" Nakahawak ako nang mahigpit sa gilid ng duvet, pilit na pinipigilan ang panginginig ng mga kamay ko. "Nagsisikap naman tayo, Damian," mahinang sagot ko, ramdam ang bigat at sikip sa dibdib ko. "Sabi ng doktor, we just need to relax and reduce our stress. Nagpa-checkup na rin naman ako last month, 'di ba?" "Doktor? Seriously, Sandra? Ilang doktor pa ba ang kailangan nating puntahan para lang ma-realize mo kung ano talagang problema?" Lumapit siya sa akin nang mabilis, hawak ang galit na hindi niya maitago. "Look at yourself! Akala mo ba madali para sa akin 'to? Ako ang napapahiya sa pamilya ko! Ako ang laging tinatanong kung kailan ako magkakaroon ng heir. And yet here you are, giving me the exact same stupid excuses!" "Hindi ko naman ginusto 'to," halos pabulong kong sabi habang pilit kong pinipigilan ang pag-agos ng luha ko. "Ginagawa ko naman ang lahat, Damian. I take my vitamins, I stick to the diet, ginagawa ko naman lahat ng sinasabi mo." Bumuntong-hininga siya nang malakas at pinalabas ang isang nakakairitang tawa. Tumingin siya sa akin nang may halong pangingitid, para bang isang basurang walang silbi ang nasa harap niya. "Ginagawa ang lahat? Or maybe sadyang baog ka lang talaga?" Parang may biglang sumaksak sa puso ko sa salitang iyon. Baog. Iyon ang salitang paulit-ulit na pumapatay sa natitira kong self-esteem. "Damian, please... huwag mo namang sabihin 'yan," pakiusap ko habang tuluyang pumatak ang luha sa pisngi ko. "Bakit? Masakit kasi totoo?" malamig na sabi niya. Bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang baba ko at pinilit akong tumingin nang diretso sa mga mata niya. "Listen to me, Sandra. A woman who can't carry a child is totally useless to a family like mine. Anong silbi ng kagandahan mo kung wala ka namang maibigay na anak? You are barren. You're just empty." Binitawan niya ako nang walang kaawa-awa kaya bahagya akong napasandal sa headboard. Tumahimik ang buong silid. Wala nang lumalabas na salita sa bibig ko kasi alam kong kahit anong sabihin ko, walang magbabago sa paningin niya. Tinanggap ko ang sakit. Inisip ko na baka nga kasalanan ko, na baka kulang pa ang tiyaga ko para maayos ang relasyon namin. Yumuko na lang ako habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko sa kumot. Nakatayo lang siya sa harap ko, hinihintay kung sasagot pa ako, pero nang makitang nanatili lang akong tahimik, nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at naglakad patungo sa p***o. Sanay na ako sa ganitong eksena araw-araw, pero ngayong gabi, may isang maliit na detalye na pumukaw sa pansin ko. Palaging iniiwan ni Damian ang personal phone niya sa side table bago matulog. Kahit gaano siya kagalit o kahit nakikipag-away siya sa akin, kailanman ay hindi niya itinatakbo ang phone niya kapag nasa loob lang siya ng bahay. Pero habang naglalakad siya palabas ng bedroom, mabilis niyang dinampot ang phone mula sa charger at agad itong isinilid sa bulsa ng shorts niya. Bahagya kong inangat ang ulo ko habang sinusundan siya ng tingin. Nang marating niya ang pintuan, huminto siya sandali nang hindi man lang lumilingon sa akin. "Huwag mo na akong hihintayin. I'll sleep in the guest room tonight." Ipinasok niya ang kamay niya sa bulsa, mahigpit na hinawakan ang phone habang tahimik ngunit mabilis na isinarado ang p***o. Nanatili akong nakatitig sa nakasarang pintuan habang patuloy ang pag-agos ng luha ko, kasabay ng isang kakaibang kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.Sandra's POVGaling ako sa isang client lunch meeting na biglang na-cancel dahil nagkaroon ng emergency ang client ko. Mag-aalas-dos pa lang ng hapon kaya naisipan kong umuwi na muna sa bahay para magpahinga at tapusin ang ilang mga papeles sa study room.Pagkahinto ng sasakyan ko sa driveway, napansin kong nakaparada ang kotse ni Damian. Nagtaka ako dahil kadalasan ay gabi na siya umuuwi kapag weekday. Baka mabilis lang siyang umuwi para kumuha ng importanteng dokumento o kaya ay masama ang pakiramdam niya.Tahimik kong binuksan ang pintuan ng bahay. Naka-off ang mga ilaw sa living room at napakatahimik ng buong paligid, maliban sa mahinang tunog ng aircon mula sa ikalawang palapag. Inilagay ko ang bag ko sa may foyer table at dahan-dahang umakyat sa hagdan.Habang naglalakad ako sa hallway patungo sa aming marital bedroom, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. May manipis na siwang at hindi nakalock ang doorknob. Nagtaka ako kasi napakaselan ni Damian sa privacy niya, lalo na
Sandra's POVMatagal ko nang pilit na binubura sa isip ko ang mensaheng natanggap ko gabi-gabi, pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalong nagiging mahirap magpanggap. Hindi na lang basta hinala ang nararamdaman ko. Bawat kilos nina Damian at Celeste ay parang may ibig sabihin, mga maliit na detalyeng hindi ko dating napapansin pero ngayon ay napakalinaw na.Sabado ng umaga, nakaupo kaming tatlo sa dining table para mag-almusal. Nagtitimpla ako ng kape nang biglang tumahimik ang paligid. Kanina lang ay nagtatawanan silang dalawa habang nagkukuwentuhan tungkol sa isang palabas sa TV, pero nang lumingon ako mula sa counter, biglang naputol ang usapan nila.Tumingin si Celeste kay Damian, isang mabilis na sulyap na may kasamang kakaibang ngiti, bago siya mabilis na yumuko at kumuha ng tinapay."Bakit bigla kayong tumahimik?" tanong ko habang inilalapag ang tasa ng kape sa harap ni Damian. "Ano 'yung pinag-uusapan niyo bago ako dumating?"Mabilis na sumagot si Damian, halos hindi tumi
Sandra's POVPagkatapos ng gabing iyon sa labas ng kwarto ni Celeste, tila mas lalong naging malinaw sa akin ang bawat kilos nila. Pero sa halip na magwala ako, pinili kong maging tahimik. Araw-araw kong kinakain ang sarili kong galit para lang manatiling kumportable sila sa ginagawa nila.Naging mas malayo ang loob ni Damian sa akin. Kung noong mga nakaraang buwan ay nag-aaway pa kami, ngayon ay halos hindi na niya ako kinakausap. Ginawa niyang dahilan ang trabaho para umiwas.Isang gabi, alas-onse na ng gabi pero wala pa rin siya. Nakaupo ako sa sofa habang nagbabasa ng magazine nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Damian na nakatanggal ang tie at halatang pagod, pero may kakaibang ngiti sa mga labi niya nang makita niya si Celeste na lumabas mula sa kusina."You're late again, Damian," malamig kong sabi habang nakatitig sa kaniya. "Past eleven na. Nag-alala ako kasi hindi ka man lang nag-text na late ka uuwi."Hindi man lang siya tumingin sa akin. Inilagay niya ang bri
Sandra's POVTahimik ang buong silid nang isara ni Damian ang pinto, pero sa loob ng dibdib ko, parang may bagyong nagwawasak sa huling natitirang piraso ng pagkatao ko. Nanatili akong nakaupo sa dulo ng kama, nakatitig sa pintuan habang bumabagsak ang maiinit na luha sa mga kamay kong nanginginig.Ang salitang "baog" ay patuloy na nagre-replay sa utak ko na parang paulit-ulit na sampal. Limang taon. Limang taon kong tinitis ang sakit, ang mga pahiwatig ng pamilya niya, ang malamig niyang pakikitungo, at ang kawalan niya ng oras para sa akin, dahil pumapasok sa isip ko na baka ako nga ang may kasalanan. Baka ako nga ang kulang. Baka ako ang dahilan kung bakit hindi maging buo ang pamilyang matagal na niyang pinapangarap.Pero bakit nitong mga nakaraang buwan, tila mas lumala ang lahat? Bakit sa tuwing titingnan ko siya, wala na akong makitang kahit anong bahid ng lambing o pagpapahalaga?At ngayong gabi, may isang bagay na nagpalukso sa kaba ko.Ang telepono niya.Si Damian ay hindi k






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.