Sa loob ng anim na taon, naniwala si Raven na wala na ang asawa niya.Pero ngayon, alam na niyang buhay si Harlyz.At higit sa lahat, nalaman niyang may anak silang babae.Nasa loob lang ng Jezza's Dream Place Café sa Antipolo ang anak niya. Pero alam ni Raven na isang maling galaw lang ang kailangan para mawala ulit sa kanya ang mag-ina.Sinabi sa kanya ni Daisy na si Harlyz ang may-ari ng café.Pagpasok pa lang ni Raven, parang naramdaman na niya agad ang presensya nito. Mula sa maiinit na kulay ng café hanggang sa mga sulat-kamay na signs at maliliit na detalye sa paligid, ramdam niyang si Harlyz ang gumawa ng lahat.Gusto niya itong hanapin agad, pero malinaw ang babala ni Daisy.Huwag siyang magmadali.Kapag nagkamali siya, baka kunin ni Harlyz ang anak nila at mawala ulit.Ang asawa niya.Ang anak niya.Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Raven.Nang malaman niyang buhay si Harlyz at mayroon silang anak, sabay-sabay ang saya, gulat, at pagsisisi na naramdaman niya.Hin
Última actualización : 2026-08-31 Leer más