Share

Kabanata 15

Penulis: Blue Silver
Natulala sina Yvonne at Blake. Ang Wilbur Penn ba na binanggit ni Faye ay ang taong nasa isip nila?

Pagkatapos, nagbuntong hininga ng mahina si Wilbur. Wala siyang plano na ibunyag ang pagkakakilanlan niya, ngunit naiintindihan niya ang pinanggagalingan ni Faye. Gusto lang ni Faye na ipaghiganti si Wilbur.

Ngayon at umabot na ang lahat sa puntong ito, ang tanging pwede niyang gawin ngayon ay ang umakyat sa entablado.

Tumingin si Wilbur kay Gordon at sinabi niya, “Sandali lang muna. Babalik ako.”

Tumitig si Gordon kay Wilbur at hindi siya makapaniwala. Si Wilbur ba talaga ang may ari ng Cape Consortium? Kung ganun, isang pambihirang tao talaga siya.

Mabagal na naglakad si Wilbur papunta sa entablado. Nang makumpirma na ni Blake at Yvonne na ito talaga ay si Wilbur, parehong silang may hindi mawari na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Tahimik na tumabi si Faye habang kinuha ni Wilbur ang mic. Lumingon siya upang tumnigin kela Blake at Yvonne.

Ang magkasintahan ay bayolenteng nanginig habang puno ng takot ang kanilang mga mata.

Kung si Wilbur ay ang may ari talaga ng Cape Consortium, talagang masama ito para sa kanila.

Sa sandaling ito, nagsalita ng mabagal si Wilbur, “Hindi ko balak na ipakita ang mukha ko, pero dahil ito na ang ginawa ni Ms. Yves, magsasabi ako ng ilang salita para sa masayang magkasintahan.”

Napuno ng katahimikan dahil sa mga sinabi ni Wilbur.

Si Wilbur Penn, na siyang tumatambay lang at tamad ng tatlong taon bago pinalayas, sa huli ay siya pala ang tunay na boss sa likod ng Cape Consortium. Bukod pa dito, nagpakita pa siya sa kasal.

Mahirap ito paniwalaan at nakakatakot ito. Ang ilang mga tao sa madla ay nag aalala na para sa pamilya nila Blake at Willow, dahil ang tunay na kapangyarihan sa likod ng Cape Consortium ay nandito lang pala.

Nanginginig talaga sa takot sina Blake at Yvonne. Wala silang ideya na si Wilbur pala ang may ari ng Cape Consortium.

Ginalit talaga nila ang isang makapangyarihang tao. Paano na sila mabubuhay ng payapa simula ngayon?

Habang iniisip kung paano hinarap ni Faye ang investment sa Woods Corporate, may napagtanto si Blake, pinagpawisan siya at napuno ng takot ang dibdib niya.

Hindi mapigilan ni Yvonne ang manginig. Ang tunay na pagkakakilanlan ni Wilbur ay nakakatakot ng sobra. Isa siyang napakalaking tanga para makipag divorce kay Wilbur.

Sa tunay na kapangyarihan ni Wilbur, hindi maisip ni Yvonne kung ano ang mangyayari kung naghiganti si Wilbur sa pamilya Willow.

Mas lalong natakot ang magkasintahan, ngunit nakangiti lang si Wilbur. “Heto, gusto kong batiin ang bagong mag asawa at sana ay may masayang buhay silang magkasama ng habang buhay. Maraming salamat sa lahat.”

Pagkatapos ng speech niya, ngumiti si Wilbur kay Blake at Yvonne bago siya bumaba ng entablado at bumalik siya sa kanyang upuan.

Sa sobrang gulat nila Blake at Yvonne ay hindi sila makaimik. Natulala din ang host, hindi siya sigurado kung paano siya magpapatuloy pagkatapos nito.

Sa sandaling ito, lumapit si Faye sa microphone ng may seryosong ekspresyon. “Nakatanggap kami ng tawag mula sa mga representative namin sa board of directors ng Woods Corporate. Magulo ang finances ng Woods Corporate, at sila ay gumawa sila ng tax fraud. Ang team namin ay tumawag na ng pulis at sinabihan na rin ang board of directors. Lahat sila ay bumoto na si Blake Woods ay tatanggalin sa posisyon niya bilang isang director.”

“Hindi niyo ito pwedeng gawin!”

Naintindihan na ni Blake kung bakit pumayag ng madali si Faye na mag invest sa Woods Corporate at kung bakit maraming tao ang sumama sa board of directors.

Nahulog na siya sa patibong nila sa simula pa lamang. Ang lahat ng tungkol sa financial supervision ay isang dahilan lang. Ang gusto talaga ni Faye ay ang patalsikin si Blake at agawin ang Woods Corporate.

Ang masamang babaeng yun ay nagsisinungaling sa kanya ng hindi man lang nakokonsensya. Sinabi ni Faye na ang Cape Consortium ay walang pakialam sa isang maliit na kumpanya na tulad ng Woods Corporate. At nahuli pa si Blake sa patibong na ito!

Mabilis na lumapit si Blake kay Faye, tumuro siya habang nanginginig ang kamay. “Isang patibong ito, masamang patibong! Sa akin ang Woods Corporate. Walang kahit sino sa inyo ang makakakuha nito!”

Ngumiti si Faye at sumagot siya, “Ganun ba? Ginagamit lang namin ang legal na paraan. Pwede mo akong kasuhan kung may problema ka tungkol dito.”

“Ikaw!” Sa sobrang galit ni Blake ay umubo siya ng dugo.

Nataranta si Yvonne nang makita niya ito, sinabi niya, “Ms. Yves, hindi niyo ito pwedeng gawin. Anong basehan ng pagsisisante niyo kay Blake?”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 439

    Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 438

    Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 437

    Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 436

    Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 435

    Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a

  • Living With My Lady Boss   Kabanata 434

    Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status