Share

Kabanata 14

Umiling si Wilbur. “Wala naman.”

“Bakit sinusubukan mo maging malapit sa tatay ko?” Ang tanong ni Gordon.

Sa sandaling ito, tumunog ang isang boses sa buong banquet hall.

“Dumating na si General Gordon Grayson ng Kardon Province army.”

Nagkaroon ng malakas na palakpakan dahil dito.

Ang isang tao na may ganitong lebel ng kapangyarihan ay nandito sa kasal nila Blake at Yvonne. Ang lahat ng bista ay tumingin kela Gordon at Wilbur ng may mataas na respeto.

Kumunot ang noo ni Gordon dahil sa pagkasuklam.

Kalmadong sinabi ni Wilbur, “Hindi lahat ng tao ay gustong gamitin ang pangalan ng pamilya niyo. Hindi ko ito magagamit.”

Dumilim ang ekspresyon ni Gordon. “Ano pala ang gusto mong makuha sa pagiging malapit sa tatay ko at sinasadya mo siyang lokohin sa kalokohan na cultivation mo? Ano ang layunin mo? Marami na akong nakaharap na taong tulad mo.”

Uminom ng champagne si Wilbur at sumagot siya, “Ganun ba? Maniniwala ka ba sa akin kung sinabi ko na tinutulungan ko lang na humaba ang buhay niya dahil sa ginawa niya para sa bansa?”

“Syempre hindi,” Ang malamig na sinabi ni Gordon.

Umiling si Wilbur. “Kung ganun, wala na akong dapat sabihin.”

“Pagbabayaran mo ang ginawa mo,” Ang sabi ni Gordon.

Nagbago ng pwesto ng upo si Wilbur. “Hindi ko nilalabag ang batas.”

“Isa itong problema ng pamilya, kaya personal ko itong haharapin. Wag kang mag alala. Hindi ko aabusuhin ang kapangyarihan ko,” Ang sabi ni Gordon kay Wilbur.

Hindi mapigilan ni Wilbur na tumawa sa mga salitang ito. “Walang magagawa ang kapangyarihan mo, at wala ka ring laban sa akin. Dapat ka nang umalis bago mo pa ipahiya ang sarili mo.”

Sumigaw ng galit si Gordon kahit na sinusubukan niyang maging mahinahon, “Mayabang ka talaga! Nagsasanay na ako simula pa noong bata ako at maraming dekada na akong nasa army. Sa tingin mo ba ay natatakot ako sa pagpapanggap mo?”

“Pwede mong subukan,” Ang sabi ni Wilbur, hindi siya umaatras.

Sa sandaling ito, may isa pang announcement.

“Ang Weston District Manager, si Xavier Channie, ay dumating na.”

Nag palakpakan ulit ang mga tao, at naputol ang pag uusap ng dalawa.

Pagkatapos humina ng palakpakan, tila huminahon na si Gordon para sabihin niya, “Mukhang kailangan natin humanap ng ibang lugar para sa pag uusap natin.”

Kalmadong sinabi ni Wilbur, “Ayos lang sa akin, pero may personal na bagay akong kailangan kong asikasuhin dito. Bahala ka na sa akin kapag tapos na ako.”

“Maghihintay ako.” Sumandal sa upuan si Gordon, tumitig siya kay Wilbur.

Tila walang problema si Wilbur habang tumitig siay ng tahimik sa entablado.

Halos tanghali na, at halos lahat ng mga bisita na inimbitahan ay dumating na. May isang local celebrity na naglakad sa entablado at nagsalita ito sa microphone, “Ladies and gentlemen! Una sa lahat, masaya ako at ikinagagalak ko na mag host sa kasal nila Mr. Blake Woods at Ms. Yvonne Willow. Ibigay niyo sana sa kanila ang inyong mga basbas!”

Muling nag palakpakan ang banquet hall. Nang matapos na ito, sumingit ang host, “Ngayon, gusto kong i-welcome ang ating Weston District Manager, si Mr. Xavier Channier, sa entablado upang magbigay ng isang speech.”

Muling nag palakpakan habang pumunta si Xavier sa entablado at naglakad siya papunta sa microphone.

Sinabi ni Xavier ng nakangiti, “Ladies and gentlemen, ang Woods Corporate ay dati pa naging isa sa mga star corporation sa Weston District, at malaki ang naging tulong nila sa paglago ng Seechertown. Heto, gusto kong batiin ng congratulation ang mag asawa pati na rin sa Weston District.”

Nag palakpakan ulit ang mga tao na para bang isa itong concert.

Huminto na rin ang palakpakan makalipas ang mahabang sandali, at lumapit ulit ang host sa microphone. “Ngayon, pakinggan natin ang ilang mga salita mula sa mag asawa.”

Kasunod nito, sina Blake at Yvonne ay pumunta sa entablado ng magkakapit ang mga braso.

Ngumiti si Blake at tumango siya sa madla. “Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang lahat sa pagdalo sa kasal ko. Ikinagagalak ko na nandito kayong lahat. Ako, si Blake Woods, ay nandito upang pasalamatan kayo ng buong puso ko.”

Pagkatapos mag palakpakan, binigay ni Blake ang microphone kay Yvonne.

Sobrang sabik ni Yvonne habang yumuko siya sa lahat upang magpasalamat bago niya sinabi, “Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang lahat ng nandito sa pagdalo sa kasal namin. Heto, gusto ko rin na magsabi ng ilang salita mula sa puso ko.”

Nakinig ng tahimik ang lahat, hinihintay nila ang magandang istorya ng bride.

“Sigurado ako na marami sa inyo ang alam na minsan akong nagkaroon ng kasal na hindi masaya.”

Sa sandaling ito, napuno ng mga luha ang mga mata ni Yvonne habang nagbulungan ang mga manonood.

Sikat din ang pamilya Willow. Ang lahat ng nandito ay mula sa parehong industriya at alam nila na kinasal na si Yvonne dati.

Umiiyak si Yvonne at nagpatuloy siya.

“Tatlong taon nang nakatira si Wilbur Penn sa pamilya Willow, tamad siya at ayaw niya kumuha ng isang totoong trabaho. Hindi niya kaya maging isang tunay na asawa. Masasabi rin na hindi siya isang tunay na lalaki. Dahil wala akong ibang magawa, kailangan kong kumuha ng isang divorce. Pero, pinagpala ako ng Diyos at hinayaan niya akong makilala si Blake. Si Blake ay responsable, mapagkakatiwalaan, at isang perpektong asawa.”

Pagkatapos, naging emosyonal si Yvonne, at ang boses niya ay naging malakas habang nagsalita siya.

“Buong buhay kong mamahalin at aalagaan si Blake upang maabot niya ang mas mataas na punto sa career at buhay niya. Ito ang pangako ko kay Blake, at gusto ko maging saksi ang lahat dito.”

Ang mga salita ni Yvonne ay parang isang missile sa madla, nag palakpakan ulit sila ng malakas.

Nang matapos na ito, muling nagbulungan ang mga manonood tungkol sa pangalan na Wilbur Penn, na narinig nila kanina.

Samantala, kalmadong uminom lang ng champagne si Wilbur.

Nangutya ng malamig si Gordon, “Alam ko na isang sinungaling ka. Mukhang tama ako.”

“Wag kang maging sigurado. Minsan, hindi laging katotohanan ang nakikita mo. Bukod pa dito, sabi-sabi lang ito,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.

Ngumisi si Gordon. “Masasabi ko na nirerespeto kita sa pagiging kalmado mo sa ganitong sitwasyon.”

Pagkatapos, nagsalita ulit ang host, “Ngayon naman, gusto kong imbitahan ang CEO ng Cape Consortium headquarters sa Kardon Province, si Faye Yves, para umakyat ng entablado para basbasan ang mga bagong kasal.”

Muling nag palakpakan ang lahat.

Alam ng lahat na makapangyarihan ang Cape Consortium. Maaaring isang CEO ng isang brang lang si Faye, ngunit higit pa rin siya sa Weston District Manager pagdating sa kapangyarihan at impluwensya.

Alam ng lahat na noong gumawa ang Cape Consortium ng plano upang mag expand sa Seechertown, kahit ang district manager ay ginamit ang sariling mga koneksyon niya upang tumulong sa pag establish ng Seechertown branch ng Cape Consortium. Masasabi na ang kapangyarihan at impluwensya ng Cape Consortium ay pambihira talaga.

Si Faye dapat ang unang magasalita sa kasal, ngunit nauna si Xavier dahil sa kanyang posisyon bilang opisyal sa gobyerno.

Sa sandaling ito, naglakad si Faye papunta sa entablado suot ang kanyang ivory evening dress.

Sina Blake, Yvonne, Xavier, at ang ibang mga bisita ay nag palakpakan ng malakas.

Ang palakpakan ay mas malakas pa kaysa noong nasa entablado sina Blake at Yvonne.

Sa sandali na tumigil ang palakpakan, ngumiti ng maliit si Faye at nagsalita siya sa microphone, “Salamat sa suporta niyong lahat. Sa totoo lang, isang bisita lang ako, sa tingin ko ay hindi ako kwalipikado na magsalita para sa kasal na mag asawa.”

Tumawa ng mahina ang mga madla sa mga salitang ito.

Masyadong mabait si Ms. Yves. Baka siya ang pinaka kwalipikado sa kanilang lahat.

Gayunpaman, nagpatuloy si Faye, “Sa tingin ko ay dapat nating paakyatin ang tunay na boss, ang may ari ng Cape Consortium, si Mr. Wilbur Penn, para umakyat dito upang magsalita.”

Nabigla ang lahat at akala nila ay mali ang kanilang pagkakarinig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status